You are on page 1of 6

ANG MGA KOMPOSISYONG POPULAR

Ang isang komposisyon ay mauuring popular kung ito'y gamitin ng masa o


karaniwan nang isinusulat o binabasa ng mga Karaniwang mamamayan. Higit na
madali tong gawin kaysa mga malikhaing komposisyon. Ang mga salitang
ginagamit 5aggi ay hindi kasinlalim o kasintalinghaga ng mga malikhaing
komposisyon. Ang target kasing mambabasa ng mga komposisyong popular ay ang
masa o karaniwang mamamayan.

URI NG KOMPOSISYONG POPULAR

1 ISLOGAN
ang islogan Ito ay maiikling pahayag hinggil sa isang tiyak na paksa o isyu. Maaari
itong nasa anyong tuluyan o patula. Ang isang islogan upang maging epektibo ay
kinakailangang madaling maalala kaya't kapansin-pansin ang paggamit ng
tugmaan sa mga pinakapopular na islogan sa ating lipunan.
Mga halimbawa:
1. Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.
2. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
3. Tapat ko, linis ko
Tapat mo, linis mo
4. Lalong tumitibay ang pamilya
kung sa pananalangin ay lagging sama-sama
5. Ang karunungan ay yong yaman na hindi
mananakaw sa yo ninoman.
6. Ang tunay na kagandahan
wala sa panlabas na kaanyuan.
7. Sailing atin, ating tangkilikin.
8. Pangalagaan ang kalusugan, panatilihin ang kalinisan.
9. Ang nagwawalang bahala,
karaniwang nagging kawawa.
10. Mga bisyo ay iwasan, sumali sa palakasan.

2. MANIFESTO
Isang paglalahad ng katwiran o paninindigan ng isang samahan, sektor o pangkat
hinggil sa isang isyu o pangyayari. Kailangang maging maingat at matalino ang
pagsusuri g isyu o pangyayaring tinatalakay sa isang manifesto upang ito'y maging
mabisa lalo na sa pinaglalaanan nito. Dahil dito, ang wika sa manifesto ay madalas
na karaniwan attuwiran.
Ang isa pang karaniwang katangian g mga manifesto ay ang pagiging matapang
nito, ang walang pangingiming pagtuligsa kung may dapat tuligsain, ngunit
madalas din naman itong nagmumungkahi ng mga posibleng solusyon sa isang
suliranin o mga hakbang sa pagkilos. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay
ang mga polyetong ipinamamahagi ng mga organisasyong sektoral sa kanilang
pagkilos tulad ng rali, demonstrasyon o istrayk.

Halimbawa:
Panawagan: sang Manifesto Hinggil sa Wikang Filipino Yayamang Filipino a ang
wikang pambansa at napagkayariang maging pangunahing wika sa bawat larangan
ng buhay- Pilipino, tungkulin nating nasa akademya na isakatuparan at isabuhay
ito sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng Filipino bilang pangunahing MIDYUM NG
PAGTUTURO.
Ang wikang Filipino ay wikang intelektuwal, wikang malikhain at wikang pang-
agham. Batay sa pananaliksik, tumataas ang literacy rate ng mga mag-aaral kung
Filipino ang wikang panturo. Tingnan din ang positibong resulta sa mga klaseng
gumagamit ng Filipino sa Universidad. Ang sang estudyante ay higit na
nakapagpapahayag ng sariling palagay at nakapagpapamalas ng kakayahan sa
wikang Filipino kahit pa nga
Ingles ang wikang ginagamit sa klase. Ang Filipino ay wika ng akademya bukod sa
ito ang popular na wika ng mamamayan. Kaya walang katotothanan ang paratang
na ang wikang Filipino ang sanhi ng panghihina sa Ingles ng mga Pilipino sa
kasalukuyan at nagsisilbing balakid sa kaunlarang bansa.
Ang ganitong pananaw ay nananatili lamang sa mga tumututol sa pag-angat ng
wikang Filipino bilang wikang makapangyarihan at wika ng kapangyarihan sa
lipunang Pilipino. Sa katunayan, ang pag-unlad ng Filipino ay patuloy na sinisikil
sa lipunang Pilipino. Gawin nating wikang makapangyarihan at wika ng
kapangyarihan ang Filipino. Dapat palakasin pa ang pagpapasyang politikal ng
administrasyon sa pagpapatupad ng wikang Filipino bilang wika ng Akademya at
ng Pamahalaan.
Mararating ng Pilipinas ang antas ng pagiging world class, ang expertise sa global
communications, at kasanayan sa agham at teknolohiya nang hindi Ingles lamang
ang wika, Walang umunlad na bansa na hindi muna pinatatag ang kanyang
pambansang wika. Sa pambansang wika nalilinang at naibabahagi ang
karunungan a nakararaming mamamayan. Ito ang nagpapalaya sa kamalayan ng
sambayanan. Kung tutuusin, ang pag-unlad ng maraming bansa sa daigdig
kabilang na ang mga nasa Timog Silangang Asya ay nakasalalay saa kanilang
wikang katutubo. Kung gayon, hamon para sa ating mga nasa akademya ang
mapag-ibayo ang tungkuling mapahalagahan at mapayaman ang wikang Filipino
bilang MIDYUM NG PAGTUTURO
Makiisa sa adhikaing ito.
Gamitin ang wikang Filipino.
Gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo at pananaliksik sa alinmang
larangan.
Garitin ang wikang Filipino nang may pagmamalasakit at pagmamahal

