You are on page 1of 4

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 9

W6 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Patakarang Piskal


II. MOST ESSENTIAL
LEARNING Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE Konsepto ng Patakarang Piskal
CONTENT Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan
Mga Uri ng Buwis

Mga Sanggunian:
• Ekonomiks Learners’s Module pp. 286- 303
• https://www.slideshare.net/edmond84/aralin-5 patakarangpiskal?qid=a97913b1-3369-4304-
a33a3dae7cc40e5b&v=&b=&from_search

IV. LEARNING Suggested


Learning Activities
PHASES Timeframe
A. Introduction 60 minuto Sa araling ito, ating tatalakayin sa pamamagitan ng pagsusuri ng layunin at pamamaraan ng patakarang
Panimula piskal.

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang konsepto at layunin ng patakarang piskal
2. Naiisa-isa ng mga hakbang sa paghahanda ng pambansang badyet at ang pinagmumulan nito
3. Nakapagbibigay-halaga sa gampanin ng isang mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis

Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagbasa ng mga paksang nakasaad Ekonomiks LM na may
paksang:
• Konsepto ng Patakarang Piskal, pahina 289 – 290
• Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan, pahina 291 – 294
• Mga Uri ng Buwis, pahina 298 - 299

Makakatulong na masagutan ang mga sumusunod na gawain kung gagamitin ang mga sumusunod na
gabay na tanong. Paalala, hindi kailangang isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gabay na tanong:
1. Ano ang Patakarang Piskal? Ano-ano ang dalawang paraan na ginagamit ng pamahalaan sa ilalim
ng patakarang piskal?
2. Ano ang pambansang badyet at paano isinasagawa ang paghahanda ng pambansang badyet?
3. Paano gumagasta ang pamahalaan batay sa Expenditure Program? Ano ang iba’t ibang uri ng
buwis at mga halimbawa nito?

Mula sa aklat nina Case, Fair at Oster (2012), ang patakarang piskal ay tumutukoy sa behavior ng
pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa
polisiya sa pagbabadyet.

2 paraan na ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal


 Expansionary Fiscal Policy – Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa ng pamahalaan
upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa. Ipinapakita ito ang kabuuang output ay
mababa ng higit sa inaasahan dahil hindi nagagamit ang lahat ng resources.
Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad ng mga
desisyon upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya.
 Contractionary Fiscal Policy – Ang paraang ito naman ay ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa
bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Karaniwang nagaganap ito kapag
lubhang masigla ang ekonomiya na maaring magdulot ng overhead economy na mayroong mataas
na pangkalahatang output at employment.

Pambansang Badyet – ay ang kabuuang planong maaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang
taon. Ito ay nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya.

Paghahanda ng Pambansang Badyet


1. Nagpapalabas ng budyet call ang Department of Budget and Management(DBM) sa lahat ng ahensiya ng
pamahalaang Pambansa. Isinasaad sa budget call ang mga hangganan ng pambansang badyet, kabilang ang
kabuuang paggasta, ang tamang dapat gugugulin ng badyet, at ang inaasahangg malilikom na buwis at iba pang
kita upang tustusan ang paggasta. Ang mga hanganang ito ay batay sa pagtaya ng Development Budget
Coordinator Committee.
2. Hinihikayat ang participation ng mga civil society organization at iba pang stakeholder sa pagbuo ng mga
ahensiya ng pambansang pamahalaan. Ito ang tinutukoy na participatory o bottom-up budgeting.
3. Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa DBM. Pag-aaralan ng DBM ang mga
mungkahing badyet at maghahain ng kaukulang rekomendasyon.
4. Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang executive review board na binubuo ng kalihim ng DBM
at mga nakataas na opisyal ng pamahalaan.
5. Bubuuim ng DBM ang National Expenditure Program (NEP) bilang panukalang pambansang badyet ayon sa
napagkasunduan ng executive review board.
6. Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang linangin.
7. Titipunin ng DBP ang mga dokumentong bubuo sa Preseident’s Budget. Kabilang na rito ang NEP, at ito ay
isusumite sa Kongreso bilang General Appropriations Bill (GAB) upang aprubahan bilang ganap na batas.

Ang expenditure program ay tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang


matugunan ang mga pananagutan o obligasyon ng pamahalaan sa loob ng isang taon.
Buwis - ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan, ay tumutukoy sa sapilitang
kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan. Ito ay isang paraan upang makalikom ng salapi ang
pamahalaan na gagamitin nito sa pagpapalakad ng mga gawaing pampaahalaan. Kung walang pagbubuwis,
mahihirapan ang pamahalaan na ipatupad ang layunin tulad ng distribusyon ng kita, pagpapatatag ng
ekonomiya, at pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya.

