You are on page 1of 26

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
(Ikaanim na Linggo)
Hakbang Tungo sa Paglaya ng
Silangan at Timog-Silangang Asya at
Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa
Iba’t ibang Aspekto ng Pamumuhay
MELCs:
 Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng
Nasyonalismo sa pagbibigay ng wakas sa Imperyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya

 Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t


ibang aspekto ng pamumuhay

Inihanda nina:
KRISTELLE N. CAUSO
Guro I
SHARIFEL A. ABELLON
Guro I
Bacarra National Comprehensive High School
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Hakbang Tungo sa Paglaya ng Silangan at
Timog Silangan Asya at ang Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Iba’t ibang
Aspekto ng Pamumuhay
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kristelle N. Causo
Sharifel A. Abellon
Editor: Maricel T. Pascua
Tagasuri: Noralyn S. Cadiz
Maricel T. Pascua
Tagalapat: John Nestlee A. Ravina
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Milagros Sandra G. Malvar
Division Design & Layout Artist: Michael George C. Acupido

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Schools Division of Ilocos Norte
Office Address: Brgy. 7B, Giron Street,Laoag City,IlocoNorte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
(Ikaanim na Linggo)
Hakbang Tungo sa Paglaya
ng Silangan at Timog-Silangang
Asya at Bahaging Ginampanan
ng Relihiyon sa Iba’t ibang
Aspekto ng Pamumuhay
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat
na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nitong tulungan ka sa


iyong pag-aaral. Tinatalakay nito ang kahalagahan ng bahaging ginampanan ng
Nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay maaari ninyong gamitin ang
inyong kakayahan at kahusayan sa pag-unawa at pagsagot ng mga pagsasanay na
buong sipag naming inihanda para sa iyo.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

. Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa pagbibigay ng


wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

. Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng

pamumuhay

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Alin sa mga ito ang hindi naging uri ng Nasyonalismo na umusbong sa
Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Nasyonalismong tradisyonal
B. Nasyonalismong may impluwensiya ng Kanluran
C. Nasyonalismong ipinatupad ng mga katutubo
D. Nasyonalismong may impluwensiya ng komunismo
2. Ang pagdating ng iba’t ibang mananakop sa Silangan at Timog-Silangang
Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga
Asyano. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng pagbabago sa aspektong
politikal ng mga nasakop na bansa?
A. pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
B. pagpapatayo ng mga imprastraktura
C. pagbabago sa paniniwala at relihiyon
D. pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa
3. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
paglaya ng mga bansa sa Tmog-Silangang Asya?
A. Marami ang napinsala at namatay.
B. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war.
C. Lumalakas ang Nasyonalismo at napabilis ang paglaya.

1
D.Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang Demokratiko at Komunismo.
4. Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 mula sa
pamumuno ni ___________________.
A. Achmed Sukarno C. Chiang Kai-shek

B. Heneral Ne Wi D. Aung San

5. Ang sumusunod ay pangyayaring naganap at naging papel ng


Nasyonalismo upang makalaya ang bansang Vietnam. Ayusin ang mga
pangyayari ayon sa historical na kaganapan ng bansa.
I. Vietnam War na sinalihan ng bansang Amerika
II. Pagkakahati ng Vietnam sa dalawa dahil sa magkatunggaling ideolohiya
III. Pag-iisa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh
mula sa kilusang Viet Minh Sosyalismo
IV. Pag-iwan sa Timog Vietnam ng Amerika at sa pagpapasailalim sa
grupong may ideolohiyang komunismo
A.I, II, III, IV C. II, I, IV, III

B. III, IV, II, I D. IV, III, II, I


6. Ito ang tawag sa pagdarasal ng Muslim ng limang beses sa isang araw.

A. Hajj B. Zakah C. Sawm D. Salat


7.Ang una sa apat na banal na katotohanan ayon kay Buddha.

