You are on page 1of 30

I.

LAYUNIN:

Sa katapusan ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang makapagtatamo ng 80% pagkatoto sa mga
sumusunod:

1. Matukoy ang pinagmumulan ng pambansang kita at bagay na pinagkakagastusan dito;

2. Maipaliliwanag kung paano mababatid ang kabuuang produksiyon ng bansa;

3. Makompyut ang GNP sa iba’t ibang pamamaraan; at

4. Matukoy ang mga limitasyon sa pagsukat ng GNP.

II. Paksa:

Aralin 36 – PAMBANSANG KITA

III. Pamamaraan:

A. Balitaan

B. Balik-aral

Ano ang pagkakaiba ng mga sumusunod:

-GNP at GDP
-Potential at Actual GNP

-Nominal at Real GNP

C. Pagganyak

D. Paglinang ng Aralin

@ Unang Bahagi

1. Balikan ang talakayan tungkol sa paggamit ng salapi bilang kabayaran ng dalawang sektor sa Paikot
na Daloy ng Produkto at Serbisyo. Saan nanggagaling ang kita ng bawat sektor?

2. Ano ang mapapansin sa halaga ng pagkunsumo ng bawat sektor sa ganitong sitwasyon? May
kaugnayan ba ito sa kitang natatamo?

3. Ihalintulad ito sa pagbatid ng kabuuang kita ng bansa. Sa paanong paraan masusukat ang
pambansang kita?

4. Talakayin ang iba’t ibang paraan sa pagsukat ng GNP.

5. Tukuyin ang mga element na bahagi sa pagkokompyut ng GNP sa iba’t ibang paraan.

6. Bakit sinasabing hindi lubusan o tiyak ang mga nakukuhang GNP o GDP? Ano ang mga salik na
nakaapekto dito?
7. Pag-usapan ang tungkol sa Undergound Economy.

@ Ikalwang Bahagi

- Pagsasanay sa pagkokompyut

E. Pagpapahalaga

Bakit mahalaga na humingi tayo ng resibo sa bawat pagbili natin ng produkto at serbisyo?

F. Paglalahat

Ilahad kung paano sinusukat ang GNP sa tatlong pamamaraan.

G. Ebalwasyon

I. Tama o Mali.

1. Ang kabuuan ng GNP ay magkakapareho kahit na anong paraan ang gagamitin sa pagsukat nito.
(Tama)

2. Ang GNP ay sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. (Mali)

3. Negatibo ang lumalabas na NFIFA kapag mas mataas ang kita ng mga Pilipino sa labas ng bansa kaysa
sa kita ng mga dayuhan sa loob n gating bansa. (Tama)
4. Ang positibong NFIFA ay may positibong epekto sa ekonomiya. (Mali)

5. Ang kita ng entrepreneur ay bahagi ng gastusin ng kompanya. (Tama)

II. Tukuyin ang mga sumusunod:

1. Tumutukoy sa labis o kulang sa pagsukat ng GNP. (Statistical Discrepancy)

2. Di-tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo na nilikha matapos ibawas ang
anumang subsidi na ibinibigay ng pamahalaan. (Indirect Business Taxes)

3. Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito, kailangan munang alamin ang GDP at saka idadagdag ang NFIFA.
(Industrial Origin Approach)

4. Isang instrument sa pagsukat ng GNP sa paraang pagsasama-sama ng lahat ng gastos ng bawat sektor
ng ekonomiya. (Final Expenditure)

5. Ito ang tinatawag na depresasyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makinarya o gusali
kung ang mga ito ay unti-unti ng naluluma o nasisira. (Capital Consumption Allowances)

III. Kompyutin ang GNP sa tatlong pamamaraan at gamitin ang mga datos sa ibaba: (GNP current Price
ng 2010).

Agrikultura

1,138,334

Industriya
2,318,882

KEM

2,195,444

NFIFA

1,131,067

2,431,373

2,364,761

KK

1,542,001

5,674,966

1,124,644

CCA

799,508
G

809,688

KEA

870,985

SD

3,008

KP

3,002,537

Serbisyo

4,221,702

IBT

399,510

IV. Kompyutin ang Growth Rate sa taong 2010 (GNP Current Price) ayon sa GNP current price ng taong
2009 na P7, 409, 370.

IV. Kasunduan:

1. Ano ang ugnayan meron ang kita sa pagkunsumo at pag-iimpok?


2. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod:

a) Consumption Function

b) Savings Function

c) Marginal Propensity to Consume

d) Average Propensity to Consume

e) Marginal Propensity to Save

f) Average Propensity to Save

Posted on November 9, 2015 by Beylee Boiles

Ito po ay isang powerpoint presentation. Paki-click ng link para sa kopya nito. Maraming Salamat po ! :)

