You are on page 1of 2

Madrid, Almira Love A.

BSPSY 1-2

MGA GABAY NA TANONG

1. Sa panahon ng bagong milenyo, gamit ang iba-ibang social media site na


nasa wikang Ingles, paano pa mas mapapalalim ang kalinangan sa paggamit
ng wikang Filipino kasabay ng modernong teknolohiya?
 Para sa akin bilang isang kabataan na kabilang sa mga milenyo mas
mapapalalim pa ang kalinangan sa paggamit ng wikang filipino sa
pamamagitan ng pakikipag usap o pakikipag inter aksyon sa iba na
gamit ang wikang Filino. Isa pa ay pag iwas o pagbabawas ng wikang
ingles na kadalasang inihahalo naten sa ating wika. Ito ay
mapapalalim din sa pag papasa ng mga bidyo na naglalaman o
nagpapakita ng kahalagahan ng pag gamit ng wikang Filipino.

PAGTATASA

Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa kahulugan at kalikasan ng wikang Filipino na


nakaugat sa nasyunalismo, agham bayan at mamamayan.

Paraan ng Pagmamarka:

50 Nilalaman

50 Teknikal na Aspeto

100 Kabuuan
Ako ay isang Filipino at ipinagmamalaki ko ito. Bilang isang Filipino ang
paggamit at pagpapayabong ng ating sariling wika ay napakahalaga at maituturing
na isang responsibilidad dahil ito ang magpapakilala sa ating pagkaka kilanlan. Ang
wikang Filipino ay nagsisilbing gabay upang makapag usap o nagsisilbing
pangunahing jnstrumento upang tayo ay magkaintindihan at magkaunawaan. Ang
wika ay maituturing nating susi sa kaunlaran at pagkakaisa na kailan man ay
walang pwede umagaw mula sa atin. Ang lenggwahe din natin ay magdudulot ng
kasarinlan sa mga bansang nais sumakop at umalipusta sa ating mga
mamamayan. Hindi lang isa ngunit napakadaming diyalekto ang meron dito sa
Pilipinas ngunit ang ating pambang wika ay ang Filipino. Sa pamamagitan ng ating
wika tayo ay nagiging isa at malaya nating maipahayag ang ating mga saloobin at
opinyon na tumatalakay sa iba’t ibang pangyayari sa ating bansa. Sa pagdaan ng
panahon nahaluan na ang wikang Filipino ng mga banyaga dahil narin sa
modernong panahon na kung saan ang mga kabataan ay naiimpluwensyahan ng
iba’t ibang lenggwahe katulad na lamang ng Ingles, Korea, Japan at iba pa dahil
narin sa pag usbong ng social media na talagang nagbigay ng malaking epekto sa
ating mga kababayan. Ang mga panoorin na KDrama na nauuso na nagmula sa
Korea na isa sa pinakapopular ngayon sa mga kabataan ay kakikitaan ng isang
dahilan kung kabit nahuhumaling tayong gumaya sa wika at minsan narin ay
maging sa pananamit at pagkilos ay nakukuha natin. Maging sa mga Ingles na
panoorin ay yumabong din at mas namamangha ang mga Pilipino sa taong may
kakayahang magsalita na para bang isa siyang banyaga. Ang pagkakaroon din ng
mga kpop group tulad ng exo, blackpink, momoland, red velvet, twice at iba pang
mga korean groups na sikat ngayon sa ating bansa ay nagbigay din ng
impluwensya upang mahaluan ang ating wika. Hindi naman masama na ito ay
ating makuha sapagkat tayo ay may laya ngunit isipin parin sana natin na
mahalaga na mas matutunan at mas maunawaan natin ang sariling atin. Huwag
lamang din hahantong na ang sariling wika natin ay ating ikakahiya sa iba.
Sa ating wika ay nakatala ang mga makasaysayang pangyayari na siyang
humubog sa ating mga Pilipino. Dito ay nakilala natin ang mga kabayanihang
ginawa ng ating mga bayani na siyang lumaban para sa ating kalayaang lahat na
siyang ating tinatamo o tinatamasa ngayon. Sabi panga ng ating bayani na si Dr.
Jose Rizal, na ‘ Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa
malansang isda’. Kaya nararapat lang na ating mahalin at pahalagahan ito hindi
lang sa salita kundi sa ating gawa.

You might also like