IBA’T IBANG URI NG BUWIS


URI DEPINISYON HALIMBAWA
Ayon sa Layunin
Para Kumita Pangunahing layunin ng pamahalaan na Sales Tax, Income Tax
(Revenue ipataw ang mga buwis na may ganitong
Generation) uri upang makalikom ng pondo para
magamit sa operasyon nito
Para Ipinapatawa ang ganitong uri ng buwis Excise Tax
magregularisa upang mabawasan ang kalabisan ng
(regulatory) isang gawain o negosyo
Pag magsilbing Ipinapatawa upang mapangalagaan ang Taripa
proteksyon interes ng sektor na ngangailangan ng
(Protection) proteksyon mula sa pamahalaan o
proteksiyon para sa lokal na ekonomiya
laban sa dayuhang kompetisyon.

Ayon sa Kung Sino ang Apektado


Tuwiran (Direct) Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga Withholding Tax
indibidwal o bahay-kalakal
Hindi-tuwiran Buwis na ipinapataw sa mga kalakal at Value-Added Tax
(indirect) paglilingkot kaya hindi tuwirang
ipinapataw sa mga indibidwal

Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw


Proporsiyonal Pare-pareho ang porsiyentong Halimbawa ang pagpataw ng 10% buwis mula
(proportional) ipinapataw anuman ang estado sa buhay sa mga mamamyan, makakaiba man ang halaga
ng kanilang kinikita
Progresibo Tumataas ang halaga ng buwis na Sa Pilipinas, 5% lamang ang kinakaltas sa mga
(progressive) bininabayaran habang tumataas ang kita kumukita nang mas mababa sa Php 10,000
ng isang indibidwal o korporasyon. bawat buwan. Maaaring umabot sa 34% ang
kaltas sa kumikita ng higit sa Php500,000 bawat
buwan.
Regresibo Bumababa ang antas ng buwis kasabay Ang ad valorem (ayon sa halaga) ay regresibo
(regressive) ng paglaki ng kita dahil habang lumalaki ang kita ng indibidwal,
maliit na bahagi lamang ng kanyang kita ang
napupunta sa buwis
B. Development 60 minuto
Pagpapaunlad A. Matapos basahin at maunawaan ang mga teksto na may kinalaman sa konsepto ng patakarang piskal,
sagutan ang gawain bilang 1 sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Tukuyin kung expansionary o contractionary fiscal policy ang mga sitwasyon

Gamitin ang simbolong kung expansionary fiscal policy at naman kung contractionary
fiscal policy.

______1. Pagbaba ng singil sa buwis.


______2. Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan.
______3. Pagtaas ng kabuuang demand.
______4. Pagbaba ng kabuuang demand.
______5. Pagtaas ng singil sa buwis.
______6. Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan.
______7. Pagdaragdag ng supply ng salapi.
C. Engagement 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 (Performance Task)
Pakikipagpalihan Panuto: Ngayong nalaman mo na ang kahalagan ng pagbabayad ng tamang buwis, pumili ng isa sa mga
gawain na gusto at kaya mong gawin.
Maaari itong gawin ng isahan o may kapartner. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang pamantayan.
• Campaign Jingle (Sariling komposisyon)
• Spoken Poetry (Video hanggang 2 minuto lang o mas mababa pa)
• Pagsulat ng Sanaysay
• Paggawa ng Komiks

Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Pagkamalikhain 5
Orihinalidad 5
Kabuuan 20 (x 5)
V. ASSESSMENT 15 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
(Learning Activity Sheets Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
for Enrichment,
Remediation or Tatlong (3) konsepto na natutunan ko mula sa Aralin:
Assessment to be given 1. __________________________________________________________
on Weeks 3 and 6) 2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
Dalawang (2) mahala gang bagay na ayaw kong makalimutan mula sa
Aralin:
1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
Isa (1) gawain na gusto mong subukin mula sa aking natutunan sa Araling ito:
1. __________________________________________________________
VI. REFLECTION 15 minuto Sa pangwakas na bahagi, sumulat ka ng iyong nararamdaman o nabuo mong pananaw batay sa tinalakay na
aralin. Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba:

Nabuo sa aking kaisipan na ___________________________________________.


Sa aking kalooban, naramdaman ko na ________________________________

You might also like