You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG MARKAHAN
PANGALAN: ____________________________________ SECTION: ____________
PETSA: _________________ SCORE: ______________

Quarter : 1 Week : 3 Day : 1 Activity No. : 7


Competency: : Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. AP MKE-Ia-2
Objective : Nasusuri ang kahalagahan ng Ekonomiks
Topic : Kahalagahan ng Ekonomiks
Materials :
Reference : https://ekonomiks.info/pag-aralan-ang-ekonomiks/
Copyrights : (Classroom Purposes)

Concept Notes:
Kahalagahan ng Ekonomiks

 Mga intelektwal na pakinabang ng ekonomiks


 Ang kaalaman na makukuha mo sa pag-aaral ng ekonomiks ay kapakipakinabang dahil
palalawakin nito ang iyong pananaw sa buhay, patatalasin nito ang iyong isipan at tuturuan ka
ng balanse at maayos na pag-iisip.
 Ito ay magpapaunawa sa atin na ang ating pamumuhay sa pang-araw araw ay nakadepende sa
ating kapwa. Ang kaalamang ito ay magpapalakas ng ating pagpapahalaga sa pagtutulungan at
kooperasyon.
 Praktikal ng mga pakinabang ng ekonomiks
 mas matimbang parin ang praktikal na mga pakinabang kumpara sa mga teoretikal na
pakinabang nito.
 Halimbawa, tatalas ang iyong pag-unawa dahil sa ekonomiks, iyan ay isang teoretikal na
pakinabang. Ngunit mas mahalaga diyan ang sumusunod na mga dahilan kung bakit mahalagang
pag aralan ang ekonomiks.
 Tutulong ito sa atin na lubos na maunawan ang ating sariling ugali sa pagkita at paggasta ng
pera. Madali mong maibabagay ang iyong pang-araw araw na gastusin sa bahay alinsunod sa
kung ano o magkano na ang iyong kinikita.
 Kung ikaw ay negosyante, tuturuan ka nitong hanapin ang pinaka matipid na aspeto ng paggawa
ng produkto na nasa iyong mga kamay at madali kang makakagawa ng disisyon dahil alam mo
ang mga dahilan kung bakit tumataas o bumababa ang presyo ng iyong mga kalakal.
 Pakibang ng ekonomiks sa bawat mamamayan
 Ayon sikat na ekonomistang si Jadrian Wooten “ ikaw ay hindi lubos na mamamayan ng isang
bansa kung hindi ka sa paanuman marunong sa ekonomiks”.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
 ang ating mundong kinabubuhayan ay mabilis na nagbabago, na tayo ay nabubuhay na sa isang
daigdig na umiikot sa mga pwersang ekonomiko at mga ideolohiyang ekonomikal.
 Kung ang mga tao sa isang bansa ay hindi man lang marunong sa mga batayang prinsipyo ng
ekonomiks, maging napakarupok ng gobyerno ng bansang iyan. Mas mahihirapan ang gobyerno
sa tunguhin nitong wakasan ang kahirapan ng mga tao.
 Isa pang magpapatunay kung bakit mahalaga ang ekonomiks ay ang katunayan na talagang hindi
mo mauunawaan ang mga peryodiko kung hindi ka marunong sa paksang pang ekonomiya.
 Ang mga diyaryo ay kadalasan ng nagsasaad ng kumplikadong mga pananalita tulad ng
implasyon, balance ng pagbabayad, balanse ng pangangalakal, cooperative farming at kung anu-
ano pa.
 Sa ating maikling pag-uusap, nakita natin na talagang mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks. Ito
ay mahalaga sa bawat mamamayan, mga trabahador o empleyado, mga taga pamahala sa
gobyerno, mamimili, at mga negosyante.
 Tama ang sabi ng isang dalubhasa sa ekonomiya na si Sir Henry Clay, ang pag aaral ng
ekonomiks ay isang praktikal na pangangailangan at isang obligasyon ng bawat mamamayan.

