You are on page 1of 3

TANGGAL WIKA

Ang teksto, na pinamagatang “Tanggal Wika: Ang Pagkitil sa Wikang Filipino”, ay akdang
isinulat ni Polynne Dira, isang manunulat at punong patnugot ng Philippine Collegian, ang opisyal na
pahayagan ng Unibersidad ng Pilipinas. Nilalayon ng akdang ito na magkaroon ng kamalayan ang mga
mambabasa ukol sa kalagayan ng Filipino ngayon, lalo na’t isinusulong ang pagtanggal nito bilang
asignatura sa kolehiyo. Higit pa, hinihimok ng may-akda ng teksto na ipaglaban ang Filipino, isulong
ang paggamit nito sa iba’t ibang konteksto at tuluyan itong aralin bilang asignatura sa kolehiyo.

Ang akda ay isang halimbawa ng sulating editoryal o opinyon, na kung saa’y ipinapahayag ng
mga patnugot ang kanilang mga saloobin ukol sa iba’t ibang panlipunang isyu at mga paksa ng interes.

Nahahati ang editoryal na ito sa tatlong sub-heading:

Ang ‘Pag-alala’ ay pumapatungkol sa kakarampot na pag-alala na ibinibigay ng mga Pilipino sa


sariling wika, at ang paglalahad ng kasalukuyang pangyayari o status quo. Ang Ingles ay binibigyang ng
pabor [kaysa sa Filipino], dahil ito ay itinuturing na wika ng pag-unlad, at makikita ito sa iba’t ibang
mga konteksto. Dito nabibigyan ng diin ang tungkulin ng edukasyon bilang taga-sulong ng wikang
Filipino.

Sa ‘Paglimot’ ipinapahayag ang tuluyang paglimot ng lipunan sa kahalagahan at kabuluhan ng


wikang Filipino, lalo na sa pagsulong ng CHED CMO 20. Ang Filipino bilang asignatura sa Filipino
ay pinag-aaralan hindi dahil sa pag-ulit, kundi sa pagpapalalim sa Filipino sa paggamit nito sa
pampropesyonal na konteksto.

Huli ay ang ‘Paglaban’, na kung saa’y naipapahiwatig ang paggamit sa Filipino bilang daluyan
ng radikal na ideya, malawakang pagbabago, at ng mga adbokasiya. Sa paggamit ng Ingles, nage-
gatekeep ang masa sa mayamang impormasyon at kaalaman, kung kaya’t ito’y nakakamit lamang ng
iilan na nakatataas sa sosyal na hirarkiya. Bukod rito, nilalaman ng ‘Paglaban’ ang paghimok sa mga
nakababasa: ipaglaban ang wikang Filipino.

Mga Katanungan
1. Ano ang mahahalagang detalyeng nakapaloob sa sulatin? Ipaliwanag.

Ang sulatin ay pumapatungkol sa kasalukuyang mga pangyayari. Nilalaman ito ng mga


obserbasyon ng kasalukuyang lipunan at ang pagtrato nito sa wikang Filipino.

Nagsimula ang akdang ito sa paglahad ng kasaysayan ng wika sa bansa. Noong


panahon ng Kastila at Amerikano, ginamit ng mga banyaga ang kanilang sariling wika sa
kanilang pananakop, habang ang ating pambansang wika ang nagbuklod sa diwa ng mga
Katipunero upang maipaglaban ang kalayaan ng bansa—patunay na ang wikang Filipino ay
daluyan ng diwang nasyonalismo.

Bukod pa rito ay ang gampanin ng midya sa pagpapalaganap ng isipang kolonyal: ang


pag-ugnay ng Filipino sa tabloid at ang pag-ugnay ng Ingles sa pagpapalaganap ng intelektuwal
na ideya sa paggamit nito sa pahayagang pambansa. Kasama na rin rito ang paghubog ng
sistemang edukasyon ng Pilipinas sa katatasan ng kabataan sa paggamit ng wikang Ingles,
imbes na Filipino— patunay ang mga English-speaking policy at paggamit sa Ingles bilang
pangunahing wika ng instruksyon.

Ang mga detalyeng to ay tumutulong sa pagbibigay-katuwiran sa akda at sa


pagpapalalim ng pag-intindi sa epekto ng dayuhang impluwensya, pag-pabor sa ibang
lenggwahe at sa pagkalimot ng sariling wika sa isang lipunan.

2. Ano-ano ang mga ginamit na batis ng impormasyon sa akda? Isa-isahin at ipaliwanag kung
paano nito binigyang katuwiran ang salaysay.

“Ang kabuluhan ng Filipino bilang disiplina ay hindi matatawaran sapagkat ito’y


daluyan ng kasaysayan ng Pilipinas, salamin ng identidad ng Filipino, at susi ng kaalamang
bayan,” ayon kay David Michael San Juan, tagapanguna ng Tanggol Wika, sa kanyang papel
tungkol sa mahabang laban ng paglinang ng Filipino sa edukasyon.

Sa paggamit ng reperensyang ito, naipapakita ang kabuluhan ng Filipino bilang wikang


pambansa, kung ano ang kahalagahan nito sa ating kultura, kasaysayan, pambansang
identidad, kaalamang sosyal-panlipunan, at nasyonalismo. Sa mga salitang binigkas ni
Ginoong San Juan ay mas lalong nabibigyang kalinawan ang layunin ng akda at nabibigyang-
diin ang malalim na pag-unawa sa wikang Filipino.
3. Ano ang layuning nakapaloob sa iyong pagbasa ng teksto?

Hindi sapat ang pag-tanghal sa wikang Filipino bilang wikang pambansa lamang sa
ngalan, habang ito’y tuluyang kinakalimutan bilang pagpabor sa mga iba’t ibang wikang
banyaga. Sa kasalukuyan, nakikita natin ang patuloy na pagbaba sa kalidad ng katatasan ng
mga makabagong henerasyon sa paggamit ng wikang Filipino, lalo na sa panahon ng
globalisasyon at malawakang paggamit ng social media.

Ikinikintal sa akin ng teksto ang sumusunod: Ano ba ang tunay na kahulugan ng


pagiging Pilipino? Hindi sumasang-ayon ang kasalukuyang isinusulong ng CHED sa
pagpapalalim sa kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino, at sa pagpapayabong ng diwang
nasyonalismo.

Hanggang kailan ba uunahin ng mga nakatataas ang dayuhang impluwensya kaysa sa sariling
wika? Ang pag-iisip na ito ang tuluyang kumikitil sa paghubog ng diwang nasyonalismo, kung
kaya’t kulang sa lalim ng kaunawaan ang nakararami kung ano pa nga ba ang kahulugan ng
pagiging Pilipino at ang kabuluhan ng wikang Filipino. Kinakailangan na ipaunawa sa
nakatataas na hindi kinakailangang ikompromisa ang ating mayamang tradisyon, kultura at
wika upang mabigyang-daan ang progreso at pag-unlad. Kinakailangan ang seryoso at
atentibong pagpapalalim sa kaalaman sa paggamit ng Filipino sa iba’t ibang konteksto, at
kinakailangang malaman ng lipunan na ang Filipino ang tunay na daluyan ng progreso at
pagbabago.

You might also like