You are on page 1of 10

Aralin 2

Paglawak ng Kapangyarihan ng
Europe.
Itinuturing ang Europe bilang maunlad na kontinente ng
daigdig. Matatagpuan dito ang mga sikat na lungsod tulad ng
Rome sa Italy,Paris sa France at London sa Great Britain. Ang
mga lungsod na ito ay kakikitaan ng malalaking gusali,at
maging nanguungunang train system sa buong daigdig.

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Nagsimula noong ika-15 na siglo ang dakilang panaon ng
eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating
ng mga Europeo.Ang eksplorasyon ay ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa mahinang bansa. Tatlong bagay
ang tinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng
eksplorasyon:(1) paghahanap ng kayamanan;(2) pagpapalaganap
ng Kristyanismo;(3) paghahangad ng katanyagan at karangalan.
Noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo naganap ang unang yugto
ng Imperyalismong Kanluranin. Ang imperyalismo ay ang
pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa.
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon
Ang Asya ay isang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo.
Mahalaga ang aklat na “The Travels of Marco Polo”(circa
1298)sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at
kaunlarang taglay ng China.
Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay na ito ng
matuklasan ang compass at astrolabe. Ang compass ang
nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay at ang
astrolabe naman ay upang sukatin ang taas ng bituin.
Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at
pagtuklas ng mga bagong lupain-ang Portugal at Spain.
Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil kay
Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng mga
manlalayag sa kanyang panahon. Sukdulan ang kanyang
pangarap na matuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan
ng Diyos at ng Portugal.
Noong ika-17 na siglo naitatag ng mga bagong imperyo sa
hilagang Europe,Great Britain,France at Netherlands.
Ito ang nagbigay lakas sa mga Europeo upang palakihin ang
pakikipagkalakalan ng mga produktong galing Silangan.

Ang Paghahanap ng Spices


Mula noong ika-13 na siglo ay naging
depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya
lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking
demand para sa mga Europeo ay ang paminta,cinnamon at
nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng
mga Muslim at ng mga panindang ito sa mga taga-Venice. Ang
mga mangangalakal na Tsino at Indian ay bumibili ng spices sa
mga mangangalakal na Arabe na syang nagdadala ng mga
panindang ito sa mga mangangalakal na taga Venice.
Malalaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa
mga mangangalakal ng Arabe at Venetian.Ang panlupang
kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil sa mga
pananambang ginawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng
mga Europeo na gamitin ang katubigan.

Pinangunahan ng Portugal ang Paggagulad


Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na
nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatan ng
Atlantic upang makahanap ng spices at ginto. Sa pagitan ng
taong 1420 at 1528 ay nakapaglayag ang mga mandaragat na
Portuges hanggang kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin
ang rutang katubigan patungong Asya.
Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang
pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala sa tawag na
Cape of Good Hope. Samantalang noong 1947 ay apat na
sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamumunuan ni Vasco
de Gama mula Portugal hanggang sa India.Ang nasabing
ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope,tumigil sa mga
ibang trade post sa Africa upang makipagkalakalan at
nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut,India. Dito
natagpuan si Da Gama ang mga Hindu at Muslim na
nakikipagkalakalan ng mausay na seda,porselana at pampalasa
na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa.
Si Prinsipe Henry,ay anak ni Haring Juan ng Portugal,ang
naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa
pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat. Siya ay
tagagawa ng mapa,matematisyan,astrologo,at mag-aaral ng
siyensya ng nabigasyon sa bansa.

Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan mula sa


Silangan
Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at
Reyna Isabella I ng Castille noong 1496 ay naging daan upang
ang Spain ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Si
Christopher Columbus ang namuno sa pagpapadala ng mga
ekspedisyon sa Silangan. Noong 1942 ay tinulungan si Columbus
na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon patungong India na
dumaan pakanluran ng Atlantiko. Tatlong buwan ang inilagi ng
kanilang paglalakbay ng maabot nila ang Hispaniola ( sa
kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic)
at ang Cuba. Marami siyang natagpuan na ginto dito na
makakasapat na sa pangangailangan ng Spain ngunit sa tingin
nya ay di pa nya nararating ang mga kilalang sibilisasyon sa
Asya.
Pagbalik nya sa Spain ay ipinagbunyagi ang resulta ng
kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the
Ocean Sea,Viceroy,at Gobernador ng mga islang kanyang
natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang
pinamunuan bago sya mamatay noong 1506. Narating nya ang
mga isla sa Carribean at South America ngunit di sya nagtagumpay
sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan.
Noong 1507, isang Italyanong nabigador si Amerigo Vespucci ang
nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang
lugar na ito ng lumaon ay isinunod sa pangalan ni Amerigo kaya
nakilala ito bilang America.

Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang mga bansang ito
ng tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang mga
paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang
Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko
tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola.

Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na


naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at
Spain.

Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng


kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang
naunang linya na dapat mapunta sa kanila at sa Spain.Sa
pamamagitan ng Kasunduan ng Tortellas noong 1494 nagkasundo
sila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran.

