You are on page 1of 25

Panahon ng

Renaissance
RENAISSANCE
• Ang Renaissance ay mula sa salitang
Pranses na nangangahulugang
“muling pagsilang” o rebirth, muling
pagkamulat, muling pagkabuhay at
pagpapanibago o revival.

• Sumibol noong 1350 hanggang 1550.

• Umusbong sa Italya at kalaunan ay kumalat


sa buong Europa.
UMUSBONG ANG
RENAISSANCE SA ITALYA
SA SUMUSUNOD NA MGA
KADAHILANAN:
1.Itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may kaugnayan sa mga
Romano kaysa sa alinmang bansa sa Europa.

2. May maganda itong lokasyon para magkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod
dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europa.

3.Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at
masigasig sa pag-aaral.

4.Mahalaga ang naging papel ng mga unibersidad ng Italya sa pagtataguyod at


pananatiling buhay ng kulturang klasikal at mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman
ng kabihasnang Griyego at Romano.
ANG MGA
HUMANISTA
Roger Bacon
• Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon na ang lahat ng
kaalaman ay napasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri
sa pamamagitan ng eksperimento at katibayan.

• Nagbago sa panahon ng Reinassance ang pananaw sa


buhay ng tao. Sa unang pagkakataon, natuklasan ng tao na
ang kanyang sarili, higit na silang mapagtanong at
mapanuri sa mga bagay na dati’y madali nilang tanggapin
at paniwalaan.
HUMANISMO
• Ang pagiging matanong at kahiligan sa kaisipang
klasikal ang naging daan upang maitatag ang kilusang
tinatawag na Humanismo.

• Sa kilusang, pinaniniwalaang dapat pagtuunan ng


pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma
sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na
dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at
epektibong buhay.
SA LARANGAN NG
SINING AT PANITIKAN
• Italyanong manunulat na tinawag na “Ama ng
Humanismo.”

• Mahalagang naisulat niya ang akdang


pampanitikan na “His Sonnets to Laura,” na
isang tula ng pag-ibig para sa kanyang
pinakamamahal na si Laura.

Francesco Petrarch
Goivanni Boccacio

• Isang Italyanong kaibigang matalik ni Petrarch.

• Ang kanyang pinakamahusay na obra maestrang


isinulat ay ang “Decameron,” na tanyag na
koleksyon na nagtataglay ng isangdaang
nakatatawang salaysay.

• Sumasalamin ito sa pananaw ng tao sa kanyang


sarili at kakayahan.
Wil liam Shakespeare
• “Makata ng mga Makata.”

• Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng


Inglatera sa ilalim ng pamumuno ni Reyna Elizabeth I.

• Ilan sa mga sinulat niya ang kilala at tanyag na dula na


pinamagatang “Julius Caesar,” “Romeo at Juliet,”
“Hamlet,” “Anthony at Cleopatra,” at “Scarlet.”

Romeo at Juliet Anthony at Cleopatra


Thomas
• Manunulat naMore
Ingles na nagsulat ng “Utopia”
na naglalahad ng isang huwarang lipunan
na kung saan ang lahat ay pantay-pantay
at masaganang namumuhay.
Desiderious Erasmus
• Manunulat na Olandiya na tinaguriang
“Prinsipe ng mga Humanista” na
may akda ng “In Praise of
Folly” na tumutuligsa sa hindi mabuting
gawa ng mga pari at mga karaniwang
tao.
Nicollo Machiavelli
• Diplomatikong manunulat mula Florence,
Italya. Siya ang may akda ng “The
Prince.” Napapaloob sa aklat na ito
ang dalawang prinsipyo:

“Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa

pamamaraan” “Wasto ang nilikha ng lakas”


Miguel de Cervantes

Don Quixote de la Mancha - aklat na


kumukutya at ginagawang katawa-tawa
sa kasaysayan ang kabayanihan
ng mga kabalyero noong Panahong
Midyibal.
SA LARANGAN NG
PAGPIPINTA
Michelangelo Bounarotti
• Pinakasikat na manlililok ng Renaissance mula sa Italya.

• Una niyang obra maestro ay ang estatwa ni “David.”


Ipininta niya sa kisame ng “Sistine Chapel” ng Katedral
ng Batikano sa paanyaya ni Papa Julius II ang
kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng
sandaigdigan hanggang sa pagbaha.

• Pinakamaganda at pinakakilala niyang


likha ang “La Pieta,” isang estatwa ni
Kristo pagkatapos ng Kanyang
Krusipiksyon.
Leonardo da Vinci
• Italyanong pintor na hindi makakalimutang obra
maestro niya ang “Huling Hapunan” na
nagpapakita ng huling hapunan ni Kristo kasama
ang Kanyang labindalawang disipulo.

• Siya ay isang henyong maraming nalalaman sa


ibat-ibang larangan. Hindi lang siya kilalang
pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero,
imbentor, siyentista, musikero at pilosopo.
• “Ganap na Pintor,” “Perpektong Pintor.” Raphael Santi
• Pinakamahusay na pintor ng Renaissance mula sa Italya.

• Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsiyon ng kanyang mga likha.

• Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna,”


“Madonna and the Child,” at “Alba Madonna.”

Sistine Madonna and the Alba


SA LARANGAN NG AGHAM SA
PANAHON NG RENAISSANCE
Nicolaus Copernicus
• Kilalang Polish na naglahad ng Teoryang
Copernican; “Sa pag-ikot ng daigdig sa
aksis nito, kasabay ng ibang planeta,
umiikot ito sa paligid ng araw.”

• Pinasinungalingan ng teoryang ito ang


tradisyonal na pag- iisip na ang mundo ang
sentro ng sansinukob, na matagal ding
tinangkilik ng simbahan.
Galileo Galilei
• Isang Italyanong astronomo at matematiko.

• Malaki ang naitulong ng kaniyang naimbentong


Teleskopyo para mapatotohanan ang
Teoryang Copernican.
Sir Isaac Newton
• Tinaguriang Higante ng Siyentipikong Renaissance na
nagmula sa Inglatera.

• Batay sa kanyang “Batas ng Universal


Gravitation,” ang bawat planeta ay may kani-
kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang
dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang
pag-inog.

• Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan


kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na
inihagis pataas.
• Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay
nagbigay daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng
malawak at maunlad na mga pag- aaral, pagmamasid at pananaliksik.

• Ang transisyong ito ay nagbigay-daan rin sa pag-usbong nga


Rebolusyong Intelektwal at malawak na kaalaman sa daigdig
bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng bawat
indibidwal.

• Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong


at pagbubuklod- buklod ng mga bansa sa katotohanang ang
pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sankatauhan.
THANK YOU

You might also like