You are on page 1of 23

MODYUL 4: FILIPINO SA HUMANIDADES, AGHAM

PANLIPUNAN, AT IBA PANG KAUGNAY NA


LARANGAN

Introduksyon:

Sa iyong panonood /pakikinig ng balita sa 24 Oras GMA, nauunawaan mo ba


ng mabuting ang mga impromasyong na kanilang hinahatid? Kung Ingles ba
ang gagamiting bilang wika ng paglalahad, may pagkakaiba kaya sa iyong
karanasan? Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang halaga ng wikang
Filipino na magiging daan upang mas madali tayong nagkakaunawaan,
nagkakaintindihan at nagkakaisa.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 1


Mga Layunin:

Sa modyul na ito, inaasahang iyong/ikaw ay ….

Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-


pakinabang na sanggunian sa pananaliksik.
Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa
pananaliksik.
Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos
atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang
larangan.
Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto
Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 2


SITWASYON PANGWIKA SA HUMANIDADES AT AGHAM-PANLIPUNAN

Sa pinagdaanang kolonisasyon ng Pilipinas mula sa iba’t ibang mga


bansa tulad ng Spain, United States at Japan, hindi nakapagtatakang
napakalaki at napakalalim ng impluwensiya ng mga ito sa buhay ng mga
Pilipino. Sa aspekto ng wika, hindi pa rin nakakawala ang bayan sa
pagkagapos sa kolonyalismong nagdaan . Nagdaan na ang isang siglo mula
nang makamit ang Kalayaan sa mga Espaῆol ngunit nanatili na ang kulturang
ipinamulat sa atin. Kalahating siglo naman na ang nakalipas mula nang
lumaya ang bansa sa kamay ng United States, ngunit tila pilat na ang
pagkakadikit ng wikang Ingles sa mga Pilipino – sa estado , sistemang
edukasyon at maging sa mundo ng mga korporasyon.

Maaaring maiugnay sa imperyalismong lingguwistiko ang kalagayang ito


kung saan ang pananakop sa mga bansa ay hindi na sa pisikal na aspekto
kundi sa diwa at ideolohiya ng mga mamamayan nito sa pamamagitan ng
wika. Dito, ang pagkontrol ay sa isipan na ng mga nasakop na mga
mamamayan na nangyayari dahil sa walang habas na pagpapatanggap sa
isang puspusang itinuro, pinatanggap at pinagamit ang Ingles sa mga Pilipino
sa panahon ng pagsakop. Taliwas ito sa tahasang pagdadamot ng mga
mananakop na Espaῆol sa kanilang wika upang matutuhan ng mga Pilipino.
Isa ito sa malinaw na dahilan kung bakit sa kabila na malayong agwat sa
haba ng pananakop ay mas nanaig at nanatili ang Ingles kaysa sa Espaῆol
sa kamalayang Pilipino. Maliban dito, tumutugma rin ang paliwanag ni
Ferguson (2006), sa artikulong The global spread of English: cause, agency,
effects and policy repsonses sa kaso ng pagkahumaling ng mga Pilipino sa
wikang Ingles. Ayon sa kaniya, ang rasyonal sa katanyagan ng Ingles sa
sistemang edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay sosyo-
ekonomiko. Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng pagkatuto ng wikang
Ingles, higit na magkakaroon ng access sa trabaho ang isang tao at dahil dito

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 3


mas aangat ang kaniyang kalagayang ekonomiko. Magbubunsod din ito ng
paglawak ng kaniyang impluwensiya sa lipunan o access sa mga may
kapangyarihan, kultural, kapital, intelektuwal, o politika. Tinatanaw kung
gayon ang pagtinging ito na mahalaga ang gampanin ng Ingles bilang
intrumento sa realisasyon ng pang-angat na ito. Sa kaso ng Pilipinas,
naipapaliwanag pa rin ang pagsusuri ni Ferguson kung bakit patuloy ang
kalagayang ito. Una, ang kawalan ng ideolohikal na pagsalag sa promosyon
sa Ingles bilang pangunahing wika, diumano, ng mundo.

Pangalawa, ang paniniwala sa laganap na papanaw na may


personal na bentahan sa pagtatamo ng kahusayan sa Ingles dahil ito ang
wika ng intelektuwalisadong mga larangan at gayundin ang wikang pasaporte
sa paglagong ekonomiko. Ang mga ito ang patuloy na lumilikha ng ilusyon sa
mga Pilipino na Ingles ang maghahatid sa kanila sa mga hangaring ito,
bagama’t malinaw namang napapabulaanan ang mga paniniwalang ito sa
karanasan ng maraming mga bansang tulad ng Japan, Germany, France ,
China at marami pang iba.

Sa sistemang K-12 ng Pilipinas, gumaganda ang kalagayan ng


Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas. Ipinatutupad sa sistemang ito ang
mother tongue-based/multilingual education kung saan sa primaryang antas
pangunahing wika ng pagtuturo ang unang wika ng komunidad at unti-unting
papasok ang paggamit ng Filipino at Ingles. Gayunpaman, ang probisyon
ng patakaran sa bilingguwal na edukasyon ay magpapatuloy ay
magpapatuloy pa rin sa mas matataas na antas tulad ng sekondarya at
tersiyarya. Sa antas tersiyarya, gagamitin ang Ingles o Filipino bilang
wikang panturo sa mga tiyak na kurso. Ingles sa mga kurso sa agham,
matematika at teknolohiya; at, Filipino naman sa mga kursong nasa agham
panlipunan at humanidades. Sa kasamaang palad, ganito man ang
nakasaad sa patakaran hindi naging mahigpit ang implementasyon nito sa
lahat ng mga paaralan. Sa katunayan, naging makiling pa rin sa paggamit
ng Ingles ang kalakhang bahagdan ng mga kolehiyo at unibersidad.
Patunay halimbawa noon ang paggamit ng Ingles sa pagtuturo ng mga