A. Ang sanhi ng pagdurusa ay paghahangad.


B. Ang buhay ay puno ng pagdurusa.
C. Maaring mawala ang pagdurusa.
D. Nawawala ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagsunod sa walong
tamang daan.
8. Ito ang pangunahing paniniwala ng Jainismo na iba sa Hinduismo at
Buddhismo.
A. Ang mga Vedas ay hindi banal na aklat
B. Ang Ahimsa o pagiging sagrado ng buhay
C. Ang paggawa ng Dharma
D. Ang Karma
9. Sino ang mga nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas?
A. Ang mga gurong Tomasinong Amerikano
B. Ang mga prayleng Kastila
C. Ang mga sundalong Hapon
D. Ang mga mangangalakal na Intsik
10. Sino ang nakakasakop sa Judea ng isilang si Hesus?
A. Mga Kastila C. Mga Amerikano
B. Mga Hapon D. Mga Romano

2
Hakbang Tungo sa Paglaya ng
Aralin
Silangan at Timog-Silangang
Asya at Bahaging Ginampanan
1 ng Relihiyon sa Iba’t ibang
Aspekto ng Pamumuhay

Kumusta? Ang pag-aaralan natin


ngayon ay tungkol sa Hakbang
Tungo sa Paglaya ng Silangan at
Timog-Silangang Asya at Ang
Bahaging Ginampanan ng
Relihiyon sa Iba’t ibang Aspeto ng
Pamumuhay.

Halina`t matuto!

Balikan

Bago tayo dadako sa susunod na aralin, balikan muna natin ang


iyong mga natutunan sa mga nakaraang modyul.
Gawain 1.1 Ambag ko, Ibigay mo!
Panuto: Ibigay kung sino ang tinutukoy sa sumusunod.
1. Pangalawang babaing pangulo ng Pilipinas
2. 2. Pinuno ng oposisyon na National League for Democracy sa Myanmar (Burma).
Naging simbolo siya ng kilusang protesta na nagsusulong ng demokrasya sa
Myanmar. Nanalo siya ng Nobel Peace Prize noong 1991.
3. Siya ay naging presidente ng Indonesia.

4. Pinag-isa niya ang mga nag-aaway – away na mga Mongol sa pamumuno ng


kanyang asawa na si Batmunk Dayon Khan. Nagawa niya na panatilihin ang

3
pamumuno ni Dayan Khan na mula sa angkan ni Genghis Khan. Ang mga inapo
niya ang naging mga Khan at maharlika ng Mongolia.
5. Naging pinuno ng Asociacion Feminista Ilonga (1906) unang nagtaguyod ng
pagbibigay sa kababaihan ng karapatang bumoto – Kilusang Suffragist.

Gawain 2: Tama o Mali


Panuto: Isulat sa patlang kung tama o mali ang bawat pahayag.
____________1. Sina Corazon Aquino, Megawati Sukarnoputeri at Indira Gandhi ay
mga lider na diktador sa Asya.
____________2. Tumulong ang mga babaing Koreano sa pagtuturo kung sino ang
mga rebelde noong 1987.
____________3. Laging kinikilala sa Korea ang mga babaing tumulong sa mga
kilusang mapagpalaya.
____________4. Nabigyan ng pagkakataon sa edukasyon ang mga babaing Muslim
sa India.
____________5. Ipinatigil sa India ang pagpapakasal ng mga bata ngunit
ipinagpatuloy ang kaugaliang Sati.

Tuklasin

Gawain 3: Larawan-suri
Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan. Sumulat ng salita o parirala sa nais
nitong ipabatid.

4
1. ____________________________ 6. ________________________________

2.____________________________ 7. ________________________________

3. ____________________________ 8. ________________________________

4. ____________________________ 9. ________________________________

5.____________________________ 10. _______________________________

Gawain 4. Saan Sila Kabilang?

Panuto: Tukuyin kung anong relihiyon ang isinisimbolo o nais ipahiwatig


ng larawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa mga kahon.

1. 2.

5
3. 4.

5.

Suriin

HAKBANG TUNGO SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG-


SILANGANG ASYA
Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-
Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang
tugon sa pag-aabuso at pagyurak sa karapatan ng mga bansa sa Silangan
at Timog-Silangang Asya na ang tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.
Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaapekto upang
makamit ang Kalayaan. Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nagbago ang
balance of power. Nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kaniyang
hukbong militar. Isinulong na rin nito pagkatapos ng digmaan ang racial
equality o pantay na pagtingin sa lahi na hindi pinansin ang mga
Kanluranin. Dahil naman sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumakas ang
Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya. Napabilis ang paglaya kaya
maraming mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang lumaya pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
May iba’t ibang ideolohiya at paniniwala rin ang nayakap ng mga
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya. May naniwala na ang
kasagutan sa minimithing kalayaan ay ang ideolohiyang komunismo, ang
iba ay naniwala sa ideolohiya ng demokrasya, totalitaryanismo, at

