You are on page 1of 8

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA

SANAYANG KOLEHIYO NG EDUKASYON

AKLAT Kalye ng Unibersidad, Barangay Poblacion, Lungsod ng Muntinlupa
QR/CTE/0__ Bilang at Pamagat ng Kurso: Elem-118 PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN
Effectivity 7 September
Issue No. 0 Revision No. 0 Page No. 1 of Issue No. 0
Date 2020

ARALIN VIII:
Layunin:
BALAGTASAN
Nagbibigay kasanayan sa produksyon ng mga malikhaing obra at sariling likha ng mga
estudyante sa iba’t ibang midyum ng interpretasyon tulad ng Sining ng Balagtasan .

Ang balagtasan ay mayroong dalawa o higit pa na mga kalahok na mayroong

pinagtatalunang tungkol sa isang napiling paksa. Bawat kalahok ay magpapahayag ng kanya-
kanyang mga pananaw na pawang tumutula. Ang mga sagot ng bawat isang kasali ay dapat
ding gawin sa kaparehong paraan. Ang hukom ng balagtasan ay tinatawag na lakandiwa kung
lalaki at lakambini naman kung babae. Siya ang magpapasiya kung sino ang nagwagi nang
patula o pasalaysay. Maaari ring matawag ang balagtasan na debateng patula o pagtatalong
pasalaysay. Nagmula ang salitang balagtasan sa apelyido ni Francisco Balagtas.

MGA ELEMENTO

Lakandiwa o Lakambini – ang tagapamagitan ng paksa na ipaglalaban ng dalawang

mambabalagtas sa pamamagitan ng tulaan

Mambabalagtas – ang mga kalahok sa karaniwang sinusulat ng pyesa balagtasan. Sila rin ang
mga taong nakikipagbalagtasan.

Manonood – ang mga tagapakinig sa pagtatangal ng balagtasan. Nasusukat ang kahusayan ng

mambabalagtas sa reaksyon ng mga manonood.

Paksa – ang bagay na pinag-uusapan, tinatalakay, o dinedebatehan para ganaping

maipaliwanag at mauunawaan ang konteksto nito.

Politika – ang tunggalian ng mga lapian sa kapangyarihan at mga tagapangasiwa ng

pamahalaan

Pag-ibig – ang pinakamakapangyarihang at dakilang damdaming nag-uugnay sa mga tao.

Karaniwang Bagay – mga bagay sa paligid

Kalikasan – ang mga bagay na nasa daigdig.

Lipunan – ang pangkat ng mga taong naninirahan sa isang partikular na lugar

Kagandahang-asal – ang mga ugaling kayganda-ganda.

Pinagkaugalian

Sukat – ang bilang ng pantig sa bawat taludtod

Tugma – ang pagkapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa panulaan

Tugmang Ganap

Tugmang Di-ganap

Indayog – ang tono kung paano binibigkas ang mga taludturan.

Mensahe – ang ideya at damdaming nais iparating ng kabuuan ng ano mang sasabihin, teksto
o akda.
GAWAIN

Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang
Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain. Ibigay ang mga
katangian ng Balagtasan bilang uri ng panitika

BALAGTASAN

PAMANTAYAN PUNTOS
NILALAMAN
PYESA (15) 30
TEMA (15)
PAGBIGKAS 30
LAKAS (15)
TEMA (15)
PAGGALAW 20
KUMPAS NG KAMAY (10)
EKSPRESYON NG MUKHA (10)
KASUOTAN 10
HIKAYAT SA MADLA 10
KABUUAN 100
Panoorin ang “ALIN AND HIGIT NA MAHALAGA, WIKANG FILIPINO O WIKANG
ENGLISH?”suriin gamit ang pamantayan sa itaas at sumulat ng repleksyon.