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 4


kurso sa ekonomiks, sosyolohiya, kasaysayan at maging sa kurso sa buhay
ni Rizal. Hindi malayo kung gayon na ganito pa rin ang magiging kalagayan
ng Filipino sa bagong sistema ng edukasyon. Kolonyal pa rin at malayo sa
mapagpalayang antas ang edukasyong Pilipino. Sa Bilingguwal na
Edukasyon na kung saan ang wikang Filipino ay mapalaganap bilang wika
ng literasi, madebelop bilang simbolo ng pambansang pagkakaisa at
identidad, mamodernays ito bilang wika ng scholarship at malinang at
mapakonti nito para sa diskursong scholarly (Fortunato 2003), naisulong ito
sa larangan ng agham panlipunan at humanidades. Hindi man naging
maigting ang pagpapatupad sa mga probisyon ng polisiya, ang mga iskolar
at akademiko ay nakapag-ambag sa matagumpay na pagsusulong ng
Filipino sa larangang ito.

Sa katunayan, sa panahon ng mga Espaῆol, nagkaroon na ng mga


pagsasalin sa Filipino ng mga dokumentong pangrelihiyon at pampanitikan
at mula pa sa panahong ito ay nagsimula nang maisulong ang mga
katutubong wika ng bansa. Nagpatuloy at lalong naging masigla ang mga
ganitong tunguhin sa panahon ng mga Amerikano at maging sa panahon ng
mga Hapon. Sa kasalukuyan, bahagi na ang pagsasalin sa patuloy na pag-
intelektuwalisa sa wikang Filipino.

KASAYSAYAN AT TUNGKULIN NG PAGSASALIN SA PAGSUSULON


SA FILIPINO

Ang pagsasalin ay maaaring pagsasaling siyentipiko-teknikal o


pagsasaling pampanitikan. Sa pagsasaling siyentipiko-teknikal,
komunikasyon ang pangunahing layon nito, samantalang sa pagsasaling
pampanitikan, nilalayon ng tagasalin na makalikha ng isang bagong obra
maestra batay sa original na akdang nakasulat sa ibang wika (Batnag, et al.,
2009)

Ang pagsasaling ito, teknikal man o pampanitikan ay mahalagang


instrumento para higit pang isulong ang Filipino sa iba’t ibang larangan.
Layuning nitong maiabot sa mga Pilipino ang mga obra maestra ng mga

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 5


dakilang manunulat sa daigdig upang ang kanilang mga ideya at karunungan
ay umabot sa pakinabang ng mamamayang Pilipino. Inaasahan na ang
pagkakasalin ng mga pinakamahusay na aklat, tula, nobela, sanaysay,
kuwento, dula at dokumento at iba pa ay maipapakita ang kakayahan ng
Filipino upang magamit sa pagtalakay sa mga temang intelektuwal, na
taliwas sa popular na paniniwala ng kawalang kakayahan ng Filipinong
magamit sa mga ganitong antas ng diskurso.

Batay sa tala sa Apat na Siglo na Pagsasalin: Bibliograpiya ng mga


Pagsasalin sa Filipinas (1593-1998) ni Lila Antonio (2000), matutunghayan
kung paaanong umusad ang tunguhin ng pagsasalin sa bansa.

Ang mga gawaing pagsasaling ito sa kabuuan ay nagdulot ng higit na


pagpapayabong sa mga katutubong wika sa Pilipinas kasama na ang Tagalog,
Pilipino o Filipino bilang mga wikang intelektuwal. Sa pagtalunton na ito, higit
na mauunawaan ang naging proseso at tunguhin ng naturang mga gawain.

1. Pagsasalin sa Panahon ng mga Espaῆol

Pinakabatayan sa pambansang kasaysayan ng Pilipinas ang yugto ng


pagdating at pagsakop ng mga Espaῆol. Ito’y nababaliktanawan sa kanilang
pagdaong sa isla ng Limasawa noong ika- 16 ng Marso 1521 hanggang sa
pagtatapos nito sa kanilang pagsuko sa mga Amerikano noong 1898 na
pinagtibay ng nilagdaang Kasunduan sa Paris noong taon ding iyon. Sa
mithiing kolonyalismo ng Spain, at sa layuning palaganapin ang Kristiyanismo,
sinakop nila ang Pilipinas. Dito nagsimula ang mahaba at masalimuot nating
kasaysayan.

Sapagkat lubhang magkalayo ang pamilya ng mga wika sa Pilipinas at sa


Spain, ang una’y sa Austronesian at ang ikalawa’y sa Indo-European, naging,
mabigat na balakid ito sa mithiing nais isakatuparan ng mga mananakop.
Mahirap magkaintindihan gamit ang dalawang magkaibang wikang ito.

Dahil sa kakaunti ang bilang ng mga prayleng misyonero, hindi lohikal na


kanilang ituro ang wikang Espaῆol sa higit na nakararaming katutubo; bagkus,

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 6


sila ay nagsumikap na pag-aralan ang ating wika upang maging mabisa ang
kanilang pakikipag-ugnayan sa madla. Kasabay ng kanilang pagkatuto sa
pagsasalita ng Tagalog ay inaral nila ang balarila nito na kaalinsunod naman
ng pagsulat nila ng mga aklat ng panggramatika at mga diksyunaryo na
lubhang malaking tulong sa mas mabisa pa nilang pagkatuto.

Bilang pagtugon sa mabilis na pagpalaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan,


ang mga Kastila ay nagsalin ng mga aklat

na orihinal na nasusulat sa kanilang wika.