Pamilihan at Pamahalan ppt.

photo (c) : www. google.com


Posted in Ekonomiks IV | Leave a comment

Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya (Buod)

Posted on November 6, 2015 by Beylee Boiles

Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya Bahaging Ginagampanan sa


Paikot na Daloy

Sambahayan o Konsyumer ng mga


tapos na produkto at
kalakal na nilikha ng
bahay-kalakal

o Suplayer ng mga salik


ng produksiyon

Bahay-Kalakal o Konsyumer ng mga


salik ng produksyon
na nagmumula sa
sambahayan

o Suplayer ng mga
tapos na produkto at
kalakal

o
Pamahalaan o Nangongolekta ng
buwis sa
sambahayan at
bahay-kalakal

o Nagkakaloob ng
serbisyong
pampubliko (transfer
payments)

Panlabas na Sektor o Nagbebenta sa ibang


bansa (Export)

o Bumibili sa ibang
bansa (Import)

Bahaging Ginagampanan sa
Paikot na Daloy
Mga Uri ng Pamilihan sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya

Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon o Nagbebenta ang


sambahayan ng mga
salik ng produksiyon
(input – lupa, kapital,
paggawa,
entreprenyur)

o Bumibili ang bahay-


kalakal ng mga salik
ng produksiyon
(input – lupa, kapital,
paggawa,
entreprenyur)

Wq o Nagbebenta ang
bahay-kalakal ng mga
tapos na produkto at
Pamilihan ng mga Kalakal at Paglilingkod paglilingkod

o Bumibili ang
sambahayan ng mga
tapos na produkto at
paglilingkod

Pamilihang Pinansyal o Nag-iimpok ang


sambahayan

o Umuutang ang
bahay-kalakal

Mga Inilalarawan ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Unang Modelo : Simpleng Ekonomiya

Ikalawang Modelo : Sistema ng Pamilihan

Ikatlong Modelo : Pananalapi (Pamilihang Pinansiyal)

Ikaapat Modelo : Pamahalaan

Ikalimang Modelo : Panlabas na Sektor


Ang Ikalimang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng isang bukas na ekonomiya
kung saan ang bansa ay nakikipag-ugnayan sa panlabas na sektor upang matugunan ang mga
pangangailangan nito.

photo credits: http://www.google.com, rappler.com

Posted in Ekonomiks IV | Leave a comment

Mga Institusyong Pinansiyal: Bangko, Bahay-sanglaan, at Kooperatiba

Posted on January 10, 2015 by Beylee Boiles

Mga Institusyong Pananalapi

o nagsisilbing tagapamagitan sa mga transaksiyong may kinalaman sa pananalapi

Sektor ng pananalapi – ay binubuo ng mga bangkong institusyon at mga hindi bangkong institusyon
subalit nagsasagawa ng mga tungkuling may kaugnayan sa pananalapi

Mga Bangkong Institusyon

1. Bangkong Komersyal (Commercial Banks) – maaaring pribadong lokal o dayuhang pag-aari. Ito
ay binubuo ng mga malaking bangko na maaaring tumanggap ng deposito sa publiko. Ito ay may
kakayahan ding magbukas ng iba’t ibang sangay sa buong

bansa. Dalawang Uri ng Bangkong Komersiyal

o Non-expanded commercial bank – nagkakaloob lamang ng pautang na babayaran sa loob


lamang ng maikling panahon, hal. Philippine Veterans Bank, Bank of Commerce

o Expanded commercial bank – may mas malawak na gawain tulad ng pagpapairal ng mga credit
card at pagpapautang na maaaring bayaran sa matagal na panahon, hal. UCPB, RCBC, BPI

2. Bangko sa Pagtitipid (Thirft Banks) – binubuo ito ng mga bangko na pangunahing layunin ay
humikayat sa pag-iimpok at pagtitipid. Ito ay nagkakaloob ng pondo para sa agrikultura at
industriya sa makatuwirang interes.

