You are on page 1of 60

8

ARALING PANLIPUNAN
Sariling Linanging Modyul
Ikatlong Markahan
Modyul: 1-5

Division of Angeles City

0
ARALING PANLIPUNAN 8 (Modyul 1)

Pangalan:________________________________________ Linggo: 1

Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Pagbabagong Politikal, Ekonomiko at Sosyo-Kultural sa Panahon ng


Renaissance

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

*Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko


at sosyo-kultural sa panahon Renaissance

Panimula/Susing Konsepto
Ang Renaissance

Sa huling bahagi ng Panahong Midyibal, nagtapos ang mahabang panahon ng


digmaan, epidemya at kaguluhang pang-ekonomiya at sumibol ang pagbabagong
hudyat ng isang bagong panahon na kinilala sa kasaysayan bilang Renaissance.
Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang “muling
pagsilang” o rebirth. Ito ay sumibol noong 1350 hanggang 1550. Ito ay umusbong sa
Italya at kalaunan ay kumalat sa buong Europa. Ang Renaissance ay may tatlong
katangian:
Una, ang pamumuhay sa Italya ay urbanisado. Ang mahahalagang gawain ng
mga tao gaya ng politika, ekonomiya at osyo-kultural ay nakatuon sa mga ilang
makapangyarihang lungsod-estado tulad ng Florence, Milan at Venice. Naging
maunlad ang mga estadong ito dahil ito ang mga naging tagapag-ugnay ng
Kristiyanong Europa at mga Kahariang Islam ng silangan.
Pangalawa, ang renaissance ay panahon ng muling pagbangon. Ang Europa ay
sinalanta ng Black Death o Bubonic Plague na ikinasawi ng 24 milyong katao noong
1340s at mga digmaan noong Panahong Midyibal. Sa Panahon ng Renaissance, unti-
unting nakabangon ang Europa sa epekto ng kalamidad noong Kalagitnaang
Panahon.
Ang Ikatlong katangian ng Renaissance ay ang pag-usbong ng Humanismo. Sa
mga Italyano, itinuturing na ang buhay ng tao ay isang paghahanda lamang matapos
ang kamatayan. Natuklasan ng mga Italyano na sila ay nagmula sa lahi ng mga Griyego
at Romano. Ninais din mga tao noon na makamtan ang mga bagay na nakamit ng
kanilang mga ninuno. Ang mga Griyego at Romano ay mga Humanista. Ibig sabihin nito,
sila ay naniniwala na ang mga tao ay may kakayahang makamtan ang mga bagay na
gusto nila at may karapatang maging masaya habang nabubuhay. Naging inspirasyon

1
ng mga Italyano ang mga Griyego at Romano noong Panahon ng Renaissance kaya
muling nabuhay ang Humanismong Klasikal. Ang mga
pagbabagong ito na sanhi ng Renaissance ang naging
dahilan ng paglakas ng Europa.

Ito ang panahon ng muling pagsibol ng mga


pagbabagong kultural, panunumbalik ng mga klasikal na
kultura ng Greece at Roma sa pamamagitan ng pag-aaral sa
panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon.
Nagsimula ang Renaissance noong ika-14 na siglo.
Umusbong ang Renaissance sa Italya sa sumusunod na mga kadahilanan:
● Itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may kaugnayan sa mga
Romano kaysa sa alinmang bansa sa Europa.

● May maganda itong lokasyon para magkaroon ng pagkakataon ang mga


lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europa.

● Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining
at masigasig sa pag-aaral.

● Mahalaga ang naging papel ng mga unibersidad ng Italya sa pagtataguyod at


pananatiling buhay ng kulturang klasikal at mga teolohiya at pilosopiyang
kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.

Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon na ang lahat ng kaalaman ay


napasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri sa pamamagitan ng eksperimento at
katibayan. Naiba sa panahon ng Reinassance ang pananaw sa buhay ng tao. Sa
unang pagkakataon, natuklasan ng tao na ang kanyang sarili, higit na silang
mapagtanong at mapanuri sa mga bagay na dati’y madali nilang tanggapin at
paniwalaan.
Ang pagiging matanong at kahiligan sa kaisipang klasikal ang naging daan
upang maitatag ang kilusang tinatawag na Humanismo. Sa kilusang ito,
pinaniniwalaang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at
Roma sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang
magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.
Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista ang mga panitikan at sining ng mga
sinaunang Griyego at Romano. Nagsaliksik at masusi nilang pinag-aalan ang mga
manuskrito ng mga manunulat na Griyego at Romano at isinalin nila ito sa Latin.

2
Kinilala ang mga sumusunod na katauhan sa iba’t-ibang larangan:

Sa Larangan ng Sining at Panitikan


• Francesco Petrarch – Ang “Ama ng Humanismo.” Mahalagang naisulat niya ang
akdang pampanitikan na “His Sonnets to Laura,” na isang tula ng pag-ibig para
sa kanyang pinakamamahal na si Laura.
• Giovanni Boccacio – kaibigang matalik ni Petrarch. Ang kanyang pinakamahusay
na obra maestrang isinulat ay ang “Decameron,” na tanyag na koleksyon na
nagtataglay ng isangdaang nakatatawang salaysay. Sumasalamin ito sa
pananaw ng tao sa kanyang sarili at kakayahan.
• William Shakespeare – ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na
manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa ilalim ng pamumuno niReyna
Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang kilala at tanyag na dula na
pinamagatang “Julius Caesar,” “Romeo at Juliet,” “Hamlet,” “Anthony at
Cleoparta,” at “Scarlet.”
• Dante Alighieri – sinulat niya ang kanyang obra maestro na “A Divina Comedia”
noong ika-14 na siglo. Inilalarawan nito ang paglalakbay ng isang kaluluwa tungo
sa pagkakaligtas.
• Christine de Pizan- isang babaeng Pranses na sumulat ng The Book of the City of
Ladies. Ang kanyang isinulat ay isang direktang reaksyon sa paniniwala na ang
mga kababaihan ay walang kakayahang matuto at walang paninindigan.
• Thomas More – isinulat niya ang Utopia na kanyang inilahad ang isang huwarang
lipunan na kung saan ang lahat ay pantay-pantay at masaganang namumuhay.
● Desiderious Erasmus – tinaguriang “Prinsipe ng mga Humanista” na may akda ng
“In Praise of Folly” na tumutulig sa sa hindi mabuting gawa ng mga pari at mga
karaniwang tao.

● Nicollo Machievelli – diplomatikong manunulat mula Florence, Italy. Siya ang may
akda ng “The Prince.” Napapaloob sa akalat na ito ang dalawang prinsipyo:

“Ang layunin ay nagbibgay matuwid sa pamamaraan”


“Wasto ang nilikha ng lakas”
● Miguel de Cervantes – isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha”,
aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero noong Panahong
Midyibal.

3
Sa Larangan ng Pagpipinta
● Michaelangelo Bounarotti – pinakasikat na manlililok ng Renaissance. Una niyang
obra maestro ay ang estatwa ni David. Ipininta niya ang Sistine Chapel ng
Katedral ng Batikano sa paanyaya ni Papa Julius II. Nagpapakita ito ng kwento
sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa
pagbaha. Pinakamaganda at pinakakilala niyang likha ang La Pieta, isang
estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kanyang Krusipiksyon.

● Leonardo da Vinci – hindi makakalimutang obra


maestro niya ang “Huling Hapunan” na nagpapakita
ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kanyang
labindalawang disipulo. Siya ay isang henyong
maraming nalalaman sa iba’t-ibang larangan. Hindi
lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto,
iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at
pilosopo.

● Raphael Santi – “Ganap na Pintor,” Perpektong Pintor.” Pinakamahusay na pintor


ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsiyon ng kanyang
mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine
Madonna,” “Madonna and the Child,” at “Alba Madonna.”

Sa Larangan ng Agham sa Panahon ng Renaissance


● Nicolas Copernicus – inilahad niya ang teoryang Copernican; “Sa pag-ikot ng
daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw.”
Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo
ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng simbahan.

● Gallileo Gallei – isang astronomo at matematiko. Malaki ang naitulong ng


kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang
Copernican.

● Sir Isaac Newton- higante ng siyentipikong Renaissance. Batay sa kanyang “Batas


ng Universal Gravitation,” ang bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng
grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-
inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit
bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.

4
Lumaganap ang Renaissance hindi lang sa Italya kung hind maging sa mga
karatig pook sa Europa partikular na sa England, Germany, France at iba pang
mababang bansa sa hilaga noong ika-14 siglo. Pinalaganapang mga impluwensyang
ito ng mga mangangalakal sa mga nasabing bansa. Ang mga mag-aaral at iskolar ng
hilagang Europa ay bumisita sa Italya upang pag-aralan ang mga obra maestro rito.
Maging ang mga mayayamang maharlika ay naging interesado rin sa Renaissance. Sila
ay nagpapapunta ng mga mahilig sa sining sa kanilang lupain upang ipakita ang kanila
kakayahan sa sining. Ang muling pagkakatuklas ng mga ambag ng Griyego at Romano
ay lubos na nakaapekto sa mga pag-iisip ng mga Europeo, dahil dito muling nagtiwala
ang mga Europeo sa kanilang sariling kakayahan na nagresulta hindi lamang sa
kanilang muling pagbangon kung hindi maging isang makapangyarihang dominante
sa buong daigdig sa sumunod na mga siglo.

Gawain 1: ILALARAWAN KO, TUKUYIN MO.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang kaisipan.

1. Sa Panahong Renaissance, muling pinanatili at pinanumbalik ang mga

2. sinaunang kulturang klasikal ng ____________ at ____________.

3. Sa ___________ nagsimula ang Renaissance.

4. Ang ____________ ay nagpapakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang


Kanyang labindalawang disipulo.

5. Ang ___________ ay aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa


kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Gitnang Panahon.

6. Siya ay isang henyong maraming nalalaman sa iba’t-ibang larangan. Hindi lang


siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista,
musikero at pilosopo.
7. Tinagurian siyang “Ama ng mga Makata”.

8. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ______________ .

9. Si _____________ ang pinakasikat na manlililok ng Renaissance. Una niyang obra


maestro ay ang estatwa ni David.

10. Ang Teoryang ___________ ay nagpapaliwanag na ang araw ang sentro ng


sanlibutan.

5
Gawain 2: Maramihang Pagpipilian
Panuto: Tukuyin kung kaninong obra maestro ang isinasaad ng bawat bilang.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Sistine Chapel: _____________


A. Michaelangelo C. Santi
B. da Vinci D. Galilei
2. Don Quixote de la Mancha: ____________
A. de Cervantes C. Erasmus
B. Machiavelli D. Newton
3. Araw ang sentro ng Sansinukob:______________
A. Newton C. Kepler
B. Galilei D. Copernicus
4. The Prince:_____________
A. More C. Machiavelli
B. Guttenberg D. Petrarch
5. Romeo and Juliet: _______________
A. Santi C. de Cervantes
B. Shakespeare D. Da Vici.

