You are on page 1of 17

Ikatlong Markahan – Modyul 3

Ikatlong Linggo

2
Gabay para sa Magulang / Tagapag-alaga
Sa bahaging ito matutunghayan po ninyo ang inaasahang matututunan ng
Alamin Natin
inyong anak sa gamiti ang modyul na ito.

Inyo pong ipaunawa sa inyong anak na mahagalaga ang paunang


Subukin Natin pagsusulit upang lubusang masukat ang taglay nilang paunang
kakayahan o kaalaman (kompetensi) na nakalaan sa modyul na ito.

Mangyaring hikayatin pong mabuti ang inyong anak na alalahanin ang


Balikan Natin makabuluhang nagdaang leksiyon upang maihanda siya sa bagong
paksang tatalakayin.

Ang inyong mahalagang gampanin sa pagpapakilala sa bagong aralin ay


Tuklasin kailangan upang maitawid sa panibagong leksiyon sa pamamagitan ng
Natin tuwirang pakikilahok sa mga mapamukaw na gawain. Subaybayan tuwina
ang inyong anak l habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto.
Maaari pong subaybayan, tunghayan at itala ang pag-unlad ng inyong
Suriin Natin anak sa paglalahad ng leksiyon nila habang patuloy pa ring hinahayaan
silang sagutan ang mga gawain sa kanilang sariling pamamaraan.

Samahan at subaybayan ang inyong anak sa pagsagot sa mga


Pagyamanin magkakaugnay na gawain na titiyak ng kanyang lumalalim na pagkatuto’t
natin pag-unawa sa leksiyon.

Hayaan malayang maikapagpahayag ng inyong anak ank kaniyang


Isaisip Natin saloobin at pagkaunawa sa leksiyon.
Hikayating lubos ang inyong anak na isabuhay ang mga natutunan sa
Isabuhay kanyang munting kakayanan.
Natin
Hayaang sagutan ng inyong anak ang pagsusulit. Itoý pinakamahalagang
Tayahin Natin bahagi ng pag-aaral upang matukoy kung ang inaasahang pagkatuto ay
matagumpay na natamo.
Hinihikayat na inyong samahang isagawa ang mga iminumungkahing
Gawin Natin gawain upang higit pang mapayaman at kawiliwiling malinang ang bagong
kaalaman.
Gamitin po ito upang iwasto ang pagsusulit na nakatakda upang matukoy
Susi sa
Pagwawasto ang mga aytem na naging kalakasan/kahinaan na inyong anak.

3
Alamin Natin

Layunin:
 Nasusuri ang pamamaraan sa pagsukat ng pambansang kita.
 Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

Subukin Natin

Paunang Pagsusulit
PANUTO: Piliin ang titik ng pinakawastong sagot

__1. Ito ang kumakatawan sa salaping hindi ginagasta.


A. Testimonial C.Impok
B. Pangangapital D. Pamahalaan
__2. Ito ang sektor na bumubuo ng patakaran upang maisaayos ang ekonomiya.
A. Pamahalaan C. Taxation
B. Trade deficit D. Trade surplus
__3. Ito ang nagaganap kapag mas malaki ang export kaysa sa import.
A. Trade deficit C. Trade surplus
B. Pinansyal D. Pamahalaan
_4. Ito ang nagaganap kapag mas malaki ang import kaysa export.
A. Trade deficit C.Trade surplus
B. Produksiyon D.Pagkonsumo
__5. Ito ay isang paraang ginagamit ng gobyerno upang makalikom ng kitang-bayan batay sa
kita at ari-arian ng mga tao at korporasyon.
A.Trade surplus
B. Trade deficit
C. Taxation
D. Trade

4
Aralin Paksa: Pambansang Kita
3

Balikan Natin
GAWAIN 1. FILL IT RIGHT

PANUTO: Ibigay ang bahaging ginampanan ng mga actor at pamilihan sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY BAHAGING GINAGAMPANAN
NG EKONOMIYA
1. Sambahayan
2. Bahay-kalakal
3. Pamahalaan
4. Panlabas na sektor

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal? Ipaliwanag.
2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya?

Tuklasin Natin

ECONOMIC PERFORMANCE
 Tumutukoy ito sa pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing pang-ekonomiya ng
bansa.
 Pangunahing layunin ng ekonomiya ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga
tao sa bansa
 Nasusukat ang economic performance sa pamamagitan ng GNI na dati ay GNP at
GDP

5
GROSS NATIONAL INCOME (GNI)
Ito ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa sa loob ng isang taon
GROSS DOMESTIC PRODUCT
Ito ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa

GAWAIN 2: PAGSUSURI SA LARAWAN


PANUTO: Pagmasdan ang larawan. Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng iyong
makakaya. Matapos ang pagsusuri, punan ang pahayag sa ibaba.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay

.
Pamprosesong tanong:
1. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Ano ang naging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap?
3. Sa iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy ang kalagayan ng
ekonomiya?