Ang mga sumusund ay kabilang sa thrift bank:

o Stock Savings and Loan Association – tumatanggap ng impok ng mga kasapi, nagpapahiram ng
salapi, nagbibigay ng dividend sa mga kasapi

o Savings and Mortgage Bank – tumatanggap ng deposito at sangla ng mga mamamayan

o Private Development Bank – nagpapahiram ng puhunan sa small and medium scale industries

3. Bangkong Rural (Rural Banks) – itinatag sa ilalim ng Republic Act 720 o ang Rural Banks Act.
Itinatag upang tulungan ang mga maliliit na mamimili at maliliit na prodyuser, tulad ng mga
magsasaka at mangingisda. Layunin nitong mapabuti ang kalagayang panlipunan at
pangkabuhayan sa mga kanayunan.

Mga Espesyal na Bangko

o mga bangkong pag-aari ng pamahalaan, ito ay nasa ilalim ng


pangangasiwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mga bangkong ito ay may natatangi o espesyal
na gawaing tutugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan. Hal: Land Bank of the
Philippines, Development Bank of the Philippines

Mga Institusyong Hindi Bangko

o mga institusyon ng pananalpi na hindi maituturing na bangko subalit nagsasagawa ng mga


tungkuling may kaugnayan sa pananalapi

1. Government Service Insurance System (GSIS) – nagbibigay ng life insurance sa mga kawani o
empleyado ng pamahalaan, maging sa mga kawani ng mga korporasyong pag-aari at kontrolado

ng pamahalaan.

2. Social Security System (SSS) – nagbibigay ng life insurance sa mga empleyado ng pribadong
kompanya

3. Pag-IBIG Fund (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno) – layuning


matulungan ang bawat kasapi lalo na sa pabahay (housing)

4. Kooperatiba – may layuning panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at pagkakaisa

5. Bahay-Sanglaan (Pawnshop) – itinatag upang magbigay ng pautang sa mga taong


nangangailangan ng salapi sa pangmadaliang panahon.

Essential Question: Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyon ng
pananalapi sa lipunan?

Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon

images: google.com

Posted in Ekonomiks IV | Leave a comment

Sektor ng Industriya

Posted on January 10, 2015 by Beylee Boiles

Sektor ng Industriya (powerpoint presentation)


Ito ay isang Powerpoint presentation. I-click ang Sektor ng Industriya para sa kopya ng post na ito.
Maraming salamat po.

Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon

images: google.com

Posted in Ekonomiks IV | Leave a comment

Mga Sektor ng Ekonomiya

Posted on January 20, 2014 by Beylee Boiles

ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA

–naglalayong maisulong at mapabuti ang kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ang antas
ng kanilang gawain

Mga Kabilang Sektor ng Agrikultura:

o pagsasaka

o paghahayupan

o pangingisda

o paggugubat

o pagmamanukan
Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura

agrikultura — ay isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyales
mula sa likas na yaman

1. Nakapaghahatid ito sa bansa ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba’t


ibang panig ng daigdig.

2. Tinitiyak nito na may makakain ang mga Pilipino sa kanilang hapag.

3. Napapakinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa bansa dahil sa paglinang ng mga


magsaska, manggagawang-bukid, katiwala at iba pa.

4. Nakatutulong nang malaki ang agrikultura sa ibang sektor ng ekonomiya tulad ng


pagmamanupaktura at kalakalan.

Mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

1. Mataas na gastusin sa pagsasaka

2. Malawakang pagpapalit-gamit ng Lupa

3. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal

4. Maliit na pondong laan para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya

5. Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa

o Malaking bilang ng mga Pilipino ang umaasa sa agrikultura bilang ikinabubuhay. Ang
pangunahing produkto sa pagsasaka batay sa bigat ng ani ay tubo, niyog, palay, mais, saging,
kape, at abaka.

ANG SEKTOR NG PANGISDAAN AT PAGGUGUBAT


Tatlong Uri ng Subsektor ng Pangisdaan

1. Komersiyal — produksiyon ng isda gamit ang bangka na may bigat na higit sa tatlong gross ton

2.Munisipal na pangingisda — produksiyon ng isda sa katubigang sakop ng munisipalidad

3. Aquaculture — kontroladong paraan ng produksiyon ng isda at iba pang yamang tubig

Kahalagahan ng Yamang Tubig:

1. Dito kumukuha ng ikinabubuhay ang maraming mamamayan sa bansa.

2. Dito nanggagaling ang malaking bahagdan ng kinokonsumong pagkain ng mga mamamayan.

3. Malaki ang kinikita ng pamahalaan at pribadong sektor sa pamamagitan ng pagluluwas ng mga


yamang tubig sa iba;t ibang panig ng daigdig.

