You are on page 1of 3

Kaunlaran High School

Ikalawang Pamapamanahunang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng
kanilang diyos o diyosa? (K)
a. Great wall of China
b. Taj Mahal
c. Ziggurat
d. Hanging Gardens
2. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Sumerian sa Kabihasnang Pandaigdig? (K)
a. Ang pagtuklas ng pottery wheel
b. Mga seda at porselana
c. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
d. Pagkatuklas ng paggamit ng decimal system
3. Anu-ano sa mga sumusunod ang batayang salik na nagpapatunay sa pagkakaroon ng kabihasnan sa Asya? (U)
a. May mababang uri ng pamumuhay
b. Ang mga tao ay namuhay bilang nomadiko
c. Sila ay nagkaroon ng organisado at sistematikong paraan ng pamumuhay
d. Ang mga tao ay may kaniya-kaniyang grupong kinabibilangan
4. Mapapansin na ang mga sinaunang kabihasnan ay nagtayo ng mga lungsod sa gilid o tabi ng mga ilog. Ano
ang pangunahing dahilan kung bakit sa tabi ng mga ilog nila itinayo ang kanilang kabihasnan? (U)
a. Sapagkat marami ang mga ilog ang nakapaligid sa kanilang mga lungsod-estado
b. Sapagkat sa tabi ng mga ilog ay may matatabang lupa at ditto sila nakakakuha ng malinis na tubig na
siyang kailangan nila sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.
c. Sapagkat
5. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura. Walang makabagong kultura at
kung hindi aangkp sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano
ang mensaheng ipanaabot ng pahayag? (U)
a. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa.
b. Dapat pahalagahan nag kultura ng mga bansa
c. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa
d. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.
6. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o sistema ng pagsulat ng mga tsino? (U)
a. Dahil ito ang mahahalagang ambag ng kabihasnang Shang
b. Dahil ito ang pinagbataayan ng kanilang lipunan
c. Dahil ito ang nagsilbing tgapaf-isa sa mga tsino sa kabila ng iba-iba nilang wika
d. Dahil ito ang nagsilbing simbolo ng mga karakter ng mga tsino
7. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na “son of heaven” o “Anak ng langit ang kanilang emperador,
ano ano ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito? (K)
a. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganahan at kapayapaan.
b. Namumuno siya dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng diyos
c. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng Diyos
d. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda.
8. Sa mga pahayag sa ibaba, alin dito ang pinakamahalagang natuklasan ng tao na naging dahilan ng pananatili
nila sa iisang lugar na nagsilbing dahilan ng pagkakatatag nang mga sinaunang kabihasnan? (U)
a. Natuklasan nila ang paggawa ng apoy
b. Natuklasan nila ang pangangaso at pagpapaamo sa mga hayop
c. Natuklasan nila ang pagtatanim ng mga butil, buto ng prutas at iba pang mga halaman
d. Natuklasan nila ang paggawa ng mga palayok
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan? (U)
a. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
b. Mataas na uri ng paninirahan at maunlad na pamayanan
c. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailang ng mga mamayan
10. Pagsunud-sunurin ang mga kaganapan ng sinaunag kabihasnang asyano. (U)
1. Nalikha ng mga Sumerian ang Cuneiform writing
2. Lumitaw ang Neolitikong pamayanan sa Ilog Indus
3. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ay namayagpag
4. Ang kabisnang Indo-aryan ay nabuo noong 1500 BCE
a. 1-2-3-4 c. 1-4-2-3
b. 1-2-4-3 d. 4-1-2-3
11. Paano naiiba ang sistemang pangrelihiyon ng kabihasnang Shang sa kabihasnang Indus at Sumer? (U)
a. Nagsasagawa ang hari ng shang ng tungkuling panrelihiyon’
b. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinatadhana ng simbahan
c. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o panghuhula
d. Batay ang pananampalataya ng shang sa maraming diyos
12. Ito ay Lupain sa pagitan ng dalawang kambal na ilog, ang ilog Tigris at Euphrates na may hugis kalahating
buwan. Alin sa mga sumusunod ang lupaing ito? (K)
a. Crescent moon c. Half moon