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan


Taong 1519 ng magsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand
Magellan,isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng
Spain.Natagpuan nila ang Silangang baybayin ng South America
o bansang Brazil sa kasalukuyan.
Isinilang si Ferdinand Magellan noong 1480 sa Sabrosa,Portugal. Si Rui
de Magalhaes,ang kanyang ama at Alda de Mesquita,ang kanyang ina.

Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga


kasamahan at pagkagutom.Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng
ito at nakatagpo sila ng kayamanang ginto at mga pampalasa.

Ang mga Dutch


Sa pagpasok ng ika-17 na siglo,napalitan ng mga Dutch ang
mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya.
Inagaw nila ang Mollucas mula sa Portugal at nagtatag ng
bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay
pinatamnan ng mga halamang mabili sa pamilihan.
Nagkaroon ng kolonya ang mga Dutch sa North America.
Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson
na naglakbay para sa mga mangangalakal ng Dutch. Noong
1624, isang trade outpost pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon
na pinangalanang New Amsterdan na ngayon ay New York City.

Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga


Lupain
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang
pagtuklas at paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo. Nawala sa
dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan ng pamunuan sa
Medieval Period. Sa pagtuklas ng mga lupain,higit na dumagsa
ang mga kalakal katulad spices na nagmula sa Asia. Sa North
America,kape,ginto,at pilak;sa South America, asukal at
molasses;at sa Kanlurang Indies,indigo. Ang mga produktong
ito ang nagpalawak sa salapi at ginto ng Mexico, Peru at Chile.
Ang Rebolusyong Siyentipiko
Noong ika-15 siglo,ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa
mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristyano at
Pilosopiya ni Aristotle.
Ang ika-16 at ika-17 na siglo ay ang hudyat sa pagpasok ng
Rebolusyong Siyentipiko.
Naging tulong ang panahon ng katwiran (age of reason) upang
magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyonal na ideya at
nabigyan ng bagong paglalarawan at redepinisyon ang lipunan.
Ang Polish Nicolaus Copernicus ay nagpasimula ng kaniyang
propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow,Poland noong
149.Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkakatuklas ni
Christopher Columbus sa America. Idinagdag nya ang araw ang
sentro ng Sansinukuban. Ang teoryang ito ay nakilala bilang
Teoryang Heliocentric.

Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukuban


Si Johannes Kepler,isang Aleman na astronomer,natural
scientist, at mahusay na matematisyan. Siya ay nagbuo ng isang
pormula sa pamamagitan ng matematika na tungkol sa
posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at sa araw
na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito ay tinatawag na
ellipse.
Taong 1609 ng nabuo ni Galileo ang kaniyang imbensyong
teleskopyo at naging dahilan ng kanyang pagdiskubre sa
kalawakan.
Ang Panahon ng Enlightment
Ang Panahong Enlightment ay tumutukoy sa pilosopiyang
umunlad sa Europe noong ika-18 na siglo,maari din sabihing ito
ay isang kilusang intelektwal.
Ang ambag ng mga intelektwal na ito ang nagsilbing
pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa
pamahalaan,edukasyon,demokrasya at sining.

Ang Makabagong Ideyang Pampolitika


Naging daan ang mga pagbabago sa siyensya upang
mapagisipan ng mga pilosopo at marunong kung ang mga
sistematikong batas ay maaaring maging kasagutan sa paglikha
ng sansinukob, maaari din maging gabay ang mga ito sa
politikal,pangkabuhayan,at panlipunan.

Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes tungkol sa Pamahalaan


Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang
isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang
pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Isinulat nya ang aklat na
“Leviathan” noong 1651.

Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke


Isa sa kinikilalang pilosopo sa England ay si John Locke na
paniniwala ay kagaya ng kay Hobbes na kailangang magkaroon
ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at pinuno.
Ang kaniyang ideya ay isinulat noong 1689 sa pamamagitan ng
lathalaing “ Two Treatises of Government”.
Ang Rebolusyong Industriyal
Taong 1700 at 1800 ng magkaroon ng malaking pagbabago sa
aspetong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa
United States.

Ang Bagong Uri ng Rebolusyon


Ito ang panahon kung san ang mga tao ay nagpasimula ng
gumamit ng mga makabagong kagamitan tulad ng makinarya sa
kanilang produksyon.

Ang Paglago at Paglaki ng Rebolusyong Industriyal


Ang pagkakaimbento sa stream enginer ay naging daan para
madagdagan ang suplay ng enerhiya na magpatakbo sa mga
pabrika.
Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine na
naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sa pagpump ng
tubig.

Epekto ng Industriyalismo
Sa pagunlad ng industriyalismo, higit pang nagsikap ang mga
Kanluranin sa pananakop ng kolonya.

Ang Paggalugad sa Gitnang Africa


Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Sya
ang unang dayuhan na nakamasid sa magandang talon ng
Victoria na pinangalan sa reyna ng England.
Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa sa Europe
Nakuha ng Belgium noong 1885 ang pinakamalaking bahagi ng
Congo basin sa pamumuno ni Haring Leopoldo I. Panganiban
ng France,Britain,Germany,Portugal,at Italy ang ibang bahagi.

Epekto ng Imperyalismo
Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang
makaranas ng pagsasamantala ang katutubong populasyon
mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan.

You might also like