Aquaculture: Umuunlad na Subsektor ng Ekonomiya

Kahalagahan ng aquaculture sa ekonomiya ng bansa:

o Nakapagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming mamamayan.

o Napupunan nito ang bumababang dami ng huli mula sa karagatan at iba pang anyong tubig.

o Nakatutulong ito sa ibang kaugnay na industriya tulad ng mga pagkain sa isda (feeds) at food
processing.

o Nakapagpapasok ito sa bansa ng malaking halaga ng dolyar dahil sa kita mula sa mga
produktong iniluluwas sa ibang panig ng daigdig.
o Napapakinabangan ang mga nakatiwangwang na lugar upang makapagpatayo ng fishpond at
mapagkakakitaan.

Mga Suliranin sa Sektor ng Pangingisda

1. Mapanirang operasyon ng Malalaking Komersiyal na mangingisda

2. Lumalaking populasyon sa bansa

3. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

SEKTOR NG PAGGUGUBAT

Kahalagahang ng Sektor ng Paggugubat

o pinagkukunan ito ng mga sangkap para sa paggawa ng gamot

o pinagkukunan ito ng mga materyales para sa paggawa ng bahay at muwebles

o nagsisilbi itong tirahan ng mga wildlife

o pinagkukunan ito ng mga hilaw na materyales upang makapagmanupaktura ng papel at iba pang
kagamitan

o nagsisilbi itong proteksiyon ng mamamayan laban sa malalakas na hangin bunga ng bagyo

o nagsisilbi itong natural na imbakan ng tubig

Mga Suliranin sa Subsektor ng Paggugubat

o Patuloy na pagtaas ng populasyon

o Ilegal na pagpuputol ng puno

o Mga sakuna

Pagpapahalaga:

Sinasabing mahirap pagsabayin ang kaunlarang pangkabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran


(environment vs. development). Ang walang habas na pagputol ng puno sa kabundukan ay katumbas ng
malaking salaping salapi dulot nito sa kabuhayan ng mga taong umaasa rito. Bilang isang mapanuring
mamamayan, anong programang pangkabuhayan ang dapat ilunsad ng pamahalaan na may katiyakang
ang kapaligiran ng hindi mapinsala at ang balanse ng kalikasan ay naitataguyod?

SEKTOR NG PAGLILINGKOD
o tumutukoy sa sektor na nagbibigy ng serbisyo sa transportasyon, komunikasyon, media,
pangangalakal, pananalapi, serbisyo mula sa pamahalaan, at turismo

o ito ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at


pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa

Kabilang sa sektor ng paglilingkod ang sumusunod:

Subsektor ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi,
transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, serbisyong medikal, mga OFW

Kahalagahan:

Ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay may mahalagang papel sa takbo ng pambansang ekonomiya,
sapagkat sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo para sa kaunlarang
pang-ekonomiya.

Malaki ang naiaambag nito sa GDP ng bansa

Suliranin:

Brain Drain – isang penomenon kung saan unti-unting nauubos ang mga propesyonal na manggagawa
dahil sa pangingibang-bansa

Mababang Pasahod

Kakaunting benepisyo
IMPORMAL NA SEKTOR

Katangian ng impormal na sektor:

o Hindi nakarehistro sa pamahalaan

o Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo

o Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa


pagnenegosyo

Kabilang sa impormal na sektor ang mga sumusunod:

Sidewalk vendors, nagtitinda ng sigarilyo sa lansangan, nagpapasada ng pedicab, naglalako ng gulay at


isda, nagbebenta ng prepaid cell card, naglalako ng kakanin at iba pa.