Activity: 1
PAGSASANAY:
1. Batay sa iyong natutunan sa araling ito, papaano mo maipapakita ang kahalagan ng
ekonomiks sa iyong buhay bilang kasapi ng pamilya at lipunan?
 Ipayahag ang iyong kasagutan sa dalawang paragraph.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG MARKAHAN
PANGALAN: ____________________________________ SECTION: ____________
PETSA: _________________ SCORE: ______________

Quarter : 1 Week : 3 Day : 2 Activity No. : 8


Competency: : Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. AP MKE-Ia-2
Objective : Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya
Topic : Kahalagahan ng Ekonomiks
Materials :
Reference : https://brainly.ph/question/141769#readmore
https://ekonomiks.info/pag-aralan-ang-ekonomiks/

Copyrights : (Classroom Use Only)

Concept Notes:
Ang isa sa pinaka malaking kapakinabangan ng ekonomiks ay ang kakayahan nitong paunti-
unting alisin ang bakas ng kahirapan sa isang bansa. Tayo ay sinasalot ng matinding mga
problema sa ekonomiya, tulad na lamang ng mababang kita, kakulangan sa produksyon sa
agrikultura, mahinang pag-unlad ng industriya, mabilis na paglobo ng populasyon, hindi pa
gaanong maunlad na sistema ng komunikasyon at transportasyon at marami pang iba. Ang pag-
aaral sa ekonomiks ay makatutulong sa ating mga lider na makaisip ng mabisang mga
pamamaraan para masulosyunan ang lahat ng mga problemang ito.

Activity: 1

 Batay sa mga natutunan ninyo sa mga nakaraang aralin, kayo ay gagawa ng isang
malikhaing Gawain para ipahayag ninyo ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

 Ang mga sumusunod ay maaari ninyong pagpilian na malikhain sa Gawain. Pero kung
mayroong kayong naisip na mas magandang paraan sa pagpapahayag ng inyong saloobin sa
kahalagan ng ekonomiks “ Please feel free to use it”
 Tula
 Spoken Poetry
 Collage
 Poster
 Story Telling
 Jingle
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Rubrik para sa Pagmamarka
Kriterya 4 3 2 1
Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
malikhaing malikhaing malikhaing malikhaing
Gawain ay Gawain ay Gawain ay Gawain ay hindi
nakapagbigay ng nakapagbigay kulang sa organisado at
wasto at ng wastong kailangang kulang sa
napakahalagang impormasyon impormasyon kailangang
impormasyon tungkol sa tungkol sa impormasyon
Impormatibo tungkol sa kahalagahan ng kahalagahan ng tungkol sa
kahalagahan ng ekonomiks sa ekonomiks sa kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw- pang-araw-araw ekonomiks sa
pang-araw-araw araw na na pamumuhay pang-araw-araw
na pamumuhay pamumuhay ng ng bawat na pamumuhay
ng bawat bawat pamilya pamilya at ng ng bawat
pamilya at ng at ng lipunan lipunan pamilya at ng
lipunan lipunan
Napakagaling ng Magaling ang Maykakulangan Hindi maayos
pagkakagawa ng pagkakagawa ang ang
Malikhain malikhaing ng malikhaing pagkakagawa ng pagkakagawa ng
gawain gawain malikhaing malikhaing
gawain gawain
Ang nabuong Ang nabuong Ang ilang bahagi Marami sa mga
malikhain malikhain ng nabuong bahagi ng
Gawain ay Gawain ay malikhain nabuong
nagpakita ng nagpakita ng Gawain ay malikhain
makatotohanang pangyayari nagpakita ng Gawain ay
pangyayari tungkol sa hindi nagpakita ng
tungkol sa kahalagahan ng makatotohanang hindi
Katotohanan kahalagahan ng ekonomiks sa pangyayari makatotohanang
ekonomiks sa pang-araw- tungkol sa pangyayari
pang-araw-araw araw na kahalagahan ng tungkol sa
na pamumuhay pamumuhay ng ekonomiks sa kahalagahan ng
ng bawat bawat pamilya pang-araw-araw ekonomiks sa
pamilya at ng at ng lipunan na pamumuhay pang-araw-araw
lipunan ng bawat na pamumuhay
pamilya at ng ng bawat
lipunan pamilya at ng
lipunan
Pagiging nasa Naipasa ang Naipasa ang Naipasa ang Naipasa ang
oras Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
takdang oras pagkaraan ng pagkaraan ng pagkaraan ng
dalawang araw apat na araw isang lingo
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG MARKAHAN
PANGALAN: ____________________________________ SECTION: ____________
PETSA: _________________ SCORE: ______________

