You are on page 1of 68

Week 3 Melc 13

Pamamaraan at
Kahalagahan ng
Pambansang Kita
Nasusuri ang pamamaraan at
kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita
(MELC 13)
1. Natatalakay ang mga pamamaraan sa
pagsukat ng pambansang produkto
2. Naipaliliwanag ang mga kahalagahan sa
pagsukat ng pambansang kita.
3. Napapahalagahan ang bahaging
ginagampanan ng pambansang kita sa pag -
unlad ng ekonomiya ng bansa.
BALITANG UMAARANGKADA!
Mga Pamprosesong Tanong:

1 Tungkol saan ang balita?


Bakit mahalagang malaman ang
2 balitang ito?
Mga Pamprosesong Tanong:

Mula sa balita, paano tayo


3 naaapektuhan nito sa ating
pang-araw araw na
pamumuhay?
Balik-aral : Paikot na
daloy ng ekonomiya
Mga Pamprosesong Tanong:

Talakayin ang mga bahagi


ng modelo ng paikot na
daloy ng ekonomiya
Panuto: Piliin ang titik
ng pinakawastong
sagot. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Paunang Pagtataya :

1 Ito ay tumutukoy sa kabuuang


pampamilihang halaga ng produkto
at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa sa
isang takdang panahon.
A. Gross International
Income
B. Gross National Income
C. Net Factor Income
D. Statistical Discrepancy
Paunang Pagtataya :

2 Alin sa mga sumusunod ang


hindi ginagamit sa paraan sa
pagsukat ng Gross National
Income (GNI)?
A. Expenditure Approach
B. Economic Freedom Approach
C. Industrial Origin Approach
D. Income Approach
Paunang Pagtataya :
Ito ay isa sa paraan ng pagsukat ng
3 pambansang kita kung saan ito ay
nabibilang sa paraan ng paggastos
(expenditure approach) na tumututukoy
sa mga gastusin ng mga mamamayan
tulad ng pagkain, damit at serbisyo .
A. Gastusin ng pamahalaan
B. Gastusin ng mga namumuhunan
C. Gastusing personal
D. Gastusin ng panlabas na sector
Paunang Pagtataya :
Alin sa mga sumusunod
.

4 ang nakakaapekto sa
Gross Domestic Product ng
bansa?
A. Mataas na remittance ng mga
Overseas Foreign Workers (OFW)
B. Masiglang pakikipagkalakalan
ng Pilipinas sa ibang bahagi ng
mundo
C. Maayos na pamumuno ng
pamahalaan sa pamumuhunan
D. Wala sa mga nabanggit
Paunang Pagtataya :
.Si Mrs. Park ay isang Koreana na
5 nagtatrabaho sa Pilipinas. Saan
dapat isinasama ang kanyang
kinikita kung siya ay nagtatrabaho
dito sa Pilipinas subalit siya ay
isang Koreana?
A. Sa Gross Domestic Product ng Korea dahil
mamamayan siya nito
B. Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil
nagmula ang kaniyang kinikita
C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas
dahil dito nagmula ang kaniyang kinikita
D. Sa Gross Domestic Product ng Korea at
Pilipinas dahil dito `nagmula ang kaniyang
kinikita
Gawain 1 : Larawan Suri

Panuto: Suriin ang mga larawan at


kumletuhin ang mga salita ara sa
agkakakilanlan nito. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong sa ibaba.
Gawain 1 : Larawan Suri
Mga Pamprosesong Tanong:

1 Ano ang makikita sa dalawang actor sa


larawan?
2 Sa inyong kasagutan sa bilang 1, ano ang
mabubuo ninyong hinuha o ideya batay sa
lawak ng inyong kaalaman sa paksa ?
3 Kung iuugnay ang larawan sa isng bansa,
Paano mo masasabing mayan o maunlad
ang isang bansa?
Gawain 2 : Kita kita!
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba, subukang
suriin at lagyan ng kita at gastusin ng iyong
pamilya.
Mga Pamprosesong Tanong:

Magkatulad ba ang halaga ng kita


1 at ang pinagkagastusan ng
pamilya?
Ano ang maaaring gawin kung mas
2 malaki ang pinagkagastusan kaysa
sa kita.? Ipaliwanag.
Aktibiti : Ang bawat mag-aaral ay hahanap
ng kanilang kapares. Gawin ang gawain na
nauugnay sa kahalagahan ng pagsukat sa
pambansang kita. At pagkatapos ay
magkakaroon ng isang malayang talakayan
upang masagot at maisagawa ang mga
mungkahing gawain
Mga mungkahing gawain
1. Ipaliwanag sa pamamagitan ng paggamit
ng isang graphic organizer ang iba’t ibang
kahalagahan ng pagsukat ng pambansang
kita.
2. Sa pamamagitan ng isang Klaster,
talakayin ang konsepto ng Gross National
Income.
Mga mungkahing gawain
3. Gumawa ng isang venn diagram na
nagpapakita ng pagkakaiba ng GNI at GDP
4. Gumawa ng isang tula na nagpapahayag
ng kahalagahan ng GNI at GDP
5. Gumawa ng isang slogan na may
kaugnayan sa pambansang kita.
Mga Pamprosesong Tanong:

Batay sa isinagawang pangkatang gawain ,


1 bakit mahalaga na masukat ang
pambansang kita?