Ilan sa mga pinaniniwalaang dahilan kung bakit pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na
sektor:

o Upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan

o Upang makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa


pamahalaan

o Upang makapaghanapbuhay na hindi kakailanganin ang masyadong malaking kapital o puhunan

o Upang mapangibabawan ang matinding kahirapan

Kahalagahan ng Impormal na Sektor


o Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi nakapasok bilang mga regular na empleyado sa
isang kompanya

o Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay

o Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mamamayan

o Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan

o Malaki ang naitutulong nito ng mga kalakal at serbisyo nito dahil sa murang halaga

Dahilan ng Paglaganap ng Operasyon ng Impormal na Sektor

o Kawalan ng sapat na regulasyon mula sa pamahalaan

o Labis na regulasyon mula sa pamahalaan

Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya

o Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis ng pamahalaan

o Banta sa kapakanan ng mga mamimili

o Paglaganap ng mga ilegal na gawain

Panganib sa Impormal na Sektor

o Maaaring walang sapat na proteksiyon sa katawan ang mga manggagawa habang nagtatrabaho

o Mapanganib sa mga naglalako (ambulant vendors) ang kalsada dahil sa mga ruumaragasang
sasakyan

o Kalimitan hindi sila sakop ng insurance

o Dahil sa kawalan ng nasusulat na kontrata ay maaaring lumaganap ang mga kaso ng paglabag sa
kasunduan

Ang Impormal na Sektor at Globalisasyon

Pagpapaliwanag tungkol sa impormal na sektor ayon kay Yuzon:

o Maaari silang ituring na biktima ng globalisasyon

o Maaaring ituring ang gawaing ito na isang paraan ng pag-angkop ng mga mamamayan sa
masasamang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya at lipunan

Sinasalo ng impormal na sektor ang biktima ng globalisasyon tulad ng mga manggagawang nawalan ng
trabaho dahil sa pagsasara ng mga lokal na kompanya.
EKONOMIKS: MGA KONSEPTO AT APLIKASYON

Photo credits: www. google.com

Posted in Ekonomiks IV | 6 Comments

Patakarang Pananalapi

Posted on December 12, 2013 by Beylee Boiles

Patakarang Pananalapi

o ang pagmamanipula at pamamahala ng salapi sa ekonomiya

o ginagamit upang mapatatatag ang pambansang ekonomiya, inaasahan na maiimpluwensiyahan


ng salapi ang produksiyon at ang pangkalahatang pagbabago ng presyo

o tuon nito na maitakda ang dami ng salapi sa sirkulasyon ng ekonomiya

o hamon nito ang mapatatag ang mga institusyong pinansyal

money supply – ang salaping umiikot sa ekonomiya (papel na pera, barya (coins), pandepositong tseke
(checking deposit) )

Bangko Sentral ng Pilipinas – pinangangasiwaan nito ang patakarang


pananalapi ng Pilipinas

–ito ang nagtatakda kung gaano karami at kailang ilalabas angmoney supply sa ekonomiya.

o Isang paniniwala sa ekonomiks na mabilis ang pag-ikot ng salapi kapag maganda ang takbo ng
ekonomiya. Mataas ang employment rate. Mataas ang kita ng sambahayan. Madaling maitaas
ng sambahayan ang pagkonsumo. Magbubunsod ito nginflation.
o May inflation dahil hindi makaagapay ang produksiyon sa demand ng sambahayan. Ang presyo
ng bilihin ay kailangang tumaas. Kailangang mas maraming salapi ang umikot para mabili nag
nagmamahalang bilihin.

tight money policy – ang pagbabawas ng money supply upang mabawasa ang labis na paggasta at uoang
mabawasan ang money supply

easy money policy – isinasagawa kapag labis na matamlay ang ekonomiya bunga ng kakulangan
ngmoney supply. Layuning nitong pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagdagdag ngmoney
supply

SALAPI, PAG-IIMPOK, PAMUMUHUNAN

Ang sektor ng pananalapi ay binubuo ng mga nag-iimpok at


namumuhunan. Halimbawa nito ay ang mga bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop,
at stock market.

asset – ay anumang ari-arian na may ekonomikong halaga (lupa, pabrika, salapi o bonds)

bonds – ay piraso ng papel na nagpapatunay na may pagkakautang ang bahay-kalakal o pamahalaan

salapi – ay ginagamit na puhunan ng bahay-kalakal o pamahalaan

maturity date o period – ang panahon ng pagbabayad ng pagkakautang sa isang takdang panahon

stocks – inilalarawan nito ang laki ng pagmamay-ari ng isang indibidwal sa isnag bahay-kalakal.