6
autokrasya. Ang mga ideolohiyang ito ay nagdulot ng transpormasyon sa
mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
PAGLAYA NG MGA BANSA SA SILANGANG ASYA
Paglaya ng China
Dahil sa kasikatan ng produktong China sa Europe hinangad ng mga
Europeo na makipagkalakalan sa China na kinalaunan ay naging dahilan
ng paghahangad na makontrol ang lupain nito. Ang pagkatalo ng China sa
Digmaang Opyo ay naging daan ng di -makatuwirang kasunduan at
pagkakaroon ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng
China.
Tatlong uri ng Nasyonalismo ang umusbong. Una ay ang
Nasyonalismong Tradisyonal na ang layunin ay ang paalisin ang mga
kanluranin at ang impluwensiya nito na pinangungunahan ng samahang
boxers; ang pangalawa ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng
Kanluran na ang layunin any ang maging republika ang China yakap ang
ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr. Sun-Yat Sen at Chiang
Kai-shek; at ang pangatlo ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng
Komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong.
Sa paglakas ng nasyonalismong Tsino nabahala ang Japan na baka
maapektuhan ang interes nito sa China kung kaya’t naging sunod-sunod
ang ginawang pakikidigma at pananakop nito. Una na rito ang naganap na
Manchurian Incident at sinundan ng Rape of Nanking na nasundan pa ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit
nagpatuloy ang kaguluhan sa China sa pagitan ng puwersa ng Komunista
ni Mao Zedong at Nasyonalista ni Chiang Kai-shek. Natalo ang nasyonalista
at napasailalim sa komunistang pangkat ang Mainland China samantalang
ang nasyonalista ay tumakas noong Octobre 1, 1949 at nagyon ay tinawag
na Taiwan.
PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG-SILANGANG ASYA
Paglaya ng Indonesia
Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 145 sa
pamumuno ni Achmed Sukamo sa pamamagitan ng rebolusyon sa mga
Olandes.
Umigting ang pagnanasang lumaya ng Indonesia nang pagkalooban
ng simbolikong kalayaan si Sukarmo noong sakupin sila ng Japan noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit nang matalo ang Japan dumating
muli ang mga Olandes upang ibalik ang kanilang pamamahala sa
Indonesia.Subalit ang Indonesia na nakaranas ng kalayaan ay lumaban.
Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng 23 taon. Pinasimulan
niya ang pamahalaang guided democracy (limited democracy) base sa
Pancasila -limang (5) patnubay na prinsipipyo; paniniwala sa Diyos,
nasyonalismo, pagkakawanggawa, katarungang panlipunan at

7
demokrasyang gagabayan sa karunungan. Tinanggap at ipinagbunyi ito ng
mga tao at ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong 1963. Subalit
ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang-aabuso niya
sa kapangyarihan.
Paglaya at Pagkakahati ng Korea
Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang base-militar at
pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan. Bunsod nito maraming
pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones.
Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan
natalo ang mga Hapones.
Paglaya ng Burma
Nakamit ng Burma ang kalayaan noong Enero 4, 1948 sa pamumuno
ni U Nu bilang punong Ministro ng Republika ng Burma na kinalaunan ay
inilipat kay Heneral Ne Win na isang diktador military. Bilang pinuno ng
mga hukbong armado, pinairal niya ideolohiyang Myanmar Way to Socialism
kung saan kinukumpiska ng pamahalaan ang anomang negosyo at
pangkalakalan, bangko, at ang mga pribadong ari-arian. Ito ang dahilan
kaya nawalan ng hanapbuhay ang mga dayuhan.
Noong hindi pa nakamit ng Burma ang kalayaan ang kumokontrol
dito ay ang India sa tulong ng England at China. Bilang pagtugon sa
pananakop na ito, nagtatag ng iba’t ibang kilusang naghahangad ng
kalayaan. Nang maramdaman ng mga Ingles ang pagpupunyagi sa kalayaan
ng mga Burmese nagkaroon ng pagbabago sa bansa na humantong sa
paghihiwalay ng Burma sa India noong 1935. Ilan pang pagbabago ang
tinangka ng pamahalaang Ingles ngunit hindi ito nangyari dahil sa
pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang bansang Japan naman
ay sinakop ang Burma.
Upang masakop ng mga Hapones ang loob ng mga Burmese maagang
ipinahayag ng Japan ang pagtaguyod tungo sa kasarinlan. Ang pangkat ni
Aung San ng Dohama Asiayona (Burma for Burmese) ay nakipagsundo sa
Japan tungkol sa pagtustos ng mga sandata at sa pamumuno sa militar.
Sila ay nagsanib puwersa upang makuha ang Rangoon laban sa mga Ingles.
Kahit ipinahayag ng Japan ang kalayaan ng Burma sa katotohanan ay
sakop pa rin nito ang bansa. Sa kalaunan ay nadama ng mga Burmese ang
tunay na layunin nang pagtulong na ito ng Japan. Ito ay hindi upang sila ay
palayain kundi para sakupin.
Nakaranas ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad ng mga
Hapones kaya nagtatag sila ng kilusan laban sa Japan. Ito ay ang Anti-
Fascists People’s Freedom League o AFPFL sa pamumuno ni Aung San
binubuo ng mga makademokratiko at komunistang pangkat. Nagapi nila
ang mga Hapones at bumalik ang mga Ingles subalit hindi pumayag ang
mga Burmese kaya’t sunod-sunod na usaping pangkalayaan ang naganap.
Bunga nito pinagtibay ang kasunduang Anglo-Burmese na nagpapahayag
ng Kalayaan sa Burma noong Enero 4,1948. Sa kasawiang palad pinatay si
Aung San at ang kaniyang gabinete ng upahang armado ng kaniyang