Ukol sa katesismo, ilan sa mga akdang

naisalin ng katesismo na

pinagpapalaman nang

manga pangad-yi at maikling

kasaysayan na dapat pag-aralan

ng taung Cristiano ni Luis de Amezquita (p.1); Kasaysayan nang Doctrina


Cristianang kinatha na P Rapalda ni Exequiel Mariko (p.2); at ang Kasalanang
Veniel at ang pagtanggap na malimit nang manga sacramento ni Joaquin
(p.2). Ang mga akdang ito ay malaking tulong sa madaling pag-unawa sa
turong katolisismo. Kabilang naman sa mga akda na Halaw sa Banal na
Kasulatan at Apokripo at sa Aklat sa Buhay ng mga Santo at Ulirang Tao ang
salin ni Benito Rivas sa Concepos Doctrinales y Morales (p.3); Buhay ni
Faustino at ni Matidiana sa Imperyong Roma ni Roman dela Angles (p.4); at
ang Ang manga carangalan ni Maria ni Joaquin Tuazon (p.5). Ito’y mga
akdang nagtuturo ng kabanalan at higit na inspirasyon sa pagpapakabuting
loob na siya ring layon ng Kristiyanismo. Maiuugnay naman natin ang ating
mga paniniwala sa bisa ng dasal, lalo na ang mga Kristiyanong Katoliko, sa
mga turong pinababatid ng mga dokumentadong akda ukol sa mga
panalangin. Ilan sa mga ito na naisalin sa Tagalog ay ang: Ang infiernong
nacabucas o manga pagbubulay-bulay nang manga cahirapan at casa-quitan
doon ni Pablo Clain S.J. (p.6); ang salin ni Ma. Alfonso Ligouri na Manga

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 7


Pagninilaynilay sa Pasion nang ating Panginoong Jesucristo (p.7); at
pagsisiyam, Ocol sa capurihan nang marangal na pintacasi sa manga salot
at sakit na si San Roque ni Raymino Martinez (p.10).

Sa panahong iyon, lubhang napakahalaga ng moralidad at wastong pagkilos


lalo na sa mga kababaihan. Ito marahil ang dahilan ng paglilimbag ng mga
lathalain may ganitong paksa. Ilan sa mga nasa-Tagalog ay ang Pagtulad
cay Cristo, anonimo, para sa pagsasanay sa kabanalan (p.10); Ang icatututo
nang babae sa Filipinas ni Tadeo Viz Trinidad, na isang aklat sa kabutihang
asal. (p.12); Milicia de Jesucristo ni Antonion Florentino Puansen na
nagsilbing gabay sa mga miyembro ng Confrodia (p.13);

Ang mahusay tna paraan ng paggagamot ayon kay Tissot na salin ni Michael
Blanco (p.140; at ang Manga Panalanging pagtatagobilin sa caloloa ng
taoung naghihingalo ni Gaspar Aquino de Belen mit (p.15). Ang dalawang
huling nabanggit na mga akda ay ukol sa paggamot sa pisikal na
karamdaman at sakit ng kaluluwa.

Mapapansin na ang mga akdang yaon ay sumasailalim sa buhay ng mga tao


sa naturang panahon. Naglalaman ito ng kanilang mga kaugalian, tradisyon,
alituntunin at mga bagay.

2. Pagsasalin sa Panahon ng mga Amerikano

Sa panahon ng kolonyalismong Espaῆol, tila napinid sa karimlan at


bilangguan ang mga Pilipino. Siya’y naging Kristiyano, subalit nakakulong
sila at di natamasa ang Kalayaan sa maraming aspekto sa buhay lalo na
ang Kalayaan sa pagkakamit ng karunungan. Bagama’t may iilang
nakapag-aral sa panahon na iyon, pribilehiyo ito at di Karapatan. Tanging
may mga dugong Espaῆol at mayayamang Pilipino lamang ang nagkaroon
ng pagkakataong makapag-aral.

Sa pagtatapos ng kasaysayan sa Panahon ng Espaῆol, naging simula ito ng


imperyalismong Amerikano sa bansa. Naging hudyat nito ang pagpirma ng
Estados Unidos at Spain ng Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 8


Disyembre 1898 kung saan kasama sa kasunduang ito ang pagpayag ng
Spain na ang Pilipinas ay bahagi na ng Kolonya ng USA. Matutunghayan sa
mga nakasulat sa mga aklat pangkasaysayan na ang pagsakop ng mga
Amerikano sa bansa ay may layuning (1) ekspansiyong ekonomiko; (2)
pagtatayo ng depensang military at pandagat sa Asya- Pasipiko; at (3)
pagpapalaganap ng protestantismo. Kaiba sa panahong Espaῆol, ang
edukasyon ay nabigyan halaga sa panahon ng mga Amerikano. Kapwa mga
mahihirap at

mayayaman ay nakakapag-aral.

Sa katunayan, nagpadala

ang pamahalaang Amerikano ng

mga guro upang sila ang manguna

sa edukasyon. Sila ang mga sundalong

nakilala sa tawag sa Thomasites.

Di tulad ng Spain, itinuro rin ng mga mananakop ang kanilang wika ang Ingles.
Dahil dito yumabong at yumaman ang panitikang Filipino sa wikang Ingles.
Ngunit upang lalo pang maunawaan ng mga Pilipino ang mga panitikang ito,
naging aktibo rin ang pagsasalin sa panahong iyon. Maraming naisaling mga
tula, dula, maikling kuwento, nobela at sanaysay mga popular na anyong
pampanitikan.

Ang tula ay isang pampanitikang behikulo upang maipahayag ang damdamin.


