You are on page 1of 40

Week 1:

Pagbabagong
Politikal,
Ekonomiko at
Sosyo-Kultural sa
Panahon ng
Renaissance
Renaissance
Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na
nangangahulugang “muling pagsilang” o
rebirth,ito ay sumibol noong 1350 hanggang
1550.Ito ay umusbong sa italya at kalaunan ay
kumalat sa buong Europa.
Tatlong Katangian
ng Renaissance
Ikatlo, ang Renaissance ay ang pag-usbong
Una, ang pamumuhay sa Pangalawa, ang ng Humanismo. Sa mga Italyano,
Italya ay urbanisado. Ang renaissance ay panahon ng itinuturing na ang buhay ng tao ay isang
mahahalagang gawain ng muling pagbangon. Ang paghahanda lamang matapos ang
kamatayan. Natuklasan ng mga Italyano na
mga tao gaya ng politika, Europa ay sinalanta ng sila ay nagmula sa lahi ng mga Griyego at
ekonomiya at osyo-kultural Black Death o Bubonic Romano. Ninais din mga tao noon na
makamtan ang mga bagay na nakamit ng
ay nakatuon sa mga ilang Plague na ikinasawi ng 24 kanilang mga ninuno. Ang mga Griyego at
makapangyarihang lungsod- milyong katao noong 1340s Romano ay mga Humanista. Ibig sabihin
nito, sila ay naniniwala na ang mga tao ay
estado tulad ng Florence, at mga digmaan noong may kakayahang makamtan ang mga bagay
Milan at Venice. Naging Panahong Midyibal. Sa na gusto nila at may karapatang maging
Panahon ng Renaissance, masaya habang nabubuhay. Naging
maunlad ang mga estadong inspirasyon ng mga Italyano ang mga
ito dahil ito ang mga naging unti-unting nakabangon Griyego at Romano noong Panahon ng
tagapag-ugnay ng ang Europa sa epekto ng Renaissance kaya muling nabuhay ang
Humanismong Klasikal. Ang mga
Kristiyanong Europa at mga kalamidad noong pagbabagong ito na sanhi ng Renaissance
Kahariang Islam ng silangan. Kalagitnaang Panahon. ang naging dahilan ng paglakas ng Europa
Mga Dahilan:
1.Itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may
kaugnayan sa mga Romano kaysa sa alinmang bansa sa
Europa

2.May maganda itong lokasyon para magkaroon ng


pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa
Kanlurang Asya at Europa.

3. Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong


mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral.
4.Mahalaga ang naging papel ng mga
unibersidad ng Italya sa pagtataguyod at
pananatiling buhay ng kulturang klasikal
at mga teolohiya at pilosopiyang
kaalaman ng kabihasnang Griyego at
Romano.
Humanismo

Ang pagiging matanong at kahiligan sa kaisipang


klasikal ang naging daan upang maitatag ang
kilusang tinatawag na Humanismo. Sa kilusang
ito, pinaniniwalaang dapat pagtuunan ng pansin
ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma sa
pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral
na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang
moral at epektibong buhay. Humanista ang
tawag sa mga kasapi ng Humanismo.
Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista ang mga
panitikan at sining ng mga sinaunang Griyego at
Romano. Nagsaliksik at masusi nilang pinag-aalan
ang mga manuskrito ng mga manunulat na
Griyego at Romano at isinalin nila ito sa Latin.

Mga Humanista sa Larangan ng Sining at Panitikan

Francesco
Petrarch – Ang “Ama ng Humanismo.” Mahalagang
naisulat niya ang akdang pampanitikan na “His
Sonnets to Laura,” na isang tula ng pag-ibig
para sa kanyang pinakamamahal na si Laura.
Giovanni Boccaccio

Siya ay kaibigang matalik ni


Petrarch. Ang kanyang
pinakamahusay na obra maestrang
isinulat ay ang “Decameron,” na
tanyag na koleksyon na
nagtataglay ng isangdaang
nakatatawang salaysay.
Sumasalamin ito sa pananaw ng
tao sa kanyang sarili at kakayahan.
William
Shakespeare