8
talunang kalaban na si U Saw. Nang maaresto si U Saw ay ipinagpatuloy ni
U Nu ang naiwan ni Aung San.
Paglaya ng Pilipinas
Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa
pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nakipagsabwatan ang mga
Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Español sa digmaang
Espanyol-Amerikano kung saan natalo ang mga Español. Inakala ng
pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at
ipauubaya na ang pamumuno sa Pilipino kaya idineklara ang kalayaan na
nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan.
Samantala, iba naman ang ikinilos ng mga Amerikano. Nagpalabas ito
ng patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na
nagpapahayag ng paglilipat ng pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula
sa mga Español. Naging hayagan ang pagtutol ng mga Pilipino sa
pananakop ng mga Amerikano kaya’t sumiklab ang Digmaang Pilipino -
Amerikano.
Subalit may mga Pilipino na hindi nakiisa, walang pakialam, at
nakiisa sa mga Amerikano. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag
ang Amerikano ng pamahalaang kolonyal na nagsilbi sa interes ng mga
Amerikano at paglaganap ang edukasyong makabanyaga. Tinugis din nila
ang mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan at ipinatapon ang ibang lider
na Pilipino sa ibang bansa.
Ang ibang Pilipino naman na nakiisa sa mga Amerikano ay isinulong
ang paghingi ng kalayaan sa mga Amerikano. Dahil ang kalayaan ay
hinihingi, matagal ito bago naibalik at sa bawat paghingi ito ay
tinutumbasan ng mas malaking kapalit, katulad ng mga likas na yaman at
pagkontrol sa kalakalan.
Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano nang tayo
ay masangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nilusob tayo ng Japan
dahil kaalyado natin ang mga Amerikano at dahil nasa ating bansa ang
pinakamalaking base-militar ng Amerikano. Sa kasagsagan ng digmaan,
iniwan tayo ng mga lider- Amerikano at natira tayong lumaban at
nagtanggol sa ating kalayaan. Nasakop tayo ng Japan sa loob ng limang
taon. Natalo ang Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaya binalikan
tayo ng mga Amerikano at ibinigay ang ating kalayaan noong Hulyo 4, 1946.
Ayon kay Renato Constantino hindi nman ganap na nakamtan ng Pilipinas
ang kalayaan dahil nanatili pa ring makapangyarihan at maimpluwensiya
ang Amerikano sa Pilipinas sa larangan ng kabuhayan at politika.
Ang Mga Relihiyon sa Asya
Sa Asya isinilang ang lahat ng mga pangunahing relihiyon ng
daigdig—Judaismo, Budismo, Hiduismo, Taoismo, Kristiyanismo, Islam at
Shintoismo. Itinuturing na mga pangunahing relihiyon ang mga ito dahil sa
dami ng mga tagasunod at sa lawak ng teritoryong kinalaganapan.
Maraming hamon at pagsubok ang naranasan ng mga Asyano kaya
kinailangan nilang magkaroon ng matibay na pananalig sa isang Manliligtas

