You are on page 1of 104

Mga Batayan ng

Intelektuwalisasyon
ng Wikang Pambansa

Modyul 1
Filipino 1: Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino
WIKA
Sistema ng mga arbitraryong vokal-simbol na
ginagamit ng mga miyembro ng isang
komunidad sa kanilang komunikasyon at
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
Wika at
Diyalekto
Wikang Pambansa

Gampanin Wikang opisyal


ng wika sa
Lipunan
Wikang panturo
Wikang Pambansa vs Wikang
Opisyal

Wikang Pambansa- wikang


napagkaisahang gamitin ng isang
pangkat ng tao

Wikang opisyal- wikang itinadhana ng


batas na gagamitin sa sentro ng
pamahalaan at kalakalan
Artikulo 14, Sek.6, 1987 Konstitusyon

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat na payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at
sa iba pang mga wika.
FILIPINO
katutubong wika, pasalita at pasulat sa
Metro Manila, ang pambansang punong-
rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa
arkipelago, na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo
FILIPINO
bilang Lingua Franca

• Lingua franca- wikang pantulong sa


komunikasyon ng taong may sari-
sariling wikang katutubo

• Wikang galing sa hinalong Pranses at


Italyano na ginamit ng mangangalakal
at crusader noong 11th at 12th siglo
Ang pagkilala sa varyasyon ay
makatutulong upang malaman ng
bawat isa na kabahagi siya sa
pagpapaunlad ng WP.
Artikulo 14, Sek. 7,
1987 Konstitusyon

Ukol sa mga layunin ng komunikasyon


at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't
walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Art. 14, Sek 6, 1987
Konstitusyon
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon
sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.
E.O. 335, s. 1988

Kautusan tungo sa mahusay at de


kalidad na paggamit ng Wikang
Filipino sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensiya at
instrumentality ng pamahalaan
Patakarang Edukasyong
Bilinggwal sa Pilipinas

DECS Memo #25, s, 1974

DECS Memo #52, s,1987


Sa pagpapatupad ng patakarang bilinggwal sa bansa,
malinaw na malinaw na mababakas pa rin ang mga
pinaniniwalaang doktrina ng gobyerno at magulang hinggil
sa pagkatuto ng wika:

Una: Ang pinakamabisang paraan ng pagkatuto ng wika


ay sa pamamagitan ng paggamit dito
bilang wikang panturo.

Ikalawa: Upang matuto nang pangalawang wika, dapat


itong matutunan sa murang edad pa lamang.;

Ikatlo: Ang wika sa tahanan ay nakasasagabal


sa pagkatuto ng ikalawang wika.
Wika ng Pagkatuto
vs.
Pagkatuto ng Wika

Wika ng pagkatuto (language of learning)

Pagkatuto ng wika (language acquisition)


Si Cummins (1981) na mismo ang nagsabi na
kinakailangan ng hindi bababa sa limang taon
nang pag-aaral nang pangalawang wika upang
epektibong magamit ito bilang wikang panturo.

Bagama’t lumalabas sa pag-aaral ni Cenoz


(2009) nasa (Kirkpatrick, 2012) na totoong mas
maagang mag-aral ng pangalawang wika ang
mga bata ay mas madali ang pagkatuto dito, ang
pagkatutong ito ay nangyayari kung ang mag-
aaral ng wika ay nasa “natural language
environment”.
• Banyagang wika sa Pilipinas ang Ingles at
mananatiling banyagang wika ito ng mga
Pilipino dahil walang komunidad ng Ingles
sa bansa.

• Artipisyal ang paggamit ng Ingles dahil


walang komunidad ng Ingles sa Pilipinas.
• Nag-aaral ang mga batang Pilipino
ng mga bagay na di nila alam sa
wikang di rin nila alam.

