You are on page 1of 3

Department of Education

Division of Camarines Sur


EDUARDO V. AGOMAA NATIONAL HIGH SCHOOL
Duang Niog, Libmanan, Camarines Sur

Araling Panlipunan 7: Kasaysayan ng Asya


S/Y 2018-2019
Ikalawang Pamanahunang Pagsusulit

Pangalan: __________________________ Seksyon:________ Petsa: _________ Iskor:_______

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang mga sumusunod ay mga totoong pahayag ukol sa kabihasnan at sibilisasyon, maliban sa isa. Alin
ang hindi totoong pahayag?
a. Ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang kasing kahulugan ng
salitang sibilisasyon.
b. Hindi ibig sabihin na kapag namuhay ang isang tao sa lungsod ay sibilisado na ito.
c. Ang kabihasnan ay pagpigil ng pag-unlad ng isang pamayanan.
d. Lahat ng nabanggit ay totoo.
2. Ang panahong paleolitiko ay panahon kung saan ang mga tao ay nakadepende lamang sa kapaligiran
para sa kanilang pangangailangan. Paano nakakakuha ng pagkain ang mga taong nabuhay sa panahon na
ito?
a. Pumupunta sila sa pamayanan at bumibili ng pagkain.
b. Nagtatanim sila ng palay at nag-aalaga ng mga hayop.
c. Naghahanap sila ng mga bunga at halaman na pwedeng makain.
d. Sila ay gumagamit ng metal na sibat sa pangangaso upang may makain.
3. Si Ani ay matagal nang nabuhay sa kagubatan kung saan malamig at madilim kapag gabi. Bukod pa rito,
maraming mga mabangis na hayop ang naglipana. Isang araw, natuklasan ni Ani ang paggawa ng apoy.
Ginamit niya itong ilaw tuwing gabi at sandata upang itaboy ang mababangis na hayop. Sa anong
panahon nabuhay si Ani?
a. Panahong Metalb. Panahong Mesolitiko c. Panahong Neolitiko d. Panahong Paleolitiko
4. Ang pamilya ni Una ay walang permanenteng tirahan. Sila ay naghahanap ng bagong tirahan sa tuwing ang
mga halaman at prutas ay naubos na sa kanilang lugar. Ano ang tawag sa ganitong uri ng pamumuhay?
a. Bayanihang pamumuhay b. Nomadikong pamumuhay c. No permanent address d. Etnikong pamumuhay
5. Hindi naglaon, ang pamilya ni Ding ay hindi na lamang umaasa sa pamimitas ng mga prutas at halaman.
Natuto na rin silang magtanim. Anong panahon nabuhay si Ding?
a. Panahong Metal b. Panahong Mesolitiko c. Panahong Neolitiko d. Panahong Paleolitiko
6. Ano ang tawag sa panahong transisyon mula sa Panahong Paleolitiko papuntang Neolitiko?
a. Panahong Metal b. Panahong Mesolitiko c. Panahong Neolitiko d. Panahong Paleolitiko
7. Ngayong araw, gumawa si Tonio ng mga kasangkapang yari sa metal upang mapalitan ang kanilang mga
kasangkapang yari sa bato. Anong panahon nabuhay si Tonio?
a. Panahong Metal b. Panahong Mesolitiko c. Panahong Neolitiko d. Panahong Paleolitiko
8. Si Don ay nagpapastol ng tupa araw araw. Kailangan niyang mag alaga ng mga hayop para sa pagkain at
damit dahil ang kanilang damit ay gawa sa balat ng hayop. Anong panahon nabuhay si Don?
a. Panahong Metal b. Panahong Mesolitiko c. Panahong Neolitiko d. Panahong Paleolitiko
9. Bakit kinikilala bilang cradle of civilization ang Mesopotamia sa Kabihasnang Sumer?
a. Dahil dito pinanganak ang unang dakilang lider ng sinaunag sibilisasyon.
b. Dahil ito ang unang naging malagong taniman ng palay sa buong mundo.
c. Dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.
d. Dahil ito ang naging kanlungan ng mga batang nabuhay noong sinaunang panahon.
10. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates ay mahalagang mga ilog sa sinaunang sibilisasyon. Pinataba nito ang
mga lupain ng anong sinaunang kabihasnan?
a. Sumer b. Indus c. Shang d. Ziggurat
11. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon
ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
a. Walang pagkakaisa ang mga lungsod -estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo
nito.
b. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong
pamumuhay.
c. May sistema ng pagsusulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
d. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
12. Anong mga ilog ang nagpaunlad sa kabihasnang Indus?
a. Sumeria at Indus b. Tigris at Euphrates c. Ganges at Indus d. Shang at Huang He