stock-holder – isang indibidwal na may stocks sa isnag bahay-kalakal; siya ay may bahagi sa tubo ng
bahay-kalakal

dividend – ang tawag sa bahagi sa tubo

bonds at stocks – dalawang uri ng pamumuhunan na maaaring ibukas sa sambahayan

foreign investment – ang tawag sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa isang ekonomiya

foreign direct investment – ang pangmatagalan na pamumuhunan ng mga dayuhan sa isang ekonomiya

foreign portfolio investment – ang panandaliang pamumuhuna sa isang ekonomiya

MGA TATANGNAN (Monetary Policy Handles) NG PATAKARANG PANANALAPI


tatangnan (handles) – ginagamit ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang makalikha ng pagbabago sa dami
ng money supply

o Reserve Requirement – isang paraan upang makontrol ng bangko sentral ang suplay ng salapi
kung saan ang lahat ng bangko ay inaatasang magtabi ng bahagi ng kanilang deposito sa loob ng
kanilang kaha (vault). Ang salaping ito ay hindi maaaring gamitin o ipahiram ng bangko. Paniguro
ito ng bangko sentral upang hindi masaid ang salaping nasa kaha ng mga bangko upang
matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga depositor tulad ng withdrawal ng salapi.

o Discount Rate – ay ang interest na ipinapataw ng bangko sentral sa mga pautang sa mga bangko

o Open Market Operations — tumutukoy sa pagbebenta at pagbili ng pamahalaan ng securitiessa


isang open market. Isinasagawa ito upang mapigil ang pagdami o pagkaunti ng salapi sa
pagkontrol ng bangko sentral sa dami ng securities nito.

open market – dahil ang pamilihan ng securities ay nakabukas sa public auction

auction – tumutukoy sa subasta na nagpapataasan ng turingan sa presyo ng ipinagbibili ang mga


mamimili

securities – ay mga substitute ng salapi (bonds at treasury bills)

Essential Question:

Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin ng maayos ang iyong salapi


(tulad ng allowance) upang makatulong sa pagpapabuti ng ekonomiya?

EKONOMIKS: KONSEPTO AT APLIKASYON

Images courtesy of www.google.com.

Posted in Ekonomiks IV | 4 Comments

Pagbubuwis

Posted on December 12, 2013 by Beylee Boiles


Pagbubuwis – isang mekanismo kung saan ginagamit ng pamahalaan ang salapi upang makabuo ng
produkto at serbisyong pampubliko.

Iba’t ibang Uri ng Pagbubuwis

Ayon sa Layunin

1. Revenue generation – pangunahing layunin ng pamahalaan na ipataw ang mga buwis na may
ganitong uri upang makalikom ng pondo para magamit sa operasyon nito. Hal. Sales tax, income
tax

2. Regulatory – ipinapataw ang ganitong uri ng buwis upang mabawasan ang kalabisan ng isang
gawain o negosyo. Hal. Excise Tax

3. Protection – ipinapataw upang mapangalagaan ang interes ng ng hindi matatag na sektor o ang
lokal na ekonomiya mula sa dayuhang kompetisyon. Hal. Taripa

Ayon sa Kung Sino ang Apektado

1. Tuwiran (direct) – buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal.


Hal.Withholding Tax

2. Hindi tuwiran (indirect) – buwis na ipinapataw sa mga kalakal at paglilingkod kaya hindi hindi
tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal. Hal. Value-added Tax

Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw

1. Proportional – pare-pareho ang porsiyentong ipinapataw anuman ang estado sa buhay.

2. Progressive – tumataas an halaga ng buwis na binabayaran habang tumataas ang kita ng isang
indibidwal o korporasyon.

3. Regressive – bumababa ang antas ng buwis kasabay ng paglaki ng kita

Mga Isyu Tungkol sa Pagbubuwis


1. Pagpapataw ng Karagdagang Buwis

2. Mababang Koleksyon ng Buwis

o Hindi makatotohanang deklarasyon ng mga ari-arian

o Hindi pagdedeklara o hindi tamang pagdedeklara ng kinikita

o Pag-iwas sa pagbabayad ng buwis (tax evasion)

o Pandaraya sa pagsasaad ng dapat sakupin ng tax exemption

o Hindi pag-file ng income tax return

Pambansang Pagbabadyet

o Isang nasusulat na dokumento na naglalaman ng halaga ng salaping inaasahang matanggap ng