6. Teleskopyo: _______________
A. Galilei C. Copernicus
B. Newton D. Kepler
7. Kulturang Klasikal: ________________
A. Tsino. C. Griyego-Romano
B. Indo-Europe D. Amerikano
8. Thomas More: _______________
A. Utopia C. The Prince
B. In Praise of Folly D. Divine Comedy
9. de Pizan: _____________
A. The Book of the City of Ladies C. Sistine Madonna
B. The Lady in Red. D. Madonna and the Child.
10. Newton: __________________
A. Revolution C. Mikroskopiyo
B. Grabitasyon D. Evolution
11. Sinilangan ng Renaissance: _______________
A. Greece C. Roma
B. Italya D. Spain
12. Kilusang kumikilala sa kahalagahan ng tao: _________________
A. Repormasyon C. Humanismo
B. Krusada D. Renaissance
13. Pagsilang ng kaalaman sa Europa: ____________
A. Krusada C. Guild
B. Humanismo D. Renaissance
6
14. Prinsipe ng Humanista: ________________
A. Machiavelli C. Erasmus
B. More D. Petrarch
15. Mona Lisa: _______________
A. Da Vinci C. Titian
B. Michaelangelo D. Sant

Gawain 3:

Paano nakaimpluwensiya o nakatulong ang mga sumusunod sa kanilang


naging ambag noong panahong Renaissance sa kasalukuyang panahon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Roger Bacon
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________

2. William Shakespeare
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________

3. Leonardo da Vinci
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________

4. Galileo Gallilei
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________

7
5. Isaac Newton
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________
6. Raphael Santi
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________

Susi sa Pagwawasto

8
ARALING PANLIPUNAN 7 (Modyul 2)

Pangalan:________________________________________ Linggo: 2-3

Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Unang Yugto ng Kolonyalismo

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

*Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng


Kolonyalismo

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Kolonyalismo ay mula sa salitang kolonya na nagmula sa salitang Latin


na “colons” na ang kahulugan ay magsasaka o “farmer.” Ang kolonyalismo ay
ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa iba pang
mahihinang bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito tulad ng
pagkuha ng mga kayamanan. Kolonyaang tawag sa mga teritoryo at
mamamayan na napasailalim sa kapangyarihan at pagkontrol ng bansang
mananakop, samantalang ang kolonyalista ay ang tawag sa mga bansang
mananakop. Tatlong bagay ang mahalagang dahilan ng pananakop ng mga
Europe:

• Paghahanap ng kayamanan;
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at
• Paghahangad ng katanyagan at karangalan.
Mula ika-15 hanggang ika-17 siglo, naganap ang unang yugto ng
Kolonyalismo. Ang pagbabagong naganap sa Europa sa Panahon ng
Renaissance ang nagsilbing inspirasyon sa mga manlalakbay at nabigador na
maglakbay sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

9
Mga Motibo at Salik ng Kolonyalismo

Naging kaaya-aya ang Asya sa paningin ng mga Europeo. Ang tangi


lamang nilang kaalaman tungkol sa Asya ay mula sa tala ng paglalakbay ng
nabiganor na sina Marco Polo, at Ibn Battuta. Naakit sila sa mayamang
paglalarawan kaya naghangad silang marating ang lugar ng Asya. Ang “The
Travels of Marco Polo” ay naging mahalaga sapagkat ipinaaalam nito sa mga
Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga
Europeo na marating ang China. Naitala naman ng Muslim na manlalakbay na
si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Malaki rin ang
naitulong ng dalawang 10articular na natuklasan para sa mga manlalakbay, ito
ay ang “compass” na nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay at
ang “astrolabe” na gamit naman upang sukatin ang taas ng bituin. Naging
dahilan din ng pananakop na ito ang pagpapasimula ng paglalayag at
pagtuklas ng mga bagong lupain ng dalawang bansa sa Europa – ang Portugal
at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo sa katauhan ni
Prinsipe Henry “the Navigator”na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa
kanilang panahon. Hinikayat niya ang mga dalubhasang mandaragat na
magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Masidhi ang kanyang
pagnanais na makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos
at ng Portugal. Nakadepende ang mga Europeo sa paggamit ng
mgapampalasa o “spices” na matatagpuan sa Asya lalo na sa India tulad ng
paminta, cinnamon at nutmeg.

Mga Nanguna sa Panggagalugad

Pinangunahan ng Portugal ang panggagalugad sa karagatan ng


Atlantiko upang makahanap ng mga pampalasa at ginto. Sa pagitan ng 1320
hanggang 1528, nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang
sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang daang katubigan patungo
sa Asya. Natagpuan ni Bartholomeu Dias noong Agosto 1488 ang pinakatimog
na bahagi ng Africa na kilala sa tawag na Cape of Good Hope. Ang
paglalakbay na ito ni Dias ay nagpapakita na maaaring makarating sa
Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.

10
Noong 1497 ay apat na sasakyang
pandagat ang naglakbay na pinamunuan ni
Vasco da Gama mula sa Portugal hanggang sa
Calicut, India. Taong 1500 sinakop ng manlalayag
na si Pedro Cabral ang Brazil. Pinangunahan ng
mga Heswita ang pagbuo rito ng mga
pamayanan na naging destinasyon ng
pandarayuhan ngmga Portuges. Sa kalagitnaan
ng ika-16 na siglo, ang mga Portuges ay
nangailangan ng mga manggagawa sa kanilang
mga taniman ng tubo sa Amerika, kung kaya ito ang naging dahilan ng
malawakang pagluluwas ng mga aliping Africano. Naging malaking 11articu
para sa mga Portuges ang kalakalang ito ng mga alipin sa malaking bahagi ng
Amerika.

Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan Mula sa Silangan


Hindi nagpatalo ang mga Kastila sa mga
Portuges sa panggagalugad. Sa ilalim ng
pamamahala nina Haring Ferdinand at Reyna
Isabellang Castille, naging dahilan ito upang
maghangad din ng yaman sa Silangan. Sa kanilang
pagsasanib pwersa, nagpadala rin sila ng
ekspedisyon sa Silangan sa katauhan ni Christopher
Columbus na isang Italyano manlalayag na unang
namuno sa paglalayag patungong India.Binigyan
siya ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy
at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan
sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago siya namatay
nooong 1506. Narating niya ang mga isla sa 11articula at sa South America
11arti’t di siya nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo ng
silangan.

Sa panahong ito, hindi pa maunlad ang mga gamit sa paglalakbay tulad


ng mapa. Noong 1507, isang Italyanong manlalakbay na si Amerigo Vespucci
ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar
na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang Amerika
at naitala sa mapa ng Europa kasama ang iba pang mga bagong diskubre na
mga isla. Isinunod kay Amerigo Vespucci ang pangalan ng America.

11
Paghahati ng Mundo

Naging mahigpit ang tunggalian ng Espanya at Portugal sa


panggagalugad ng mga ng mga lupain. Humingi ng tulong ang Portugal at
Espanya upang malutas ang kanilang iringan. Isang kasunduan ang
napagpasyahan sa pagitan ng Portugal at Espanya noong 1493 sa bisa ng isang
kautusang pinalabas ni Pope Alexander VI na naghahati sa lupain sa mundo na
maaaring tuklasin ng dalawang bansa.Nagtalaga ang Papa ng paghahati o
“line of demarcation” na magmumula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang
Polo hanggang sa Timog Polo. Nangangahulugan ito na lahat ng mga
matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng guhit ay para sa
Espanya at para naman sa Portugal ang Silangang bahagi ng linya. Hindi
nasiyahan ang Portuges sa ginawang paghahating ito ng Papa kaya naghain ito
ng petisyon upang baguhin ang naunang 12articul dapat mapunta sa kanila at
sa Espanya. Nakita 12articu baka lumawak ang panggagalugad ng Espanya sa
kanluran at maaaring mapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa silangan. Sa
bisa ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494, nagkasundo ang magkabilang
panig na baguhin ang line of demarcation pakanluran. Ipinakikita rito na noong
panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Espanya ang bahagi
ng mundo na si nararating ng mga taga-Europa.

12
Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan

Taong 1519, naglayag ang Portuges na si Ferdinand Magellan para sa


karangalan ng Espanya. Sa ilalim ng bandila ng Espanya, inilunsad niya ang
kanyang paglalakbay upang maghanap ng rutang pa-Kanluran patungo sa
Asya. Natagpuan niya ang silangang baybayin ng Timog Amerika o ang Brazil,
natagpuan din niya ang isang makitid na daanan ng tubig na tinawag na “Strait
of Magellan,” pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang Pasipiko,
at hanggang sa marating nila ang kasalukuyang bansa ng Pilipinas.

Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan


at pagkagutom. Nalagpasan nilang lahat ng ito at nakatagpo sila ng malaking
kayamanang ginto at pampalasa. Nagawa nilang binyagan sa Katolisismo ang
maraming mga katutubo. Sa nasabi ring ekspedisyon, nagpakilala ito na
maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating pinanggalingang lugar
ng ang sasakyang Victoria ay makabalik sa Espanya kahit napatay si Magellan
ng isang katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang “circumnavigation” o pag-ikot
sa mundo. Itinama nito ang dating lumang paniniwala ng mga taga-Europa na
ang mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang mga kalupaan
sa Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.

Halos kasabayan ni Magellan sa paglalayag ang Kastilangconquistador o


mananakop na si Hernando Cortes ay tumungo sa Mexico upang maghanap ng
yaman at ginto. Nung una,maluwag na tinanggap ng mga Aztec si Hernando
Cortes ngunit napag-alaman nila ang tunay na hangarin ng mga manlalayag na
ito sa kanilang lupain. Sumiklab ang isang digmaan sa pagitan 13articu
ikinabagsak ng Kahariang Aztec noong 1521. Nasundan pa ito ng mga Kastilang
mananakop na si Francisco Pizarro noong 1532. Pinabagsak niya ang Kaharian
ng mga Inca sa Peru. Matapos ang tagumpay nina Cortes at Pizarro,
pinagpatuloy ng mga Espanyol ang kanilang paglalayag at pananakop sa mga
lupain sa Latin America para humanap ng mga ginto sa katauhan ni Hernando
de Soto noong 1541 na nakarating ng ilog Mississippi. Ginalugad din ni Francisco
Vasquez de Coronado ang timog kanlurang rehiyon ng Hilagang America.
Naglakbay siya pahilaga at nagalugad ang rehiyon ngayon na tinawag na
Estados Unidos. Natuklasan din niya ang Grand Canyon. Nagpadala rin ang mga
Kastila ng mga maraming paglalakbay sa Gitnang Amerika at sinubukan nitong
magtatag ng 13articular13t panirahanan na taliwas sa hangarin ng mga
Portuges na pinagbuti ay ang ukol sa kalakalan. Naging matagumpay si Vasco
de Balboa na magtayo ng 13articular13t panirahanan sa Amerika sa silangang
baybayin ng Isthmus ng Panama noong 1510. Ginalugad ni Juan Ponce de Leon
13
ang Bahamas sa paghahanap ng tinatawag na “Fountain of Youth,” isang bukas
na pinaniniwalaang nagpapanumbbalik ng kabataan sa sinumang maligo dito.
Sa kanyang paghahanap, ginalugad niya ang baybayin ng Florida.
Pinagpatuloy ng isa pang manggagalugad na si Hernando de Soto ang timog
silangang hangganan ng Hilagang Amerika. Pinangunahan niya ang 600 tao
mula sa estado ng Florida hanggang sa Oklahoma subalit hindi nila natagpuan
ang kayamanan, subalit sila ang unang mga Europeo na nakarating sa Ilog ng
Mississippi.

Ang mga Dutch at Iba pang mga 14articul Nagtatag ng Kalakalan

Pagsapit ng ika-17 siglo, pumalit ang mga Dutch sa mga Portuges sa


pagtatayo ng mga kolonya sa Asya. Inagaw ng mga Dutch ang mga naunang
teritoryong hawak ng Portugal na kinabibilangan ng Moluccas, Malacca at
itinayo ang kabisera ng kolonya, ang Batavia na ngayon ay kabisera ng
Indonesiya, ang Jakarta. Itinatag nila ang Dutch East Indies Company upang
maging daan sa pagpapalawak ng kanilang komersiyo sa Asya. Nagtatag sila
dito ng sistemang plantasyon na kung saan ang mga lupain ay pinagtamnan ng
mga halamang mabibili sa pamilihan. Nagbunsod ito sa sapilitang paggawa na
tulad ng naging patakaran ng mga Kastila sa Pilipinas.

Nagtatag din ng kolonya ang mga Dutch sa Hilagang America. Nanguna


dito ang Ingles na manlalayag na si Henry Hudson na naglingkod sa karangalan
ng Dutch kung kaya’t ipinangalan sa kanya ang isang ilog ng Hudson na nasa
Manhattan, USA, kung kaya nagmula sa kanyang pangalan ang Hudson Bay sa
Amerika. Kumpara sa mga ibang mga Europeo ang mga Dutch ay interesado
lamang sa pakikipagkalakalan kung kaya’t hindi sila nagtatatag ng mga
kolonyal na pamahalaan ang mga bansang kanilang sinakop na lugar. Hindi rin
sila nagpakalat ng kanilang relihiyon kung kaya’t sila lang ang Europeong bansa
ang pinayagang mamalagi sa Hapon. Noong 1621, itinatag din nila ang Dutch
West India Company upang lumahok sa kalakalan sa Caribbean. Nilayon ng
kompanyang ito na makinabang sa kalakalan ng mga alipin na lumalakas noong
panahong kolonyal.

Taong 1600, nagtatag naman ang Ingles ng British East India Company
upang makisali sa pandaigdigang kalakalan. Si John Cabot na isang Italyanong
nabigador ang nagbigay ng mga unang kolonya sa Inglatera gaya ng
Newfoundland, Nova Scotia at New England na nasa bahagi ng Canada at
Amerika. Si Francis Drake, isa sa kinikilalang mahusay na manlalayag noong
panahon ng pamumuno ni Reyna Elizabeth I ng Inglatera ay isang 14artic.