13. Noong panahon ng sibilisasyong Mesopotamia ay hindi pa naimbento ang papel. Ano ang material na
ginamit ng mga tao sa pagsusulat?
a. Tabla ng kahoy b. Dahon at ting-ting c. Semento d. Putik o clay tablet
14. Isa sa mga patunay ng kakayahan ng mga Sumerian ay ang pagkakatatag ng mga Ziggurat. Ano ang Ziggurat?
a. samahan ng mga pinuno ng bawat nayon
b. templo na ginawa para sa kanilang diyos
c. maliit na lipunan maihahalintulad sa barangay
d. pamilihang bayan kung saan sila nagpapalitan ng produkto

15. Ang cuneiform ay isang mahalagang patunay ng pag-unlad ng sinaunang kabihasnan ng Sumer. Bakit
mahalaga ang cuneiform?
a. uri ng pare-parehong damit
b. sinaunang sistema ng pagsusulat
c. templo ng kanilang kinikilalang diyos
d. maliit na sistematikong pamayanan

16. Bakit itinuturing na mga importanteng lungsod ang Harrapa at Mohenjo-Daro sa Kabihasnang Indus?
a. ito ang pinakaunang kabihasnan sa buong mundo
b. ang mga lungsod na ito ay planado at organisado
c. ito ay isang lungsod sa isla
d. ang mga lungsod na ito ay itinuturing na banal

17. Ang pictogram ay mahalagang pamana ng Kabihasnang Indus sa mundo. Ano ang pictogram?
a. sistema ng pagsulat
b. koleksyon ng mga larawan
c. mga eskultura ng sinaunang tao
d. mga buto ng namatay na sinaunang tao
18. Ang mga Tsino ay naniniwala na ang kanilang emperador ay mayroong basbas o pahintulot ng kalangitan na
mamuno. Ano ang termino o tawag sa basbas na ito?
e. Allah b. Mandate of Heaven c. Son of Heaven d. Hulog ng Langit
19. Isa sa mga pamana ng kabihasnang Tsino ay ang pagpapatayo ng pinakamalaki at pinakamahabang pader sa
buong mundo na tinawag na Great Wall of China. Bakit ipinagawa ang Great Wall of China?
a. Ito ay ipinagawa upang maging pasyalan ng mga susunod na henerasyon
b. Upang maipakita ng Tsina sa buong mundo kung gaano sila kagaling at kalakas
c. Ito ay itinayo upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang Tsina
d. Ginawa nila ito para umunlad ang pakikipagkalakalan nila sa mga banyagang bansa
20. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Ano ang tawag sa sistemang ito?

a. Baybayin b. Calligraphy c. Cuneiform d. Heiroglyphics


21. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.

Ano ang iyong mahihinuha ukol sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan?


a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
b. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
c. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan
d. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan
22. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
a. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang
panahon
b. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga
ambag
c. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito
d. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang kakagawa ng mga kahanga-
hangang bagay sa daigdig
23. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang
tao noong Panahong Neolitiko?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
b. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.
c. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop
d. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa
kasalukuyan.

24. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
a. Limitado ang naiwang pamana ng mga Sumerian dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at
pagkasira ng mga estruktura nito.
b. Patuloy pa ring ginagamit ang paraan ng pagsasaka at paggamit ng palikuran, na unang ginawa
ng mga sinaunaang tao.
c. Madaling unawain ang cuneiform at heiroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan
sakasalukuyan.
d. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
25. Noong unang panahon, hindi pa bumoboto ang mga Pilipino, sa halip ay nagkakaroon ng tagisan ang
mga gusting mamuno at saka pinipili kung sino sakanila ang nararapat ng maging pinuno. Ano ang
mga katangian ng pinuno ang pinahahalagahan noon ng mga sinaunang Pilipino?
a. Pagiging pinaka matalino, pinaka malakas, at pinaka mahusay
b. Pagiging mayaman, guwapo, at matipuno
c. Pagiging makadiyos
d. Kahusayan sa pagtatanim ng palay
26. Sa mga bansang Muslim, kinikilala nila ang kanilang pinuno bilang caliph. Ano ang kahulugan ng
salitang “caliph”?
a. Utos at basbas ni Allah b. Anak ni Allah c. Hulog ng langit d. Anghel
III. Sa pamamagitan ng flow chart, ipakita ang pagakakasunod-sunod ng mga kaganapan sa pag-unlad ng
pamumuhay ng mga tao. Isulat lamang ang titik ng kaganapan sa bawat yugto.

A. Natutong magpaamo ng hayop at gumawa ng mga damit na galling sa balat ng hayop.


B. Ang mga tao ay umaasa lamang sa kapaligiran para sa kanilang mga pangangailangan.
C. Ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng kasangkapang yari sa metal at paglaon ito ay napalitan
ng tanso.
D. Natutong magtanim ang mga tao.

Paleolitiko Mesolitiko Neolitko Panahong Metal

You might also like