You are on page 1of 63

IKATLONG MARKAHAN

MAKROEKONOMIKS
Inihanda ni: Bb. Mary Beatriz F. Fernandez
GAWAIN:
Maalala mo Kaya
P _ T _ K _R_ _G P_ SK_L
LAYUNIN:
• Natutukoy ang konsepto ng patakarang piskal.
• Napapahalagahan ang papel na ginagampanan
ng pamahalaan kaugnay ng patakarang piskal
na ipinatutupad nito.
• Nalalaman ang iba’t ibang uri ng buwis
• Nakagagawa ng isang maikling sanaysay ukol
sa kahalagahan ng pagbabayad ng buwis.
PATAKARANG PISKAL
Ito ay tumutukoy sa behavior
ng pamahalaan patungkol sa
paggasta, pagbabadyet,
pagbubuwis.
Ang pamahalaan ay
may malaking papel
na ginagampanan
upang mapanatili
ang kaayusan ng
ekonomiya.
JOHN MAYNARD KEYNES
EXPANSIONARY
FISCAL POLICY
CONTRACTIONARY
FISCAL POLICY
EXPANSIONARY FISCAL POLICY
Ito ay isinasagawa ng
pamahalaan upang
mapasigla ang matamlay
na ekonomiya ng bansa.
CONTRACTIONARY FISCAL
POLICY
Ito ay isinasagawa ng
pamahalaan kapag lubhang
masigla ang ekonomiya ng
bansa na maaaring magdulot
ng overheated economy.
BUWIS
• Ang salapi na
kinokolekta o
sinisingil ng
pamahalaan sa
mga mamamayan.
BUWIS
• Ang salapi na
kinokolekta o
sinisingil ng
pamahalaan sa
ng mamamayan.
MGA IBA’T IBANG URI NG
BUWIS
Ayon sa Layunin
Ayon sa Kung
Sino ang Apektado
Ayon sa Porsiyentong
Ipinapataw
AYON SA LAYUNIN
1. Para Kumita
(Revenue Generation)
• Ito ay kinokolekta upang
makalikom ng pondo para sa
operasyon.
Halimbawa: Sales Tax at
Income Tax
AYON SA LAYUNIN
2. Para Maregularisa
(Regulatory)
• Ito ay ipinapataw upang
mabawasan ang kalabisan
ng isang gawain o negosyo.
Halimbawa: Excise Tax
AYON SA LAYUNIN
3.Para Magsilbing Proteksiyon
(Protection)
• Ipinapataw upang mapangalagaan ang
interes ng sektor na nangangailangan ng
proteksiyon mula sa pamahalaan o
proteksiyon para sa lokal na ekonomiya
laban sa dayuhang kompetisyon.
Halimbawa: Tariff
AYON SA KUNG SINO ANG
APEKTADO
1.Tuwiran (Direct)
• Buwis na tuwirang
ipinapataw sa mga
indibidwal o bahay-kalakal.
Halimbawa: Witholding Tax
AYON SA KUNG SINO ANG
APEKTADO
1.Hindi Tuwiran (Indirect)
• Buwis na ipinapataw sa mga
kalakal at paglilingkod kaya hindi
tuwirang ipinapataw sa mga
indibidwal.
Halimbawa: Value-added Tax
AYON SA PORSIYENTONG IPINAPATAW
1.Proporsiyonal
(Proportional)
• Pare-pareho ang
porsoyentong ipinapataw
anuman ang estado sa
buhay.
AYON SA PORSIYENTONG IPINAPATAW
2. Progresibo
(Progressive)
• Tumataas ang halaga ng
buwis na binabayaran habang
tumataas ang kita ng isang
indibidwal o korporasyon.
AYON SA PORSIYENTONG IPINAPATAW
3. Regresibo
(Regressive)
• Bumababa ang antas
ng buwis kasabay ng
paglaki ng kita.
Bakit kinakailangan ng
mga mamamayan na
magbayad ng tamang
buwis na sinisingil ng
pamahalaan?
Sa papaanong pamamaraan
nakatutulong ang papel na
ginagampanan ng pamahalaan
upang mapalakas pa ang
ekonomiya ng isang bansa?
P_M_AN_AN_ B_DY__
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga salita na
inyong nabuo?
2. Bakit mahalaga ang
pagbabadyet?
PAMBANSANG
BADYET
Ito ang kabuuang
planong maaring
pagkagastusan ng
pamahalaan sa
loob ng isang taon.
BUDGET DEFICIT