b. Fertile crescent d. full moon
13. Ito ang kauna-unahang naisulat na kodigo ng mga batas sa buong daidig. (K)
a. Saligang batas c. Batas militar
b. Batas Ur d. kodigo ni Hammurabi
14. Ito ay ang pinakatanyag na epiko ng mga Sumerian. Ito ay halaw sa kwento ng kanilang hari kung saan siya ay
sinasabing kalahating tao at kalahating Diyos. (K)
a. Ramayana c. epiko ni Gilgamesh
b. Hinayata d. epiko ni Hammurabi
15. Ayon kay Charles Darwin mula sa kanyang aklat na “ The origin of species”, ang bawat organismo raw na
matatagpuan sa daigdig ay buhat sa isang payak na organism at sa paglipas ng panahon ay naging
komplikadong organism. Ano ang tawag sa teoryang ito ni Darwin? (k)
a. Teoryang Ebolusyon c. Teoryang Nebular
b. Teorya ng paglalang d. Teoryang Big Bang
16. Sila ay isa sa mga uri ng tao na sinasabing nakakatyo ng tuwid at unang gumamit ng apoy para sa pang-araw-
araw nilang pamumuhay. (k)
a. Neanderthal man c. Homo sapiens
b. Homo erectus d. Homo Habilis
17. Ang mga Homo habilis ay isa sa mga uri ng tao hango sa teorya ni Darwin na nagpapaliwanag ng
pinanggalingan ng tao. Ano ang kahulugan ng Homo Habilis? (k)
a. Taong Nakakapagbasa c. Taong Nakakapag-isip
b. Taong Nakakatayo ng tuwid d. Taong Nakakagamit ng mga Kagamitan
18. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng paraan ng
pamumuhay sa panahong Paleolitiko? (U)
a. Pinakinis ng mga tao ang magagaspang na batong nagpadali at nagpagaan sa kanilang mga Gawain
b. Magagaspang na bato ang kagamitan sa panahong ito at pulu-pulutong sila kung mahanap ng pagkain.
c. Gumamit sila ng mga palayok na gawa sa luwad
d. Natuklasan nila ang pagtatanim ng butil, mga buto ng prutas gulay at iba pang halaman
19. Alin sa mga sumusunod na teorya ang nagsasabi na ang mundo at ang lahat ng nilalang kasama ang tao ay
nilikha ng Diyos? (k)
a. Teorya ng ebolusyon c. Teoryang Big Bang
b. Teoryang Nebular d. Teorya ng Paglalang
20. Alin sa mga sumusunod ang sinasabing naging dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Indus (Mohenjo-daro at
harrapa)? (u)
a. Ito ay bunga ng digmaan at epidemya ang pagkawasak ng mga lungsod ng Kabihasnang Indus
b. Bunga ito ng pandarayuhan nila sa ibang mas mauunlad na lungsod
c. Ito ay bunga ng hindi pagkakaunawan ng mga lungsod ng Mohenjo-daro at Harrapa
d. Bunga ng pagkakaroon ng matinding sakuna sa kanilang lugar
21. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan? (k)
a. Dahil maayos at mabibilis natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
b. Dahil sa natuklasnag dalwang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan at may
sentralisadong sistema ng kanla sa ilalim ng luoa
c. Dahil hindi nagkaroon ng animang baks ng pag-aaway sa lugar na ito
d. Dahil maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
22. Alin sa mga sumusunod ang imporamsyong nagpaptunay na ang kabihasnang Sumer ang pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig? (u)
a. Dahil kinilala ang sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong
kontribusyon sa daigdig
b. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
c. Dahil nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
d. Dahil sila ang namgibabaw na pamayanan na nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
23. Sila ang uri ng mga tao mula sa teoryang ebolusyon ni Darwin na sinasabing pinakamaliit na kamag-anak ng
modernong tao dahil sila ay “Taong-nakapag-iisip”. Sino sila? (k)
a. Homos Sapiens c. Australopithecus
b. Homo Erectus d. Homo Habilis
24. Ito ay bahagi ng paniniwala ng mga tsino na sila ang sentro ng daigdig at ang kanilang emperador ay “Anak
ng Langit”. Ano ang tawag sa paniniwalaang ito? (k)
a. Sinocentrism c. Divine Origin
b. Holy Heaven d. Theravada Buddhism
25. Paano nabubuo ang isang kabihasnan? (u)
a. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at
sistema ng pagsulat
b. Kapag may pamahalaan, relihiyon sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat
c. Kapag nagaing maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran
d. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan

You might also like