pamahalaan sa isang takdang panahon

o Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga gastusin nito

Department of Budget and Management — ang ahensyang katuwang ng ehekutibo sa paggawa ng


rekomendasyon sa sangay ng lehislatura

Apat na Yugto ng Pambansang Badyet

1. Executive Preparation

2. Budget Authorization

3. Budget Execution

4. Budget Accountability

o Ang pagbubuwis ay maaaring ituring na isang anyo ng unawaan sa pagitan ng pamahalaan at ng


mga mamamayan. Kapalit ng proteksyon at benepisyo na nakukuha ng mamamayan mula sa
pamahalaan ang pagiging tapat nila sa pagbabayad ng buwis. Ilan sa mga halimbawang
benepisyong nakukuha mula sa pamahalaan ay seguridad, batayang serbisyo publiko, sistema ng
hustisya at iba pa.
o Pangunahing layunin ng pagbubuwis ang makalikom ng sapat na pondo upang maitaguyod ang
pangkalahatang kagalingan ng mga mamamayan. Kung walang sistema ng pangongolekta ng
buwis, mapaparalisa ang takbo ng pamahalaan.

EKONOMIKS: KONSEPTO AT APLIKASYON

Posted in Ekonomiks IV | Leave a comment

Search
Search for:

ARALING PANLIPUNAN is FUN!

We should be more appreciative of our HISTORY. Revisit and rekindle the long, complicated, and
fascinating story of mankind. Recognize the full worth of our heroes in the development of our national
consciousness.

Join our Economics discussion for better understanding of how people able to utilize the limited
resources in order to meet the never-ending needs and wants of the people.

RECENT POSTS

o Pamilihan at PamilihanNovember 9, 2015

o Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya (Buod)

Saklaw ng Makroekonomiks

 Mga Institusyon sa Pananalapi

Uri ng Bangko
1.Pribadong Bangko
2.Natatanging Bangko

 Iba pang Institusyon sa Pananalapi


Banko Sentral

 Paikot na Daloy ng Ekonomiya

 Pagtutuos ng Pambansang Kita


GNP o Gross National Product
GDP o Gross Domestic Product

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pambansang Kita

 Implasyon
1.Dahilan
2.Epekto
3.Solusyon

 Patakarang Pangekonomiya
Patakarang Piskal
Paraaan ng Paglutas ng mga Suliranin

 Patakaran sa Pananalapi
Salapi at Kahalagahan nito
Suplay ng Salapi

*Bilang bahagi ng ekonomiks, nakatuon ang makroekonomiks sa kabuuan ng ekonomiya.


Naglalarawan ito ng kabuuang kita, pangkalahatang presyo, trabaho, produksyon,at gastos o
bayarin.
Nakatuon din ang makroekonomiks sa mga layunin tulad ng mataas na produksyon, mataas na
empleyo, katatagan sa presto at balanseng kalakalang pandaigdig.

Palatandaan ng paglago ng ekonomiya ang katuparan ng lahat ng mga layuning ito. Kadalasang
mahirap matupad ang naturang mga layunin dahil sa malalaking suliranin tulad ng implasyon,
kawalan ng trabaho at mataas na deficit sa dayuhang kalakalan na humahantong sa mataas na
palitan ng dayuahang salapi. Subalit sa tamang pagpili at pagpapairal ng mga patakarang pang-
ekonomiko, nabibigyan ng katapat na sulosyon ang mga suliraning ito.

ECONAMIC INDICATORS

*ito ang instrumento upang ilahad ang anumang pagunlad na narating ng isang bansa.

 GNP o Gross Domestic Products


Ito ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbusyong nagawa ng isang bansa sa
loob ng isang taon.

POTENTIAL GNP
Ang kabuuang produksyon na tinatantya ayon sa kakayahan ng mga salik tulad ng bilang ng
manggagawa, ilang oras ngtatrabaho ang mga ito, mga makinarya at teknolohiya at mga likas na yaman.

ACTUAL GNP
Ito ang nagsisilbing BAROMETRO upang alamin kung nagging makabuluhan at epektibo ang pamahalaan
sa paggamit ng mga salik ng produksyon upang matamo ang Potential GNP.