Kadalasang paksa nito ang pag-ibig, kabiguan, pag-asa, nasyonalismo, at iba
pa. Sapagkat ito’y malayang pagpapahayag, marami sa mga tulang may iba’t
ibang paksa ay naisalin sa Filipino. Kabilang sa mga ito ang Huling Paalam ni
Rizal noong 1907; Una Kong Alaala ni Rizal, 1908; Matandang Tula ni Crispin
Resurreccion, 1910: Ang Awit ni Kupido ni J.C. Balmaceda, 1915; Apoy ng
Pag-asa ni Deogracias Rosario, 1921 at kaniyang Aklat ng Pag-ibig, 1925;
Magsing-irog ni P.M. Santiago, 1932; at Tatlong Larawan ng Buhay ni
Conrado Acuῆa, 1938. Ang mga ito’y tumatalakay sa halo-halong damdamin

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 9


ng mga manunulat at mga mamamayan; mga damdaming ukol sa pag-ibig ,
bansa, pag-asa at buhay.

Marami namang mga dula na mga obra mestra ang naisa-Filipino rin.
Kabilang sa isinaling mga dula ang Noli Me Tangere ni Sofronio Calderon,
1906; Ang Hampas Lupa ni Julian Balmaceda, 1916; Ang Masayang Balo ni
Patricio Mariano, 1916; at Mga Artistang Sampay-Bakod,1919; Ang mga Anak
ni Sisa, 1929, ni Godofredo; at ang Konde sa Montecristo, 1932 ni Jose Maria
Rivera. ito’y mga dulang galing sa iba’t ibang panig ng mundo. Patunay ang
mga pagsasaling ito na ang buhay ng mga Pilipino ay katulad din ng mga
melodrama sa mga akdang ito.

Ilang naman sa mga maikling kuwentong naisalin ay ang Mithi ng Bayan nu


S.G. Calderon; Pagbabalik sa Lumipas ni Aurelio Curcura; Alaalang
Panibagong Taon ni Alejandro Abadilla; at ang Tunay na Diyos ni Isaac
Dizon.

Katulad ng mga maikling kuwento, marami-rami ring mga nobela ang


nagawang isalin. Ilan dito ang Ang Hiwaga ng Paris ni Francisco Sugui: Sa
Lupa’t sa langit ni Gerardo Chanco; Dugo sa Dugo ni Francisco Laksamana:
Kilabot sa Karagatan ni Leonardo Diamzon; at Ang Palaisip na Maharlikang
si Don Quijote dela Mancha ni Dionisio San Agustin.

Sumasalamin ang mga maikling kuwento’t nobelang ito sa mga pangyayari


sa buhay ng mga mamamayan sa bawat bansang pinagmulan ng mga ito.
Lalo itong nagpayabong sa edukasyong hatid ng mga Amerikano sa mga
Pilipino dahil naisasalin sa kanilang ang iba’t ibang kaalaman, kultura,
karanasan at kasaysayan ng iba’t ibang lahi sa mundo.

Katulad ng mga naunang anyong pampanitikan, marami ring sanaysay ang


naisalin patungong Filipino. Layunin nito ang nagpapalaganap ng iba’t ibang
uring kaalaman-pampolitika, relihiyon, panlipunan at iba pa. kabilang sa

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 10


mga ito ang Ang ABC…. ng mga Filipino ni Vales Ronquillo; Isipan Tungkol
sa Hula ni Daniel ni Sofronio Calderon; Kodigo Munisipal ni Manuel
Aguinaldo; at Ang Lihim ng Ahente ng Hapon ni I.P. Caballero. Lahat ng
mga ito’y nagsilbing behikulo sa pagpapalaganap ng iba’t ibang kaalaman.

Hindi man dakila na panahon ng mga Amerikano, di rin naman


maikakaila ang mga ideolohiyang naibahagi nila sa atin. Ito’y ang mga di-
maitatatwang pagkamulat sa edukasyon at demokrasiya na sa kabilang
banda ay isa ring anyo ng pagbubulag sa mga Pilipino upang sa kalaunan
ay sambahin, kontrolin at maging sunod-sunuran sa imperyalistang ito.

3. Pagsasalin sa Panahon ng mga Hapon

Ang Greater East Asia Co- Prosperity na may islogang Asyano para sa
Asyano ang propagandang ibinandera ng mga Hapones upang lalong
mahikayat ang mga Pilipino sa kanilang mga panukala. Bagama’t laganap
ang himagsikan noon, patuloy pa rin naman ang pagyabong ng edukasyon.
Pinasidhi ang paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino at sinikap na alisin ang
wikang Ingles.

Sa larangan ng pagsasaling pampanitikan, may ilang akda na naitala sa


panahong iyon. Sa pagsasalin ng tula nariyan ang Gabi ni Ildefonso Santos,
1941; at Lupalop ng Magkakasamang Kasaganaan sa lalong Malaking
Silangang Asya, 1943. ang huling nabanggit ay lalong nakatulong sa
hangarin ng mga Hapon sa Silangang Asya.

May mga dula at maikling kuwento na puspusang naisalin noon. Sa mga


dula, kabilang ang Bahay na Paupahan ni Julian Balmaceda, 1943 at ang
kaniyang Diktador sa Ehipto noong 1944. Ang Dalawang Pabulang
Mandarin ni Federico Sebstian at ang Limang Kuwento ni Andersen na
isinalin naman ni Antonia Villanueva. Mapapansing politikal at panlipunan
ang paksa ng mga dula, samantalang ang mga maiikling kuwento ay nasa
anyong panitikan pambata.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 11


Ilang piling sanaysay rin ang naisalin sa Filipino. Kabilang dito ang
Kautusang Panloob sa mga Manggawa sa Arsenal, 1942; at ang Si
Barrentes at ang Dulaang Tagalog, 1943 ni Julian Balmaceda.

Tunay ngang mayabong ang kultura at wika sa panahon ng mga Hapones


sapagkat sinuportahan ng mga mananakop ang paggamit at
pagpapalaganap ng mga ito. Subalit ito’y sa isang punto de bista lamang.
Hindi rin nating maikakaila ang mga tagong hangarin ng mga mananakop na
siya rin namang hinusgahan na ng ating kasaysayan.