14
Pinamunuan ni Drake ng halos anim na taon ang mga sasakyang pandagat ng
mga Ingles na tumalo sa Spanish Armada. Sa pagkatalong ito ng Spanish
Armada, naging hudyat ito ng paghina sa kapangyarihan ng Espanya sa Europa.
Pinaunlad ng mga Ingles ang Madras, Bombay at Calcutta na 15artic mga nasa
India bilang mga pangunahing himpilang pangkalakalan. Nagtagumpay ang
mga Ingles sa isang labanan na kilala sa tawag na Battle of Plassey laban sa mga
Pranses kung kaya’t nakuha nila ang pamamayani sa India. Ginamit ng mga
Ingles ang India bilang taniman at pabrika para kalakalang opyo sa Tsina.
Kasabay ng panggagalugad sa Asya, sinakop din ng mga Ingles ang teritoryo ng
Hilagang Amerika noong ika-17 siglo. Itinayo nila ang 15articular15t tirahan sa
Jamestown, Virginia, USA. Nagtatag din sila ng mga pamayanan sa rehiyong
tinatawag na 15 articular 15ts Bay noong 1630; sa Rhode Island, Connecticut,
New Hampshire, Maine, Pennylvania, Delaware at Manyland.

Noong 1524,naglingkod ang Italyanong manlalakbay na si Giovanni de


Verrazano sa pamahalaang Pranses upang hanapin ang Hilagang Kanlurang
daan mula sa Amerika patungo sa Asya. Subalit hindi niya ito 15articula, bagkus
napuntahan lang niya ang Hilagang Carolina patungo sa Maine, USA. Noong
1534, 15 articula ni Jacques Cartier ang bahagi ng Montreal, Canada.
Natagpuan naman ni Samuel de Champlain ang Quebec upang magtatag ng
unang pamayanang Pranses. Natuklasan din ni Sieur de la Salle ang Louisiana ng
marating niya ito noong 1682. Inangkin naman ni Robert Cavalier ang buong Ilog
ng Mississippi para sa Pransya. Nagpadala rin sila ng mga Heswitang misyonero
upang gawing Katoliko ang mga katutubong Amerikano. Nakipagkalakalan sila
sa mga katutubo sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga kalakal na
matatagpuan sa mga 15articul kanilang nasakop. Dinala rin nila ang mga aliping
Aprikano sa mga islang kanilang sinakop sa Kanlurang Indies tulad ng St. Kitts,
Martinique, at Guadeloupe upang katulungin sila sa mga plantasyon ng tubo at
tabako.

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

Maraming pagbabago ang naging hatid ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.


Katulad ng mga sumusunod:

• Lumawak ang teritoryong nasasakupan ng mga bansang Kanluranin sa


labas ng Europa.
• Nakatuklas ng mga bagong ruta ng kalakalan na siyang nagbigay wakas
sa mga Italyano sa pagpapanopolyo ng mga kalakal sa Europa. Naging

15
sentro ng kalakalan ang mga daungan sa baybay-dagat ng Atlantiko
mula sa Espanya, Portugal, Pransya, Flanders, Netherlands at England.
• Dumami ang mga kalakal na nagmula sa Asya, tulad ng spices. Mula sa
Hilagang Amerika ang kape, ginto at pilak; sa Timog Amerika 16articu ang
mga asukal at molasses; sa Kanlurang Indies ang mga indigo, at sa Africa
16articu ang mga kahoy, ivory, ginto at mga ostrich.
• Lumawak at lumaganap ang mga salaping ginto at pilak na 16articu sa
Mexico, Peru at Chile dahil sa pagdami ng mga produkto.
• Pinasimulan ang pagtatatag ng mga bangko dahil sa dumaraming salapi
ng mga mangangalakal, kinakailangan nilang may paglagyan ng
kanilang mga salaping barya.
• Nang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel,
ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang 16articu kung
saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon
ng tubo o interes.
• Lumaganap ang relihiyong Kristiyanismo 16articular ang Katolisismo ng
Espanya at Portugal.
• Sa larangan ng wika at kultura, nanatili hanggang sa ngayon sa lahat halos
ng maraming bansa sa Gitna at Timog Amerika ang wikang Espanyol,
wikang Pranses sa ilang bansa at pulo na nasakop ng Pransya sa
Caribbean, at Portuguese sa Brazil. Maging sa Pilipinas, ilang wika natin ay
mula sa mga Kastila.
• Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang ekolohikal sa daigdig na
nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, at maging mga sakit
na dala ng mga Europeo.
• Nagkaroon ng malawakang kalakalan ng mga alipin na naging
mahalagang bahagi ng komersiyo sa Europa bunga ng kakulangan ng
mga manggagawa sa mga minahan at plantasyon sa America.
• Nagkaroon ng malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Naging daan din
ito sa nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran.
• Nakahikayat din ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
• Nagsimula rin ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa silangan.
• Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng
pagkawala ng kararinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na
yaman.

16
Gawain 1: Mapa-Nakop

Taluntunin ang bansang nasakop ng mga sumusunod na Europeo sa


pamamagitan ng paglalagay ng titik sa loob ng talahanayan na makikita sa
mapa at isulat kung anong bansang Europe ang kanilang pinaglingkuran sa
pananakop. Maaaring pumili ng sagot sa loob ng kahon.

B
D
E I
F C
G
J
H
0

Cape of Good Hope Panama Peru Calicut, India


Portugal Brazil England Carolina, USA
Canada France Mexico Philippines
Netherland Spain

17
MANANAKOP BANSANG NASAKOP BANSANG PINAGLINGKURAN
1. Bartholomeu Diaz
2. Henry Hudson
3. Ferdinand Magellan
4. John Cabot
5. Giovanni de Verrazano
6. Hernan Cortes
7. Vasco de Balboa
8. Francisco Pizarro
9. Vasco de Balboa
10. Pedro Cabral

Tanong Ko, Ipaliwanag Mo!


Gawain 2

Panuto: Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa mga tanong.


1. Ipaliwanag ang mabuting epekto ng Kolonyalismo.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang masamang epekto ng Kolonyalismo.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

18
Gawain 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Bakit malaki ang naidulot ng paglalakbay ni Marco Polo upang mamangha at


mahikayat ang mga adbenturerong Europeo na makarating at
makipagsapalaran sa Asya?
A. Dahil kinalugdan siya ni Kublai Khan at itinalagang maglakbay sa ibat-
ibang bansa sa Asya.
B. Dahil narating niya ang mga lugar ng Tibet, Burma, Laos, Java, Japan,
pati na ang Siberia.
C. Dahil inilahad niya sa kanyang aklat ang mga nakita niyang
magagandang kabihasnan sa mga bansang Asyano lalo na sa
China, na inilarawan ang karangyaan at kayamanan nito.
D. Dahil naglakbay at nanirahan siya sa China at naging tagapayo ni
Emperador Kublai Khan.

2. Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin


ay magsasaka. Alin sa mga sumusunod ang namumukod tanging tumutukoy
sa salitang kolonyalismo?
A. Nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang estado
sa aspektong politika,kabuhayan at kultural ng mahina at maliit na
estado.
B. Isang sistema kung saan ay namumuhunan ng kaniyang salapi ang
isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
C. Isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop
upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling
interes.
D. Isang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at
pilak, may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan
ang isang bansa.

3. Nakatulong ng malaki sa mga ______________ ang imbensyon at


pagpapaunlad ng compass.
A. Marino C. Sundalo
B. Negosyante D. Siyentipiko

19
4. Sino ang nanakop at nakatuklas sa kaharian ng mga Inca sa Peru?
A. Balboa C. Pizarro
B. Cabral D. Soto

5. Bansang inangkin ni Pedro Cabral para sa Portugal.


A. Brazil C. India
B. India D. Mexico

6. Saan nagmulan ng pangalan ng America?


A. Christopher Columbus C. Amerigo Vespucci
B. Ferdinand Magellan D. John Cabot
7. Kautusang ipinalabas ni Pope Alexander VI na naghahati sa lupaing maaaring
tuklasin ng Portugal at Spain.
A. Inquisition C. Papal Bull
B. Interdict D. Presidential Decree

8. Si Prinsipe Henry ang nanguna sa pagtataguyod ng mga paglalayag sa


pamamagitan ng ________________
A. Pagbibigay ng libreng pag-aaral sa gustong maglayag.
B. Pag-aanyaya sa mga mandaragat.
C. Pagbibigay ng pabuya sa sinomang gustong maglayag.
D. Pagpapakulong sa sinomang ayaw tumalima.

9. Ang mga sumusunod na mga bansang Europeo ay nagkaroon din ng interes


na sumali sa paligsahan ukol sa panggagalugad, maliban sa:
A. Netherlands C. Pransya
B. Inglatera D. Gresya

10.Sino ang mananakop na nagpabagsak sa Kaharian ng mga Aztec?


A. Bartholomeu Diaz C. Hernan Cortes
B. John Cabot D. Vasco da Gama

11. Sinong Kastila ang conquistador na sumakop sa Imperyo ng mga Inca na


kung saan ay pinatubos at pinatay rin ang pinuno ng mga ito.
A. Hernan Cortes C. Hernando de Soto
B. Francisco Pizarro D. Francisco Vasques de Coronado

20
12. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa maraming suliranin sa mga bansang
nasakop ng mga Kanluranin, maliban sa
A. Pagkawala ng kasarinlan
B. Napilitang kumain ng mga pagkaing hindi nila nakagisnang kainin
C. Pagsasamantala sa kanilang likas na yaman
D. Paninikil sa karapatan ng mga katutubo

13. Alin sa mga sumusunod ang naging salik ng paglalakbay ng mga Europeo sa
malalawak na karagatan noong ika-15 siglo?
A. Pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumentong
pangnabigasyon at sasakyang pandagat.
B. Pag-amuki ng mga hari na masipaglayag ang mga mamayan upang
makahanap ng pagnenegosyohan.
C. Paghahanap ng matitirahang lupain dulot ng paglaki ng bilang ng
populasyon.
D. Pag-iwas sa kalupitan ng mga Monarkiya.

14. Noong panahon ng panggagalugad, karamihan sa mga pampapalasa ay


matatagpuan sa ________.
A. Moluccas C. Sumatra
B. Timor D. Java

15. Anong aklat ang nakapanghikayat sa mga Europeo na marating ang China?
A. Turn Right at Machu Picchu
B. The Life and Voyages of Christopher Columbus
C. The Rise and Splendour of the Chinese Empire
D. The Travels of Marco Polo

Susi sa Pagwawasto:

21
ARALING PANLIPUNAN 8 (Modyul 3)

Pangalan:________________________________________ Linggo: 4

Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,


Enlightenment at Industriyal

Panimula (Susing Konsepto)

Ibinase ng mga Midyibal na iskolar ang kanilang mga teorya sa mga


prinsipyo at ideya ng mga Klasikal na pilosopo tulad nina Aritotle, Ptolemy at
Galen. Pinaniniwalaan nila na ang mundo ay patag at kapag ang isang
maglalakbay sa karagatan ay nakarating sa dulo nito ay posibleng siyang
mahulog sa pinakadulo. Maging ang katuruan ng Simbahan ay pinalaganap na
ang mundo ay sentro ng Sansinukob. Ang patunay dito ng Simbahan ay batay
sa pagsasabing ang mundo ay tirahan ng tao kaya ito ang sentro ng Sansinukob.

Rebolusyong Siyentipiko

Sa pagpapasimula, nagkaroon ng duda ang mga Europeo sa mga


tradisyunal na kaalaman at katuruan ng Simbahan, dahil sa mga bagong tuklas
na kaalaman na pinatunayan ng mga imbensiyon at pagsusuri ng mga
siyentipikong gaya nina Nicolaus Copernicus at Galileo Galilei. Ito ang naging
daan ng mga Makabagong Kaisipan o naging kilala sa katawagang
Rebolusyong Siyentipiko. Sinundan ito ng mga inobasyon at pagtuklas ng mga
makabagong gamit na nagpabilis sa produksiyon ng mga Europeo at
nagpatatag ng kanilang komersiyo, kalakalan at pangkabuhayan.

Ang kaisipang ito ang naging daan sa pagtuklas at pag-imbento ng mga


makabagong makinarya na nakapagpabilis at nagparami ng produksiyon ng
mga Hilagang Amerika at Europa.
22
Si Nicolaus Copernicusna isang Polish ay nagpasimula ng kanyang
propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492.
Kasabayan nito ang pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa Amerika. Sa
panahong ito nagpasimula na si Copernicus ng mga pagtatanong ukol sa
pangunahing paniniwala at tradisyon ng mga tao.
Batay sa kanyang mga ginawang pananaliksik, pinaniniwalaan niya na
ang mga ideyang itinuro at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahong iyon
ukol sa Sansinukob ay may mga pagkakamali. Binigyan diin niya na ang mundo
ay bilog di gaya ng paniniwala noon na ito ay patag at kapag nakarating ang
isang manlalakbay sa dulo nito ay posibleng mahulog siya. Isa pa sa kanyang
inilahad ay ang ukol sa pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito ay
umiikot sa araw. Ayon sa kanya, ang araw at hindi ang daigdig ang sentro ng
sansinukob. Tinawag niya ang kaisipang ito na Teoryang Heliocentric.
Dalawang siyentipiko ang sumunod sa pag-aaral at pagsusuri sa Teoryang
Heliocentric ni Copernicus, sina Johannes Kepler na isang Alemang Astronomer
at si Galileo Galilei na isang Italianong Katoliko na nagkaroonng malaking
pagsalungat sa Simbahan.

