Professional Documents
Culture Documents
(All topics)
Aralin 1
Unang Modelo
• Simpleng ekonomiya
• Ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa
• Ang lumilikha at sya ring consumer
Ikalawang Modelo
• Sambahayan at bahay kalakal ang Pangunahing sektor (mag kaiba na sila)
• Sambahayan ang may demand at bahay kalakal ang may kakayahang lumikha ng produkto
• Dito pumapasok ang
Pamilihan ng Salik at Produksiyon
• Nag – uugnay sa Bahay kalakal at Sambahayan
• Dito bumibili ang bahay kalakal ng mga input sa produksiyon gaya ng lupa, paggawa, at kapital mula sa sambahayan
Halimbawa: Hardware stores
Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod
• Dito naman bumibili ang sambahayan ng mga tapos na produkto mula sa sambahayan
Halimbawa:Grocery Stores, Convenience Stores, Palengke, atbp.
Ikatlong Modelo
• Sa modelong ito ay isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay kalakal ang kanilang kinabukasan
• Nag uumpisa dito ang konsepto ng pag iimpok ng sambahayah at pamumuhunan naman ng bahay kalakal sa pamamagitan ng
Pamilihabng Pinansiyal
• Ito ay nirerepresenta ng broken lines sapagkat kung walang pagpaplano sa hinaharap ang mga aktor ay walang pamumuhunan at
pag iimpok na magaganap
Pamilihang Pinansyal
• Dito nag iimpok ang sambahayan upang ipahiram sa mga namumuhunan upang mapalago at mapaikot ang pera ng sambahayan.
Halimbawa: Bangko, Pawnshop, Kooperatiba, atbp.
Ikaapat na Modelo
• Modelo kung saan ang pamahalaan ay lumalahok na sa sistema ng pamilihan.
• Broken lines din ang gamit dito sapagkat takdang gawain ito ng sambahayan at bahay kalakal sa pamilihan
• Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatatkda ng kabuuang gastusin ng samahayan, bahay kalakal at pamahalaan
Pamahalaan
• Taga kolekta ng buwis ng sambahayan at bahay kalakal para sa pampublikong serbisyo
Ikalimang Modelo -
• Dito lamang nag bubukas ang ating ekonomiya at nakikipag ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya sapagkat dito nag
eexport o nagluluwas ng produkto ang bahay kalakal at nag iimport naman ang bahay kalakl mula dito. Hindi kase lahat ng
kailangan natin ay matatagpuan sa ating bansa.
Reviewer in A.P. (All topics)
Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue ang kahalagahan ng pagsusukat ng pambansang kita ay ang sumusunod:
1. Nagbibigay ng ideya sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon
2. Masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malaman kung umunlad o bumababa
3. Nagiging basehan ng mga Nagpaplano sa ekonomiya tungkol sa mga patakaran at polisiya na nararapat ipatupad upang mapaunlad
ang performance ng ekonomiya
4. Kung walang sistematikong paraan ng pagsukat ng pambansang kita, magiging haka haka lamang at hindi kapani paniwala ang
mga datos
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya
• Mga hilaw na sangkap (upang maiwasan ang pagdodoble ng halaga nito kapag naging tapos na produkto)
Halimbawa: Sinulid
• Mga hindi Pam pamilihang gawain, kung wala namang kinikitang salapi ang gumagawa nito
Halimbawa: Pagtatanim ng gulay sa bakuran para sa sariling pagkunsumo
• Mga produktong nabubuo sa mga inpormal na sektor o underground economy
Halimbawa: Street Vendors (o ano mang mga hindi rehistradong negosyo)
• Mga produktong segundamano sapagkat naisama na ang halaga nito noong bago pa lamang ito
• Kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto sa loob ng itinakdang panahon o bansa.
• Kabilang dito ang mga ginawang produkto at serbisyo ng mga dayuhan
Price Index
• Sinusukat ang average na pagbabago sa pesyo ng mga produkto at serbisyo.
Growth Rate
• Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon.
Aralin 4: IMPLASYON
Implasyon
• Tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods
Hyperinflation
• Naganap sa Germany noong 1920
• Maging sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng Hapon
• Ang ginagamit sa pagsukat ng inplasyon ay ang CPI o Customer Price Index
1. GNP Inflicit Price Index o GNP Deflator – Ito ang average price index para mapababa ang kasalukuyang halaga ng GNP at masukat
ang totoong GNP.
