You are on page 1of 28

KOMIKS

Inihanda nina:

Angat, Gloria L.
Igbuhay, Mary Joy Niña S.
Velasco, Evangeline T.
Ito ay ang panumbas sa “
Comics” sa
Ingles.Iniangkop ng mga
Pilipino ang katawagang
Komiks ito upang matugunan ang
ortograpiya ng mga
katutubong wika sa ating
bansa tulad ng Tagalog.
Ang Komiks ay isang
grapikong midyum na kung
saan ang mga Salita at
Larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang
Salaysay o Kuwento
KASAYSAYAN NG KOMIKS

• Si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na


gumagawa ng komiks.

• Noong 1884 inilathala sa magasing


“Trubner’s Record” sa Europa ang komiks
strip niya na “Pagong at Matsing”. Ito ay
halaw ng bayani mula sa isang popular na
pabula sa Asya.
Mula 1896 hanggang 1898, habang
ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto
ng rebolusyon, ilang magasin ang
lumabas sa Maynila na may
kaimprentang cartoons.

Dalawa sa mga ito ay ang “Miao” at


“Te Con Leche”.
Noong 1907, inilathala ang “Lipang
Kalabaw”, isang magasin na nasa ilalim
ng pangangasiwa ni Lope K. Santos ang
magasin na ito ay nasa Wikang Tagalog, at
nagtataglay ng mga satirikong cartoons na
patungkol sa mga Amerikanong opisyal.
Noong 1920, lumitaw ang mga
kauna-unahang komiks.

Dalawa sa mga magasing ito ay


ang “ Telembang” at ang muling
binuhay na “Lipang Falatame”
Telembang – isang magasin ng
naglalaman ng mga komiks slip
na “Kiko at Angge.”

Lipang Falatame – ay
magasing naglalaman ng
“ganito pala sa Maynila”.
1929 – nailathala ng Liwayaway
ang album ng mga kabalbalan ni
Kenkoy.

Kenkoy Harabas- ay naging


pangunahing tauhan na napapakita
sa nakatatawang pamumuhay ng
batang Pilipinong makakanluranin.
1946 - lumabas ang unang komiks
–magasin na Halakhak.

Tumagal lamang ang Halakhak ng


Sampong edisyon dahil sa kawalan
ng epektibong paglalathala at pag-
iindorso.
1947 – lumabas ang Pilipino Komiks sa
ilalim ng pamamahala ni Tony Velasquez.

Tony Velasquez – kinilalang ama ng


industriya ng komiks
mga sumusunud na
komiks na inilathala
ni
Tony Velasquez
1947 – Pilipino Komiks 1949 – Tagalog Komiks
1950 – Hiwaga Komiks 1952 – Espesyal Komiks
1959 – Kenkoy Komiks 1961 – Educational Classic Komiks
 Noong dekada 50’ lumawak pa ang nga ginagamit sa anyo
sa paggawa ng komiks.

 Kumuha ng inspirasyon ang komiks mula sa ibang anyo


ng literatura tulad ng komedya, alamat, mga paniniwala at
maging sa mitolohiyang Pilipino.

 Mga unang komiks na tagalog ay tungkol sa ;


o Aswang
o Kapre
o Nuno sa punso
o Tikbalang
Noong 1970 – taong ginintuang
panahon ng komiks.
Itoy ay nagamit kaugnay ng iba’t
ibang layunin tulad ng;

 Pag-iindorso ng mga produkto


 Nagamit din ng mga kandidatong
tumatakbo sa eleksyon.
Taong 1986 – kinilala ang komiks bilang
“Pambansang Babasahin”

Nahikayat ang mga Pilipino na magbasa ng


komiks na dahilang sumasalamin lamang ito
sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Tinangkilik din ng masang Pilipino na di


kayang makapanood sa mga tanghalan,
pelikula, atb.
Sa panahon ng Martial Law, ipinatanggal
ang ilan sa mga nilalaman ng komiks.

Ipinag-utos din ang paggamit ng murang


papel para sa komiks.

Naapektuhan nito ang itsura at kalidad ng


komiks, kaya bumaba ang benta ng mga
ito sa pagpasok ng dekada 80’.
Mga ilustrado ng komiks na umalis sa
Pilipinas para magtrabaho sa parehong
industriya sa Amerika sina;
• Alfredo Alcala
• Mar Amongo
• Alex Niño
• Tony de Zuniga
• Rudy Nerbres
• Nestor Redondo
Muling nabuhay ang industriya ng
komiks noong pagkatapos ng Martial
Law.

Drama ang naging usong tema sa


komiks, sa pagpapasikat ng mga
manunulat na sina;

• Pablo S. Gomez
• Elena M. Patron
• Nerissa Cabral
Pablo S. Gomez
Elena M. Patron
Nerissa Cabral
Ang pagbabalik ng interes sa komiks ay tumagal
lamang hanggang sa simula ng 1990s kung kailan
nagsimula nang mahumaling ang mga Pilipino sa
ibang anyo ng paglilibang tulad ng;

• Video game
• Karaoke
• Pocket book novel
• Cellphones
• At sa bandang huli – Internet at text messaging
Sa taong 2005, wala ng kahit
anong kompanya o malaking
tagalimbag ng komiks sa Pilipinas.
Ang mga naiwan ay ang mga
maliliit na lamng na naglalathala
ng sariling titulo ng komiks.
Carlo J. Caparas = tinangka
niyang buhayin at pasiglahin
ang tradisyunal na komiks sa
sirkulasyon sa pamamagitan ng
mga ginawa nilang komiks
caravan sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas noong 2007.
MARAMING
SALAMAT SA
INYONG
PAKIKINIG

You might also like