4. Pagsasalin sa Kasalukuyang Panahon

Lumiliit ang mundo. Habang tumatagal ay lalong umiiksi at kumikitid ang


pagitan ng mga bansa sa mundo. Isa sa malaking salik sa kaganapang ito
ang patuloy na umuunlad na teknolohiya ng kompyuter at komunikasyon.
Kaakibat ng pagbabagong ito ang wika. Lalo pa itong lumiit at tila pinag-iisa.
Pinalalakas ang makapangyarihan at lalong pinahihina ang maliliit na wika,
dahil sa pangingibabaw ng malalakas na bansa ng globalisasyon.

Ang wika ang nagiging daluyan sa paglaganap ng mga kaalamang ito,


subalit ang wika ay mawawala ng kabuluhan kung ito ay hindi naiintindihan
ng mga taong nakaririnig o nakababasa nito. Upang bigyang -lunas ang
ganitong suliranin, ang pagsasalin ay dapat puspusang itaguyod at paunlarin.
Maisasagawa ito sa patuloy na paglilimbag. Ang mga pinakamahuhusay na
akda, lokal man o banyaga ay dapat magkaroon ng salin sa Filipno. Ito’y
upang lubos na maipamalas at maipabatid sa mga Pilipino ang diwa at
ganda ng iba’t ibang kultura at gayundin ang kahusayan ng iba’t ibang
kaalaman.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 12


Narito ang ilang mga akdang naisalin na at ang mga tagasalin ng mga ito –
mula tula, dula, maikling kuwento, nobela at sanaysay. Ilan sa mga tulang
naisalin sa kontemporaryong panahon ang: Sa Hardin ng mga Tula, 1949, ni
Rufino Alejandro; Ang Malawak na Hapag ni Alberto Alejo; Bukangliwayway
sa Dibdib ng Aprika ni Virgilio Almario; at ang Huling Paalam ni Jose Sevilla.
Ang mga tulang ito ay may ibaibang paksa na kumakatawan sa puyos na
damdamin ng mga tao at ng lipunang kanilang ginagalawan sa isang
takdang panahon. Kabilang naman sa mga piling mga dula ang isinalin sa
Filipino. Ilan ang New York sa Tondo ni Marcelino Agana; Anim na Tauhang
Naghahanap ng Isang Mangangatha ni Lilia Antonio; Harutan ni Belinda
Guttierez; at ang Balong Masaya ni Jose Victor Torres. Ang mga ito ay
sumasailalim sa realidad ng buhay ng mga Pilipino at iba pang lahi sa
mundo. Marami mga dulang dayuhan ang itinanghal sa mga teatro sa
bansa, ngunit lahat ng mga ito’y nakasalin na sa Filipino.

Samantala malaking bilang ang maikling kuwento’t nobela ang


naisalin at patuloy na isinasalin sa kasalukuyan. Ito’y mga kuwentong
naglalarawan ng mga tunay na buhay ng mga mamamayan. Ilan sa mg
kuwentong ito ang: Paghahanap ni Orpha Abesamis; Lihim na Pag-ibig ni
Belves Paz; at ang Tigang na Palay ni Jun Cruz Reyes. kabilang naman sa
mga nobela ang: Munting Prinsipeng Pilay ni Rufino Alejandro; Huwag mo
Akong Salangin ni Dionisio Salazar; at ang Ilog na Walang Tulay ni Lorenzo
Tabin.

Mataas din ang bilang ng mga sanaysay na naisalin sa ating


wika. Kinabibilangan ito ng mga titulong Bulag na Pagkadakila ni Erlinda
Abad; Agham at Teknolohiya sa Dantaon-19 ni J. D. Bernal; at Kriminal ng
Digmaan ni Leonora Dimagiba. Bilang isang konstitusyonal na ahensya, ang
KWF ay patuloy naman ang kaniyang mga pagsasalin. Sa katunayan,
nasimulan at nagpapatuloy pa ang mga pagsasalin ng mga klasiko at
pinakamahuhusay na akdang pampanitikan sa daigdig. Isinalin din ang
ilang mga klasikong akda sa iba’t ibang larangan.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 13


Makikita sa kanilang online website na www.kwf.gov.ph ang ilang sa mga
akdang isinalin na maaari nang ma-access ng mga Pilipino upang maging
hanguan ng bagong impormasyon at kaalaman. Inaasahan na sa patuloy
na inisyatibang ito, hindi lamang mapapaunlad ang kaalamang ng
mamamayan kung hindi maisusulong din ang Filipino sa isang kalagayang
intelektuwal.

Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino

Ang pagsasalin ay tiyak na nag-aambag para sa pagsulong ng Filipino sa


ilang pamamaraan. kabilang dito ang:

1. Sa naipamamalas na hindi hanggang sa ordinaryong talakayan lamang


ang magagamit ang Filipino kundi kaya nitong magamit sa pagpapahayag ng
mga intelektuwal na diskurso na makikita sa mga naisaling akda sa agham,
teknolohiya, agham- panlipunan, panitikan at marami pang iba.

2. Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing


pagsasalin. Sa mga katulad ma inisyatiba, nabibigyang katumbas sa ating
wika ang mga konsepto na tanging sa Ingles o ibang wika natin nababasa.
Maaaring ang pagtutumbas na ito ay dumaan sa pagsakatutubo, adaptasyon
o lumikha man ng mahalaga ay magkakaroon ang mga konsepto ng mga
tiyak na katumbas sa Filipino.

3. Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang larangan sa


pamamagitan ng Filipino. Dahil dito, mas naitatampok ng Filipno ang
kakayahan nitong maging imbakan ng karunungan na tinatayang mahalaga
sa pag-unlad at lalong pagpapabuti sa buhay ng mga Filipino.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 14


4. Nagtutulay ang pagsasalin, gamit ang mga naisaling akda, upang
puspusang magamit ang Filipino sa akademiya partikular sa mga kolehiyo at
unibersidad. Kung mga aklat at materyales na panturo o sanggunian ang mga
naisalin magiging mas madali na ang pagtuturo at hindi na magiging dahilan
ang kawalan ng kagamitan kaya hindi ginagamit ang Filipino sa mga kursong
wala pang nalilimbag na aklat sa Filipino.

5. Napapaunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan. Bagama’t


pagpapaunlad din ito ng korpus ng Filipino, partikular na tinutukoy nito ang
mga salita na magagamit para maituro nang mabilis at episyente ang isang
kurso gamit ang Filipino. Dahil sa mga naisaling akda, unti-unti itong
mabubuo ng mga gagamit ng Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang larangan.

FILIPINO BILANG WIKA NG PAGTUTURO AT PANANALIKSIK SA


HUMANIDADES AT AGHAM PANLIPUNAN

Agam-agam ng maraming akademiko at maging mga estudyante kung


posible nga bang magamit ang Filipino sa pagtuturo at pananaliksik.
Bagama’t may mga sumubok na nananatiling palaisipan o sadyang ayaw
tanggapin kung magiging epektibo ba ito.

Kadalasang dahilan ng ilan, posible naman na magamit ang Filipino sa mga


talakayan na tila ba pantulong na wika lamang ito at hindi ang pangunahing
instrumento sa pagtuturo. Maaari daw ito sa mga pasalitang pagkakataon
tulad ng mga panayam at talakayan sa klase, subalit bumabalik na sa
nakasanayang Ingles kung ito’y pasulat na.

Ano nga ba ang ipinapakita ng karanasan ng mga sumubok nang walang


alinlangan sa paggamit ng Filipino sa kanilang mga pananaliksik at pagtuturo?

Filipino Bilang Wika ng Pagtuturo

Maraming kaso ng paggamit ng Filipino upang ituro ang mga kurso na


agham panlipunan at humanidades. Isang magandang halimbawa ang
naging karanasan ni Manuel Dy, Jr. isang propesor ng pilosopiya sa
Pamantasang Ateneo de Manila. Sa kaniyang personal na salaysay,

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 15


nagsimula na siyang magturo ng pilosopiya sa Filipino noong pang 1975.
Impluwensiya ito ng kaniyang mga kaibigan at kasamahan na nagturo din ng
mga katulad na kurso hindi sa Ingles kundi sa Filipino. Kasama sa mg
impluwensiyang ito si Padre Roque Ferriols, S. J. na isang Ilocano at si Dr.
Ermita Quinto ng La Salle na isang Kapampangan.

Hindi lamang iisang kurso sa pilosopiya ang itinuro ni G. Dy sa Filipino kung


hindi tatlo pa. Ang mga ito ay mga Pilosopiya ng Tao, Pilosopiyang Moral at
Pilosopiya ng Relihiyon. Tulad ng inaasahan, lalo na sa mga unang
semester ng pagtuturo, naging mapanghamon ang desisyong ito. Mula sa
hindi pagiging taal sa Tagalog dahil siya’y Cebuano hanggang sa
pagtanggap at kooperasyon ng mga estudyante niya. Subalit hindi naglaon
ay naging maayos na ang daloy ng mga talakayan sa kaniyang mga klase.

Sa karanasang ito napagtanto ni Dy na marapat lamang na gamitin ang


Filipino sa pagtuturo ng Pilosopiya sapagkat may mga kaalaman, halimbawa
sa Pilosopiya ng Tao, na higit na maipapaliwanag gamit ang wikang ito.

Partikular na tinukoy niya ang existential phenomenology kung saan


ipinaliwanag niyang, “ang pinakamahalagang kaalaman sa penomenolohiya
ang pagka-intensiyonal ng kamalayan, ibig sabihin, na ang kamalayan ay may
laging tinutunguhang bagay bukod sa kamalayan mismo, na ang suheto ay
laging suheto ng isang obheto, o na ang tao ay laging may mundo. Sa
madaling salita, walang kamalayan kung walang namamalayan; walang
mundo kung walang taong malay-tao….” at ito ayon sa kaniya ay mas
maipapaliwanag gamit ang Filipino (Dy,2003).

Ngunit hindi natapos sa paggamit ng Filipino sa loob ng klasrum ang


inisyatiba niyang ito. Upang tugunan ang mga hamon tulad ng kawalan ng
babasahing nakalimbag sa Filipino nagsalin siya ng panakamahalagang
teksto sa mga kursong itinuturo niya. Nagsulat din siya ng sariling panayam
at inilimbag para sa kapakanan ng kaniyang mga klase. Nailimbag niya
noong 1979, kasama sina Padre Roque Ferriols at G. Eduardo Calasanz,
ang Magpakato, Ilang Babasahing Pilosopiko. Sinundan pa ito noong 1985

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 16


ng kaniyang Mga Babasahin sa Pilosopiyang Moral na maituturing na
kauna-unahang antolohiya ng Pilosopiyang Moral na naisulat sa Filipino.
Ginamit din sa klase ang salin ni Ferriols na Penomenolohiya at Metapisika
ng Pag-asa para sa kursong Pilosopiya ng Relihiyon.

Hindi rin nagtapos ang paggamit ng Filipino sa kanilang mga talakayan,


sapagkat pinasulat din niya sa Filipino ang mga papel sa kurso ng mga mag-
aaral.

