You are on page 1of 2

MGA GABAY SA PAG-GAWA NG KOMIKS

Ang Komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. Basi sa aming pag-aaral, ang komiks ay isang makulay at popular
na babasahin na nagbibigay aliw sa mambabasa, nagtuturo ng iba’t-ibang kaalaman at nagsulong ng
kulturang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng gabay sa pag-gawa ng komiks ay matutuhan
natin kung paano makagawa ng isang komiks na maaari ninyong gawing gabay sa inyong paparating
na proyekto at nakatitiyak kaming makakakuha kayo ng mataas na grado.

Sa pag-gawa ng komiks ilan sa mga pangunahing gamit na maaari ninyong gamitin ay ang mga
sumusunod:

 Bondpaper-Ito ang pangunahing gamit na inyong kailangan sa pag-gawa ng komiks


sapagkat dito ninyo ilalagay ang mga larawan, disenyo, kahon ng salaysay at iba
pangpalamuti na naising ninyong idikit.
 Glue-Hindi kayo makakapag-simula ng inyong komiks kapag wala kayong glue
sapagkat ito ang nagsisilbing pampadikit ng mga naisi ninyong ilagay sa inyong
komiks.
 Larawan-Maaari kayong maghanap sa internet ng mga larawan na inyong ninanais,
nararapat ding malinaw ito upang malaman ng mga mambabasa kung sino o ano
ito.Pupwede din kayong gumawa sa pamamagitan ng pag-guhit o pag-print nito.
 Gunting-Mahalagang kagamitan ang gunting sapagkat ito ang inyong gagamitin sa
pag-gupit ng mga larawan.
 Iba’t-ibang mga palamuti-Upang maging maganda at mas kaaya-aya ang inyong
komiks, siguraduhing gumamit kayo ng iba’t-ibang palamuti katulad ng makulay na
mga papel, glitters, krayola, stickers at marami pang iba. Ito ay nakadepende sa
inyong panlasa kung swak na ba ang inyong komiks.

Ngayong handa na ang inyong mga kagamitan, halina at masusui nating pag-aralan kung paano
gumawa ng komiks. Narito ang mga metodo na kinakailangan ninyong sundin.

Una, sa pag-gawa ng komiks tiyakan mo muna na mayroon kang sariling kuwento o salaysay. Kapag
may binigay ang inyong guro na topiko, mas mabuti sapagkat mayroon na kayong gabay kung
papaano gawin at ano ang kahihinatnan ng inyong kuwento.

Pangalawa, siguraduhing malinis at naka-organisa ang mga gamit sa pag-gawa ng inyong komiks.
Mas nakabubuti kapag malinis ang inyong paligid upang hindi mawala ang mga gamit at makapag-
pokus ka sa iyong gagawin.

Pangatlo, sa pag-gawa ng komiks nararapat na tiyakin na nakapag-aral kayo ng inyong aralin


patungkol sa iba’t-ibang bahagi ng komiks katulad ng pamagat ng kuwento, larawang guhit ng mga
tauhan sa kuwento, kuwadro, kahon ng salaysay at lobo ng usapan. Ano nga ba ang iba’t-ibang
bahagi ng komiks?

 Pamagat ng Kuwento- ito ay ang pangalan o pamagat ng komiks.


 Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento-Mga guhit ng tauhan na binibigyan ng kuwento.
 Kuwadro (frame)-Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento.
 Kahon ng Salaysay-Pinagsusulaton ng maikling salaysay.
 Lobong usapan-May iba’t-ibang anyo ang lobo ng usapan at nararapat na magamit ninyo ito
upang mas mainam at maintindihan ang takbo ng inyong kuwento.

You might also like