Bumuo ng isang pormula sa matematika si Johannes Kepler upang


mapatunayan ang pag-ikot ng mga planeta sa araw. Ayon sa kanya, ang
posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw ay di pare-pareho
sa bilis ng kanilang paggalaw – mas mabilis habang papalapit sa araw at mas
mabagal naman habang papalayo.
Noong 1609, naimbento ni Galileo Galilei ang kanyang teleskopyo na
ginamit niya sa pag-aaral sa kalangitan. Ang kanyang pagtanggap sa teoryang
itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y mapasailalim sa isang
imbestigasyon. Pinasinungalingan niya at pinintasan ang mga kaisipan ni
Ptolemy, na kung saan maging ang Simbahan ay gumamit ng kaisipang ito sa
mga katuruang Kristiyano. Noong 1633, ipinatawag si Galilei ni Papa Urban VIII
sa Roma upang harapin ang paglilitis sa Inquisition. Sa takot na mapahirapan at
maparusahan ng pagsunog ng buhay, napilitan si Galilei na bawiin ang kanyang
mga pahayag at nanumpang tatalikuran ang kaisipan ni Copernicus.

Ang dulot ng Rebolusyong Siyentipiko ay hindi lang natuon sa Astronomiya


o pag-aaral tungkol sa kalawakan, lumaganap din ito sa iba’t ibang larangan
ng Agham na naging batayan sa kasalukuyan.

Kagaya ng astronomiya, ang larangan ng medisina ay nakabatay sa mga


gawa at pag-aaral ng mga klasikong iskolar. Ang Griyegong manggagamot na
si Galen ang naging batayan ng mga manggagamot noon. Gayunpaman,

23
marami sa mga turo ni Galen ang mali sapagkat ginamit niya ang katawan ng
hayop upang gawing batayan sa pag-aaral sa katawan ng tao.

Noong 1543, inilathala ni Andreas Vesalius ang isang aklat na “On the
Fabric of the Human Body.” Dito, kanyang ipinaliwanag ang istruktura at gamit
ng mga bahagi ng human organ. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng
paggamit ng katawan ng mga yumao para buksan at pag-aralan, kung kaya’t
mas tumpak ang kanyang mga pagsusuri sa katawan ng tao kumpara kay
Galen.
Si William Harvey naman ay isang manggagamot na nagpatunay na iisang
dugo lamang ang dumadaloy sa ugat (vein) at artery, napatunayan din niya na
ang puso at hindi ang atay ang nagpapadaloy ng dugo sa katawan. Ang mga
ito ay kanyang isinulat sa kanyang aklat na “On the Motion of the Heart and
Blood.”
Ang pag-unlad ng Agham ay umabot hanggang sa larangan ng
Chemistry. Pinakilala ni Robert Boyle ang kanyang Boyle’s Gas Law na nagsasabi
na binubuo ang lahat ng bagay ng mas maliit na butil, na nagsasama-sama sa
iba’t-ibang paraan. Tinagurian siya “Ama ng Modernong Chemistry.”

Si Antoine Laurent Lavoisier naman ang nakaimbento sa pagpapangalan


ng mga chemical elements na ginagamit pa rin natin sa kasalukuyan. Nakilala si
Lavoisier bilang “Tagapagtatag ng Modernong Chemisty.”

Ang malalaking pagbabagong ito sa kaalaman ng tao ay nagresulta


upang pagdudahan kung tama nga ba ang kanilang pinaniniwalaan.
Ayon kay Rene Descartes ang pag-iisip, at hindi ang pakiramdam ang
daan sa pag-alam ng katotohanan. Para kay Descartes ang tanging
katotohanan ay ang mga bagay na kayang ipaliwanag ng iyong reason.
Nakilala ang mga pahayag na ito ni Descartes sa kanyang “Rationalism.” Para
sa mga Rational Thinkers hindi mo dapat paniwalaan ang isang bagay dahil
sinabi sa iyo na paniwalaan mo ito. Ang paglaganap ng Rationalism ay
nagresulta sa pagkawala ng status ng Simbahan bilang pinagmumulan ng
katotohanan sa daigdig.

Ang pag-aaral ng Agham ay lalong naging mabisa at naging sistematiko


sa pagdating ni Francis Bacon, kanyang ipinakilala ang Scientific Method upang
masagot at mabigyang linaw ang mga katanungan sa ating mundo.
Ang Rebolusyong Siyentipiko, ginamit ng mga siyentipiko ang katwiran
(reason) sa pagpapaliwanag kung bakit at paano nangyari ang mga bagay-
bagay sa pisikal na mundo. Ang tagumpay na ito ay nagbigay ng inspirasyon at

24
matinding pagtitiwala sa kapangyarihan ng katwiran sa mga uring edukado ng
Europa.

Panahon ng Pagkamulat o Enlightenment

Noong ika-18 siglo isang kilusang pilosopikal ang umunlad sa Europa. Ang
mga pagbabagong nakamit ng Rebolusyong Siyentipiko ang kanilang magiging
batayan upang baguhin at unawain ang lipunan ng tao, ito ang “The
Enlightenment.” Ang Enlightenment ay isang kilusan noong ika-18 siglo kung saan
sinikap ng mga pilosopo na isagawa ang mga prinsipyo ng pangangatwiran at
paraang siyentipiko sa lahat ng aspeto sa lipunan. Sila ay kinabibilangan ng iba’t-
ibang uri ng tao, mga manunulat, propesor, ekonomista, mamamahayag, at
mga taong nagnanais ng pagbabagong panlipunan.Ang mga taong lumahok
sa Enlightenment ay tinatawag na mga Pilosopo. Para sa mga Pilosopo, ang
layunin ng Pilosopiya ay makabuo ng isang lipunan na mabuti kaysa sa nauna.
Noong panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, nakuhang ipaliwanag ng mga
siyentista ang batas ng pisikal na daigdig gamit ang kanilang katwiran, dahil dito,
naisip din ng mga pilosopo na kung posible din bang gamitin ang katwiran upang
ipaliwanag ang batas ng lipunan ng tao.

Si John Lockena isang Ingles ang isa sa naunang Pilosopo ng


Enlightenment. Ayon kay Locke, ang bawat tao ay isinilang na tabolarasa o
mayroong blankong isipan. Ang isipan ay malalagyan lamang ng laman batay
sa impluwensya ng mga nakapaligid dito at nararanasan ng isang tao. Para kay
John Locke, kung mababago ang kapaligiran at mapapalitan natin ng
mabubuting impluwensya ang nakapaligid sa lahat ng tao. mas magiging
mabuti ang ating lipunan.

Isa pang Pilosopo sa larangan ng pulitika ay si Baron de Montesquieu,


kinilala siya sa kanyang paniniwala paghahati ng kapangyarihan. Para kay
Montesquieu, ang pamahalaan ay dapat na may tagapagpaganap,
tagapagbatas at tagapaghukom. Ang mga sangay na ito ng pamahalaan ay
dapat na pantay-pantay at may kakayahang kontrolin at limitahan ang
kapangyarihan ng bawat isa. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang labis na
paglakas ng isang sangay ng pamahalaan na maaaring magresulta sa
pagmamalabis. Ang mga isinulat ni Montesquieu ay isinulat sa wikang Ingles, na
naging resulta ng pagkakabasa nito sa Estados Unidos.Ginawa itong
pamantayan ng mga Amerikano sa kanilang paggawa ng kanilang Saligang
Batas.

Si Francois Marie Arouet o mas kilala sa tawag na Voltaire ay isa sa


pinakadakilang Pilosopo ng Enlightenment, para sa kanya ang lahat ng tao ay

25
may karapatang magsalita. Ang kanyang pagpapahalaga sa kalayaan sa
pagsasalita ay makikita sa kanyang kasabihan na “Hindi man ako sang-ayon sa
iyong sinasabi, handa akong ipaglaban ang iyong karapatan na sabihin ito.”
Paano nga ba lumaganap ang kaisipan ng Enlightenment? Masasagot ito sa
pamamagitan ng pagsuri sa mga gawa ni Denis Diderot. Si Diderot ay isang
malayang manunulat na nagsulat ng mga artikulo para sa mga iba’t-ibang
larangan. Ang kanyang pinakamahalagang ambag ay ang “classified
dictionary of sciences, arts and trades” o mas kilala sa tawag na “The
Encyclopedia.” Ang pinakaunang encyclopediani Diderot ay naging isang
mabisang instrumento upang ipalaganap ang mga bagong kaisipan mula sa
Renaissance, Scientific Revolution at maging Repormasyon. Nagamit din ito
upang labanan ang mga paniniwalang pangrelihiyon at mga makalumang
kaisipan. Ang mga encyclopedia ni Diderot ay nabasa at ipinagbili sa mga
doctor, pari, guro at mga abogado. Sinubukan din ng mga tao na hanapin ang
mga batas na sumasaklaw sa iba pang aspekto ng pamumuhay, isa rito ang
ekonomiks. Ayon kay Adam Smith, ang “Ama ng Modernong Ekonomiks,” ang
pamahalaan ay nararapat na huwag makialam sa mga gawaing pang-
ekonomiko ng isang bansa. Sinasabi niya na ang pakikialam na ito ng
pamahalaan ay lumalabag sa natural na mga economic forces. Ang paniniwala
na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa ekonomiya ay tinatawag na
“Laissez Faire.”
Noong ika-18 siglo, ang mga bansa sa Europa ay mayroon ng kanya-
kanyang sistema ng paghahatol sa mga krimen. Ang sistemang ito ng
paghahatolsa mga krimen ay gumagamit ng bitay at pagpapahirap upang
takutin ang mga tao na huwag gumawa ng krimen. Kinakailangan nilang takutin
ang mga gagawa ng krimen dahil ang mga alagad ng batas ay kapos sa
kakayahan na manghuli ng mga kriminal, ngunit ito ay tinanggihan ni Cesare
Beccaria. Para kay Beccaria, ang sistema ng paghahatol sa mga krimen ay
nararapat magbigay tuon sa rehabilitasyon ng mga lumabag sa batas hindi
para parusahan ang mga ito. Ayon pa sa kanya, ang pamahalaan na umaasa
sa pagpapahirap upang matakot ang mga tao na gumawa ng krimen ay hindi
mahusay na pamahalaan.

Noong 1760, isa pang dakilang pilosopo ng Enlightenment ang nakilala,


siya si Jean Jacques Rousseau, kanyang ipinakilala ang “Social Contract Theory.”
Ayon sa“Social Contract Theory” ang pamahalaan at mamamayan ay
pumapasok sa isang kontrata. Ayon sa kontratang ito, ang pamahalaan ay may
obligasyong pangalagaan at pagsilbihan ang mga mamamayan. Ang mga
mamamayan naman ay may obligasyon na magbigay ng serbisyo at buwis sa
pamahalaan. Kinakailangan nilang sumunod sa mga batas na ipinatutupad ng
pamahalaan. Sa pagkakataon kung saan nilabag ng mga mamamayan ang

26
kontrata nito sa pamahalaan, maaari siyang parusahan ng batas. Samantala,
kung ang pamahalaan naman ang lalabag sa kontrata, ang mga mamamayan
ay may karapatang palitan ang pamahalaan. Ang Enlightenment ay lubos na
nakaapekto hanggang sa kasalukuyan.Marami pa rin sa mga ambag na ito ay
patuloy pa rin nating natatamasa. Isipin natin, kung ano kaya ang sitwasyon ng
daigdig kung hindi naganap ang Enlightenment.