Quarter : 1 Week : 2 Day : 3 Activity No. : 9


Competency: : Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.
AP9MKE-Ia-1
Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. AP MKE-Ia-2
Objective : Nasasagutan ang Lagumang Pasulit
Topic : Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
Materials :
Reference : Gawain 1-8
Copyrights : (Classroom Use Only)

Activity1
Panuto: Basahing maayos ang mga pahayag. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang titik ng
wastong sa unahan ng bawat bilang

Part I. Multiple Choice.


1. Bakit na itinuturing na isang agham panlipunan ang ekonomiks?
A. Sapagkat ito’y sumasaklaw sa pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng bansa.
B. Sapagkat ito’y pamamahagi ng kita ng pamahalaan sa mga taong bayan.
C. Sapagkat ito’y pagsasama-sama ng mga datos para pag-aralan ang bilang ng mga
nandayuhan sa bansa.
D. Sapagkat ito’y paghahati-hati ng mga limitadong pinagkukunang-yaman para
matugunan ang mga pangangailangan ng tao sa lipunan.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan. Bakit dapat itong pag-aralan at matutunan
ng bawat tao?
A. Sapagkat ito’y may kinalaman sa lahat ng dako ng daigdig.
B. Sapagkat malaki ang papel na ginagampanan ng ekonomiya sa pulitika ng bansa.
C. Sapagkat pinahahalagahan nito ang kalikasan na tumutustos sa malaking bahagi ng
pangangailangan ng tao.
D. Sapagkat nalalaman dito ang tamang alokasyon ng limitadong pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
4. Ang Ekonomiks ay isang siyentipikong pamamaraan sa pagsusuri ng mga suliraning may
kaugnayan at epekto sa isang ekonomiya. Ano ang nagpapatunay sa konseptong ito?
A. Ang Ekonomiks ay may malawak na saklaw sa ating buhay.
B. Ang Ekonomiks ay hindi nakakaimpluwensiya sa ating kasalukuyang kalagayang pang-
ekonomiya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
C. Ang Ekonomiks ay paraan ng pagsisikap ng tao upang mabuhay lamang.
D. Sa Ekonomiks, nabibigyan ng kasagutan ang bawat suliranin.
5. Ang ekonomiks ay nauugnay sa kasaysayan. Katotohanan ang pangungusap na ito
sapagkat ___.
A. tinalakay sa ekonomiks ang mga digmaan
B. kabilang sa ekonomiks ang pagtuklas sa sinaunang tao
C. pinag-aaralan sa ekonomiks ang pagsisikap ng tao upang magkaroon ng kabuhayan
D. tinalakay sa ekonomiks ang likas na yaman
6. Nakatutulong ang kaalaman at kasanayan sa ekonomiks sa paggawa ng wastong
pagpapasya. Nangangahulugan ito na ang ekonomiks ay ___________.
A. nagtuturo ng tamang sagot sa problema C. humahatol sa problema
B. nagbibigay ng kasanayan sa problema D. humahanap ng problema
7. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?
A. isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
B. isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
C. isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
D. isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
8. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan
na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa kaniyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
9. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang trade-off ay
ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang opportunity cost
ay ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon. Bakit may nagaganap na trade-off at opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
B. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
D. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
10. Alin sa mga maka-agham na pamamaraan ang hindi ginagawa ng ekonomiks?
A. obserbasyon C. pag-eeksperimento sa laboratoryo
B. pagkuha ng datos D. pagsusuri ng datos
11. Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito
man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
A. opportunity cost C. trade-off
B. marginal thinking D. incentives