3. PATALASTAS
Ito ay karaniwan nang napapanood at naririnig sa telebisyon at radyo. Ngunit ang
patalastas ay hindi laging pasalita. Maaaririn naman itong maging pasulat. Sa mga
pahayagan at magasin ay makakikita rin naman tayo ng mga patalastas. Maging
sa mga bilbord at anawnsment bord ay mga patalastas din ang ating mababasa.
Ang patalastas kung gayon, ay isang maikling pahayag na nagbibigay kaalaman sa
mambabasa hinggil sa sang paksa. Karaniwan nitong sinasagot ang mga tanong na
Ano, Sino, Kailan, Saan, Bakit at Paano.
May mga patalastas na nagbibigay-impormasyon at direksyon lamang katulad ng
patalastas ng isasagawang proyekto, palatuntunan, seminar o worksyap. May mga
patalastas , namang bukod sa nagbibigay-impormasyon ay umaamuki rin ng
pagtangkilik tulad ng patalastas ng mga produkto at pelikula.

Halimbawa:
Para sa lahat ng gurong nagtuturo ng Filipino at mga gumagamit ng wikang
Filipino sa pagtuturo, Ipinababatid sa inyo na ang Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pamantasan ng Pilipinas ay magdaraos n isang pambansang seminar-
worksyap sa wika na may temang “Pamamahala, Usapin, Nilalaman at
Pamamaraan sa Pagtuturo ng/sa Filipino. Ito ay gaganapin sa Pulungang Claro M.
Recto ng Bulwagang Rizal, sa UP Diliman, Lungsod Quezon. Ang gawaing ito ay
may pagkilala at indorsment ng Komisyon ng Mas Mataas na Edukasyon o CHED
Sinumang interesadong dumalo sa nasabing gawain, mangyaring makipag-
ugnayan sa telepono bilang 9205301 loc. 7453
4. AWIT
Sa lahat ng mga popular na akda, ang awit na yata ang pinakamatanda. Ang ating
mg ninuno ay umaawit na bago pa man naimbento ang sistema ng pagsulat.
Samakatwid, likas sa ano mang kultura ang pag-awit.

HALIMBAWA
Doon Lang
ni Nonoy Zuniga
Kung natapos ko ang aking pag-aaral
Disin sana'y mayroon na akong dangal
Na ihaharap sa "yo atipagyayabang
Sa panaginip lang ako may ipagdiriwang
Yaman at katanyagan sa akin ay wala
Kakisig,n ko ay bunga ng isang sumpa
Ang aking inay ang tangi kong tagahanga
Sa panaginip lang ako may nagagawa
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita
nahahagkan t'wina don lang
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos hip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita
nahahagkan t'wina don lang,
Sa panaginip lang kita
nahahagkan twina don lang doon lang

5. KOMIKS
Ito ay kaiba sa mga panitikang Pilipino. Ito ay isang grapikong midyum kung saan
ang mga salita at larawan ang gamit upang maipahatid at maisalaysay sa mga
mambabasa ang kwento.
- Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng
kuwento, buhay ng tao o pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang
Ingles na "comics" atisinulatlamang na may titik "k" alinsunod sa baybayin ng
wikang Filipino. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, naglipana ang komiks at
naging popular ito sa buong bansa, dahilan upang maging isa ang Pilipinas sa mga
pinakamalalaking tagalimbag ng komiks sa buong mundo. Pero sa mga nagdaang
dekada, bumababa ang popularidad ng komiks dahil sa iba't bang salik, kabilang
na rito ang iba pang anyo ng mass-media tulad ng telebisyon atInternet.
- Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa
ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa
ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa
isang popular na pabula sa Asya.

Ang Kayarian ng Iskrip sa Komiks


Ayon kay Joe Lad Santos, isang batikang manunulat sa komiks, ang iskrip sa
komiks ay karaniwan nang sinusulat sa ordinary coupon bond, maingat at malinis
na minakinilya at ang istorya ay hinati-hati sa kwadro o frame.
Bawat kwadro ay may bilang (halimbawa: Frame 1/Frame2), caption, dialogue
atillustration guide. Mayroon ding kwadro na walang caption pero may dialogue at
mayroong caption subalit walang dialogue. May manunulat ding pinatatakbo ang
kwento sa pamamagitan ng dibuho. Upang mas maging malinaw, bigyang
depinisyon natin ang mga terminolohiyang ginagamit sa komiks.

Kwadro/Frame - ang kahon na kinalalagyan ng dayalog, larawan at kapsyon.


Dayalog - usapan o salitaan ng mga tauhan na inilalagay sa lobo o balloon.
Caption - Ito'y pangungusap o mga pangungusap na karagdagang paliwanag
tungkol sa mga nasa larawan. Maaaririn namang ito'y paliwanag ng pangyayaring
wala sa eksena o kaya'y pagbibigay-diin sa gustong ihayag sa larawan.

You might also like