You are on page 1of 8

PAMBANSANG KITA

•Malalaman kung may narrating na pagsulong at pag-unlad


ang ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsusuri
sa economic performance nito. Sa pamamagitan ng paggamit
ng mga economic indicators ay nasusukat ang kasiglahan ng
ekonomiya. Ito ay mga instrument na maglalahad sa
anumang narating na pagsulong at pag-unlad ng isang
ekonomiya.
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA

• 1.Nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya


• 2.Masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya
• 3.Gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at
• 4.Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-
haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung
gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
• 5.Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang
kalusugan ng ekonomiya.
GROSS NATIONAL INCOME (GNI)

• Ang Gross National Income (GNI) na dating


tinatawag ding Gross National Product ay tumutukoy sa
kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at
serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob ng
isang taon.
PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) SA GROSS DOMESTIC PRODUCT
(GDP)

• Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang


pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng itinakdang panahon.
• Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig
sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang
produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na
matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.
MGA PARAAN SA PAGSUKAT NG GNI

• 1. PARAAN BATAY SA PAGGASTA (EXPENDITURE APPROACH)

a. Gastusing personal ( C )
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I)
c. Gastusin ng pamahalaan (G)
d. Gastusin ng panlabas na sector (X_M)
e. Statistical discrepancy (SD)
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
Formula
GNI= C + I + G (X_M) SD + NFIFA
1.Paraan Batay sa Paggasta Sa paraang ito, GDP= GP+GG+GK+ (X-M )
(Expenditure Approach) pagsasamahin ang GNI= GDP + NFIFA + SD 
pinagkakagastusan ng bawat
sector.
2.Paraan batay sa Sa paraang GDP= Agrikultura +Industriya
pinagmulang Industriya ito,pagsasamahin ang + Serbisyo 
(Industrial Origin/ Value kabuuang halaga ng GNI= GDP + NFIFA
Added Approach) produksiyon ng mga
pangunahing industriya ng
bansa.

3. Paraan batay sa kita Sa paraang ito, GNI= KG+KEA+KEM+KK


(Income Approach)  pagsasamahin ang
kabayaran ng bawat salik ng
produksiyon na nagsisilbing
kita nito.
MAHALAGANG MASUKAT ANG PAMBANSANG
KITA DAHIL:
• Nagbibigay ito ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya ng isang partikular na taon
at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.
• Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon
na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may angaganap nap ag-unlad o pagbaba sa
kabuuang produksiyon ng bansa.
• Magiging gabay ng mga nagplaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya.
• Kung walang sistematikong paraan, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay
na batayan.
• Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.

You might also like