You are on page 1of 4

AP REVIEWER

Week 1
RENAISSANCE 1350 – 1550
-Muling Pagsilang o rebirth
-Muling Pagkabuhay
-Muling pagkamulat
-Pagpapanibago

HUMANISTA
-Kilusang pinaniniwalaang dapat pagtuuan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng gresya at
roma sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutunan upang magkaroon
ng isang moral at epektibong buhay.

Tawag sa taong nag-aaral ng HUMANISMO

HUMANISTA
- mga iskolar ng nanguna sap ag-aaral sa klasikal na kabihasnang Griyego at Romano

Dahilan kung bakit sa ITALYA umusbong ang RENAISSANCE


1. Itinuturing ng mga italyano sa dugo at wika na sila ay may kaugnayan sa mga romano kaysa
sa alinmang bansa sa Europa.
2. May maganda itong para magkaroon ng pagkakataon ang mga lunsod dito na
makipagkalakalan sa kanlurang asya at Europa.
3. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa italya sa mga taong mahusay sa sining at
masigasig sa pag-aaral.
4.mahalaga ang nagging papel ng mga unibersidad ng italya sa pagtataguyod at pananatiling
buhay ng kulturang at mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang griyego at
romano

LARANGAN NG PANITIKAN

- Francesco Petrarch
“Ama ng Humanismo”- His Sonnets To Laura – Isang tula ng pag-ibig para sa kanyang
pinakamamahal na si laura

- Giovanni Boccaccio
- DECAMERON – Nagtataglay ng isangdaang nakakatawang salaysay. Sumasalamin ito sa
pananaw ng tao sa kanyang sarili at kakayahan
- William Shakespeare
“Makata ng mga Makata” – Julius Caesar, Romeo And Juliet, Hamlet, Anthony and Cleopatra,
Scarlet.

- Thomas More
- Utopia – Naglalahad ng isang huwarang lipunan na kung saan ang lahay ay pantay pantay at
masaganang namumuhay.

- Desiderius Erasmus
“ Prinsipe ng mga Humanista” – In praise of folly – Tumutuligsa sa hindi mabuting gawa ng mga
pari at mga karaniwang tao

- Niccolo Machiavelli
- The Prince – Napapalood ang dalawang prinsipyo: 1.” Ang layunin ay nagbibigay matuwi sa
pamamaraan.
2. “ Wasto ang nilikha ng lakas”

- Miguel De Cervantes
- Don Quixote De La Mancha – Kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ang mga kabalyero noong panahong midyibal.

LARANGAN NG PAGPIPINTA AT ISKULTURA.

- Michelangelo Buonarroti
Pinakasikat na manlililok ng renaissance
- David
- Kisame ng Sistene Chapel
- La pieta

- Leonardo Da Vinci
-Mona Lisa
- The Last Supper
- Pintor, Arkitekto, Iskultor. Inginyero, imbentor, Siyentista, Musikero, Pilosopo

- Raphael Santi
“ Ganap na Pintor” “ Perpektong pintor”
- Sistine Madonna
- Alba Madonna
- Madonna and Child
LARANGAN NG AGHAM

- Nicolaus Copernicus
- Heliocentric Theory

- Galileo Galilei
- Astronomo at Matematiko

- Sir Isaac Newton


- Higante ng Siyentipikong Renaissance
- Law of Universal Gravitation

Week 2
Ang paglawak ng Europa
Unang yugto ng Imperyalismong Kaunlarin
- Ang dakilang panahon ng eksplorasyon o pag-hahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng
mga europeo ay nagsimula noong ika-15 siglo.
Ito ay nag bigay daan sa kolonyalismo na ang ibig sabihin ay ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.

Tatlong bagay ang itinuturing na motibo sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon.


1. Paghahanap ng kayamanan
2. Pagpapalaganap ng kristiyanismo; at ,
3. Paghahangad sa katanyagan at karangalan.

Tanong at sagot.

1. Ano ang imperyalismo


- Ito ay tumutukoy sa panghihimasok, pag- impluwensya, o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahing bansa

2. Ano ang Kolonyalismo


- Ito ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.

3. Ano- Ano ang dahilan ng Unang Yugto ng kolonyalismo


- God, Gold, and Glory
4. Ano-ano ang teknolohiya na kanilang ginamit
- Caravel
- Compass
- Astrolabe
- Mapa

5. Ano ang epekto ng kolonyalismo


-Pagtuklas sa mga bagong lupain
-Paglakas ng ugnayan ng mga bansa
-Paglakas ng kapangyariha ng Europa
-Pagkawala ng kasarinlan
-Columbian Exchange

You might also like