GNP AT CURRENT PRICE O NOMINAL GNP


Kabuuang produksyon ng bansa na nababatay sa pangkasalukuyang presyo sa pamilihan.

GNP AT CONSTANT PRICE O REAL GNP


Ang halaga ng produksyon ng bansa na ibinabatay sa presyo ng mga nakalipas na taon.
GROWTH RATE=

GNP ng kasalukuyang taon – GNP ng nakalipas na taon


_______________________________________

GNP ng nakalipas na taon X 100

MGA PARAAN NG PAGSUKAT NG GNP

 Factor Income Approach

a. National Income
Kita ng Empleyado at Manggagawa (KEM)
Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian
Kita ng Kompanya o Korporasyon
Kita ng Pamahalaan

b. CCA o Capital Consumption Allowance

c. IBT o Indirect Business Taxes

GNP =NI + IBT + CCA

 Final Expendeture Approach

Gastusin ng Pamahalaan
Gastusin ng Personal na Sektor
Gastusin ng Kompanya
Gastusin ng Panlabas Na Sektor o Export
Net Factor Income From Abroad
Statistical Discrepancy

GNP = G + P + K + (x-m) + NFIFA + SD

 Industrial Origin

Industriya
Agrikultura
Serbisyo
NFIFA

GNP = INDUSTRIYA + AGRIKULTURA + SERBISYO + NFIFA

Ugnayan ng Kita, Pag- iimpok, at Pagkonsumo

Consumption Function
Ang pagkonsumo ay nagpapakita ay iasang mahalagang Gawain na nakapaloob sa Paikot na Daloy ng
Produkto at Serbisyo na kung saan ipinakikita nito ang relasyon ng pagkonsumo sa kita. May iba pang
salik na nakakaimpluwensya sa pagkonsumo maliban sa kita. Ito ang pagbabago ng populasyon, laki ng
pamilya, edad, panlasa, hanapbuhay at marami pang iba.
Marginal Propensity to Consume

Average Propensity to consume

Savings Function

Nagpapaliwanag ng relasyon pag-iimpok sa kita na tinatanggap ng sambahayan. Nangangahulugan na


ang pag-iimpok ay anumang kita na hindi nagastos.
Marginal Propensity to save

Average Propensity to Save

TANDAAN!!!
Ang anumang kinita ng sambahayan na hindi nagastos at iniimpok ay bumabalik sa daloy ng ekonomiya
sa pamamagitan ng pagbabangko kung saan ang perang naiimpok ay ipinapautang sa mga
enterprenuer o negostante.

IMPLASYON

*Tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng bilihin sa halos lahat ng pamilihan sa


buong ekonomiya.

DAHILAN NG IMPLASYON EPEKTO NG IMPLASYON SOLUSYON


Kapag tumaas ang 1. Hindi na kayang bilhin ng 1. Ipinatupad ng
suplay ng salapi at piso ang dating dami at uri Bangko Sentral
tumaas din ang kita ng kalakal at paglilingkod ng Pilipinas ang
at demand kaysa kaya’t kailangang magdag- mga Patakaran
produksyon. dag ng piso. sa Pananalapi
ng bansa.

Kapag tumaas ang 2. Mababang sahod ng mga 2. Sa Sektor ng palitan ng piso dahil sa kakulangan sa
mangagawa tulad ng Produksyon,
dolyar guro. dapat na taasan
re Produktibidad
bansa. lalo na sa
pagsasaka.
3. Kapag tumaas ang 3. Ang pag-iimpok ng salapi 3. Isaayos ang pag
gastos sa produksyon sa bangko ay walang kita pagkonsumo.
tataas din ang presyo o nalulugi pa. ng nilikhang produkto.
4.Pakikipagkalakalan 4. Apektado ang buwis 4.Wastong paraan
sa ibang bansa. darami ang negostyante ng paggastos at
na mandaraya sa bayaran pagkonsumo
at iiwas sa pagbabayad. ang solusyon
sa suliranin.
5.Kapag malaki ang 5. Mahinang pag-iimpok
gastos ng pamahalaan ng mababang capital o
kaysa kita mula sa puhunan,
buwis,tataas ang suplay. Maaaring ang ilang
pagawaan ay magsara at
mawawalan ng trabaho
ang maraming manggagawa.

Posted by ekanamiks4-bokia.blogspot.comat 3:08 AM

14 comments:

You might also like