You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG MARKAHAN
PANGALAN: ____________________________________ SECTION: ____________
PETSA: _________________ SCORE: ______________

Quarter : 1 Week : 5 Day : 1 Activity No. : 13


Competency: : Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay (Code not indicated)
Objective : Natatalakay ang mga salik ng produksyon
Topic : Kahulugan ng Produksyon at Antas ng Produksyon
Materials :
Reference : Ekonomiks LM, pahina 76-80
Copyrights : (Classroom Use Only)

Concept Notes:
PRODUKSYON - isang katawagan sa ekonomiks na tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o
serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Ang proseso ng produksyon ay ang pagsama-sama ng pagawa, kapital,
entreprenyur at mga materyales na kinuha sa lupa upang lumikha ng kalakal na
ginagamit upang lumikha pa ng ibang kalakal at ng kalakal na kinukunsumo.
Ang produksyon ay lumilikha ng dagdag balik-yaman sa porma ng renta, sweldo,
interes, at kita.
May Apat na pangunahing pangangailangan bago makalikha ng isang produkto o
serbisyo,ang mga ito ay tinatawag na Salik ng Produksyon
1. Lupa 3. Puhunan
2. Lakas-paggawa 4. Kakayahan ng entreprenyor o tagapamahala
Ang produksyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya.
 Dahil sa bisa ng espesyalisasyon, may mga bahay-kalakal na tagagawa ng mga hilaw na
materyal, at meron naman na tagagawa ng sekundaryang produkto.
 May angkop na proseso, kagamitan at panahon ang bawat anyo ng produksyon upang
magawa ang isang produkto.
 Dumaraan ang paggawa ng isang produkto sa iba’t ibang proseso, yugto o antas ng
produksyon

Antas ng Produksyon
1. Primary Stage === pagkalap ng mga hilaw na sangkap
2. Secondary Stage === pagproseso ng hilaw na sangkap
3. Final Stage === pagsasa-ayos ng mga tapos na produkto

Activity: 1
PAGSASANAY
1. Bakit mahalaga ang produksyon?
2. Gumawa ng isang halimbawa na nagpapakita ng antas ng produksyon. Maaaring iguhit ang
inyong paglalarawan o maaari din na gumamit ng larawan sa pagpapakita sa antas ng produksyon
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG MARKAHAN
PANGALAN: ____________________________________ SECTION: ____________
PETSA: _________________ SCORE: ______________

Quarter : 1 Week : 5 Day : 2 Activity No. : 14


Competency: : Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay (Code not indicated)
Objective : Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay (Lupa at Lakas-Paggawa)
Topic : Lupa at Lakas-Paggawa
Materials :
Reference : Ekonomiks LM, pahina 76-80
Copyrights : (Classroom Use Only)

Concept Notes:
Salik ng Produksyon

A. Lupa bilang Salik ng Produksyon


 Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay.
 Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang-
tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat.
 Kung minsan lumalaki o lumiliit ang lupa sa pamamagitan ng pagtambak ng lupa sa latian,
ang paghahango ng lupa sa dagat na tinatawag na reclamation area.
 Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o
takda ang bilang.
 Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat
nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.
 Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito ay nagtatakda ng kita na tinatawag na upa.

B. Lakas-Paggawa bilang Salik ng Produksiyon


 Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapakipakinabang
kung hindi gagamitin at gagawing produkto.
 Nangangahulugan ito na kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga
hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo.
 Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o
serbisyo.

May dalawang uri ang lakas paggawa:


1. ang mga manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag na may white-collar
job.
 Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa
lakas ng katawan sa paggawa.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Halimbawa ng mga ito ay ang mga doktor, abogado, inhinyero, at iba pa.

2. Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o silang
mga tinaguriang may blue collar job.
 Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa.
Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber, magsasaka, at iba pa.

 Sahod o suweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.


 Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang tumutustos sa
ating pangangailangan.

Mga dahilan ng kawalan ng trabaho


1. Pagpapalit ng paggawa – May pagkakataon na mawawalan ng gana o hindi na nasiyahan sa
kanyang trabaho ang kawani kaya nagpapasyang iwanan ang trabaho upang lumipat sa
ibang kompanya.
2. Dahilang Teknolohikal – Natatanggal sa trabaho ang ilan dahil sa paggamit ng bagong makina
o bagong pamamaraang mekanikal sa isang pagawaan o industriya.
3. Pag-ikot ng Negosyo – May mga panahon na humihina ang negosyo, bumababa ang demand
Sa produkto kaya nagtatanggal ng mga manggagawa.

Activity: 1
PAGSASANAY
1. Bakit ang lupa ay itinuturing na primaryang mga salik ng produksyon?
2. Ano ang maging implikasyon nito sa pag-araw-araw na pamumuhay kung hindi ito
mapangangalagaan?
3. Naramdaman ba ng inyong pamilya ang implikasyon ng kawalan ng trabaho dahil sa pandemya
na ating kinakaharap sa kasalukuyan?
 Pagtibayin ang inyong mga kasagutan sa pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang
konkretong halimbawa na nararanasan ng inyong pamilya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG MARKAHAN
PANGALAN: ____________________________________ SECTION: ____________
PETSA: _________________ SCORE: ______________

Quarter : 1 Week : 5 Day : 3 Activity No. : 15


Competency: : Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay (Code not indicated)
Objective : Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay (Kapital at Entreprenyur)
Topic : Kapital at Entreprenyur
Materials :
Reference : Ekonomiks LM, pahina 76-80
Copyrights : (Classroom Use Only)

Concept Notes:
Salik ng Produksyon
C. Kapital bilang Salik ng Produksiyon
 Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
 ang kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong
ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking kapital upang
makamtan ang pagsulong.
 Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon ay tinatawag na interes.

Uri ng Kapital
1. Fixed Capital Goods ===Tulad ng pagawaan, makinarya at kagamitan.
2. Circulating Capital Goods === Mga produkto na ginagamit upang makagawa ng iba pang
produkto.
3. Produktong specialized Capital Goods === Natatanging puhunan na magagamit lamang sa
isang bukod-tanging layunin at hindi maaaring gamitin sa ibang dahilan.

D. Entrepreneurship bilang Salik ng Produksiyon


 Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang entrepreneurship.
 Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang
negosyo.
 Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang
makabuo ng produkto at serbisyo.
 Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga
bagay na makaaapekto sa produksiyon.
 Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon at
handa sa pagbabago.
 Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo, napakahalaga ng
inobasyon para sa isang entrepreneur.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
 Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang
produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
 Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong
pamamaraan at estilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo,
 ang sumusunod ay ilan sa mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na
entrepreneur:
1. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
2. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
3. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng
negosyo.

 Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur.


 Ito ay kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo.
 Sinasabing hindi nakatitiyak ang entrepreneur sa kaniyang tubo dahil hindi pa niya alam
ang kahihinatnan ng kaniyang pagnenegosyo.

Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksiyon ay


wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo.
Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at
serbisyo na tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailan

Activity: 1
PAGSASANAY
1. Bilang mamamayan, paano mo papahalagahan ang mga naturang salik ng produksyon?
2. Paano mo pamamahalaan ang mga implikasyong dulot nito?
 Pagtibayin ang inyong mga kasagutan sa pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang
konkretong halimbawa batay sa inyong karanasan o napagmasdan na pangyayari sa inyong
pamayanan

Activity 2

1. Batay sa graph, anong pagbubuod tungkol sa produksyon ang iyong mabubuo?


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

You might also like