Rebolusyong Industriyal
Noong una, umaasa lang ang mga tao sa pagtatanim. Ito lang halos ang
pinagkukunan nila ng kabuhayan. Ngunit noong huling bahagi ng ika-18 siglo at
unang bahagi ng ika-19 na siglo, pinasimulan ng Britanya ang Rebolusyong
Industriyal. Ano nga ba ang Rebolusyong Industriyal? Ito ang panahon na kung
saan gumamit sila ng mga makinarya upang makagawa pa ng iba pang
produkto. Ito rin ang panahon na lumipat ang mga tao mula sa simpleng
ginagamitan ng kamay tungo sa paggamit ng mga komplikadong makinarya.
Nagdulot ito ng masmabilis at maraming produktong nagagawa. Ang dating
lipunang umaasa lamang sa pagsasaka ngayon ay nakadepende na sa mga
bagong kagamitan o teknolohiya. Bakit kaya sa bansang Britanya nagsimula ang
Rebolusyong Industriyal? Taong 1760 na pasimulan ng Britanya ang Rebolusyong
Industriyal dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

• Likas na yaman – Ang Britanya ay sagana sa karbon at bakal na mahalaga


sa pagtatayo ng industriya.
• Yamang tao - Maraming lakas paggawa sa Britanya dahil maraming
manggagawa roon.
• Sapat na puhunan – May malaking silang kapital na magagamit sa
pagtatatag ng mga bagong industriya.
• Suporta ng pamahalaan – Sinuportahan ng pamahalaan ang pag-unlad
ng ekonomiya ng Britanya sa pamamamagitan ng pagtatatag ng
malakas na hukbong pandagat na sumuporta sa kanyang imperyo at
kalakalang panlabas.
• Kinalalagyan – Ang bansa ay may mainam na daungan. Ang
paglalakbaysa tubig ng mga produkto at kalakal ay mabilis na madadala
sa kanyang destinasyon kaysa sa paglalakbay sa lupa.

Ang pag-unlad ng paggamit ng mga makabagong makinarya ay lubos


na nakatulong sa mga bansa sa Europa, hindi lang sa Europa kung hindi sa
iba’t-ibang panig ng mundo.
Kilalanin natin kung sino-sino ang mga taong nasa likod ng imbensyong ito.
Ano-ano ang mga makinaryang ito?

27
Jethro Tull – Naimbento niya ang “seed drill” na ang
mga binhi ay itinatanim nang nakahilera sa halip
na ang maaksayang pagsasaboy nito nang
nakakalat.

John Kay – Inimbento niya noong 1733 ang makina


na tinatawag na “flying shuttle.”Nagpabilis ito sa
paghahabi nang doble sa maaaring gawin ng
isang tao sa isang araw.

James Hargreaves – Nakaimbento siya noong 1764


na tinawag niyang “spinning jenny” na kayang
maghabi ang isang tao gamit ang walong sinulid.

Richard Arkwright – Naimbento niya ang isang


makina na tinawag niyang “water frame,” noong
1769, na kung saan gumamit siya ng water power
na nagmumula sa mabilis na agos ng tubig sa
pagpapatakbo ng spinning wheel.

28
Samuel Crompton – Siya ang nakaimbento ng
“spinning mule” ngoong 1779 na isang makinang
nakabubuo ng mas matibay, dekalidad at pinong
mga sinulid.

Edmund Cartwright – higit pang binabilis nag


paghahabi ng tela sa naimbento niyang power
loom noong 1787.

Eli Whitney – Noong 1793, naimbento niya ang


“cotton gin” na nagpabilis nang ilang beses sa
pagtatanggal ng buto mula sa bulak.

29
James Watt – Siya ang nakaimbento ng “steam
engine na isang makinang pinatatakbo ng isang
mainit na singaw o steam. Ginagamit ito noon
upang mapatakbo ang isang pabrika o tren.

George Stephenson – Siya ang nakaimbento ng


“steam power train” o daang bakal na
ginagamitan ng “steam engine”

Dahil sa Rebolusyong Industriyal,may malaking naging epekto ito sa Europa


at sa daigdig noon at ngayon. Binago ng Rebolusyong Industriyal ang bawat
bahagi ng pamumuhay ng mga bansang naging aktibosa industriyalisasyon.
Matinding pananamantala at paghihirap ang naranasan ng mga manggagawa
sa mga pabrika at industriya. Lumaki ang pangangailangan sa mga hilaw na
sangkap.Umunlad ang transportasyon, agrikultura at
pakikipagtalastasan.Nagbigay ito ng maraming trabaho dulot ng
industriyalisasyon na nagbunga rin ng panganib sa kalusugan ng mga tao.
Nagdulot din ito ng mataas na pag-angat ng kahalagahan ng pangangalakal.
Lumago ang pamumuhay ilang mga tao. Nagbunga ang Rebolusyong
Industriyal ng pagdami ng bilang ng populasyon sa Europa lalo na ang mga
sentro ng kalakalan at komersiyo. Nagdulot ng polusyon, pagsisiksikan sa mga
marurumi at madidilim na mga kabahayan na nagdulot ng paglaganap ng sakit
at epidemya sa mga lugar na tirahan ng mga mahihirap. Paglaki ng agwat
katayuan sa buhay ng mahihirap na manggagawa at mayayamang may ari ng
lupa at pagawaan.Mabilis na lumago at nagsulputan ang mga
lungsod.Nagdulot din ito ng pagkabuo ng mga samahan para sa pagbabago
ng kalagayan ng mga manggagawa, gayun din ang pagkakaroon ng mga
batas para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga ito. Nabuo rin ang kilusang
30
nagsusulong sa pag-aalis ng pang-aalipin. Kasabay din nito ang pagkakaroon
ng mga karapatan ng mga kababaihan.

Gawain 1: Kilalanin Mo, Ihanay Mo!

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na personalidad at ihanay ang mga ito sa
talahanayan kung saang larangan sila napatanyag. Piliin ang tamang
sagot sa ibaba.

SIYENSIYA POLITIKA INDUSTRIYA


1. 6. 11.
2. 7. 12,
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.

Boyle Lavoisier Hargreaves


Harvey Montesquieu Bell
Diderot Rousseau Awkwright
Stephenson Whitney Bacon
Voltaire Kay Locke

31
Gawain 2: Isasalaysay Ko, Punan Mo!

Punan ang mga patlang ng mga akmang salita upang mabuo ang buong diwa
ng talata. Piliin ang inyong sagot sa loob ng kahon.

Rebolusyong Siyentipiko Simbahan


The Enlightenment Pangangatwiran
Imbensiyon Makinarya
Britanya Rebolusyong Industriyal
Pagsusuri Produksyon

Sa pagpapasimula, nagkaroon ng pag-aalinlangan ang mga


mamamayang Europeo sa mga makalumang kaalaman at katuruan ng (1)
_______________. Ang pag-aalinlangang ito ay nagmula sa mga bagong tuklas
na kaalaman na pinatunayan ng mga (2) _______________ at (3) _______________
ng mga siyentista na gaya nina Nicolaus Copernicus at Galileo Galilei. Ito ang
naging pasimula ng mga makabagong kaisipan o naging kilala sa tawag na (4)
_______________. Nasundan ito ng mga inobasyon at pagtuklas ng mga
makabagong gamit na nagpabilis sa (5) _______________ ng mga Europeo at
nagpatatag ng kanilang komersiyo, kalakalan at pangkabuhayan.

Noong ika-18 siglo, isang kilusang pilosopikal ang umunlad sa Europa. Ang
mga pagbabagong nakamit ng Rebolusyong Siyentipiko ang kanilang naging
batayan upang baguhin at unawain ang lipunan ng tao, ito ang (6)
________________. Ito ay isang kilusan noong ika-18 siglo kung saan sinikap ng mga
pilosopo na isagawa ang mga prinsipyo ng (7) ________________ at paraang
siyentipiko sa lahat ng aspekto sa lipunan.

Ngunit noong huling bahagi ng ika-18 siglo at unang bahagi ng ika-19 na


siglo, pinasimulan ng bansang (8) ________________ ang (9) ________________. Ang
pag-unlad ng paggamit ng mga makabagong (10) ________________ ay lubos na
nakatulong sa mga bansa sa Europa, maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.

32
Gawain 3: Kung may Katwiran Ka, Ipaglaban Mo!
Panuto: Basahin mong mabuti at unawain ang mga pahayag na nasa loob ng
kahon. Matapos mo itong mabasa, sagutin ang mga tanong sa ibaba
batay sa sarili mong kapasyahan at pagpapaliwanag.

Noong 1633, ipinatawag si Galilei ni Papa Urban VIII sa Roma upang harapin
ang paglilitis sa Inquisition. Sa takot na mapahirapan at maparusahan ng
pagsunog ng buhay, napilitan si Galilei na bawiin ang kanyang mga
pahayag at nanumpang tatalikuran ang kaisipan ni Copernicus.

1.Kung ikaw ang nasa katayuan ni Galileo Galilei, ipaglalaban mo ba ang iyong
mga paniniwala o natuklasan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2.Kung ikaw ang tagapaglitis sa isinagawang Inquisition, ano ang iyong


magiging desisyon hinggil sa kaso? Pangatwiranan ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

33
ARALING PANLIPUNAN 8 (Modyul 4)
Pangalan:________________________________________ Linggo: 5-7
Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Paksa: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at


Pranses

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa


Rebolusyong Amerikano at Pranses.

Panimula (Susing Konsepto)

Rebolusyong Amerikano
Ang Amerika na binubuo ng labitatlong (13) kolonya at pinamumunuan ng
bansang Great Britain sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nagsimulang kalabanin
ang Britanya upang makuha ang kanilang kalayaan. Alamin natin ang mga na
pangyayari sa panahon na iyon!

Tandaan ang salitang RISE (Representasyon, Intelektuwal, Stamp Act at


Ekonomiya) para sa mga dahilan:
1. Intelektuwal o Enlightenment. Ito ang pinakamalaking pundasyon at
kontribusyon sa pagkakaroon ng Rebolusyong Amerikano. Bakit?

Ang mga akda, aral at prinsipyong mula sa mga pilosopo ay naging


inspirasyon at nagbigay-daan upang mabuksan ang kanilang kaisipan
bilang Amerikano na may mga karapatan, kalayaan, kaisipang politika at
kaisipang rebolusyon. Isa na dito ay ang pilosopong si John Locke.Ang
kaniyang ideya na “Tabula Rasa”, na ang tao ay nahuhubog batay sa
kanyang karanasan. Pagdating sa pamahalaan, ipinaliwanag ni Locke na
ang tao ay may kakayahang bumuo ng sariling pamahalaan batay sa
kanyang pangangailangan at ikabubuti kung ito ay gagamitan ng
pangangatwiran. Ang mga kaisipang ito ang naging dahilan upang
ipaglaban ng mga Amerikano ang kanilang karapatan at kalayaan.
2. Ekonomiya. Sa loob ng Seven Years’ War (1756-1763) ng Great Britain sa
France, nangailangan ito ng malaking salapi, bilang panustos sa digmaan
at pambayad sa malaking pagkakautang. Dahil sa pangangailangang

34
ito, hinigpitan ang kalakalan at tinaasan ang mga buwis na ikinagalit ng
mga Amerikano.

3. Stamp Act of 1765. Ipinatupad ang batas na ito upang patawan ng buwis
ang mga illegal na dokumento at paglalagay ng mga selyo sa mga
produkto ng British.Ang Stamp Act of 1765 at ang pagbubuwis ay naging
dahilan upang iboykot ang mga produkto ng British ang kolonya, at mag-
smuggle o lihim na pagpuslit ng mga produkto mula sa ibang bansa ang
mga Amerikano.

4. Representasyon sa Parlyamento. Dito sumikat ang kaisipan at katagang


“no taxation without representation” o ‘walang pagbubuwis kung walang
representasyon’. Hiningi ng mga Kolonya sa Amerika ang pagkakaroon ng
representasyon sa parlyamento.

Tungahayan natin ang mga pangyayaring humimok at nagtulak sa


pagkamakabayan ng mga Amerikano.

Stamp Act of 1765


Declaratory Act
– sa batas na ito binibigyan ng
karapatang lumikha ng batas para
sa kolonya ang Parlamento ng British

Townshend Revenue Act


–sa batas na ito ang produktong
salamin, lead, papel, at tsaa ay
papatawan ng karampatang buwis.

Boston Massacre (1770)


-Namatay ang limang Amerikano sa
pamamaril ng mga sundalong
British.

Tea Act (1770)


– isinasaad na ang 13 kolonya ay
makikipagkalakalan sa East India
Company ng Great Britain.

35
Boston Tea Party
(December 16, 1773) –Palihim na
nakapasok sa bapor ng British ang
mga kolonistang Amerikano o
tinatawag na “Sons of Liberty” sa
pagpapanggap bilang Indiano o
katutubong Amerikano at itinapon sa
dagat ang mga baul ng tsaa.

Dahil sa pangyayring ito, pinatawan


ng kaparusahan ang mga kolonista
at buong Boston, pinaghigpitan at
inalisan ng karapatang pamunuan
ang sarili.

Ngayon ay naging malinaw sa iyo ang mga saloobin at prinsipyo ng mga


Amerikano upang simulang ipaglaban ang kanilang kalayaan at karapatan.