Talakayin Natin

KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA


Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles,
Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang
sumusunod:

6
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa
antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung
bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.

2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin


ang direksiyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na
pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.

3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga
nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa
economic performance ng bansa.

4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang


ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi
kapani-paniwala.

5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng


ekonomiya.

PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) SA GROSS DOMESTIC


PRODUCT (GDP)
Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang
halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon.
Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit
saang bahagi ng daigdig ito ginawa.
Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang
halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang
panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit
upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na
matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito. Halimbawa, ang kita ng mga dayuhang
hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product ng bansa
dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa. Hindi naman ibinibilang sa Gross National Income ng
ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na dayuhan dahil hindi naman sila mga
mamamayan ng bansa. Sa kabilang banda, ang kinita ng mga dayuhang ito sa Pilipinas ay
isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ng kanilang bansa. Halimbawa, ang
kinita ng mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Singapore ay ibinibilang sa
pagkuwenta ng Gross Domestic Income ng Singapore ngunit hindi kabilang sa Gross
National Income ng bansang ito. Sa halip, ang kinita ng mga naturang OFW ay binibilang sa
Gross National Income ng Pilipinas.

GAWAIN 2: GNI AT GDP


Matapos basahin ang teksto, punan ng tamang datos ang tsart na nasa ibaba. Itala ang
pagkakaiba ng GNI at GDP ayon saiyong pagkakaunawa. Pagkatapos ay isulat sa
gitnang bahagi ang pagkakahalintulad ng dalawa.

GNI PAGKAKATULAD GDP

7
Pamprosesong mga Tanong:
1. Batay sa nabuong tsart, papaano naiba ang Gross National Income sa Gross Domestic
Product?
2. Bakit kailangang sukatin ang economic performance ng isang bansa?
3. Bakit may mga gawaing hindi kabilang sa pagsukat ng GNI at GDP?

PAMAMARAAN SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI

Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross National
Income: (1) pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach), (2) pamamaraan batay
sa kita ng sangkap ng produksiyon (income approach), at (3) pamamaraan batay sa
pinagmulang industriya (industrial origin approach).

1. Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach)

Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan batay sa paggasta o


expenditure approach ay:

GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA

na kung saan ay:

a. Gastusing personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad
ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng
gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito.

b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal
tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng
manggagawa at iba pa.

c. Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa


pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito.

d. Gastusin ng panlabas na sektor (X – M) – makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas


o export sa inaangkat o import.

e. Statistical discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na


hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong
hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.

f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income.
Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa
gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

8
HALIMBAWA SA PAGKOMPYUT NG EXPENDITURE APPROACH

EXPENDITURE AMOUNT
Gastusing Personal (C) Php 120,000,000.00
Gastusing Pamahalaan (G) Php 30, 000,000,00
Gastusing namumuhunan (I) Php 59,000,000.00
Exports (X) Php 27,000,000.00
Imports (M) Php 20,000,000.00
Statistical Discrepancy (SD) Php3,000,000.00
Net Factor Income from Abroad Php-5,000,000.00
(NFIFA)
Gross National Income

C=12 MILYON X=27 MILYON SD=3 MILYON


P
G=30 MILYON M=20 MILYON
O
R I= 59 MILYON NFIFA=5 MILYON

M
ULA SA PAGKOMPYUTE:

GNI = C + I + G + (X – M) + NFIFA+ SD
= 120,000,000+ 30, 000,000+59,000,000 +(27,000,000-20,000,000) +
(- 5,000,000) + 3,000,000
=120,000,000+ 30, 000,000+59,000,000+7,000,000-5,000,000+3
= P214 MILYON

2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/Value Added


Approach)
Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross Domestic Product
ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga
pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura,
industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income from
Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon, masusukat din nito ang Gross
National Income (GNI) ng bansa.
a. Agrikultura (A)
b. Industriya (I)
c. Serbisyo (S)

PORMULA SA PAGKOMPYUTE

9
Agrikultura (A) Php 81,000,000.00
Industriya (I) Php 85, 000,000.00
Serbisyo (S) Php 53,000,000.00

PORMULA SA PAGKOMPYUT:
GDP=A + I + S
= 81,000,000 + 85,000,000+ 53,000,000
= P219,000,000
Sa pagkompyute ng GNI ay:
GNI=GDP + NFIFA
= 219,000,000 + (-5,000,000)
= 219,000,000- 5,000,000
= P214,000,000

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)


a Sahod ng mga manggagawa (KEM)
- sahod na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan
b. Net Operating Surplus – tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at
pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo
c. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma
bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
d. Di-tuwirang buwis – Subsidya
1. Di-tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax, custom duties, lisensiya at
iba pang di-tuwirang buwis.
2. Subsidiya – salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi
tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo. Isang halimbawa nito ang pag-
ako ng pamahalaan sa ilang bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail
Transit.