Para saan pa ang pagiging Pilipino kung hindi mo gagamitin ang “TAGALOG” bilang ating
sariling wika. Oo, ang English ang sinasabing pangkalahatang wika, ngunit tayo ay mga
Pilipino, nararapat lamang na ito ay ating ipagmalaki. Pilipino ang wikang una natin
natututunan dahil tayo ay mga Pilipino. Para sa akin, nararapat lang na ang wikang Pilipino
ang mas bigyan nating importansya sa ating pakikipag-komunikasyon kahit na sa iba’t ibang
bansa pa. Maaari naman tayong gumamit ng ibang wika para sa pakikipag-komunikasyon sa
mga dayuhan. Kung may mga dayuhang pumunta sa ating bansa ay magkakaintindihan pa rin
kayo dahil napag-aralan natin ang wikang dayuhan. Dahil ay pag-unland ng isang lipunan ay
pagkakaintindihan at pagtutulungan. Ngunit mapapansin nating hindi ganoon ang nagyayari
dahil mas gusto pa nilang gamitin ang ingles kaysa sa Pilipino. Ang mga Pilipino ay nag-
aaral ng mag-ingles simula nursery, kinder at hanggang kolehiyo. Minsan nga ay tinatranslate
ng guro ang Filipino sa ingles upang maintindihan ang mga salita. Dito natin nakikita na mas
marunong pa mag-ingles ang mga Filipino. Ang balita ko pa nga ay tatanggalin na ang
Filipino subject sa kolehiyo sa taong 2016 dahil daw sa K-12 na program kung saan simulang
kinder ay tuturuan na raw ng Filipino, ngunit di ba tuturuan rin naman sila ng ingles. Bakit
pag dating ng kolehiyo ay ingles na lang ang kanilang pag-aaralan. Ang ating bansa ay
Pilipinas, Filipino ang pambansang wika natin, kaya nararapat lang na Filipino ang una
nating prioridad bago ang wikang dayuhan. Halimbawa na lang si Rizal, ginamit niya sa
pagsulat ng kanyang nobela ang wikang espanyol ngunit itinuturo pa rin niya sa mga Pilipino
na kailangan mahalin ang sariling Wika. Filipino dapat ang maging pangunahing wika natin
dahil ito ang mas unang naiintindihan ng mga tao. Lalong lalo na sa mga mamamayang
Pilipino. Totoong kailangan natin ng wikang ingles dahil ito ang wikang pangkalahatan at ito
ang wikang madalas gamitin sa iba’t ibang bansa. Pero hindi naman ibig sabihin ay kailangan
na natin itong gawin pangunahing wika. Gamitin natin ang wikang ingles sa pakikipag-
ugnayan o komunikasyon sa ibang bansa para magkaintindihan. Maliwanag naman na dapat
nating gamitin ang sarili nating wika bilang medium of instruction dahil ito ang wikang
kinalakihan natin at unang wikang itinuro sa ating tahanan. Paano nga naman uunlad ang
ating lipunan kung kahit sarili nating wika ay hindi natin kayang mahalin? Mas mahal pa
natin ang wika ng ibang bansa kaya ibang bansa ang mas nakikilala kaysa sa atin. Tayo din
ang nagtutulak upang mas makilala ang ibang bansa kaysa sa sariling atin. Kung iyong
babalikan ang history ng ating bansa, noong tayo ay sinakop ng espanya, tinuro nila sa mga
Filipino ang wikang espanyol, madali natin itong matututunan dahil ang mga Filipino ay
matatalino at nais matuto, ngunit ano sa tingin mo ang nangyari, naging alipin tayo at sunud-
sunuran sa kanila, nabalewala ang ating sariling wika. Noong panahon sinakop naman tayo
ng mga Amerikano, tinuruan tayong gamitin ang kanilang wikang ingles ngunit naging alipin
din tayo, hanggang ngayon ay alipin pa rin tayo dahil pinipilit nating gamitin wikang ingles
imbis na wikang Pilipino. Ngayon, nasaan ba ang Pilipinas? Naging maunlad ba ang ating
lipunan dahil magaling tayo mag-ingles? Bakit di natin tingnan ang ating katabing bansa
natin, tulad ng Singapore, Malaysia, Korea, China at Japan; sila ay gumagamit ng sarili
nilang wika, pati sa paaralan ang sariling wika ang itinuturo. Makikita natin na sila ay
umunlad na at tayo ay napag-iwanan na ng panahon. Para sa akin, ang kaunlaran ay
makakamit lamang natin kung may pagkakunawaan at pagkakaintindihan. Gamitin ang
sariling wika sa pakikipag-komunikasyon kahit na sa ibang dayuhan. Mapapansin natin na
dahil sa kaka-ingles natin, hindi bansang Pilipinas ang ating pinapaunlad kundi bansang
banyaga.
Panoorin ang “MATALINO VS. MAYAMAN”suriin gamit ang pamantayan sa itaas at
sumulat ng repleksyon.

___________________________________________________________________________

Panoorin ang “SIPAG O TALINO”suriin gamit ang pamantayan sa itaas at sumulat ng

repleksyon.

You might also like