You are on page 1of 2

RENAISSANCE

Renaissance salitang pranses na nangangahulugang muling pagsilang.


Lorenzo the Magnificent ang pinakatanyag sa mga Medici
Humanismo pagpapahusay sa kakayahan ng tao at pagdakila sa kanyang tagumpay.
Naniniwala ang mga humanista na ang edukasyon ang susi upang umunlad ang kakayahan at
pagkamalikhain ng isang tao.
Studia Humanitatis pag-aaaral ng balarila, retorika, panulaan, kasaysayan at pilosopiya gamit ang mga
akdang Romano at Griyego.
Mga kaisipan na taliwas sa mga aral ng Gitnang Panahon tulad ng:

1. Sekularismo pagbibigay ng higit na atensyon ng tao sa material na pamumuhay mula sa
pagkamit ng yaman, pagtamasa sa marangyang kagamitan at kasiyahan sa pagbili ng mga
likhang sining.
2. Indibidwalismo ang paraan kung paano makamit ng tao ang marangyang buhay sa
pamamagitan ng pagpapabuti sa kanyang kaalaman at kakayahan.
Francesco Petrarch Ama ng Humanismo.
Giovanni Boccacio katulong ni Petrarch sa pagpapakalat ng humanismo.
PULITIKA
The Prince isang akda mula kay Niccolo Machiavelli ng Florence na nakaimpluwensya sa pamamaraan
ng pamamahala sa Europe.
TEKNOLOHIYA
Noong 1450, naimbento ang isang movable type na imprenta ng Aleman na si Johann Gutenberg.
Ang biblya ang kauna-unahang aklat na nalimbag gamit ito.
Dumami ang kopya ng mga aklat kaya nahikayat ang mga tao na mag-aral at magbasa.
MGA KRISTYANONG HUMANISTA
Desiderius Erasmus isa sa mga pangunahing Kristyanong humanista. Sa kanyang akda na The Praise of
Folly inilarawan niya ang maling kaasalan ng mga mangangalakal, siyentista, iskolar at mga pari.
Thomas More isinulat nya ang akda na Utopia na inilathala noong 1516.
PANITIKAN
Francois Rabelais sinulat niya sa loob ng 20 taon ang Gargantua and Pantagruel na may limang tomo.
Miguel de Cervantes may-akda ng nobelang Don Quixote.
William Shakespeare ang pinakabantog na manunulat sa teatro sa England. Siya ang sumulat ng
Macbeth, Romeo and Juliet, Hamlet at Julius Ceasar.
SINING
Hango ang mga tema at paksa ng kanilang mga obra sa Bibliya, mitolohiyang Romano at Griyego,
kasaysayan at sa mga natatanging tao ng kanilang panahon.
Masaccio isang pintor na muling nakadiskubre ng pamamaraang perspective sa kanyang pagguhit.
ANG MGA DAKILANG ALAGAD NG SINING SA ITALY
Leonardo da Vinci isang mahusay na pintor na gumawa ng obra na Mona Lisa at The Last Supper.
Michelangelo Buonarroti tanyag ang kanyang mga pininta sa kisame at sa altar ng Sistine Chapel sa
Lungsod ng Vatican.
Raphael Santi ang kanyang natatanging likha ay ang mga pinta sa nga silid ng Vatican Palace mula 1508
hanggang kanyang pagpanaw noong 1520.

You might also like