2. Wholesale or Producer Price Index (PPI) – Index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang mnagtitingi para sa mga
produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.
3. Consumer Price Index (CPI) – Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer.
Mga Dahilan Ng Implasyon
Demand Pull
• Nagaganap kapag lumalaki ang paggasta ng sambahayan, bahay kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor ngunit hindi naman
paglaki ng kabuuang produksiyon na nagreresulta sa shortage at pagtataas ng presyo ng mga bilihin upang mabawasan ang demand.
Cost Push
• Ang pagtaas ng gastusing pamproduksiyon na nag bubunga sa pagtaas ng pang kalahatang presyo ng tapos na produkto.
Pagtaas ng suplay ng salapi ------> tataas ang demand o paggasta kaya mahahatak ang presyo pataas
Pagdedepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap ------> kapag tumaas ang palitan ng piso sa dodlyar, maaapektuhan ang mga
produktong bumabase sa hilaw na materyales mula sa importasyon.
Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar ------> Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso na nag
bubunga sa pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Kalagayan ng pagluluwas (Export) ------> Kapag nagkukulang ang suplay sa local na pamilihan dahil sa pagluluwas, nagiging sanhi ito
ng shortage na nagreresulta sa implasyon
Pambayad Utang ------> Sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi ng pambansang badyet ay mapupunta sa pambayad utang
ng bansa
Patakarang Piskal
• Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis.
• Ayon sa aklat ni Balitao et. al (2014), ang patakarang Piskal ay “tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta
upang mapabago ang galaw ng ekonomiya”
Expenditure Program
• Tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang matugunan ang mga pananagutan o obligasyon ng pamamahala
sa loob ng isang taon.
Ang nasabing ceiling ay suportado ng mga pinagkukunang pinansyal. Nahahati ito sa tatlo:
Patakarang Pananalapi
• Ang patakarang pananalapi ay pinapairal ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas upang makontrol ang suplay ng salapi sa
sirkulasyon.
3. Rediscounting Function
• Kapag nalulugi ang isang bangko, ang BSP lamang ang maaaring magpautang rito, Upang maparami ang salapi sa sirkulasyon,
Kapag nais magbawas ng BSP ng salapi sa sirkulasyon, itinataas nito ang discount rate sa perang ipinapahiram nito. At binababaan
naman kung nais magparami ng salapi sa sirkulasyon.
• Discount Rate ang tawag sa interes na ipinapataw ng BSP sa perang ipinapahiram nito sa bangko
1. Institusyong Bangko
• Ito ang mga institusyong tumatanggpap ng salapi mula sa tao, korporasyon, at pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng
interes o tubo, qng halagang iniglak ng mga tao bilang deposito ay lumalago.
Uri ng Mga Bangko
1. Commercial Banks
• Malalaking bangko na may malalakking kapital
• May sangay saan mang panig ng kapuluan
2. Thrift Banks
• Mga di kalakihang bangko na nagsisilbi sa mga maliliit na negosyante
• Pinapayagan ding magpautang sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng mga ito ng government securities.
3. Rural Banks
• Kalimitang matatagpuan sa mga lalawigang malayo sa Maynila
• Tumutulong sa mga magsasaka at maliliit na negosyante
1. Kooperatiba
• Isang samahan ng mga boluntaryong taong nagkakaisa para makamit ang kanilang karaniwang pang-ekonomiya, panlipunan at
pang-kalinangang mga hangad at pangangailangan sa pamamagitan ng pag – aambag ng puhunan at makibahagi sa tubo.
3. Pension Funds
a. Government Service Insurance System (GSIS)
• Nagbibigay ng life insurance sa mga kawani ng gobyerno
b. Social Security System (SSS)
• Ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya
c. Pag – IBIG Fund
• Itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.
4. Registered Companies
• Mga rehistradong kompanya na nagbabayad ng filling fee
5. Pre – Need
• Pinag kalooban ng lisensya na mag alok ng pre – need plans. Ang pre – need plans ay kontrata ng pagkakaloob ng mga
karampatang serbisyo sa takdang panahon
6. Insurance Companies
C. Mga Regulator