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
12. Sa taas ng presyo ng mga bilihin nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang
sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang
pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong mamumungkahi
upang mapagaan ang problema sa pananalapi ng iyong pamilya?
A. Huwag munang gastusin ang baon sa paaralan
B. Bumili ng mura ngunit masustansyang pagkain
C. maghanap ng trabahong malaki ang sweldo
D. Huminto muna sa pag-aaral
13. Anong paglalahat ang maaaring gawin kung ang isang bansa ay maunlad ang ekonomiya,
tahimik balance ang ekolohiya, at malusog ang mga mamamayan?
A. ang kaunlaran ay nagiging sustainable C. liligaya ang lahat
B. yayaman ang mamamayan D. mawawala na ang krimen
14. Nais ni Clara na magluto ng sinigang, kaso walang sampalok na ibenta sa palengke na malapit sa
kanila kaya nagpasya si Clara na bumili na lang ng kamyas para sa sinigang. Anong kasanayan sa
ekonomiks ang ipinakita sa sitwasyon?
A. pagsusuri at pag-aaral ng alternatibo C. pagiging mapagmatyag kung ano ang meron
B. marunong humanap ng paraan D. hindi susuko sa panahon ng problema
15. Sa ekonomiks, kailan itinutiring na pinagkukunan o “resource” ang isang bagay?
A. kung mahalaga ito C. kung ginagamit ito ng mga tao
B. kung ginagamit ito sa paggawa ng produkto o serbisyo D. kung laganap ito
16. Kung binigyan ka nang kapangyarihan na makilahok sa desisyong pang-ekonomiya ng bansa,
alin sa sumusunod ang iyong posibleng gagawin?
A. makilahok sa kalakalang panlabas sa paraan ng pangungutang
B. kontrolin ang pera na nasa sirkulasyon
C. magbawas ng gastusin na nauukol sa edukasyon at depensa
D. magpatupad ng programa na mapataas ang kapasidad at produksyon ng mga manggagawa
17. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap
maliban sa ___.
A. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
B. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
C. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
D. magiging maayos ang pagbabadyet
18. Alin ang napakamabuti mong gawin upang pagkasyahin ang allowance na ibinigay ng
nakatandang kapatid?
A. bumili ng cellphone na may maraming application
B. itatabi na lang ang pera para makapag-impok
C. bumili lamang ng talagang kinakailangan
D. hihingi ng karagdagang allowance sa kapatid
19. Pinagkasya ng asawa sa mga kailangan ng pamilya ang kita ni Mang Toribio. Ano kaya ang
ginagawa niya?
A. kinokontrol ang luho ng mga anak C. bumili lamang ng kinakailangan
B. matalinong pagdedesisyon at pagbabadyet D. wala sa nabanggit
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
20. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ay lubhang nakakaapekto upang mapanatili ang
balanse ng populasyon at pinagkukunang-yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod na
programa ang mungkahing hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang patuloy na pagtaas ng
populasyon?
A. pagplano ng pamilya C. pagpapaliban ng pag-aasawa
B. pagtatakda ng gulang sa pag-aasawa D. pag-aasawa ng maaga

Part II. Identification/Pagkilala. Ibigay ang mga hinihingi ng bawat pahayag.

1. Ang French word na pinanggalingan ng salitang economics?


2. Anu – ano ang dalawang salitang Griyego na pinagmulan ng salitang ekonomiks at
ano ang kahulugan nito?
3. Ang unang katawagan ng economics na siyang pinakasentro ng mga pilosoper?
4. Ano ang pangunahing konsepto ng ekonomiks?
5. Pangunahing gawain ng economics?
6. Pangunahing layunin ng ekonomiks?
7. Ang pinakalimitasyon sa pag-aaral ng ekonomiks?
8 – 11. Ibigay ang apat na mahahalagang aspeto ng ekonomiks.
12. Ang pinakamatandang kinikilalang nakasulat sa larangan ng ekonomiks
13. Bakit patuloy ang pagsisikap ng tao?
14-15. ang dalawang magkatunggaling sitwasyon sa kahulugan ng ekonomiks?

Kasagutan:

You might also like