– ang “Makata ng mga Makata.” Naging


tanyag na manunulat sa Ginintuang
Panahon ng England sa ilalim ng
pamumuno niReyna Elizabeth I. Ilan sa
mga sinulat niya ang kilala at tanyag na
dula na pinamagatang “Julius Caesar,”
“Romeo at Juliet,” “Hamlet,” “Anthony at
Cleoparta,” at “Scarlet.”
Miguel de
Cervantes
– isinulat niya ang nobelang “Don
Quixote de la Mancha”, aklat na
kumukutya at ginagawang katawa-
tawa sa kasaysayan ang

kabayanihan ng mga kabalyero noong


Panahong Midyibal.
Christine de
Pizan -isang babaeng Pranses na
sumulat ng The Book of the
City of Ladies. Ang kanyang
isinulat ay isang direktang
reaksyon sa paniniwala na
ang mga kababaihan ay
walang kakayahang matuto
at walang paninindigan.
Thomas
More

– isinulat niya ang Utopia na


kanyang inilahad ang isang
huwarang lipunan na kung saan
ang lahat ay pantay-pantay at
masaganang namumuhay.
Desiderios
Erasmus
– tinaguriang “Prinsipe ng mga
Humanista” na may akda ng “In
Praise of Folly” na tumutulig sa sa
hindi mabuting gawa ng mga pari at
mga karaniwang tao
Mga Humanista sa
Larangan ng
Pagpipinta -Siya ang pinakasikat na manlililok ng
Michaelangelo Renaissance. Una niyang obra maestro ay
Bounarotti ang estatwa ni David. Ipininta niya ang
Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano sa
paanyaya ni Papa Julius II. Nagpapakita ito
ng kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa
pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa
pagbaha. Pinakamaganda at pinakakilala
niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni
Kristo pagkatapos ng Kanyang Krusipiksyon
– hindi makakalimutang obra maestro Leonardo da
niya ang “Huling Hapunan” na Vinci
nagpapakita ng huling hapunan ni
Kristo kasama ang Kanyang
labindalawang disipulo. Siya ay isang
henyong maraming nalalaman sa iba’t-
ibang larangan. Hindi lang siya kilalang
pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor,
inhinyero, imbentor, siyentista,
musikero at pilosopo.
– “Ganap na Pintor,” Perpektong
Pintor.” Pinakamahusay na pintor
ng Renaissance. Kilala sa Raphael
pagkakatugma at balance o Santi
proporsiyon ng kanyang mga
likha. Ilan sa kaniyang tanyag na
gawa ang obra maestrang “Sistine
Madonna,” “Madonna and the
Child,” at “Alba Madonna.”
Mga Humanista sa
Larangan ng Agham

– inilahad niya ang teoryang Nicolaus


Copernican; “Sa pag-ikot ng Copernicus
daigdig sa aksis nito, kasabay
ng ibang planeta, umiikot ito sa
paligid ng araw.”
Pinasinungalingan ng teoryang
ito ang tradisyonal na pag-iisip
na ang mundo ang sentro ng
sansinukob, na matagal ding
tinangkilik ng simbahan.
– isang astronomo at
Gallileo matematiko. Malaki
Gallei ang naitulong ng
kaniyang naimbentong
teleskopyo para
mapatotohanan ang
Teoryang Copernican.
- higante ng siyentipikong
Renaissance. Batay sa kanyang
Sir Isaac “Batas ng Universal Gravitation,”
Newton ang bawat planeta ay may kani-
kaniyang lakas ng grabitasyon at
siyang dahilan kung bakit nasa
wastong lugar ang kanilang pag-
inog. Ipinaliwanag niya na ang
grabitasyong ito ang dahilan kung
bakit bumabalik sa lupa ang isang
bagay na inihagis pataas.
1.Ano ang kahulugan ng
Renaissance?

a. Muling Pagbabalik
b. Muling Pagsilang
c. Muling Mahalin
d. Muling Baguhin
2.Bakit kailangan ng humanism na pagtuunan
ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Rome?

