You are on page 1of 5

Pangalan:

Baitang/Pangkat:

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 7

PANUTO: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Piliin at bilugan ang titik ang
tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagbabago sa pisikal ng tao tulad ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad
at posisyon ng katawan ay ang siyang pangunahing ginamit na batayan sa pag-unlad.
a. Ebolusyong kultural c. Ebolusyong bayolohikal
b. Teorya ng ebolusyon ng tao d. Origin of Species
2. Ayon sa teoryang ito, tila isang hagdanan ang pinagdaanang ebolusyon ng tao, kung saan ang
nagsilbing pundasyon ay ang ninunong malabakulaw at ang mga modernong tao ang nasa
pinakatuktok.
a. Origin of Species c. Ardipithecus Ramidus
b. Teorya ng Ebolusyon ng tao d. Ebolusyong kultural
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga yugto ng pag-unlad ng pamumuhay ng mga
unang Asyano sa panahong Paleolitiko?
a. Nangangaso at namumulot ng pagkain
b. Walang permanenting tirahan (Nomadiko)
c. Gumagamit ng apoy
d. Namuhay sa permanenteng lugar
4. Anong yugto ng pag-unlad ng pamumuhay natutong magsaka at mag-alaga ng hayop ang mga unang
Asyano?
a. Panahon ng Metal c. Panahong Paleolitiko
b. Panahong Neolitiko d. Panahon ng Luma at Bagong bato
5. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga unang Asyano sa
panahon ng Metal?
a. Gumawa ng mamahaling bagay gaya ng alahas at kagamitang pandigma.
b. Nakalikha ng mga kagamitang pansaka at mga kagamitang panlaban o mga armas na may
matatalim na bahagi.
c. Nadiskubre ang iron o bakal
d. Lahat ng nabanggit
6. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Latin na civitas at civilis.
a. Estado c. Kabihasnan
b. Sistema d. Sibilisasyon
7. Batay ito sa salitang ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay eksperto o magaling.
a. Sibilisasyon c. Kaugalian
b. Kabihasnan d. Kahariaan
8. Itinuring ang kabihasnang Sumer bilang pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig dahil
a. Nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
b. Sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
c. Sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
d. Kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami
nitong kontribusyon sa daigdig.
9. Anung kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform?
a. Sumer c. Indus
b. Shang d. Lungshan
10. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana
ng kanilang diyos o diyosa?
a. Great Wall of China c. Taj Mahal
b. Ziggurat d. Hanging Garden
11. Ano ang cuneiform, pictograph at calligraphy?
a. Sistemang Panlipunan c. Sistema ng Pagsulat
b. Sistemang Pampolitika d. Sistemang Relihiyon
12. Ano ang kabihasnang umusbong malapit sa lambak sa pagitan ng ilog Huang Ho at Yangtze?
a. Kabihasnang Sumer c. Kabihasnang Pinoy
b. Kabihasnang Indus d. Kabihasnang Shang
13. Anong mga pamamaraan at paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang
hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
a. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilan lupain
kapag panahon ng pag-ulan.
b. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
c. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan.
d. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan
ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.
14. Paano nabuo ang isang kabihasnan?
a. Sa pagkakaroon ng pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
b. Sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay at nabago ang kapaligiran
c. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining
arkitektura at sistema ng pagsulat.
d. Dahil sa paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan.
15. Anong anyong tubig ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagkakabuo ng kabihasnan?
a. Dagat c. Lawa
b. Ilog d. Talon
16. Bakit bumagsak ang kabihasnang sumer?
a. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa.
b. Dahil sa walang natural na depensa laban sa mga mananakop.
c. Mahina ang pamahalaan dahil sa nag-aalitang mga pinuno at mga tagasunod.