Bilang panimula ating alamin ang mga mahahalagang pangyayari na


naging hakbang sa paglaya ng Amerika.

First Continental Congress o


Unang Kongresong Kontinental

Isang pagpupulong na linahukan ng


Setyembre 5, 1774 mga kolonya liban lamang sa Georgia
bilang paglaban sa mga British.Nagka-
isa at sama-samang upang maitaguyod
ang kanilang karapatan sa kolonya at
matigil ang pakikipagkalakalan sa Great
Britain. Sa kabila nito, hindi ito nabigyan
ng pansin ni Haring George III ng Great
April 19, 1775 Britain.

Labanan sa Lexington, Massachusetts:


American vs. British soldiers (Redcoats)

Bago makarating ang mga British sa


Concord upang makuha an tindahan

36
ng pulbura, mabilis na ipinaalam ito ng
isang panday na si Paul Revere sa mga
Amerikanong tagapagbantay. May
namatay sa Amerikano, subalit natalo
naman nila ang mga sundalong British sa
Boston.

Mayo 1775 Second Continental Congress o


Ikalawang Kongresong Kontinental

Dahil sa hindi Nabigyang-pansin ng


Britain ang kanilang hiling nagsagawa
ng ikalawang pgpupulong ang mga
kolonya. Bumuo ang kolonya ng
hukbong sandatahang lakas na
tinawag na Continental Army at nanalo
sa botohan si George Washington bilang
commander-in-chief.

Ang pamahalaan ng mga kolonya ay


tinawag na United Colonies of
Americaat sinimulan na nilang
makipaglaban sa mga British.

Hulyo 4, 1776 Declaration of Independence o


Deklarasyon ng Kalayaan

Ang Second Continental Congress ay


inaprubahan at inalabas ang
Declaration of Independence na isinulat
ni Thomas Jefferson. Ang mga kolonya
ay naging malaya at kinilala bilang
malayang nasyon sa ilalim ng
pangalang United States of America o
Estados Unidos ng Amerika.

Pagsuko ng Great Britain sa Amerika

Oktubre 19, 1781 Tuluyang nagapi ng mga


Amerikano ang Great Britain sa

37
pamumuno ni George Washington.
Sumuko sa Labanan sa Yorktown, ang
hukbong ng mga British sa ilalim ng
pamumuno ni Heneral
Cornwallis,tuluyan ng nakalaya ang
Amerika.

Treaty of Paris o Kasunduan sa Paris


September 3, 1783
Bilang pagtanggap ng Great Britain sa
kalayaaan ng Amerika.

Paggawa ng Konstitusyon

Mayo 14, 1787 Binalangkas ang Konstitusyon sa


Philadelphia, Pennsylvania, na
nilahukan ng 12 dating kolonya.
Kabilang sina George Washington,
Benjamin Franklin, Alexander Hamilton
at James Madison mga kilala at
prominenteng delegado. Si James
Madison ay kilala bilang “Father of the
Constitution” o “Ama ng Konstitusyon”.

Sa mga pangyayaring ito sa Amerika, tunay na kakakitaan ng


impluwensiya at kaugnayan sa Rebolusyong Pangkaisipan o Enlightenment, dahil
sa pagpupursigi nito na maisulong ang kanilang kalayaan at karapatan. Ito ay
nagpapakita ng kanilang pagkakaroon ng malawak at bukas na kaisipan; at
malalim na pangangatwiran, na nagbunga ng isang mahalang ebidensiya, ang
Kalayaan at Konstitusyon ng Amerika.
Gayunpaman, hindi madali ang pinagdaanan ng mga Amerikano sa
pagkamit ng kalayaan, maraming labanan ang kanilang nilagpasan. Tunghayan
natin ang tsart ng ilang tunggalian ng mga Amerikano at British.

38
Lugar Resulta

-Saratoga at Canada Nanalo ang Amerikaat itinigil


(Oktubre 1777) ng mga British ang pag-atake
sa Canada.
Mga Labanan
ng Great Britain -Daungan sa Savannah Nanalo ang British,
at Amerika at Georgia(Disyembre napasakamay nila ang buong
(pagkatapos ng 1778) Georgia.
Deklarasyon ng
Kalayaan) Nanalo ang Amerika
-King’s Mountain at katuwang ang hukbong
Cowpens (1781) Pranses.

-Yorktown (Oktubre Nanalo ang Amerika sa


19,1781) pamumuno ni George
Washington at sumuko ang
British sa pamumuno ni
Heneral Cornwallis.

Sa kabila ng kalayaan ay may mga labanan pa ring kailangang sagupain


at pagtagumpayan. Ang Rebolusyong Amerikano ay tunay na simbolo ng pag-
asa sa kalayaan at nagbigay inspirasyon sa mga kolonyang napasailalim ng mga
mananakop.

39
Rebolusyong Pranses

REBOLUSYONG PRANSES

Sa tulong ni Abbe Sieyes, isang pari (First Estate), idineklara


Hunyo 17, 1789 ang Third Estate bilang National Assembly o
Pambansang Asemblea.

Ang National Assembly o Pambansang Asemblea ay ang magpapasiya


ng mga batas para sa lahat ng mamamayan ng France. Hindi sang-ayon si
Haring Louis XVI kaya naman ipinasara niya ang lugar na pagpupulungan ng
ikatlong estado. Gayunpaman, hindi nagpa-awat ang estado kaya naman
isinagawa ang pagpupulong sa Tennis Court ng palasyo sa Versailles, France o
kilala bilang “The Tennis Court Oath”.
Sa pagkakaisa, kalakasan at determinasyon ng third estate, sa huli
pumayag si Haring Louis XVI na, lumahok ang First at Second Estates sa
pagpupulong. Ang pangyayaring ito ay ang simula ng pagkapanalo ng third
estate.

Hulyo 14, 1789 Ang Pagbagsak ng Bastille. Ang Bastille ay isang kulungan
at lugar na kinaroroonan ng mga pulbura.
Sinugod,pinakawalan ang mga nakakulong, kinuha ang mga pulbura
para sa digmaan at sinunog. Sa kasalukuyan ang Hulyo 14 sa France ay
ipinagdiriwang bilang “Bastille Day”o “France’s Day of Independence”.
Ang mga rebolusyonaryo ay binubuo ng mga sundalo at miyembro ng
Asemblea. Nabalot ang France ng kaguluhan at pagkatakot sa rebolusyon.

Declaration of the Rights of Man: “Liberty, Equality and


Agosto 27, 1789
1789 Fraternity”.Ang Constitutional Assembly o dating
Pambansang Asemblea ay naglabas ng Deklarasyon ng Karapatang Pantao at
Mamamayan, ang Saligang Batas na nakatuon at isinusulong ang pagkakaroon
ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran ng mga Pranses. Ang
deklarasyong ito ay tunay na naipakita ang impluwensiya ng Enlightenment.
Nabawasan ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan.

40
Sumang-ayon si Haring Louis XVI na ang pamumuno ay
Setyembre
1791-1792 nakabatay sa batas. Naitatag din ang Legislative
Assembly, bagong Asemblea na may kapangyarihang
tagapagbatas. Mula sa monarkiya, ngayon ay naaging republika ang France.

Enero 21, 1793 Pinugutan ng ulo si Haring Louis XVI gamit ang guillotine, sa
kasalukuyan tinawag ang lugar na Place de la Concorde
sa Paris. Ilang araw ang nakalipas, ang kanyang asawa na si Marie
Antoinette naman ang napugutan.
Ang mga pangyayaring ito ay lumaganap at kinatakutan sa Europa,
upang matigil ang mga rebolusyonaryo, ang Austria at Prussia ay nagpadala ng
mga sundalong lalaban at tatalo sa rebolusyon. Ang panahong ito ay kinilala
bilang “Reign of Terror”, bakit? Iyan ang aalamin natin ngayon!
Upang mapanatili ang Republika, nagtatag ang rebolusyonaryo ng
Committee of Public Safety noong ika-6 ng Abril 1793. Pinamunuan ito nina Jean
Paul Marat, Georges Danton at Maximilien Robespierre, sila rin ay pinuno ng
Jacobin. Tinawag na Reign of Terror ang panahong ito dahil sa libu-libong
namatay sa guillotine at iba’t – ibang brutal na pagpaparusa. Ito din ang mga
taong nilitis at itinuturing na banta sa Republik
Sa huli, si Danton at Robespierre na nagpanukala ng kaparusahang
guillotine ay mismo ring naparusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng
guillotine, ang kanilang kamatayan ay ang naging wakas ng Reign of Terror.
Taong 1795, dahil sa pagbagsak ng pamunuan ng rebolusyonaryo
pinalitan sila ng mga Moderates, nagkaroon ng bagong konstitusyon at bumuo
ngpanibagong konstitusyon na pamumunuan ng tinatawag na Directory na
binubuo ng limang tao na ihahalal sa bawat taon. Subalit, dahil sa likas na
kahinaan ng pamahalaan, matinding kaso ng graft and corruptionat mga
kalabang Pranses na nagnanais ibalik ang monarkiya.
Ang kaguluhan at kahirapang ito, isinilang ang isang lider at heneral na si
Napoleon Bonaparte, na sumakop sa iba’t-ibang bahagi ng Europa at
nagpasimula ng French Empire. Dala sa kanyang pananakop ang ideya ng
kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran na nagsulong sa pagbabago ng
pamumuno at pagtatatag ng Republikang pamahalaan.

41
Gawain 1.
Panuto: Multiple Choice. Piliin ang titik ng tamang sagot. Sagutin ito sa bukod na
papel.
1. Paano nakaimpluwensiya ang Rebolusyong Pangkaisipan sa
pagtataguyod ng Rebolusyong Amerikano?
A. Ito ang naging matibay na batayan ng kanilang paniniwala
B. Ang paniniwala ni John Locke na ang tao ay may kakayahang bumuo
ng sariling pamahalaan para sa kalayaan at karapatan.
C. Naging dahilan upang ninais na magkaroon ng kalayaan
D. Lahat ng nabanggit

2. Ano ang naging unang hakbang ng mga Amerikano sa pagkakamit ng


kalayaan na naganap noong ika – 5 ng Setyembre 1774?
A. Boston Tea Party C. Deklarasyon ng Kalayaan
B. Labanan sa Lexington D. First Continental Congress

3. Sino ang kinilala bilang “Ama ng Konstitusyon” ng Amerika?


A. Paul Revere C. James Madison
B. Thomas Jefferson D. George Washington

4. Kung si Paul Revere ang nagbabala sa mga tagapagbantay na mga


Amerikano o Continental Army, sino naman ang sumulat ng Deklarasyon
ng Kalayaan?
A. Paul Revere C. James Madison
B. Thomas Jefferson D. George Washington

5. Paano lubusang nakalaya ang mga kolonya ng Amerika na naganap


noong ika -3 ng Setyembre 1783?
A. Pagsuko ng mga hukbong British sa pamumuno ni Heneral Cornwallis
B. Paggawa ng konstitusyon
C. Pagdeklara ng Kalayaan
D. Kasunduan sa Paris

6. Isa sa mga pinuno ng Jacobin at Committee Public Safety na nagsulong ng


kaparusahang guillotine na siya ring ikinamatay niya, na nagtapos sa Reign
of Terror.

A. Abbe Sieyes C. George Danton


B. Jean Paul Marat D. Maximilien Robespierre

42
7. Pinakamagaling na lider na kilala sa tawag na “The Little General” at
unang Emperador ng French Empire.
A. Haring Louis XVII C. Napoleon Bonaparte
B. Haring Louis XVIII D. Maximilien Robespierre

8. Sa mga nabanggit na dahilan ng Rebolusyong Pranses, sa iyong palagay,


alin ang pinakamabigat na dahilan upang magkaroon ng rebolusyon?
A. Intelektuwal, dahil kung hindi buo ang iyong isipan sa iyong gagawin,
hindi susunod ang iyong katawan o magkakaroon ka ng pag-
aalinlangan.
B. Politikal, dahil sa hindi matuwid na pamamalakad at hindi maayos na
pamamahala kaya walang pagkakaisa
C. Ekonomikal, dahil kapag gutom at hirap ang mga mamamayan, ito
ang maguudyok upang labanan ang mga namumuno.
D. Walang dahilan upang magkaroon ng rebolusyon kung ito ay
magreresulta ng pagkamatay ng marami.

