You are on page 1of 5

Siyentipikong Balita

Group 3

Danesa & Kent: Magandang hapon mga kaklase at


binibing Hermosa

Danesa: Narito na ang mga nagbabagang balita,!!


Kent: Tungkol sa, rebolusyong siyentipiko!!! Na naging simula ng mga makabagong
kaisipan.

Danesa: Sinundan naman ito ng mga makabagong teorya ukol sa sansinukuban na


idiniskubre ng dalawang siyentista.

Kent: Susunod, ang epekto ng siyensya na nagging popular sa Europa.


Danesa: At ang panghuli, ang mga makabagong ideyang pampulitika
Kent & Danesa: Ito ang… Siyentipikong Balita!!!
Kent: Noong ika- labing anim(16) na siglo, ay lumaganap ang panibagong kaisipan sa
tulong ng mga imbensyon at pagsusuri ng mga siyentipikong gaya nina Nicolaus
Copernicus at Galileo Galilei. Ito ang naging simula ng mga makabagong kaisipan o
naging kilala sa katawagang Rebolusyong Siyentipiko.

Danesa: Ang dating impluwensya ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao


ay nabawasan at humina dahil sa paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na
pinatunayan ng “bagong siyensya”. Ang astronomong Polish na si Nicolaus Copernicus
ang nagbigay ng rebolusyonaryong pagpapaliwanag ukol sa alin sa araw at mundo ang
sentro ng sansinukuban.

Kent: Pakinggan naman natin si Jamila Lozano sa kanyang ibabalita.. Jamila?

Jamila: Nandito tayo ngayong live kung saan ang kinaroroonan ng isang siyentipiko na
si Copernicus, upang makipag-panayam sakanya, pero bago iyon ay magbibigay muna
ako ng mga ilang impormasyon tunkol sa kanya… Sinimulan naman ni Nicolaus
Copernicus ang kanyang propesyong siyentipiko nung sinira nya ang teorya ni Ptolemy
na teoryang Geocentric. Batay sa kanyang mga pananaliksik ay pinaniwalaan nya na ang
mga ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao. Sa kanyang aklat na
pinamagatang “On the Revolutions of the Havenly Spheres”, ay inilahad nya ang
teoryang Heliocentric. Ngayon ay pakinggan natin ang pahayag ni Ginoong Copernicus
tungkol sa kanyang teoryang Heliocentric…

Mikko(Copernicus): Batay sa aking pananaliksik tungkol sa kanyang teoryang


heliocentric, ang mundo ay bilog na hindi gaya ng paniniwala noon na ito ay patag at
kapag nakarating ang isa manlalakbay sa dulo nito ay posibleng mahulog. At isa pa rito
ay sa pag-ikot ng daidig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid
ng araw.

Jamila: Maraming Salamat sa iyo Copernicus. Ayon sakanya, ang teoryang ito ay hindi
nya kaagad inilathala sa dahilang posibleng ito ang maging daan sa mga puna mula sa
simbahan at nangangahulugan ng persekusyon, ekskomunikasyon o Inquisition. Balik
sayo Kent?

Kent: Maraming Salamat sa iyo Jamila sa pakikipag-panayam kay Coperbicus at sa


iyong mga inilahad na impormasyon.

Danesa: Nang matapos ang pag-aaral at pag-susuri sa teoryang Heliocentric ay


sumunod ang dalawang siyentipiko. Isa na rito si Johannes(Yohannes) Kepler na isang
akmang astrologo na bumuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika na
tinawag niyang ellipse. Pakinggan muli natin ang ilalahad at pakikipag-panayam ni
Jamila kay Johannes(Yohannes)Kepler. Jamila?

Jamila: Ako’y nagbabalik, upang makipagpanayam naman kay Ginoong


Johannes(Yohannes) Kepler tungkol sa kanyang mga natuklasan at mga napag-aralan
ukol sa kanyang teorya o pormula ng matematika na tinawag niyang ellipse…

Dwayne(Kepler): Ayon sa aking napag-aralan o natuklasan, ay hindi pabilog ang orbit


ng mga planeta sa araw, kundi eliptikal, na kung saan ay posibleng umikot ang mga
planeta sa araw na hindi gumagalaw sa gitna ng kalawakan.

Jamila: Kung ganon ay may karagdagang impormasyon po ba kayo tungkol sa mga


natuklasan niyo tungkol rito?

Dwayne(Kepler): Natuklasan ko na ang paggalaw ng isa planeta ay hindi [are-pareho


sa bilis sa kanilang paggalaw, ngunit ang planeta sa orbit ay bumibilis habang lumalapit
ito sa araw at mabagak naman kung ito ay papalayo.

Jamila: Maraming Salamat Ginoong Kepler. Dagdag pa nya ay nagkaroon sya ng mga
pagtatanong sa mga pinuno sa akademya at simbahan. Ngunit hindi sya nag-alinlangan
sa kanyang mga hinuha at pag-susuri at maging sa pagtatanong sa simbahan, dahil sya
ay kabilang sa kilusang nagprotesta ukol sa simbahan. Balik sayo Danesa?!
Danesa: Maraming maraming salamat Jamila Lozano. Maging ang kanyang temporary
na si Galileo Galilei ay nagkaroon ng malaking oposisyon sa simbahan. Naglabas ng
aklat si Galileo Galilei na pinamagatan nyang “Dialogue Concerning the Two Chief World
Systems”, na kung saan inihambing nya ang teoryang Heliocentric ni Nicolaus
Copernicus at teoryang Geocentric naman ni Ptolemy. At sinang-ayunan naman ni
Galilei ang teoryang Heliocentric ni Copernicus.