a. Dahil naglalaman ito ng aral tungkol sa


naganap na digmaan sa kasaysayan.
b. Dahil tinutukoy nito ang mga naging epekto
ng pagbabago sa kasalukuyan.
c. Dahil naglalaman ito ng aral tungkol sa
moral at epektibong buhay.
d. Dahil ito ay nagbibigay ideya kung ano ang
mga suliraning kinakaharap ng mga
mamamayan.
3.Alin sa mga sumusunod ang isinulat ni William
Shakespeare?

a. The Prince
b. Hamlet
c. Romeo at Juliet
d. B at C
4.Sino sa mga sumusunod ang may obra maestra na
Huling Hapunan o "The Last Supper?“

" a. William Shakespeare


b. Nicollo Machiavelli
c.Sir Isaac Newton
d. Leonardo Da Vinci
5.Sino ang pinakamamahal ni Francesco Petrarch?

a. Laura
b. Juliet
c. Maria Clara
d. Helen
6.Sino ang ama ng Humanismo?

a. Giovanni Boccaccio
b. William Shakespeare
c. Francesco Petrarch
d. Miguel de Cervantes
7.Sino ang “Makata ng mga
Makata.

a. William Shakespeare
b. Giovanni Boccaccio
c. Francesco Petrarch
d. Miguel de Cervantes
8.Sino ang sumulat ng The Book
of the City of Ladies.

a. Thomas More
b. Christine de Pizan
c. Desiderious Erasmus
d. Nicollo Machievelli
9.Sino ang tinaguriang
“Prinsipe ng mga
Humanista”

a. Desiderious Erasmus
b. Nicollo Machievelli
c. Thomas More
d. Christine de Pizan
10.diplomatikong
manunulat mula Florence

a. Desiderious Erasmus
b. Thomas More
c. Christine de Pizan
d. Nicollo Machievelli
11.Siya ang pinakasikat na
manlililok ng Renaissance.
a. Leonardo da. Vinci
b. Michaelangelo Bounarotti
c. Raphael Santi
d. Nicolaus Copernicus
12.Siya
Pinakamahusay na
pintor ng
Renaissance.
a. Raphael Santi
b. Leonardo daVinci
c. Michaelangelo
Bounarotti
d. Thomas More
13.. isinulat niya ang Utopia

a. Michaelangelo
Bounarotti
b. Thomas More
m

c. Raphael Santi
d. Nicolaus
Copernicus
14.inilahad niya ang
teoryang Copernican

a. Gallileo Gallei
b. Sir Isaac Newton
c. Nicolaus Copernicus
d. Leonardo da Vinci
15.hindi
makakalimutang obra
maestro niya ang
“Huling Hapunan

a. Giovanni Boccaccio
b. William Shakespeare
c. Miguel de Cervantes
d. Leonardo da Vinci
16. Ano ang kahulugan
ng Renaissance?
a. Rearrange
b. Rebirth
c. Rebaptize
d. Recycle
17. Alin sa mga ito ang naging salik sa
pag-usbong ng Renaissanace?

a. Ang mayayaman at
makapangyarihang angkan ng
mangangalakal
b. Ang bagong transisyon ng Bibliya c.
Ang pag-unlad ng Protestante
d. Ang pag-unlad ng oil painting
18. Repormasyon: Alemanya;
Renaissance:
a. France
b. b. Italy
c. Netherlands
d. England
19.Ang pagiging matanong at kahiligan
sa kaisipang klasikal ang naging daan
upang maitatag ang kilusang tinatawag
na

a.budismo.
b. Kristiyanismo
c. hinduismo
d. Humanismo
Ito ay umusbong sa Italya at kalaunan ay
kumalat sa buong Europa.

a.budismo.
b. Kristiyanismo
c. Humanismo
d. Renaissance
1: B 8: B 15: D
2: C 9: A 16: B
3: C 10:D 17: A
4: D 11:B 18: B
5: A 12:A 19: D
6: C 13:B 20: D
7: A 14: C

You might also like