9
na gagabay sa kanilang mga gawain at mga kilos. Ito ang dahilan kung
bakit umusbong sa Asya ang maraming relihiyon.
Ang Mga Relihiyong Indian
Hinduismo
Hinduismo ang itinuturing na pinakamatandang organisadong
relihiyon ng India. Polytheism ang katangian nito dahil naniniwala sila
sa maraming diyos at diyosa. Gayunpaman, lahat ng mga diyos na ito
ay sagisag ni Brahman. Nakapaloob sa Upanishad (bahagi ng Vedas)
ang mga himno, dasal at tula para sa isang napakataas na espiritu na
si Brahman.
Naniniwala ang mga Hindu sa tatlong pangunahing diyos na
sina Brahma (tagapaglikha), Vishnu (tagapangalaga) at Shiva
(mapanira).

Ang Reincarnation at Nirvana


Ang Reincarnation ay itinuturing na gantimpala o kaparusahan.
Ayon sa konsepto, kung ginampanan ng isang Hindu ang kanyang
dharma (tungkulin ng isang Hindu) at nagkaroon siya ng mabuting
karma (pamamaraan upang matupad ang misyon), sa muling
pagsilang ng kanyang kaluluwa, aakyat siya sa mas mataas na caste
o uri bilang gantimpala. Itinuturing namang kaparusahan ang
reincarnation kapag hindi nagampanan ng isang Hindu ang kanyang
dharma at nagkaroon siya ng masamang karma sa kanyang
nakaraang buhay. Bilang kaparusahan, napupunta ang kanyang
kaluluwa sa mga hayop.

Budismo
Siddhartha Gautama: Ang Buddha
Si Siddhartha Gautama ang nagtatag ng Budismo. Sa kabila ng
marangyang uri ng pamumuhay, nagnais si Gautama ng kapayapaan
at katahimikan ng isip at kaluluwa. Nagsawa siya sa buhay-prinsipe
sa palasyo at naglakbay dala-dala ang kaniyang mga katanungan. Sa
kanyang paglalakbay, nakita niya nag paghihirap ng marami sa
lipunang Hindu na isang kadahilanan ay ang istrukturang
panlipunan-ang sistemang caste. Tinalikuran niya ang pagiging
prinsipe at naging isang monghe.
Nagwakas ang kanyang paghahanap nang isang araw ay
magnilay siya sa puno ng Bo (puno ng meditasyon). Sa huli,
naintindihan niya ang dahilan ng paghihirap ng tao at kung paano ito
mawawakasan.

Jainismo
Si Mahavira ay nagtatag ng bagong relihiyon na kinilalang
Jainismo: ang relihiyon ng mga mananakop. Ang mga Jains ay hindi
nagturo ng pananakop ng iba kundi ang pagsakop sa kanilang mga
sarili. Ang kanilang guro ay tinuruan sila na nasa loob nila ang
kanilang kaligtasan. Katulad ni Buddha, tinangap ni Mahavira ang
batas ng Hinduismo sa karma na nagsasaad na mula sa mabuti ay

10
mabuti at mula sa masama ay masama. Ang Jainismo ay isang
relihiyong ibinatay sa Hinduismo. May ilang turo at aral ang
Hinduismo na tinutulan ng ilang pangkat ng tao sa India. Ito ang
dahilan ng pagkabuo ng isa pang relihiyon—ang Jainismo.