2 Ano ang Gross National Income? Paaano


isinasagawa ang pagsukat ng GNI?
Mga Pamprosesong Tanong:

3 Ano ang pagkakaiba ng GNI at


GDP?
Bakit may mga gawaing hindi
4 kabilang sa pagsukat ng GNI at
GDP.
Kita -salaping tinatanggap ng
isang manggagawa kapalit ng
kanyang paggawa o serbisyo
GNI- Gross National Income (GNI) na
dating tinatawag ding Gross National
Product (GNP) ay tumutukoy sa
kabuuang pampamilihang halaga ng
mga produkto at serbisyo na nagawa
ng mga mamamayan ng isang bansa sa
isang takdang panahon.
GDP- Gross Domestic Product (GDP)
naman ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang takdang
panahon sa loob ng isang bansa.
.
Pambansang Kita

Ang sistema ng pagsukat sa pambansang


kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa
antas ng produksiyon ng ekonomiya sa
isang partikular na taon at maipaliwanag
kung bakit ganito kalaki o kababa ang
produksiyon ng bansa
Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita

Ayon kina Campbell R. McDonell at


Stanley Bruce ng Economics
Principles, Problems and Policies
(1999) ay ang mga sumusunod:
Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita

1. Nakakapagbigay ito ng ideya tungkol sa


antas ng produksiyon ng isang bansa.
2. Malalaman natin ang direksyon na
tinatahak ng ekonomiya sa pamamagitan
ng pagkukumpara ng pambansang kita sa
loob ng ilang taon.
Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita

3. Ang mga impormasyong nakalap sa


pambansang kita ay nagsisislbing gabay
natin sa pagpaplano at pagbuo ng mga
patakaran, polisiya at programa upang
mapataas ang ekonomiya ng bansa.
Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita

4 . Ang sistematikong pagsukat ng pambansang kita


ay nagiging basehan upang ang mga datos ay
maging matibay na batayan sa pag-unlad ng
bansa
5. Maaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya
ng bansa sa pamamagitan ng National Income
account.
Pagkakaiba ng GNI sa GDP

Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income


(GNI) ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
nabuong produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng
isang bansa sa itinakdang panahon.
Pagkakaiba ng GNI sa GDP

Anumang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo ng


mga mamamayan ng isang bansa, halimbawa ang
mamamayang ito ay isang OFW sa Saudi Arabia ang
kanyang kabuuang halaga at serbisyo nabuo sa bansang
iyon ay maibibilang sa GNI
Pagkakaiba ng GNI sa GDP

Ang Gross Domestic Product (GDP) ay ang


kabuuang halaga ng produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang bansa sa isang
takdang panahon.
Anumang serbisyo o produkto na ginawa sa
loob ng isang bansa ay maibibilang dito.
Pagkakaiba ng GNI sa GDP

Halimbawa na lang ang ginawang


motorsiklo ng mga Hapon dito sa Pilipinas ay
maibibilang sa GDP.
Upang malaman kung nagkaroon ng
pagbabago sa GNI at GDP sa bawat taon
ginagamit ang pagsukat ng growth rate.
Mga Paraan ng Pagsukat sa
Gross National Income
(GNI) at Gross National
Product (GDP)
Ayon kay Villegas at Abola (1992),
may tatlong paraan ng pagsukat sa
Gross National Income:
 Paraan batay sa paggasta (Expenditure
Approach) - ang pambansang ekonomiya ay
binubuo ng apat na sektor: sambahayan, bahay-
kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor.
 Paraan Batay sa Kita ng mga Sangkap ng
Produksiyon (Income Approach)
 Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya
(Industrial Origin)
1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure
Approach)

a. Gastusing personal (C) – napapaloob dito


ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng
pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng
manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng
gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito.
1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure
Approach)

