You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
LUZONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagudpud
luzongnhs1968@gmail.com

ARALING PANLIPUNAN 8
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
DIAGNOSTIC TEST

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga pangyayari na naganap


noong panahon ng Mesolitiko?
A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.

2. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga


pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal?
A. disiplinado C. maramot
B. mapagtimpi D. matalino

3. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga


kasangkapan?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

4. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso
B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal
C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse
D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal

5. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko?


A. Agrikultura C. Irigasyon
B. Apoy D. Metal

6. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato:Paleolitiko,


Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko?
A. gitnang panahon ng bato
B. panahon ng lumang bato
C. panahon ng bagong bato
D. gitnang panahon ng bronse
7. Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?
A. Ice Age C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Paleolitiko
8. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga
yugto ng pag-unlad ng tao?
A. pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng
metal.
D. ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng
kalakalan.

9. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong


Neolitiko?
A. dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
B. nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
C. dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
D. sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.

10. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at
kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal?
A. Tataas ang suplay ng pagkain.
B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.

11. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?


A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

12. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa
paglibing ng mga yumao?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong


Paleolitiko?
A. Natuto nang magtanim ang tao.
B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
C. Naninirahan malapit sa mga lambak.
D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse.
14. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng
mga kaganapan?
A. Historiko C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Prehistoriko
15. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng
lugar sa panahon ng Neolitiko?
A. Natutunan na ang pagmimina.
B. Takot silang mabihag ng ibang tribu.
C. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
D.Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na

16.Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon?


A. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.
B. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa
komunidad.
C. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan.
D. Lahat ng nabanggit.

17.Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian


at hieroglyphics ng mga taga Ehipto?
A.Ang mga sinaunang tao ay matatalino.
B.Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.
C.Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat.
D.Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.

18.Bakit mahalaga ang pag-unlad ng isang pamayanan?


A.Napapaunlad nito ang ekonomiya --- sa paggawaat kalakalan.
B.Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng
makabagong teknolohiya sa produksiyon.
C.Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng pamahalaan at batas, pananampalataya, sistemang
edukasyon at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit.

19.Alin sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa kapaligiran at


nakatulong sa paglinang ng mga sinaunang kabihasnan?
A.Nagkaroon ng specialized labor batay sa kakayahan at kasanayan.
B.Ang mga Sumer ay gumamit ng luwad o clay-tablets sa kanilang
pagsusulat.
C.Ang kabihasnang Ehipto ay nakapag-imbento ng teknolohiya para sa
pagtukoy ng oras.
D.Dahil sa sobra-sobrang produksiyon ng agrikultura napaunlad ang
kalakalan o komersiyo.

20.Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang diyos?
A.Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis
B.Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng
sinasakupan.
C.Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat ng araw, pagbaha
at pagtubo ng mga pananim.
D.Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at
pagpapatayo ng pook-sambahan.
21.Sino ang pinuno na nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos
pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria?
A.Cyrus the Great C. Nebuchadnezzar II
B.Nabopolassar D. Sargon I

22.Anong lungsod ang matatagpuan sa bahagi ng daluyang Indus River?


A.Mohenjo-Daro C. Olmec
B.Harappa D. Teotihuacan

23.Ano ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma,


sagradong ritwal, sawikain at mga salaysay ng mga Hindu?
A.Bibliya C. Ritwal
B.Koran D. Vedas

24.Ano ang tawag sa isang kaisipan na humubog sa kamalayan ng mga


Tsino na naglalayong magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa
pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga
tao sa lipunan?
A.Confucianism C. Legalism
B.Daoism D. Taoism

25.Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at


taglay ang mga lihim ng langit at lupa?
A.hari C. pangulo
B.pari D. paraon

26.Anong bansa sa kasalukuyan ang pinagmulan ng kabihasnang naganap


sa lambak-ilog ng Nile?
A.Ehipto C. Iraq
B.India D. Tsina

27.Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga sinaunang kabihasnan ng


daigdig?
A.Kabihasnang Mesoamerica C. Kabihasnang Indus
B.Kabihasnang Mesopotamia D. Kabihasnang Tsino

28.Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga taga Ehipto?


A.Caligraphy C. Hieroglyphics
B.Cuneiform D. Pictogram

29.Ang tawag sa relihiyon na tinangkilik ng Dinastiyang Tang na naniniwala sa


“Apat na Dakilang Katotohanan” ay_____.
A.Budhismo C. Hinduismo
B.Kattolisismo D. Sikhismo
30.Alin sa sumusunod ang kaisipang umusbong sa Tsina na nagbigay halaga sa
pagkakaroon ng isang organisadong lipunan?
A.Budhismo C. Legalismo
B.Confucianismo D. Taoismo
31.Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at
Carthage?
A. apat C. isa
B. dalawa D. tatlo

32.Aling pangkat ang nagtatag ng Carthage na siyang naging kalaban ng mga


Romano?
C. Assyrian C. Phoenician
D. Lydian D. Sumerian

33.Anong pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?


A.paghatid ng kasaganaan sa lipunan
B.pagkaroon ng maraming tagapagtanggol
C.pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan
D.pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayann

34.Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong


Romano?
A.hindi matatag na pamumuno
B.paglusob ng mga tribong barbaro
C.may sariling paraan ang bawat isa
D.pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan

35.Ilang tao ang bumubuo sa triumvirate sa Roma?


A.isang
B.tatlong
C.apatang
D.dalawang

36.Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano?


A.Amerika C. Asya
B.Aprika D. Europa

37.Anong uri ng pamahalaan ng ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging


monarkiya?
A.Aristokrasya C. Diktadurya
B.Demokrasya D. Republika

38.Anong tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang


asendero?
A.Haciendero C. Patrician
B.Negosyante D. Plebeian
39.Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na?
A.Haciendero C. Patrician
B..Negosyante D. Plebeian

40.Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya?


A.Roma C. Milan
B.Florence D. Venice

41.Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa


Medieval tungo sa Modernong Panahon?
A.Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B.Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C.Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng
imbensiyon at agham.

42.Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance


sa kasalukuyang panahon?
A.Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B.Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism.
C.Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman.
D.Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman
sa iba’t ibang larangan lalo na sa agham.

43.Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?


A.muling pagbabago C. muling pagkatuto
B.muling pagkagising D. muling pagsilang

44.Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?


France C. Greece
Germany D. Italy

45.Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa


panahon ng Renaissance?
A.kalakalan at industriya
B.pangingisda at pagsasaka
C.pagpapastol at pagbabarter
D.pagsasaka at pag-aalaga ng hayop

46.Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian


maliban sa isa:
A.Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito.
B.Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan.
C.Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining.
D.Pag-usbong mga mga humanista.
47.Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya?
A. Taglay nito ang magandang lokasyon.
B.Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma.
C.Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan.
D.Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano.

48.Sa aling obra maestra ni Leonardo da Vinci ipinapakita ang isang mahalagang
eksena sa buhay ni Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo?
A.Mona Lisa
B.Tribute Money
C.The Last Supper
D.Madonna and the Child

49.Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa


Europa sa panahon ng Renaissance?
Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya.
Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal.
Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko.
Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan.

50.Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng


agham?
Batas ng Universe
Teoryang Copernican
Teoryang Heliocentric
Batas ng Universal Gravitation

Inihanda nina:

LESLIE S. ANDRES
AP Teacher

Iniwasto: Inaprubahan ni:

THELMA R. SACSAC GLADYS A. ACOBA,Ed.D


Master Teacher II (SHS) School Principal IV

You might also like