Islam
―Ang pagsuko ng sarili kay Allah‖ ay ang ibig sabihin ng Islam.
―Ang isang isinuko ang sarili kay Allah‖ ay tinatawag na Muslim.
Mahalaga para sa isang Muslim ang makapaglakbay sa Mecca (Banal
na Lungsod). Para sa Muslim ito ay isang obligasyon. Sa Mecca
matatagpuan ang Dambana ng Kaaba na kinaroroonan ng Batong
Itim na dinarayo nila. Hadji ang tawag sa taong nakarating na sa
Mecca. Jihad naman ang tawag nila sa kanilang Banal na Digmaan at
ang kanilang pagsamba ay isinasagawa sa loob ng Mosque.
Upang higit pang maunawaan ang Islam, ating ilatag ang mga
pinaniniwalaan ng Islam.
1. Isang Diyos. Ang unang pinaniniwalaan ng Islam ay ang
pagkakaroon ng iisang Diyos, ang nagkakaloob ng lahat ng kabutihan
sa buhay ng tao. Samakatwid ang Diyos ay dapat laging nasa puso at
isip ng tao at ang tunay na nananampalataya ay kailangang magdasal
sa Diyos ng limang beses sa isang araw.
2. Banal na Lupa. Ang lahat ng mundo ay kay Allah at kung saan
man ang tao ay nananalangin ito ay banal na lugar
3. Pagkakapantay-pantay sa mata ng Diyos. Hindi kailangan ng tao
ng tagapamagitan kay Allah. Lahat ng tao ay pantay-pantay kay Allah.
4. Buhay pagkatapos mamatay. Ang pisikal na katawan ay
namamatay, samantalang ang kaniyang kaluluwa ay patuloy na
mabubuhay. Pagkatapos mamatay ng tao ang kaluluwa ay
pumupunta sa langit o sa impyierno na nakabatay sa uri ng kanyang
pamumuhay.
5. Pagbabawal sa paglalasing. Ipinapalagay ng Islam na ang
paglalasing ay ang ina ng lahat ng kasamaan kaya kasalanan ito.
6. Pagiging makatotohanan. Ang magsabi ng totoo sa lahat ng oras
at lahat ng pagkakataon ay utos ng Diyos.
7. Pagbabawal sa pangangalunya. Walang higit na kinamumuhian si
Allah kaysa sa pangangalunya.
8. Pagiging mapagbigay. Hadith, ang pagbibigay ay hindi lamang
maipapakita sa paglilimos kundi sa kabaitan at pagkalinga sa ibang
tao.
9. Tungkulin sa mga hayop. Ang kabaitan ay kailangang ibigay kahit
sa mga hayop.

11
10. Limitadong Poligamiya. Ang isamg Muslim ay pinapayagang
mag-asawa hangang sa apat kung ito ay kaya niyang pangalagaan.
Kristiyanismo
Sa lahat ng mga pangunahing relihiyon ang naging
pinakamalaganap ay ang Kristiyanismo. Nagkaroon din ito ng
pinakamaraming tagasunod at nakabatay ang mga turo sa buhay ni
Hesukristo. Isinalaysay sa Bagong Tipan ang buhay ni Hesukristo.
Ang pagkilala kay Hesus na Anak ng Diyos at paniniwala sa
kanyang pagkabuhay na muli ang dalawang pinakasentrong doktrina
ng Kristiyanismo. Mahalaga sa pananampalatayang Kristiyanismo ang
pagiging tao ni Kristo dahil sa paniniwalang ang kaniyang buhay,
kamatayan at muling pagkabuhay ay nagpatibay sa kasaysayan ng
pagpapahayag ng Panginoon (God`s Revelation).

Pagyamanin

Gawain 5: Buo-Laya

Panuto: Batay sa mga bansa na binanggit, buuin ang talahanayan at ihambing


ang bawat datos na iyong makakalap. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Mga Bansang Araw ng Namuno Pamamaraang Ideolohiyang


Bansa sa Nanakop Paglaya Ginamit sa Niyakap
Silangang Paglaya
Asya

Mga Bansa Mga Araw ng Namuno Pamamaraang Ideolohiya


sa Timog- Bansang Paglaya Ginamit sa na Niyakap
Silangang Nanakop Paglaya

12
Asya

Gawain 4: Pagpapailalim ng Kaalaman


Panuto: Itapat ang Hanay A sa Hanay B
Hanay A Hanay B
1. Pagdarasal ng 5 beses sa loob ng a. Koran
isang araw na nakaharap sa
b. Mecca
Mecca
2. Ang pagsuko ng sarili kay Allah c. Jihad
3. Banal na digmaan ng mga
d. Muslim
Muslim
4. Banal na lungsod ng mga e. Salat
Muslim
f. Islam
5. Bibliya ng mga Muslim

Isaisip
Gawain 6: Saan Ka Pa?

Panuto: Tingnan kung gaano kalalim ang iyong kaalaman sa paksang


tinalakay. Isulat ang salitang sumasang-ayon kung sumasang-ayon sa
pahayag sa inilahad na konsepto at pananaw. Isulat din ang hindi
sumasang ayon kung di-sinasang-ayunan ang ipinahahayag na konsepto o
pananaw. Ilahad din ang dahilan kung bakit ito sinang-ayunan.