Sa kaniyang pagtatapos ng kaniyang salaysay, nagmungkahi si Dy (2003) ng


mga praktikal na gagawin sa pagtuturo ng Pilosopiya sa Filipino na maaari
namang magamit bilang mga pamamaraan sa pagtuturo maging ng iba pang
mga kurso. Narito ang ideya ng kaniyang mga mungkahi:

1. Huwag matakot na simulan ang paggamit ng Filipino.

2. Iwasan ang Taglish.

3. Huwag matakot magkamali. Mas matuto sa pagkakamali.

4. Matuto sa mga mag-aaral at kapuwa guro.

5. Huwag mag-alinlangang humiram ng mga dayuhang salita kung


walang mahanap na salin sa Filipino. Napapayaman ang isang wika
sa pamamagitan ng paghiram mula sa ibang wika.

6. Magbabad sa kulturang Filipino.

7. Isulat ang mga panayam sa Filipino at ipalathala ang mga ito.

Walang pinag-iba ang karanasan nina Tereso Tullao ng La Salle at Agustin


Arcenas ng UP na nagturo naman ng mga kurso sa ekonomiks gamit ang
Filipino. Hindi rin naiiba ang naging karanasan ni Generoso Benter na
gumamit naman ng Filipino sa pagtuturo ng Lohika. Pare-pareho ang
kanilang mga naging karanasan at hamon at nagkakaisa rin ang mga ito sa
pagpapatunay na epektibo at magagamit nang lubusan ang Filipino sa
pagtuturo ng anumang kurso sa humanidades at agham panlipunan kung

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 17


magpupursige lamang at huwag tamarin dahil sa mga nakaaambang
hamon at kakulangan.

Filipino Bilang Wika ng Pananaliksik

Isa sa mga palasak at di-siyentipikong argumento sa paggamit sa Filipino


sa mga intelektuwal na diskurso ay ang pagrarasong hanggang sa
pasalitang talakayan lamang magagamit ito at hindi sa mga pasulat na
sitwasyon, partikular sa mga pananaliksik at iba pang kaugnay na
publikasyon. Subalit dapat tandaan na ang totoong kulang sa ganitong
sitwasyon ay hindi ang kakayahan ng wika kung hindi ang kakayahan ng
taong gumagamit nito. Hangga’t may mataas na antas na karunungang ang
gumagamit nito, kakayanin ng wika ang anomang pagdidiskursong gagawin,
pasulat man yan o pasalita.

Upang makita ang kawalang basehan ng mga basehang ito makikita sa


Talahanayan 5.1 ang ilang artikulo, riserts at mga tesis at disertasyon sa
agham panlipunan, sining at humanidades na gumamit ng Filipino.

Talahanayan 5.1

Mga Pag-aaral

Artikulo at Pananaliksik May-akda

“Birhen ng Manaoag at ang Tradisyon ng Maria Crisanta Nelmida-


Manag-anito” (2014)
Flores Daluyan 12:2

“Lawas ng Panunuri sa Panitikan ng Pilipinas Rosario Torres-Yu


“ (2004)
Daluyan 12:1-2

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 18


“Ang Sining ng Paninimbang sa Pagtula ni Romulo P. Baquiran, Jr.

Mike L. Bigornia, 1969-1985” (2004) Daluyan 2:2

“Musika sa Pambublikong Paaralan sa Filipinas, Raul C. Navarro

1901-1930” (2004) Daluyan 12:2

“Wikang Bisuwal sa Kanlurang Brenda Fajardo

Bisaya: Pagpapahayag sa Sarili at Lugar” Daluyan 12:2


(2004)

“Ang Kaugnayan ng Pilosopiya sa Paghubog Gerry M. Lanuza

ng Sosyolohiyang Filipino: Ang Pagsasama, Daluyan 12:1


Paghihiwalay at Muling Pagbabalikan ng
Sosyolohiya at Pilosopiya” (2004)

“Feminisasyon ng Paggawa: Pagkalalaki Roland B. Tolentino

sa Serbisyong Sektor” (2004) Daluyan 12:1

Bago Dumating ang social work: Katutubong Maria Corazon J.


Konsepto ng Pagtulong sa Filipinas (2004)
Veneracion

Daluyan 12:1

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 19


Pagburnayan: Ang ladaoan ng mga Iloko sa Mary Jane R. Tatel
tradisyong seramiko ng Filipinas (2014)
Daluyan 2:1

“Ang diyalektika ng pilosopiyang Filipino batay Jovito V. Carino


kay Theodor Adorno” (2014)
Hasaan 1

“Si Roque Ferriols, Wika at ang Larong Emmanuel C. De Leon


Basketbol” (2004)
Hasaan 1

“Taas ng diwa, Linaw ng Katwiran at Sarap Ramon G. Guillermo

ng Salita: Ang Balagtasan sa Hasaan 1


Pangangatwirang Bayan “ (2015)

“Kaya Nakikinig ang Lupa at Lumilipad ang Mark Anthony S. Dela


Balita: Ang Tsismis at ang Tunggalian ng mga
Cruz
uri sa Lipunang Pilipino” (2014)
Hasaan 1:1

“Ang Proseso ng Transkripsiyon ng mga Ramon G. Guillermo


Inskripsiyon sa mga Bato ng Ticao” (2014)
Social Science Diliman 8:1

“Ang Pilosopiya ng Pierre Bourdieu bilang Feorillo Demetrio at Liane


Batayang Teoretikal sa Araling Pilipino”
Liwanag Kritike 8:2
(2014)

“Pambansang Salbabida at Kadena ng David Micheal San Juan


Dependensiya: Isang Kritikal na Pagsusuri
Malay 27:1
sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas”

“Ingles at Pedagohikal na Pagganap nito sa Gozalo Campoamor III


Reproduksiyon ng Paggawa” (2013)
Daluyan 19:1

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 20


Tesis at Disertasyon May-akda

“Wika, Militarismo at Ultranasyonalismo: Ang Yolanda B. Alfaro


Pagpaplanong Pangwika ng Japan sa Pilipinas sa
Panahon ng Digmaan (1942-1945)”

“Ang Diskursong Patriarchal sa Ilang Piling Naratibo ng Flaudette May V. Datuin


nakalimbag na Panitikan ng Kilusang
Pambansademokratiko 1970-1991”

“Wika at Relihiyon: Panimulang Pag-aaral sa Wika ng Jovy M. Peregrino


Iglesia ni Cristo (INC)

“Ang Diskursong Panlipunan sa mga Pelikulang Masaker Jaime Martin R. Meneses


ni Carlos J. Caparas”
,Jr.

