You are on page 1of 2

Kaligirang Pangkasaysayan ng Komiks

Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento, buhay ng


tao o pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at isinulat lamang na
may titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, naglipana
ang komiks at naging popular ito sa buong bansa, dahilan upang maging isa angPilipinas sa mga
pinakamalalaking tagalimbag ng komiks sa buong mundo. Pero sa mga nagdaang dekada, bumababa
ang popularidad ng komiks dahil sa iba't ibang salik, kabilang na rito ang iba pang anyo ng mass-
media tulad ng telebisyon at Internet.
Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng komiks.
Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong
at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.
Mula 1896 hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon, ilang
magasinang lumabas sa Maynila na may nakaimprentang cartoons. Dalawa sa mga ito ay ang "Miao"
at "Te Con Leche". Nang matalo ang Pilipinas sa digmaan, maraming Pilipino na kontra sa
pamamahala ng Amerikano ang lumipat sa malayang pamamahayag. Ang mga nasyonalista ay
binitawan ang kanilang rebolusyonaryong pamamaraan upang maglathala ng ilang babasahing
satiriko na naglalayong batikusin ang mga kolonyalista. Karamihan sa mga magasing ito ay
nakalathala lamang sa Tagalog atEspanyol, ang dalawang wikang hindi naiintidihan ng mga
Amerikano. Noong 1907, inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang magasin na nasa ilalim ng
pangangasiwa ni Lope K. Santos. Ang magasin na ito ay nasa wikang Tagalog, at nagtataglay ng mga
satirikong cartoons na patungkol sa mga Amerikanong opisyal. Ang paglalathala ng magasin na ito ay
natigil din noong 1909.
Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa simula ng 1920 bilang page filler sa
mga magasing Tagalog. Dalawa sa mga magasing ito ay ang "Telembang" at ang muling binuhay na
"Lipang Kalabaw", na nagtataglay ng mga satirikong cartoons laban sa mga Amerikano at mga
pederalista. Ang dalawang komiks na ito ay maaaring ituring na nagpasimula sa mga komiks
saPilipinas.
Dalawang komiks sa mga magasin na ito ang naging popular sa mga Pilipino noong mga
panahong iyon: ang "Kiko at Angge" sa Telembang, at ang "Ganito Pala sa Maynila" sa bagong Lipang
Kalabaw.
Noong 1923, isinilang ang Tagalog magasin na Liwayway. Sa simula ay hindi pa ito nagtataglay
ng mga serye ng komiks, ngunit pagdating ng 1929, inilathala kasama ng magasin ang "Album ng Mga
Kabalbalan ni Kenkoy" bilang isang filler sa entertainment section nito. Ang karakter na si Kenkoy ang
bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang batang Pilipino na naging representasyon ng mga kabataang
may kolonyal na kaisipan noong 1930s.
Noong 1946, lumabas ang unang regular na nailalathalang magasin ng komiks, ang Halakhak
Komiks. Tumagal lamang ang Halakhak ng sampung edisyon dahil sa kakulangan ng maayos na
distribusyon. Hindi tuluyang namatay ang industriya ng komiks dahil noong 1947, lumabas ang
Pilipino Komiks, sa ilalim ng pamamahala ni Tony Velasquez. Ito ay nagbukas ng daan para sa iba
pang magasin ng komiks na mailathala.
Pagkatapos nito ay sunod-sunod na lumabas ang mga naging sikat na komiks tulad ng Tagalog
Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950. Ang unang komiks ng Silangan ay lumabas
noong March 15, 1950 sa ilalim ng pamamahala ng editor na si Ben Cabailo, Jr.. Ipinagmalaki nito ang
mga pinakabata at magagaling na dibuhista ng panahong iyon: Nestor Redondo, Alfredo