Konsepto at Pananaw Reakyon at Talakayin ang Kasagutan


Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya ay naghangad
ng kalayaan sa pananakop ng mga
bansang Kanluranin dahil sa kaisipang
liberal at ideya ng demokrasya.
Ito ang prinsipyong nagbigay-diin sa
pagbubuo ng isang pamahalaang

13
konstitusyonal na pinagsama ang
Kanluranin at tradisyonal na Tsino
upang palitan ang absulutong
monarkiya ng demokrasya.
Ang pagpapalakas ng Hapon ng
kaniyang hukbong military ay naging
daan ng pagbuo ng depensibong
Nasyonalismo sa kanyang bansa.
Iba’t iba ang pamamaraang ginamit ng
mga naging pinunong lider sa mga
kilusang naghangad ng paglaya sa mga
Europeong mananakop sa rehiyon ng
Timog-Silangang Asya.
Upang mapagtagumpayan ang
paghahangad ng pagsasarili, naghain
ang mga Asyano ng mga reporma,
nagbuo ng mga makabayang
organisasyon, at nang lumaon ay
gumamit din ng mga madugong
pakikihamok laban sa mga
mananakop.

Gawain 5: Pagbubuo
Panuto: Punuan ang patlang sa ibaba at bumuo ng isang paglalahat tungkol sa
mga relihiyon sa Asya.
Ang mga relihiyon sa Asya na nagmula sa India ay ang (1) _______________,
______________at ________________, Samantalang ang (2) ________________,
__________________at _________________ ay nagmula sa gitnang Asya. Sa Tsina at
Japan naman galing ang mga relihiyong (3) ______________________,
________________, at __________________.
Si (4) _____________________ ang nagtatag ng Buddhismo; si (5) ________________
ang sa Islam at si Lao Tzu ang sa_______________.
Laganap ang Kristiyanismo sa (6) ___________________ samantalang sa Israel
ay (7) __________________ at may mga naniniwala pang mangilan-ngilan sa Jainismo
sa (8) ____________________.

14
Isagawa
Gawain 7: Ang Aking Panata
Bagamat malaya na ang mga bansang Asyano sa kasalukuyan, mahalaga
pa rin na ipahayag nila ang damdamaming Nasyonalismo. Makatutulong ito sa
pag-unlad ng bansa at maayos na ugnayan ng mga mamamayan.
Bilang isang mag-aaral, sumulat ng panata kung paano maipamamalas ang
Nasyonalismo upang maisulong ang kaunlaran at maprotektahan ang kalayaan ng
Pilipinas.

Ang Aking Panata


Ako si ____________________________ ay

Gawain 8: Kahon, Lagyan ng Laman


Panuto: Punan ang bawat kahon. Isulat sa mga titik A ang mga relihiyon sa Asya
na napagaralan sa modyul na ito. Isulat naman sa titik B ang nagtatag ng
relihiyong ito. Isulat sa mga titik C ang bansang pinagmulan ng mga ito.

A. A.

B. B.

C. C.

Mga Relihiyon sa Asya


A. A.

B. B.

C. C.

Gawain 9: Pag-isipan Mo!


Panuto: Mag-isip ng mga salitang may kaugnayan sa Kristiyanismo na nagsisimula
sa mga titik na ito.
K -_____________________________________________

15
R -_____________________________________________

I -_____________________________________________

S -
____________________________________________________
T -
____________________________________________________
I -
____________________________________________________
Y -
____________________________________________________
A -
____________________________________________________
N -
____________________________________________________
I -
____________________________________________________
S -
____________________________________________________
M -
____________________________________________________
O -
____________________________________________________

Tayahin
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot.
1. Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia De Vega
Mercado, Lea Salonga at iba pa ay pawang mga Pilipinang tumanyag sa loob
at labas ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng
kahalagahanng katanyagang tinamo ng mga nabanggit na kababaihan?
A. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki.
B. Higit ang talino at kasanayang taglay ng mga babae.
C. Mas may pagpapahalaga at tiwala ang lipunan sa mga babae
D. May taglay na karapatan at kalayaan ang mga babae