“Dalumbayan ng Manggagawa sa Konteksto ng Apolonio B. Chua


Militanteng Kilusang Unyonismo (1980-1994)”

“Ang Relasyon ng Ekonomiya at Wika sa mga Belling Ayta Rosita M. Mendoza


ng Labney”

“Iba’t ibang Larawan ng Kababaihan sa mga Ilang Nobela Consuelo F. Valerio


ni Lualhati Bautista”

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 21


“Ang Intelektwal na Pamana ng mga Pangunahing Emmanuel C. De Leon
Pilipinong Pilosoper sa Kasaysayan ng Pamimilosopiyang
Filipino: Quit, Mercado, Hornedo, Timbreza, Abullad at
Co”

Narito ang ilan sa abstrak ng mga pananaliksik na nasa larangan ng


humanidades at agham panlipunan. Sa larangan ng pilosopiya, ang artikulong “Si
Roque Ferriols, Wika at ang Larong Basketbol” ni Emmanuel De Leon ay makikita sa
Hasaan, Tomo 1 (2014) Ang papel na ito ay tumatalakay sa gawaing pilosopikal na
iminumungkahi ni Roque Ferriols, isang paring Heswita, dalubguro at pilosopo. Sa
unang bahagi ng papel , masinsinang inuugat ang proyekto ng nasabing pilosopo.
Nakasentro sa pagmumulat sa halaga ng gawing pagkatao at pagkahiwatig ni Ferriols
sa potensyal ng wika ang papel na ito. Sa pagkagising at pagkamulat natin sa
reyalidad ng wika bilang tahanan ng katotohanan, kailangang itong itaas sa libel ng
epistemolohiya. Kasama rito ang hamon ng pag-iisip sa gilid-gilid. Sa huling bahagi ng
papel, isang matapat na pagtingin sa larong basketbol ang ating matatagpuan
magbigay ng isang kongretong praktikum sa uring pag-iisip na inilalarawan ni Ferriols.
Penomenolohikal ang pamamaraan. Hindi ito nagnanais na maglagay ng mga ganap
na depenisyon, bagkus layunin lamang nitong maglarawan ng uring kaisipan mula sa
mga tuwirang sinabi ni Ferriols sa kaniyang mga sinulat at sa mga pahiwatig nito. Sa
larangan naman ng edukasyon, tinalakay nina Jane K. Lartec (2014) at mga
kasamahang mananaliksik mula sa Saint Louis University ang paggamit ng wikang
Filipino bilang inklusibong wika ng edukasyon. Narito ang abstrak ng kanilang
pananaliksik.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 22


Ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy sa kagustuhang malampasan ang
mga hadlang sa partisipasyon at pagkatuto ng lahat ng mga mamamayan sa
paaralan – anuman ang kanilang wika, politika na paninindigan o uring
kinabibilangan. Upang matamo ito, mahalaga ang papel na ginagampanan ng
inklusibong wika.

Kung kaya, layon ng pag-aaral na suriin ang paggamit ng inklusibong wika sa


Filipino ng mga guro sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint Louis
University, Baguio City. Ginamit ang deskriptibong pamamaraan upang makuha ang
mga datos mula labing-anim na respondent. Lumabas sa resulta ng pag-aaral na
ang paggamit ng mga guro ng inklusibong wika sa Filipino ay ay kalimitang ukol sa
katawagan saa kapansanang pisikal at mental. Natuklasan ding nangungunang salik
ang ugnayan ng wika at kultura sa paggamit ng inklusibong wika tungo sa
pagpapatupad ng inklusibong edukasyon. Sa huli, ang mga mungkahing
pamantayan mula sa mg guro ay nagbibigay ng pansin sa lahat ng domeyn ng
holistikong pagkatuto gaya ng pagkakaroon ng kaalaman, pagpapahalaga at
pagsasagawa. Samakatwid, kailangang bigyang-pansin ang ugnayan ng wika at
edukasyon sa pagtamo ng inklusibong edukasyon sa lahat ng aspekto at larangan.

Sa pag-aaral ng varyasyon ng wika, matutuklasan na iba’t iba ang diyalekto


ng wikang Subanen sa Zamboanga Peninsula sa pag-aaral ni Julieta Cruz
Cebrero (2014).

Ang mga Subanen ay isa sa mga etnikong pangkat na nainirahan sa


Zamboanga Peninsula. Isinagawa ang pag-aaral upang malaman ang
linggwistikong pagkakaiba sa wikang Subanen na ginagamit sa Lapuyan,
Zamboanga del Sur at sa Sindangan, Zamboanga del Norte. Kinalap ang mga
katawagang kultural sa siklo ng buhay, pangkabuhayan at pananampalataya sa
pamamagitan ng pamamaraang indehinus nina Santiago at Enriquez. Sinuri
ang mga ito gamit ang kwalitatibo, kwantitatibo at deskriptibong pamamaraan.
Sa huli, natuklasan na ang dalawang dayalek sa Subanen ay may varyasyon na
leksikon, morpolohiya at ponolohiya.

FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA 23

You might also like