Alcala,Nolasco "Noly" Panaligan, Elpidio Torres, at Antonio de Zuniga. Isa sa mga sumikat na kuwento
mula sa Silangan ay ang "Prinsipe Ahmad, Anak ni Aladdin", na likha ni Alfredo P. Alcala.
Ilang linggo matapos ilabas ang unang komiks ng Silangan, inilathala ang Aksiyon Komiks ng
Arcade Publications. Naging editor nito si Eriberto Tablan, at sina Alfredo Alcala at Virgilio Redondo
ang mga punong ilustrador. Sumunod sa mga ito ang Bituin Komiks (April 1950), Bulaklak Komiks
(August 1950), Pantastik Komiks (October 1950) Hiwaga Komiks (1950), Espesyal Komiks (1952),
Manila Klasiks (1952), at Extra Komiks (1953). Dito nagsimula ang isa sa pinakamalaking industriya ng
komiks sa buong mundo, kaya noong kalgitnaan ng 1950s, hindi man opisyal ay itinuring ang komiks
bilang pambansang libro ng mga Pilipino. Mayroong dalawampu o mahigit pang titulo ng komiks sa
mga tindahan ang mabibili.
Lumawak pa ang mga ginamit na anyo sa paggawa ng komiks. Noong 1950s, kumuha ng
inspirasyon ang komiks mula sa ibang anyo ng literatura tulad ng komedya, alamat, mga paniniwala
at maging sa mitolohiyang Pilipino. Ang mga naunang komiks na Tagalog ay mayaman sa mga
kwentong patungkol sa aswang, kapre, nuno sa punso, tikbalang at iba pang mga karakter na mga
sinaunang paniniwala ng mga Pilipino.
Ang ilang komiks ay hinango ang mga ideya ng karakter sa mga komiks ng Amerika, tulad ng
Kulafuat Og (Tarzan), Darna (Wonder Woman o Superman), at D.I. Trece (Dick Tracy).
Sa panahon ng Martial Law, ipinatanggal ang ilan sa mga nilalaman ng komiks. Ipinag-utos
din ang paggamit ng murang papel para sa komiks. Naapektuhan nito ang itsura at kalidad ng komiks,
kaya naman bumaba ang benta ng mga ito sa pagpasok ng dekada 80's.
Nagresulta ito sa pag-alis ng mga ilustrador ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa
parehong industriya sa Amerika. Kabilang dito sinaAlfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño, Tony de
Zuniga, Rudy Nebres, at Nestor Redondo.
Pagkatapos ng Martial law, muling namuhunan ang industriya ng komiks sa mga makabagong
mambabasa. Drama ang naging usong tema sa komiks, sa pagpapasikat ng mga manunulat na sina
Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral.
Ang pagbabalik ng interes sa komiks ay tumagal lamang hanggang sa simula ng 1990s kung
kailan nagsimula nang mahumaling ang mga Filipino sa ibang anyo ng paglilibang tulad ng video
games, karaoke, 'pocket book novels', 'cellphones', at sa bandang huli - Internet at text messaging.
Maraming gumagawa ng komiks ang nagtipid sa produksyon, binawasan ang sweldo ng mga
manunulat at dibuhista, gumamit ng murang papel, at dinamihan ang mga pahinang nakatuon sa
showbiz kaysa sa komiks. Dahil sa baba ng sweldo, ang mga manggagawa sa industriya ng komiks ay
nawalan na ng gana sa paggawa ng mga bagong istorya. Ang mga manunulat ay napilitang ulitin na
lamang ang mga lumang kwento, at ang guhit ng mga ilustrador ay pangkaraniwan na lamang.
Samakatuwid, hindi na nito nasasalamin ang mayamang tradisyon ng komiks na nasimulan
noon.
Ang mga salik na ito ang nagtulak upang bumaba ang konsumo ng komiks kahit maging ng
mga tagahanga nito. Patuloy pang nanghina ang industriya hanggang sa napilitan na ang mga
gumagawa ng komiks na magsara at kanselahin ang kanilang titulo.
Sa taong 2005, wala ng kahit anong kumpanya o malaking tagalimbag ng komiks sa Pilipinas.
Ang mga naiwan ay ang mga maliliit na lamang na naglalathala ng sariling titulo ng komiks.

You might also like