2. Sa paglipas nang panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng


mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan ng palakasan sa
daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa
pananaw ng mg bansa sa daigdig?
A. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga
Asyano.
B. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang powerhouse.
C. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng
mga Asyano sa kanilang sariling hangarin

16
D. Maraming mga atletang Asyano ang hinangad na makuha ng ibang mga
bansa.

3. Surin ang sumusnod na pahayag:


Pahayag 1: Ang Thailand ay hindi nasakop ng kahit na sinong dayuhan
samantalang ang Korea ay sinakop ng mga Hapones.
Pahayag 2: Lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay
sinakop ng mga Europeo.
A. Pahayag 1ay tama, pahayag 2 ay mali.
B. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama.
C.Lahat ng pahayag ay tama.
D.Lahat ng pahayag ay mali.

4. Pahayag 1: Ang mga mananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay


pawang mga Kanluranin.
Pahayag 2: Gumamit nang dahas ang mga Kanluranin sa pananakop
sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
A. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali.
B. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama.
C. Lahat ng pahayag ay tama.
D. Lahat ng pahayag ay mali.

5. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng


teritoryo
laban sa mas malakas na bansa, bilang isang kinatawan ng iyong bansa
alin sa sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawing
resolusyon?
A. Hindi magsususlong ng anomang interse dahil mababalewala rin
naman.
B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang
gulo.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anoman ang
mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang
magkaroon ng kalayan.

6.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspektong politikal ng


mga nasakop na bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

A. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon


B. Pagpapatayo ng mga imprastraktura
C. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa

7.Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa larangan ng


pamamahala. Alin sa sumusunod na sistemang politikal ito nahahawig?

17
A. Demokrasya C. Monarkiya (walang takda)
B. Monarkiya (konstitusyonal) D. One Party Government

8. Anong batas ng Hinduismo ang nagsasaad na ―Anomang mabuti ay galing sa


mabuti at anomang masama ay galing sa masama?‖

A. Batas ng Dharma C.Reinkarnasyon


B. Batas ng Karma D. Kanatta

9.Siya ang tinaguriang Buddha o ang naliwanagan na nagtatag ng Buddhismo.

A. Siddhartha Gautama C. Lao Tzu


B. Kutam Mohammad D. Abraham

10.Ito ang tawag sa mga nagsulat ng buhay, turo at aral ni Hesus.

A. Jains C. Apostoles
B. Abu Bakar D. Evangelista

Karagdagang Gawain

Pagsulat ng Sanaysay!

Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa paglaya ng mga bansang Asyano sa


Kolonyalismo at Imperyalsimong Kanluranin. Gamiting gabay ang sumusunod na
tanong sa pagbuo ng sanaysay.

1. Ano ang mahalagang konsepto na iyong natutuhan?


2. Paano nagkakaiba ang pagpapamalas ng damdaming Nasyonalismo ng mga
Asyano?
3. Bakit mahalaga ang pakikibaka para sa ikakabuti ng kapwa at ng bansa? Bilang
isang Pilipino, paano mo pangangalagaan ang kalayaan ng ating bansa?
______________________
_____________________________________________________________________

18
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Rubric sa Pagsusulat ng Sanaysay

Iskor Kraytirya
10 Mahusay ang organisasyon, wasto at kumpleto ang paglalahad.
Malinaw at tiyak ang mga salitang ginamit sa pagpapaliwanag.
8 May sapat na detalye o paliwanag at organizado ang paglalahad.
6 May kakulangan ang detalye at hindi nagkakatugma ang mga
kaisipan at pahayag.
4 Hindi nakasasapat ang paliwanag at walang halos tiyak na detalye
ang nabanggit.
2 Hindi maunawaan ang pahayag at walang kaugnayan sa paksa.

19
20
Tayahin Subukin Gawain 2
1. D 1.B 1. M
2. B 2.B 2. T
3. A 3.C 3. T
4. B 4.D 4. T
5. C 5.A 5. M
6. D 6. A
7. C 7.B
8. B 8.A
9. A 9.B
10. 10.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba: Aralin Panlipunan Modyul para sa Mag-
aaral

"K To 12 Curriculum Guide in Araling Panlipunan". 2016. Deped.Gov.Ph.

Department of Education. "K To 12 Most Essential Learning Competencies with


Corresponding CG Codes". Pasig City: Department of Education Central Office,
2020.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

21

You might also like