Nagaganap kung mas


mataas ang gastos sa
kita ng pamahalaan.
BUDGET SURPLUS

Nagaganap kung mas


mataas ang kita sa
gastos ng pamahalaan.
Mga Hakbang sa Paghahanda ng Pambansang Badyet
1. Nagpapalabas ng budget call ang Department of
Budget and Management (DBM) sa lahat ng
ahensiya ng pamahalaang pambansa. Isinasaad sa
Budget Call ang mga hangganan ng pambansang
badyet. Ang mga hangganang ito ay batay sa
pagtaya ng Development Budget Coordination
Committee (DBCC).

2. Isinasagawa ang Participatory o bottom-up


budgetting
Mga Hakbang sa Paghahanda ng Pambansang Badyet
3. Pag-aaralan dito ng DBM ang mga
mungkahing badyet at maghahain ng
kaukulang rekomendasyon.

4. Pag-aaralang mabuti ng Executive Review


Board na binubuo ng mga kalihim ng DBM at
mga opisyal ng pamahalaan ang mga
rekomendasyong isinagawa ng DBM.
Mga hakbang sa paghahanda ng Pambansang Badyet

5. Bubuuin ng DBM ang National


Expenditure Program (NEP) bilang
panukalang pambansang badyet ayon sa
napagkasunduan ng executive review.

6. Ihaharap sa pangulo ng bansa ang


NEP upang linangin.
Mga hakbang sa paghahanda ng Pambansang Badyet

7. Titipunin ng DBM ang mga


dokumentong bubuo sa President’s
Budget, kabilang na rito ang NEP, at
ito ay isusumite sa Kongreso bilang
General Appropriations Bill (GAB).
PAGGASTA NG
PAMAHALAAN AYON
SA EXPENDITURE
PROGRAM.
EXPENDITURE PROGRAM
Ang Expenditure Program ay
tumutukoy sa ceiling o
pinakamataas na gastusing
nararapat upang matugunan ang
mga pananagutan o obligasyon ng
pamamahala sa loob ng isang taon.
CURRENT OPERATING
EXPENDITURES

CAPITAL OUTLAYS

NET LENDING
CURRENT OPERATING
EXPENDITURES
Nakalaang halaga para sa pagbili
ng mga produkto at serbisyo
upang maayos na maisagawa ang
mga gawaing pampamahalaan sa
loob ng isang taon.
CAPITAL OUTLAYS

Panustos para sa pagbili ng mga


produkto at serbisyo kung saan ang
kapakinabangang makukuha mula rito
ay maaring magamit sa loob ng
maraming taon.
NET LENDING
Paunang bayad ng gobyerno para
sa mga utang nito. Kabilang dito
ang mga utang na nalikom mula
sa mga programang kaugnay ng
mga korporasyong pagmamay-ari
ng gobyerno.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa larawan, anong sektor o
kagawaran ang nagtamo ng
pinakamalaking badyet ngayong taong
2024?
2. Sa iyong palagay makatarungan ba
na paglaanan ito ng malaking badyet?
Bakit?
Bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng maayos
na pagbabadyet ang
pamahalaan pagdating
sa kanilang mga gastusin?
Gawain:
Gawa Tayo ng Pie
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabalangkas ang
pambansang badyet na may kabuuang isang daang porsyento (100%)
paano mo ito hahati-hatiin? Ano ang bibigyan mo ng prayoridad?
Gamit ang pie graph, isipin ang paglalaanana mo ng prayoridad sa
pambansang badyet.
Narito ang mga paglalaanan ng pambansang badyet:
● Social Welfare
● Kalusugan
● Agrikultura
● Edukasyon
● Pambayad-utang
Mga Pamprosesong Tanong:

1.Ano ang sektor na pinaglalaanan


mo ng malaking bahagdan ng
badyet?
2.Bakit ito ang pinaglalaanan mo
ng malaking bahagdan ng badyet?

You might also like