b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) –


kabilang ang mga gastos ng mga bahaykalakal
tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na
materyales para sa produksiyon, sahod ng
manggagawa at iba pa.
c. Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito
ang mga gastusin ng pamahalaan sa
pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan
at iba pang gastusin nito.
d. Gastusin ng panlabas na sektor (X – M) –
makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o
export sa inaangkat o import.
e. Statistical discrepancy (SD) – ang anumang
kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na
hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay
nagaganap sapagkat may mga transaksiyong
hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o
impormasyon.
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) –
tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito
kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang
nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa
loob ng bansa. Ang formula sa pagkuwenta ng Gross
National Income sa pamamaraan batay sa paggasta o
expenditure approach ay:
GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA
2. Paraan Batay sa Kita ng mga
Sangkap ng Produksiyon (Income
Approach)
a. Sahod ng mga manggagawa – sahod na ibinabayad
sa sambahayan mula sa mga bahay – kalakal at
pamahalaan.
b. Net Operating Surplus – tinubo ng mga
korporasyong pribado at pag-aari at pinapatakbo ng
pampamahalaan at iba pang negosyo.
2. Paraan Batay sa Kita ng mga
Sangkap ng Produksiyon (Income
Approach)

c. Depresasyon- pagbaba ng halaga ng


yamang pisikal bunga ng pagkaluma at
bunga ng tuloy tuloy na paggamit sa
paglipas ng panahon.
2. Paraan Batay sa Kita ng mga
Sangkap ng Produksiyon (Income
Approach)

d. Di-tuwirang buwis at subsidiya


1. Di-tuwirang buwis- kabilang ditto ang
sales tax, custom duties, lisensiya at iba
pang di-tuwirang buwis.
2. Paraan Batay sa Kita ng mga
Sangkap ng Produksiyon (Income
Approach)
2. Subsidiya- salaping binabalikat at binabayaran
ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng
kapalit na produkto o serbisyo. Isang halimbawa
nito ay ang pag-ako ng pamahalaan ng ilang
bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light
Rail Transit.
3. Paraan Batay sa Pinagmulang
Industriya (Industrial Origin)
masusukat ang Gross Domestic ang mga
produkto ng bansa kung pagsasamahin ang
kabuuang halaga ng produksiyon ng mga
pangunahing industriya ng bansa.
Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura,
industriya, at serbisyo.
3. Paraan Batay sa Pinagmulang
Industriya (Industrial Origin)

Sa kabilang banda, kung isasama ang Net Factor


Income from Abroad o Net Primary Income sa
kompyutasyon, masusukat din nito ang Gross
National Income (GNI) ng bansa.
Pagkakautang
Panuto: Piliin ang titik
ng pinakawastong
sagot. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Pagtataya :
Alin sa mga sumusunod ang
paraan batay sa income
1 approach na tumutukoy sa
pagbaba ng halaga ng yamang
pisikal bunga ng pagkaluma at
bunga rin ng tuloy tuloy na
pagamit paglipas ng panahon.?
A. Sahod ng mga Manggagawa
C. Depresasyon
B. Net Operating Surplus
D. Di-tuwirang Buwis
2. Ang subsidiya ay:
A. Salaping binabalikat ng pamahaalan upang
mapataas ang sahod ng manggagawa
B. Salaping binabalikat at binabayaran ng
pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na
produkto o serbisyo.
C. Salaping binabalikat ng pamahaalan upang
mabawasan ang gastusin ng pamahalaan
D. Salaping binab binabalikat ng pamahaalan upang
dumami ang proyekto ng pamahalaan
Pagtataya :

3 Bakit mahalagang sukatin


ang pambansang kita ng
bawat bansa?
A. Upang magkaroon ng datos ukol dito
B. Upang malalaman kung may
nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa
kabuuang produksiyon ng bansa.
C. Upang makaiwas sa pagkalugi ang
mga negosyante
D. Upang magsilbing basehan kung sino
ang pinakamayaman na bansa
Pagtataya :
Piliin sa mga
4 sumusunod na
pahayag ang wasto.
A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan
sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National
Income (GNI) nito.
B. Ang gawaing nagmula sa impormal na
sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI
C. Ang mga produktong segunda mano ay
kabilang sa pagsukat ng GNI
D. Ang halaga ng tapos na produkto at
paglilingkod lamang ang isinasama sa GNI
Pagtataya :
Ayon sa DTI, dumami ang mga nagtayo
ng online business simula ng nagkaroon
5
ng pandemya. Ang kita ng mga online
business ay kabilang sa pagsukat ng
pambansang kita sa paraan ng:
A. Expenditure Approach
B. Economic Freedom Approach
C. Industrial Origin Approach
D. Income Approach
Awesome
words
Thank
you
Ma’am Maria Theresa T. Gutierrez
AP-9 Teacher

You might also like