9. Kung ikaw si Haring Louis XVI, tutularan mo ba ang naging pamumuno ng


iyong ama sa pamumuno ng France?
A. Oo, dahil iyon ang aking susundang yapak at sumunod sa divine rights
B. Oo, dahil pribilehiyo ng pinuno ang pamahalaan ang kaban ng bayan
C. Hindi, dahil siya ay hindi naging responsableng pamumuno
D. Hindi, dahil dapat pahalagan ang reputasyon at titulo ng isang pinuno

10. Paano nagkaiba ang Rebolusyong Amerikano sa Rebolusyong Pranses?


A. Nagkaiba ito ng mga dahilan sa pagsulong ng rebolusyon
B. Dahil, magkaiba ang naging sitwasyon ng dalawang bansa
C. Walang pagkakaiba ang dalawang rebolusyon
D. A at B

43
Gawain 2.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1. Sumulat ng Declaration of A. Reign of Terror
Independence B. Guillotine
_____2. Namuno sa paggapi sa labanan sa C. Antoine Louis
Great Britain D. Joseph-Ignace
Guillotin
_____3. Tawag sa pamahalaan ng mga kolonya
E. Maximilien Robespierre
ng Amerika
_____4. Ama ng Konstitusyong Amerikano F. United States of
America
_____5. Tawag sa malayang kolonya ng
G. James Madison
Amerika
H. United Colonies of
_____6. Nakaimbento ng guillotine America
_____7. Nagpanukala sa paggawa ng I. George Washington
makinarya para sa parusang
kamatayan. J. Thomas Jefferson
_____8. Katawagan sa maramihang
pagpaparusa sa guillotine
_____9. Isa sa mga naparusahan ng guillotine
_____10. Paraan ng pagpaparusa nang
pagputol ng ulo

44
Gawain 3
Panuto: igawa ng concept map ang rebolusyong amerikano at pranses katulad
ng nasa ibaba. Maaaring magdagdag ng mga kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.

Rebolusyong Rebolusyong
Amerikano Pranses

_________________________ _____________________

_______________________ ___________________

Susi sa Pagwawasto:

45
ARALING PANLIPUNAN 8 (Modyul 5)
Pangalan:________________________________________ Linggo: 8
Seksyon:__________________________________________ Petsa:______

Aralin 1: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)


Aralin 2: Nasyonalismo sa Europa

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

1. Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng


Kolonyalismo (Imperyalismo)
2. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo
sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Panimula (Susing Konsepto)

Aralin 1: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Africa

Kinilala ang Africa bilang “Dark Continent”, dahil hindi pa ito lubusang
natutuklasan at nagagalugad subalit, paano nalaman ang tungkol sa Africa?
Ating kilalanin si David Livingstone, isang misyonero at manlalakbay na nagmula
sa Scotland na nakarating sa Africa. Ipinangalan niya kay Queen Victoria ng
England ang Victoria Falls (o dating Zambesi Falls) ng Africa. Sa kanyang mga
tuklas at impormasyon tungkol sa Africa ay naging dahilan upang magkaroon ng
interes ang mga Europeo na galugadin ito. Sa paglipas ng panahon ay nawalan
ng komunikasyon si Livingstone sa Europa, kaya naman ang pahayagang The
New York Herald ng Amerika ay ipinadala si Henry M. Stanley sa Africa.
Natagpuan ni Stanley si Livingstone at ang kampo nito sa Lake Tanganyika noong
1841.
Ang matagumpay na eksplorasyon at tuklas nina Livingstone at Stanley, ay
ang simula rin ng pagdaong at paggalugad ng mga Europeo sa Africa, isa na
dito ay ang ekplorasyon sa ngalan ni Haring Leopold II ng Belgium. Sa tulong ng
pakikipagkasundo sa lokal na mamamayan ng Africa, itinatag niyaang
pribadong organisasyonna tinawag na “International Association for the
Exploration and Civilization of Africa” na layuning palaganapin ang Kristiyanismo
at gawing sibilisado. Mabilis na naangkin ng Belgium ang Hilagang Congo na
malapit sa ilog at tinawag itong “Congo Free State” o Zaire sa kasalukuyan.
Nalaman ng mga bansa sa Europa ang tungkol sa Belguim, idagdag pa
ang pagkatuklas ng mga ginto at diyamante dahilan upang maraming bansa

46
ang sumali sa kompetisyon o agawan sa Africa. Hindi nagtagal ay tuluyan ng
nasakop ang Africa dahil na rin sa lokasyong estratehikal, walang laban sa
modernong armas at ang pagkakaiba-iba ng mga tribo. Ilan sa mga bansang
nanakop ay ang France, Italy at Germany. Ang mga pangyayaring ito ay
nagdulot ng pangamba sa pagkakaroon ng digmaan kaya naman isinagawa
ang Kumperensiya sa Berlin noong 1884. May dumalong 14 na bansa, ngunit
walang Aprikanong nakarating upang maging kinatawan. Ang kasunduang ito
ay angpaghahati-hati ng mga bansang Europeo sa Africa.
Mapa: Ang Pagkakahati ng Africa batay sa Bansang Mananakop
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya

Ang ika-19 na siglo ay ang panahon ng paghahati-hati ng mga Europeo


sa teritoryo ng Asya. Narating ng mga Europeo ang Asya, sa mga nakaraang
aralin nalaman natin ang mga bansang sinakop sa Asya ng mga Europeo, subalit
sa pagkakataong ito ang China ay isa sa mga bansang nasakop. Suriin natin!
Silangang Asya: China, bilang Sphere of Infuence

Sa panahon pa lamang ng Dinastiyang Qi ay mayroon ng ugnayan ang


China sa mga British para sa kalakalan. Dumating ang panahon noong 1839
hanggang 1842, kung saan natalo ang China sa naganap na Opium War o
Digmaang Opyo.
Ngunit, bakit ito itinawag na Digmaang Opyo? Tinawag itong Digmaang
Opyo dahilsa ang kinakalakal ng British ay Opyo isang uri ng gamot na maaaring
ituring na katulad ng shabu sa kasalukuyan. Sinunog ng mga Tsino ang barkong
pangkalakal ng British na naglalaman ng mga opyo. Hudyat ito ng digmaan sa
pagitan ng China at Great Britain.
Bilang pagkatalo lumagda ang China sa Kasunduan sa Nanking na naglalaman
ng ilang mga sumusunod na patakaran: limang daungan ang binuksan;ang
HongKong ay pagmamay-ari na ng Great Britain; magbabayad ng danyos ang
China sa Great Britain para sa nasira ng digmaan; at extraterritoriality ng Great
Britain sa China. Ang extraterritoriality ay nangangahulugang ang British na
nagkasala sa China ay lilitisin sa Great Britain.

Muling sumiklab ang Digmaang Opyo o Ikalawang Digmaang Opyo


noong 1856, at muling natalo ang China laban sa France at Great Britain.
Bumagsak sa paglagda ng Kasunduang sa Tientsin ang China na naglalaman ng
mga sumusunod: bubuksan ang may 11 daungan para sa pangdayuhang
kalakalan; legal na pag-aangkat ng opyo sa China, at pagtanggap ng
Kristiyanismo.

47
Bukod sa mga nabanggit na Kasunduan, tunghayan ang ilan pang
Kasunduang nilagdaan ng China.

• Kasunduan sa Whampoa (1844) sa France


• Kasunduan sa Peking (1849) sa Portugal
• Kasunduan sa Lli (1851) sa Russia
• Kasunduan sa Shimonoseki (1895) sa Japan

Ang United States ay nagtakda ng Open Door Policy sa China noong 1899.
Winakasan din ng United States ang sphere of influence upang maging bahagi
sa kalakalan ng China.

Mapa: Mga Bahagi ng China sa ilalim ng Sphere of Influence


Japan
Sa paglaya ng Amerika mula sa rebolusyon, hindi ito nagpahuli sa
pakikipagsabayan sa pananakop, kaya naman ang isa sa mga bansang
napasailalim dito ay ang Japan. Sa pangunguna ni Matthew C. Perry, dala ang
mensahe mula kay US President Millard Fillmore, na humihingi ng istasyon ng
langis, iba pang mga pangangailangan at pagkakaibigan, na-ipaabot ito sa
Japan.

Ang usapang ito ay humantong sa lagdaan ng Kasunduan sa Kanagawa


(1854). Ang pagpasok ng Amerika at iba pang mga bansa sa Japan ay isang
mahalagang pundasyon sa pag-unlad nito. Sa patuloy na pag-unlad ng Japan,
ito ay naging makapangyarihan at isa na rin sa mga naging mananakop.

Timog Asya: India

Ang pinakamalaking kolonya ng Great Britain ang India. Kinilala ang India
bilang,’”pinakamaningning na hiyas”. Dito itinatag ang English East India
Company noong 1874, bilang tagapamahala sa India.
Sa loob ng pitong taong pakkikidigma o Seven Years War ng France sa
Great Britain dahil sa pag-aagaawan nawalan ng teritoryo ang France sa India.
Ang pagsasagawa sa Kasunduan sa Paris o Treaty of Paris (1763), ang nagwakas
sa digmaan. Sa puntong ito, buong kalakhan ng India ay nasa ilalim ng
pamumuno ng British.

48
Sa mga bansa sa Asya, tanging ang Siam at Korea lamang ang hindi
nasakop ng mga Europeo. Ngunit, bakit nga ba hindi nasakop ang mga bansang
ito?
Ang Siam o Thailand ngayon ay sinuko o ibinigay ang ilang teritoryo para
sa pagsasarili sa pagitan ng Great Britain at France.
Ang pagiging “Hermit Kingdom” ng Korea ay naging proteksyon nito. Hindi
pinayagan ng Korea ang mga dayuhang makipagkalakaan.

Ang Pagkakahati ng Asya sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Pakikilahok ng United States


Bakit nga ba nakilahok ang United States? Ayon nga sa kanilang
paniniwala na ‘Manifest Destiny’, nakatalaga at may basbas ng langit na
palawakin at angkinin ang mga bansa. Idagdag pa dito ang pagpapalawak ng
teritoryo at kalakalan.

Taong 1898, ang United States ay nagkaroon ng digmaan sa Spain. Sa


pagkapanalo nito, ay sinakop ang Guam, Puerto Rico at Pilipinas na dating
kolonya ng Spain. Ang Guam ay naging himpilang-dagat sa Silangan at ang
Puerto Rico naman ay himpilang-dagat sa Carribean. Samantala, ayon kay
Pangulong William Mckinley, ay pinag-isipan kung ano ang nararapat gawin sa
Pilipinas.
Nalagpasan ng United States ang Unang Digmaang Pandaigdig at
nakuha ang teritoryo ng Samoa at Hawaii. Sa Samoa inilagak ang mahalagang
himpilan. Sa Hawaii naman matatagpuan ang Pearl Harbor, kung saan nakabase
ang himpilang-dagat ng United States sa Pasipiko. Bago matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig, noong 1917, nakuha ng United States ang Virgin Islands
mula sa kamay ng Denmark.

49
Ang Iba’t ibang Anyo ng Imperyalismo
Ang pagiging makapangyarihan ng United States sa Pasipiko ay nagdulot
sa pagkakaroon nito ng mga protectorate at sphere of influence. Ilan dito ay ang
West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa Central America.

Bakit naging Walang tagapagtanggol ang kanilang bansa at walang


protectorate pagkakaisa
at sphere of Nakukuhanan ng hilaw na materyales ng United States
influence Pang-ekonomikong interes; pag-aari ng mga minahan, mga
ang mga balon ng langis, mga taniman, mga daang-bakal at samahan
bansang ng mga sasakyang pandagat
ito?

Sa ilalim ng pamumuno ng Great Britain sa Australia at New Zealand ay


nakaligtas sa mga hidwaan ng mga bansang mananakop. Ang mga bansang
ito ang nagsilbing bilangguan matapos ang labanan sa United States. Sa huli,
hindi nakaligtas ang mga bansa ito sa pagtatayo ng kolonya ng mga bansa dahil
sa pagkatuklas dito ng mga ginto.
Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ay nagdulot ng
mabuti at hindi mabuting epekto sa mga mananakop at sa lupang
nasakop(Africa at Asya). Anu-ano nga ba ang mga ito?