d. Lahat ng nabanggit
17. Ano ang naging dahilan ng pagpagsak ng kabihasnang Shang?
a. Dahil sa sunod-sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari.
b. Hindi nagging malinaw ang paglaho ng kabihasnan dahil sa walang bakas ng digmaan.
c. Dahil sa nag-aalitang mga pinuno at mga tagasunod.
d. Wala sa nabanggit
18. Ito ay isang uri ng mga sinaunang pamahalaan na kung saan pinamumunuan ng isang emperador.
a. Dinastiya c. Kaharian
b. Imperyo d. Monarkiya
19. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa sining ng sinaunang Asyano MALIBAN sa isa.
a. Diyos-diyosan c. Bulaklak
b. Hayop D. Tao
20. Ito ay isang uri ng arkitekturang Islamik na naglalarawan ng mga istrukturang may minbar o pulpito.
a. Angkor Wat c. Masjid/Mosque
b. Borobudur d. Ziggurat
21. Ito ay isa sa mga natuklasan ng mga Tsino na ginagamit sa mga sasakyang pandagat na nagbibigay
ng tamang direksyon habang naglalakbay.
a. Kompas c. Global Positioning System (GPS)
b. Mapa d. Astrolabe
22. “Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong
kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura, mahihirapan itong
panatilihin ng tao”. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
a. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan, pagyamanin at ariin itong mahalagang
haligi ng bansa.
b. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.
c. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa.
d. Dapat pahalagahan ang kultura ng bansa.
23. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng kaisipan, karanasan, mithiin,
paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga sa sibilisasyon.
a. Agham c. Arkitektura
b. Wika d. Kalikasan
24. Nakilala ang mga Asyano sa kanilang mga sining na nagsasalarawan ng pangunahing paksa tulad
ng:
a. Makatotohanang larawan ng bagay sa paligid na ating nakikita
b. Ispiritwalidad tungo sa kabanalan ng mga nilikha sa daigdig
c. Mga damit, pagkain at mga makamundong bagay
d. Pisikal na anyo tulad ng pigura at katawan ng tao
25. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pagkakaroon ng wika MALIBAN sa isa;
a. Maipahayag ng tao ang kanilang kaisipan
b. Magkakaunawaan ang isa’t-isa
c. Maging susi ito para makapanira ng ibang tao
d. Mas maging epektibo ang komunikasyon
26. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura, tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang
pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng iba’t ibang balita na nagbibigay ng
masamang impresyon sa ating bansa?
a. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa.
b. Paghahanda at pagbabasa ng progress report tungkol dito.
c. Video presentation ng mga pinagmamalaking kultura, tradisyon at mga taong nagpapahalaga
nito.
d. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi-tanging tanawin at kultura.
27. Paano mapapakinabangan ang sistemang agrikultura sa kasalukuyan na pinasimulan ng mga
sinaunang tao?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay ng mga tao sa kasalukuyan.
b. Walang pagbabago sa Sistema ng agrikultura noon at ngayon.
c. Limitado ang supply ng karne dahil hindi marunong magpaamo ng hayop ang mga tao sa
ngayon.
d. Agrikultura ang isa sa mga pangunahing pangkabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga
tao sa kasalukuyan.
28. Ang sakramentong ito ay ang simula ng buhay-pamilyang Asyano.
a. Binyag c. Komunyon
b. Kompisal d. Kasal
29. Kailan nagsimula ang edukasyong pormal?
a. Nang maimbento ang pagbasa at pagsulat
b. Nang magsimula ang paggawa ng mga aklat
c. Nang malimbag ang mga babasahin
d. Lahat ng nabanggit
30. Ito ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalikloob.
a. Pilosopiya c. Monoteismo
b. Relihiyon d. Politeismo
31. Naniniwala sila sa maraming diyos mula sa iba’t ibang likha ng kalikasan, subalit ito ay naglaho at
napalitan ng pagsamba kay Brahma.
a. Buddhismo c. Judaismo
b. Hinduismo d. Jainismo
32. Ito ay itinatag ni Siddharta Gautama na nangangahulugang kaliwanagan.
a. Buddhismo c. Zoroastrianismo
b. Sikhismo d. Islam
33. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao at ito ay ang mga doktrina ng Jainismo.
a. Bawal kumain ng karne
b. Bawal ang pumatay ng insekto
c. Kailangang igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay
d. Lahat ng nabanggit
34. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa paniniwala ng mga Sikhismo?
a. Sumasamba sila sa iba’t ibang uri at anyo ng diyos na tinatawag na politeismo
b. Naniniwala sa karma
c. May isang diyos, walang hanggang katotohanan ang kaniyang pangalan.
d. Wala sa nabanggit
35. Ito ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang kanilang paniniwala sa monoteismo ay
nagpapatunay na nagging batayan ito ng Kristiyanismo at Islam.
a. Hinduismo c. Shintoismo
b. Judaismo d. Jainismo
36. Ito ay banal na aklat ng mga Muslim na tunay na salita ni Allah galing kay Muhammad sa
pamamagitan ni Angel Gabriel.
a. Koran c. Veda
b. Bibliya d. Torah
37. Kabilang sa limang haligi ng Islam na tumutukoy sa hindi pagkain, pag-inom, at pagpigil sa
seksuwal na relasyon kasama ng kanilang asawa sa loob ng 30 araw mula ika-6 ng umaga hanggang
ika-6 ng gabi sa panahon ng Ramadan.
a. Sawm c. Hajj
b. Zakah d. Iman
38. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa Paninindigan ng Shinto?
a. Aragami c. Purification
b. Pagmamahal sa kalikasan d. Kami
39. Ito ay nagmula sa salitang griyego na “Philo” at “Sophia” na kung pagsamahin ang dalawang salita,
ito ay “Pagmamahal sa Karunungan”.
a. Legalismo c. Pilosopiya
b. Taoism d. Legalismo
40. Bakit higit na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado sa pagpapatupad ng
pilosopiyang Legalismo?
a. Upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at wasto.
b. Dahil itinuturo nito na ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng
kapayapaan.
c. Dahil naniniwala sila na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas nito ay dapat gumawa
ka ng kabutihan.
d. Dahil ang estado ay nararapat na primitibo, pasibo at mapayapa.
41. Sa kulturang Tsino, bakit pinagsusuot ng sapatos na bakal (foot binding) ang mga kababaihan?
a. Upang maging karapat-dapat sa pagpapakasal.
b. Bilang pagpapakita ng pagmamahal sa asawa.
c. Upang maging matapang ang mga kababaihan.
d. Upang hindi sila makalalayo sa tahanan.
42. Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga batas na nilikha ni Haring Hammurabi upang itaguyod ang
maayos na kaugalian at lipunan sa kanyang nasasakupan?
a. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote.
b. Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay parurusahan ng kamatayan.
c. Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng mga babae sa kalakalan.
d. Lahat ng nabanggit
43. Ayon sa kodigo na ito, ang agwat ng edad ng mag-asawa ay tatlong beses ang tanda sa lalaki sa
kanyang asawang babae.
a. Kodigo ni Hammurabi c. Kodigo ni Confucius
b. Kodigo ni Manu d. Kodigo ni Lao Tzu
44. ito ay tawag sa isang paraan ng pagtago sa mga kababaihan sa publiko sa pamamagitan ng pagsuot
ng damit na pantakip sa kanilang katawan, mukha at buhok.
a. Foot binding c. Purdah
b. Boxer codex d. Suttee
45. Saang Imperyo sa kanlurang Asya na ang Bibliya ang nagging pundasyon ng kanilang
pananampalataya, at pagsamba sa iisang Diyos?
a. Persiano c. Hittite
b. Hebreo d. Babylonian
46. Sa dinastiyang ito nakuha ang pangalan ng bansang China.
a. Qin o Ch’in c. Zhou o Chou
b. Sung d. Ming
47. Ito ay isa sa pinakamalakas na dinastiya sa Korea na itinatag ni Dangun noong panahon ng Bronze.
a. Gojoseon o Lumang Joseon
b. Pinag-isang Silla
c. Goryeo o Koryo
d. Aliping Yamato at Nara
48. Ito ay isa sa mahalagang kontribusyon sa Timog Asya na kung saan, naganap ang Golden Age o
Gintong Panahon at umunlad din ang agham sa panahong ito.
a. Imperyong Gupta c. Pagtatag ng Sistemang Caste
b. Panahong Vedic d. Panahong Epiko
49. Ito ang pinakamatanda at pinakamalaking istrukturang pang-arkitektura sa daigdig.
a. Angkor Wat c. Temple
b. Borobodur d. Monument
50. Binubuo ito ng tatlong malalaking isla; ang Luzon, Visayas, at Mindanao.
a. Pilipinas c. Malacca
b. China d. Korea

***GoodLuck @ Godbless***

You might also like