Kent: Dahil dito, sya ang nag-imbento ng teleskopyo upang mapatotohanan ang
teoryang Heliocentric. Ang kanyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus, ang
ginamit naming dahilan upang sya ay napasailalim sa isang imbestigasyon ng mga
pinuno ng nasabing simbahan at pagpaliwanagin, kung bakit nagkaroon sya ng
kontradiksyon. Ang pagdidiin na ito sa kanya ng simbahan, ang naging daan upang
magkaroon sya ng ilang retraksyon sa kanyang ginawang mga pag-aaral at hindi
natiwalag sa simbahan. At siya ay nakasuhan habambuhay ng house arrest dahil sa
diumanong pagtanggap at pagsang-ayon sa teoryang Heliocentric sa Pilipinas.
Pakinggan naman natin ang iuulat ni Jamila Lozano ukol kay Galileo… Jamila??

Jamila: At ngayon ay nandito tayo sa isang bahay sa Sienna sa Italya kung saan na
house arrest si Ginoong Galileo. Kaya pakinggan natin ang pahayag na nais niyang
ipabatid sa mga manonood…

Adriel(Galileo): Ang masasabi ko ay, mayroon akong inlathala na aklat na pinamagatan


kong “Dialogue Concerning the Two Chief World Systems”, na kung saan ang aklat na
ito ay may nilalamang tungkol sa pagkumpara ko sa dalwang teorya hinggil sa pag-ikot
ng mga planeta; ang mga magkaibang teorya ni Ptolemy at Copernicus. Na kung saan,
ang teorya ni Ptolemy ay niyakap at binitbit ng simbahang Katoliko sa Vatican nang
mahigit isang milenya. Ukol sa teoryang ito, nasa sentro ng lahat ng mga bagay sa
daigdig ang mundo. Na kung saan paikot sa mundo ang galaw ng mga bituin, ang
buwan, at mg araw. Samantalang sa teorya ni Copernicus, ang paggalaw ng araw na
nakikita natin sa ating mundo bilang epekto ng pag-ikot ng mundo sa axis nito, habang
nananatili ang araw sa kanyang lokasyon.

Jamila: Maraming maraming Salamat sa napaka maka-impormasyon mong inilahad.


Ang sinang-ayunan naman ni Ginoong Galileo na teorya ni Copernicus ay taliwas ito sa
itinuturo ng teorya ni Ptolemy, na siya ding itinuturo ng teorya ni Ptolemy, na sya ding
itinuturo ng simbahang Katoliko. Na kung saan, sa aklat ni Copernicus na bagay na
ikinagalit ng simbahan. Kaya naman ay inimbestigahan si Galileo at sinampahan sya ng
kaso sa korte ng simbahan at ito ang inquisition at naging daan sa habambuhay na
house arrest. At dagdag pa rito ay hinatulan sya ng pagkabilanggo at inutusang bawiin
ang kanyang mga sinulat at itakwil ang mga ideyang maka -Copernicus. Yun lamang po,
muli, ako po si Jamila Lozano, nag-uulat mula sa Siyentipikong Balita!!! Balik sayo kent??

Kent: Huli, maraming maraming Salamat Jamila sa pakikipag-panayam at pagbibigay ng


impormasyon…

Danesa: At marami pang pagtuklas ang ginawa ng ating mga siyentipiko at hanggang
sa ngayon ay patuloy ang mga karagdagan dunong tuklas nila. Dahil sa kanila mga pag-
unlad ng industriya ay galling sakanila. Susunod, ang epekto ng siyensya sa Europa…

PATALASTAS…
Kent: Tunghayan naman natin ang epekto ng siyensya…
Danesa: Nang makatuklas ng mga siyentipikong imbensyon ukol sa tao, kalikasan at
kalawakan, ay naging malaganap at popular ang siyensya sa Europa. Sa pamamagitan
ng mga makabagong kaalaman, ang mga tao at ilan sa mga hari sa Europa ay
sumusuporta rito.

Kent: Si haring Charles II ng Inglatera ay nagtatag ng Royal Society of London noong


isang libo anim na raan at anim naput dalawa (1662) na kung saan ay naging kasapi at
nakilala sa pangkat na ito sina Isaac Newton at Robert Boyle.

Danesa: Noong isang libo anim na raan at anim naput anim(1666) naman ay nagtatag si
Haring Louis XIV ng pransya ng French Academy of Science. Na kung saan ang mga
kilusang ito ay nagbigay ng mga suportang pinansiyal sa mga siyentipiko at
nagpalimbag ng mga siyentipiko at nagpalimbag ng mga siyentipikong aklat at mga
babasahin.

Kent: Susunod, ang mga makabagong ideyang pampulitika… Abangan sa pagbabalik


ng Siyentipikong Balita.

Patalastas(Sound Trip)…
Danesa: Dalawang pilosopo na sina Thomas Hobbes at John Locke, pawang mga
Inglatera ay nagbigay ng rason sa pagbabago ng panunungkulan sa Inglatera na mga
suliranin sa pamamahala ng hari na pinagbasehang teorya ng “Divine Right”. Tungkol ito
na lumalaganap sa Europa na ang isang hari daw ay pinili ng diyos na mamuno sa
kaharian na pinuna at tinuligsa ng mga tao na naging sahi ng digmaamg sibil.
Kent: Ang iba ay panig sa kapangyarihan ng hari at ang iba ay sa mga tao na laban sa
hari. Ito ay panig sa hari na si Charles I at Oliver Cromwell na laban sa hari… At dyan
nagtatapos ang aming pagbabalita. Magandang hapon po. Muli, ako si Kent Caparas

Danesa: At ako naman po si Danesa Cruz nagbabalita mula sa…


Danesa & Kent: Siyentipikong Balita!!!!!!!!!!!!!!

You might also like