10
GAWAIN 3. PAANO ITO NASUSUKAT?

PANUTO: Sa magkahiwalay na sagutang papel ay gumawa ng sariling dayagram o iba’t


ibang uri concept mapping na nagpapakita at nagpapaliwanag sa paraan ng pagsukat
sa pambansang kita batay sa ating aralin at sa iyong pagkaunawa,matapos gawin ang
saring dayagram ay ipaliwanag sa sariling pangungusap ang iyong ginawan. Ang nasa
ibaba ay isang halimbawa lamang.

EXPENDITURE
APPROACH PARAAN NG
PAGSUKAT SA
INCOME PAMBANSANG
APPROACH KITA

Pagyamanin Natin

GAWAIN 4.Tukuyin ang sagot. Ayusin ang mga halo-halong titik na nasa loob ng bilog.
1. Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan, at panlabas na sektor.________________________

CHAORPPA EEIUTDNXPR
2. Pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na
paggamit paglipas ng panahon. _________________________

ASSONYDEPRE
3. Salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit
na produkto o serbisyo __________________________

YASSUBDII

11
4. Tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at
iba pang mga negosyo .______________________

AOGSSUURLRUEETNPINP

5.Ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan


ibibilang _______________________

LSSTIITACA CDICTEPANYSR

GAWAIN 5: PAWANG KATOTOHANAN LAMANG

May tatlong pahayag na nasa ibaba tungkol sa paksa. Isa sa mga pahayag na ito ay walang
katotohanan. Magsagawa ng brainstorming kasama ng iyonng mga magulang o sinoman
ang iyong kasama sa inyong bahay upang malaman kung alin sa mga pahayag ang may
katotohanan at walang katotohanan. Bawat isa ay magbabahagi ng kaniyang nalalaman
upang makabuo ng mga kolektibong pagsang-ayon ang buong pangkat. Isulat sa sugatang
papel ang inyong napiling pahayag at ipaliwanag.

1. Ginagamit ang Gross National Income at Gross Domestic Product upang masukat ang
economic performance ng isang ekonomiya.
2. Tanging halaga ng mga tapos na produkto lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng
Gross National Income.
3. Ang halaga ng mga nabuong produkto ng mga dayuhang nagtatrabaho sa loob ng
Pilipinas ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross National Income ng bansang
kanilang pinanggalingan.

GAWAIN 6:
Panuto: Isulat sa patlang kung GNP o GDP nabibilang ang kinikita ng bawat
personalidad ayon sa lugar na pinagtratrabahuhan at nationality ng mga ito.

1. Ms. KRIS AQUINO (artista at Tv host)


2. Mr LIM (Chinese Investor)
3. Mr. Navarro (DH sa DUBAI)
4. Mrs. SIONY A. LAT (Guro sa Paaralan)
5. Dr. Obispo (doctor sa tayabas)

Tandaan natin

Tinalakay natin sa unang aralin kung papaano sinusukat ang pambansang kita.
Tandaan na ang pampamilihang halaga ng tapos na produkto at serbisyo ang
binibilang sa pambansang kita at hindi ang kabuuang dami nito

12
Isabuhay natin

GAWAIN 7: HEAD, HEART, HANDS (3H)

Sa gawaing na ito ay susubuhin ang iyong nalaman at naunawaan sa mga


nabasa at iba pang Gawain na sinubok at sinagutan mo. Buuin ang tsart sa ibaba
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na
makikita sa bawat kahon.

HEAD HEART HANDS


Anong Konsepto ang Anong mga aral o Paano ko magagamit ang
natutunan ko? pagpapahalaga ang nakuha aking natutunan sa totoong
ko? buhay?

Taya

Tayahin Natin

GAWAIN 7:
Basahing mabuti at unawaain ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National
Income?
A. Expenditure Approach

13
B. Economic Freedom Approach
C. Industrial Origin/Value Added Approach
D. Income Approach

2. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?


A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong p
ampinansiyal
B. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa
ekonomiya ng bansa
C. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng
malaking boto sa eleksiyon
D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya

3. Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas.


Saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
A. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya nito.
B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil pareho itong nagmula ang
kanyang kita.

4. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto


A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross
National Income nito.
B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross
National Income.
C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National
Income.
D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross
National Income.

5. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
A. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
C. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.

14
Sanggunian
Ekonomiks 9 Trinitas Publishing Inc
Ekonomiks 9 Vibal Group,Inc.

Development Team of the Module


Writers: KRISTEL JOY S. PENTICASE
Editors:
Content Evaluator: ADELYNE T. PALAS
JENIFFER C. VERZOSA
Language Evaluator: ZARLYD ROSE O. CARPIO
Reviewers:

Illustrator: RODOLFO C. DEL ROSARIO JR.


Layout Artist: JENNIFER A. MANALO
ROBERT M. VALERA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC ASDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax:

Email Address:

15
16
SDO TAPAT Contextualized Accessible Learning Modules (CALM)

You might also like