Mabuting Epekto Hindi Mabuting Epekto


Pagkakaroon ng Sistema ng Pang-aabuso at Pang-aalipin
edukasyon Pagkamkam ng mga likas na yaman
Pagtatayo ng mga imprastraktura Pagkakahati ng mga teritoryo
Panibagong Sistema ng pagtatanim Pagbabago ng Kultura
Modernisasyon

50
Balangkas ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO

Dahilan Pangyayari
• Politikal Kolonyalismo at
• Imperyalismo Imperyalismo sa Africa at
• Ekonomiya Asya

EPEKTO

Mabuting Epekto Hindi Mabuting Epekto


Pagkakaroon ng Sistema ng Pang-aabuso at Pang-aalipin
edukasyon Pagkamkam ng mga likas na yaman
Pagtatayo ng mga imprastraktura Pagkakahati ng mga teritoryo
Panibagong
Aralin Sistema ngsapagtatanim
2: Nasyonalismo Europa Pagbabago ng Kultura
Modernisasyon
Ang nasyónalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideolohiyang politikal
ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon
nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating
matamo ang pambansang pagsulong. Pinaniniwalaang ang nasyonalismo ay
isang pangyayaring kamakailan lamang naganap at nangangailangan ng mga
kondisyong estruktural ng mga modernong lipunan. Ang mga pambansang
watawat, pambansang awit, at iba pang simbolo ng mga pagkakakilanlang
pambansa ay itinuturing na mahalagang sagisag ng pagkakabuklod-buklod.¹
Ipinapakahulugan din ang nasyonalismo na damdamin at paniniwalang
makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang bansa o estadong
kinabibilangan. Sa madaling salita ay ang labis na pagmamahal sa bayan.
Paano nga ba natin maipapahayag ang pagging nasyonalismo?

Kilalanin naman natin ang mga Superheroes, wala mang kapangyarihang


lumipad, walang shield at walang robotic suits pero maraming nailigtas gamit
ang kanilang pamumuno. Halika kilalanin natin ang ilan sa kanila!

51
Namuno: Bansa: Pangyayari:
Nasyonalismo sa Europa

Louis France mula Ang pagkakaroon ng July Revolution at ang


Napoleon o sa pamumuno ni Louis Philippe I sa
Napoleon III pamumuno pagpapasimula ng July Monarchy.
(1851) ni Louis Umusbong na naman ang korupsiyon na
Philippe I dahilan ng pagkakaroon ng Rebolusyon
noong 1848 na ikinabagsak ng monarkiya.
Itinatag ang Ikalawang Republika ng France
na pinamunuan ni Louis Napoleon bilang
emperador Napoleon III.

Count Hilagang Italy Layunin ng nasyonalismo na muling pag-


Camilio di mula isahin ang bansang Italya. Tinawag na
Cavour pamumuno Risorgimento o “muling pagkabuhay” ang
ng France, kilusan na pinangunahan nina Giuseppe
Austria at Garibaldi,itinatag ang kilusang Red Shirts,
Papal States Giuseppe Mazzini, na nagtatag ng Young
Italy at Count Camilio di Cavour, Punong
Giuseppe Timog Italy Ministro ng Sardinia.
Garibaldi Nabigo sa Rebolusyon si Mazzini at si
Garibaldi matagumpay na napagbuklod
ang Italy maliban sa Rome at Venetia.
Samantala, si Cavour ay lihim na
nakipagkasundo kay Napoleon III para sa
hinihinging tulong laban sa Austria sa huli,
nagkasundo ang France at Austria laban sa
Italy. Gayunpama’y lumaban ang Italy
hanggang sa matalo ang mga dayuhang
mananakop.

William I Germany Hulyo 19, 1870 sumiklab ang Franco-Prussian


mula sa War, kung saan ang Germany ay sumanib
France puwersa sa Prussia upang matalo ang
France. Dahil sa pangyayaring ito
napagbuklod ang Germany at isinilang ng
Ikalawang Reich na pinamunuan ni
Emperador William I.

52
Czar Russia “Bloody Sunday” ang taguri sa malagim na
Nicholas II pangyayari noong ika – 22 ng Enero 1905,
kung saan pinagbabaril ang mga sibilyan na
mapayapang nagsasagawa ng
demonstrasyon sa St. Petersburg dahilan
upang lalong magalit ang mga
mamamayan. Upang hindi lumala ang
sitwasyon, isang batas ang nilagdaan ni Czar
Nicholas I, tinawag itong “October
Manifesto” na naglalayong mabigyan ng
mga karapatang sibil ang mga
mamamayan, at pagtatatag ng
Constitutional Monarchy.

Tunghayan naman natin ang Nasyonalismo ngilang bansa sa Africa,


Hilagang America at Latin America, tara!

Bansa: Pangyayari:
Latin America
Peru Sa pangunguna ng rebelyon ni Tupac Amaru noong 1780,
layunin nitong wakasan ang sapilitang paggawa,
pagbubuwis at pagkakaroon ng pagkakataong
magkaroon ng posisyon ang mga Indian bilang
Gobernador. Maraming labanan, maraming namatay at
binitay ang mga pinuno ng rebelyon.

Colombia Katulad sa Peru ang kinahinatnan ng mga pinuno ng


Colombia, binitay din ang mga ito. Pinangunahan ng mga
mestizo (may lahing Espanyol at Indian) at creole (may
lahing Europeo)ang nasyonalismo noong 1781 dahil sa
mataas na pagpataw ng buwis.

Haiti ibig Ang pagkamatay ni Vincent Oge, na isang mulatto (puti


sabihin ay at iba pang lahi), ang naging mitsa ng pag-aalsa noong
“Bulubunduking 1791, pinamunuan sila ni Francois Dominique Toussaint
lupain” L’Ouverture, sa kasawiang palad bago pa nakapagtatag
ng pamahalaan ay binawi ni Napoleon at kolonya.
Nakulong ito at doon na nga siya’y namatay.
Panibagong rebolusyonaryo ang naitatag sa pamumuno
ni Jean Jacques Dessalines na matagumpay na nakamit
ang kalayaan.

53
Hilagang America

Sa rebolusyong ito nakilala ang pinunong si Simon Bolivar, tinatawag ding


“George Washington” ng Venezuela ang kanyang pagkapanalo na
naging pangulo ng Great Columbia na kasalukuyan ng binubuo ng
Panama, Columbia, Venezuela at Ecuador.

May isang pangalan din nakilala sa panahon ng rebolusyon dahil sa


kaniyang mahusay na pamumuno, si Jose de San Martin. Matagumpay
niyang napalaya ang Argentina. Tinulungan din niya ang Chile at Peru
kasama si Simon Bolivar. Sa wakas, ika – 9 ng Disyembre 1824, nawakasan
na pananakop ng mga Kastila dahil sa kanilang pagkapanalo tuluyan ng
nakalaya ang Hilagang Amerika.

Mexico–Nakilala si Padre Miguel Hidalgo bilang “Ama ng Mexico”hindi


man nagtagumpay ang kanyang pangunguna sa rebelyon kinilala ang
kaniyang pag-aalsa bilang araw ng kalayaan sa Mexico tuwing ika – 16 ng
Setyembre.

Africa May malalayang bansa sa Africa, ito ay ang Ethiopia,


Liberia at Republic of South Africa. May mga bansa na
naging malaya na hindi dumanas ng karahasan pero
ang bansa tulad ng Congo at Algeria ay kinailangang
dumanak ng dugo para sa kalayaan.

Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit kinailangan ng mga Europeo ng hilaw na materyales?


A. Hindi sapat ang kanilang mga likas na yaman para sa produksyon.
B. Walang mapapagkunang hilaw na materyales sa mga bansa sa
Europa.
C. Upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan sa
produksyon.
D. A at B

2. Bakit tinawag ng kilalang misyonero ng Scotland na si David Livingstone ang


Africa bilang ‘Dark Continent’?
A. Dahil hindi pa alam ng buong mundo ang tungkol sa Africa
54
B. Dahil hindi pa ito lubusang nagagalugad at wala pang masyadong
naglalakbay
C. Dahil wala pang nakakarating sa kontinente
D. Wala sa nabanggit

3. Paano nakilala sa buong mundo ang tungkol sa Africa?


A. Dahil sa taglay nitong likas na yaman.
B. Dahil sa matagumpay na eksplorasyon nina David Livingstone at Henry
Stanley.
C. Dahil sa ipinangalan sa Reyna ng England ang Zambesi Falls ng Africa
D. Lahat ng nabanggit.

4. Bakit pinag-aagawan ng mga bansa sa Europa ang Africa?


A. Nagatataglay ito ng mga hilaw na materyales na kakailanganin sa
produksyon.
B. Ang kultura ng mga mamamayan sa Africa ay tunay na yaman.
C. Nagtataglay ito ng mga ginto at diyamante.
D. A at C

5. Ang mga sumusunod ay ang bansang mananakop katambal ang bansang


sinakop bunga ng kolonyalismo, maliban sa isa;
A. Belgium-Congo C. Great Britain-India
B. United States-Samoa D. Japan-Philippines

6. Ito ay nangangahulugang ang British na nagkasala sa China ay lilitisin sa


Great Britain.
A. Protectorate C. Koloniyalismo
B. Extraterritoriality D. Sphere of Influence

7. Isa sa uri ng imperyalismo, tumutukoy ito sa isang bansa na nasa ilalim ng


dayuhang pamamahala.
A. Protectorate C. Koloniyalismo
B. Extraterritoriality D. Sphere of Influence

8. Paniniwalang ang lahing kayumanggi, itim at dilaw ay obligasyong tulungan


ng lahing puti upang umunlad.
A. White Man’s Burden C. Manifest Destiny
B. Social Darwinism D. Extraterritoriality

55
9. Damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa
isang bansa o estadong kinabibilangan.
A. Kolonyalismo C.Imperyalismo
B. Nasyonalismo D. Patriotism

10. Ang sumusunod ay malalayang bansa sa Africa bago magsimula ang 1914,
maliban sa isa
E. Angola C. Republic of South Africa
F. Ethiopia D. Liberia

11. Matagumpay niyang napalaya ang Argentina dahil sa kaniyang husay sa


pamumuno, sino siya?
A. Jose de San Martin C. Tupac Amaru
B. Vincent Oge D. Simon Bolivar

12. Ang kaniyang kamatayan at pamumuno ang nagmulat sa mga mulatto na


magrebelyon. Sino siya?
A.Jose de San Martin C. Tupac Amaru
B. Vincent Oge D. Simon Bolivar

13. Kinilala bilang “Ama ng Mehiko/Mexico” bilang pangunguna at pamumuno


ng pag-aalsa.
A.Miguel Hidalgo C. Tupac Amaru
B. Vincent Oge D. Simon Bolivar

14. Sino ang Emperador ng Ikalawang Republika ng France noong 1851?


A. Louis Philippe I C. Louis Napoleon
B. Napoleon II D. Emperador William I

15. Pinuno sa Haiti na nanguna sa pagsulong ng Nasyonalismo maliban sa isa


A. Vincent Oge C. Tupac Amaru
B. Francois Dominique Toussaint D. Jean Jacques Dessalines

56
Gawain 2:
A. Ang Aking Bandila! Panuto: Tukuyin ang mga bansa inilalarawan ng
bandila, piliin ang sagot sa kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

Mga Bandila Mga Bansa:


_____1. A. Pilipinas

______2. B. China

______3. C. Guam

______4. D. India

______5. E. Puerto Rico

B. Panuto: Pagtambalin.Itambal ang mga kabisera ayon sa kanilang bansa.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
______1. Manila A. India
______2. Beijing B. Pilipinas
______3. New Dheli C. Guam
______4. San Juan D. Puerto Rico
57
______5. Hagatna E. China
______6. Rome F. France
______7. Washington DC G. England
______8. Paris H. United States of America
______9. Brussels I. Italy
_____10. London J. Belgium

Gawain 3:
Pang-isahang Gawain 2. Flow Chart. Panuto: Kumpletuhin ang Flow Chart ng mga
pangyayari sa Ikalawang Yugto ng Koloniyalismo at Imperyalismo. Piliin ang sagot
sa kahon at isulat sa flow chart box ang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1. 2. 3.

6. 5. 4.

A. Pagkapanalo ng United States laban sa Spain.


B. Ang Digmaang Opyo sa pagitan ng China at Great Britain.
C. Natuklasan ang natatagong yaman ng Africa
D. Pagtatatag ng English East India Company
E. Open Door Policy ng China
F. Lagdaan ng Kasunduan sa Kanagawa

58
Repleksyon

A. Panuto:Punan ang talahanayan ayon sa iyong natutunan sa mga araling


napag-aralan. Magbigay ng dalawang mga natutunan sa bawat paksang
nakatala sa unang hanay. Maaaring itala ang iyong sagot sa sagutang papel.

ANG AKING NATUTUHAN ANG AKING NATUTUHAN


1. Renaissance
1.__________________________________________
2. __________________________________________
2. Kolonyalismo at
Imperyalismo 1.__________________________________________
2. _________________________________________
3. Rebolusyong Siyentipiko,
enlightenment, at 1.__________________________________________
Industriyal 2. __________________________________________

4. Rebolusyong 1.___________________________________________
Pangkaisipan, Amerikano 2. __________________________________________
at Pranses
5. Nasyonalismo
1.___________________________________________
2. __________________________________________

Susi sa Pagwawasto

59

You might also like