• Sapagkat mahirap matutuhan ang


Ingles, kailangang pag-ukulan ito ng
pansin dahil dito, nasasakripisyo ang
ibang mga sabjek
Sitwasyong Pangwika
ng Pilipinas
• Wikang Pambansa
Filipino
• Wikang Opisyal
Filipino at Ingles
• Wikang Panturo
Patakarang Edukasyong Bilingwal,
MTB-MLE
WIKA bilang instrumento

Sentimental na gamit ng wika

Instrumental (utilitaryo) na gamit


ng wika
Sentimental na gamit ng wika

Ekspresyon ng pambansang kaluluwa

Simbolo ng identidad/kabuhayan

Simbolo ng Kalayaan at pagkakaisa

Simbolo ng pagkabansa
Utilitaryong Gamit ng Wika

• Daluyang wika ng pambansang kultura at


sibilisasyon (tradisyon, paniniwala,
pagpapahalaga at aspirasyon)

• gamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga


ideya, pamanang lahi (heritage) at
karanasan sa kalahi
Utilitaryong Gamit ng Wika
• Kasangkapan sa pag-aaral at pagkatuto
ng iba’t ibang konsepto

• Kasangkapan sa pagtatamo at/o


pagpapalawak ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa iba’t ibang
larangang pang-akademiko
WIKA at KULTURANG
PILIPINO

Para maging epektibo sa kani-kanilang


trabaho, hindi kailangang mag-Ingles pa
ang magsasaka, mekaniko, mangingisda,
tindera, maglalako, tsuper, manggagawa, at
iba pang tunay na tagapagpagalaw ng
buhay-lipunan.
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Ang mga nag-oopisina sa Makati,
Filipino rin ang palasak na pananalita,
bagama’t napipilitan ang lahat na isulat
ang mga opisyal na sulat
komunikasyon sa Ingles, na
kadalasa’y bali-bali o pauga-uga.
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Kalimitan, ang kaalamang itong dala ng Pilipino
tungkol sa kabuhayan at pamumuhay ng lahat
ay kaila sa mga “edukado” sa Ingles, na dahil
dito ay nahihirapang iangkop ang kanilang
nalalaman sa pangangailangan ng bayan.
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Sila ay napapalayo hindi lamang sa
pagkakultura-at-wika kundi sa mga problema
mismo sa lipunan:

Ang kawalan ng epekto ng mga “intelektuwal”


ay lalong lumulubha dahil sa pagkakalayo sa
sariling kultura, ang pinakamasaklap na uri ng
pagkatiwalag o alyenasyon
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Sa ugali at damdamin, ang pagkakalayo sa
bayan dahil sa Ingles, sa kabutihang palad
ay di gaanong malubha.

Karamihan sa mga nag-i-Ingles-inglesan ay


nagsasalin lamang mula sa Filipino o kaya’y
mula sa isang katutubong wika
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Mahalagang bigyang-diin ang katotohanang pati
na sa pag-Ingles natin, ang ugali at damdaming
napapaloob sa ating wika ay namamayani pa rin
sa personalidad ng nagsasalita

Nagpapahiwatig ito na hindi kailanman


makapapasok ang Ingles sa katauhang Pilipino
sapagkat ang mga gawi at damdaming
nakabalangkas sa ating wika ang siyang nasa
buod nito.
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Ganito rin sa pag-iisip at kaisipan

Ang pinakamahalagang katibayan nito ay ang


pangyayaring lahat ng “karaniwan” at pang-araw-
araw na komunikasyon (ibig sabihi’y iyong
pasalita at hindi tungkol sa burokrasyang mana
natin sa mga Amerikano) ay isinasagawa, higit sa
lahat sa Filipino
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Kapuna-puna’y nagaganap ito sa lalo na sa
mga Pilipino sa ibayong-dagat, dahil
marahil doon nila direktang nalalaman ang
kaibahan ng isip-Pilipino sa ibang kabuuang
kultural
WIKA at KULTURANG
PILIPINO
Ang pagpapahalaga, ang pagpapalalim at
pagpapalawak ng mga konseptong taal sa ating
wikang Pambansa (at sa mga wikang katutubo sa
ating lipunan bilang tagapagpalawak at
tagapagpayaman) ay magiging batayan hindi
lamang ng pagpapahayag ng sariling pilospiya at
pananaw sa daigdig at kalikasan, kundi alinmang
tunay na orihinal na ambag sa paglilinang ng
kaisipang unibersal.
MGA SANGGUNIAN:
Constantino, P. (2005). Pananakop at Pagpapasakop sa mga Wikang Pambansa
sa Timog-Silangang Asya. Nasa P. Constantino (ed). Filipino at
Pagpaplanong Pangwika: Ikalawang Sourcebook ng SANGFIL.
Quezon City: UP-SWF

Cummins, J. 2008. Teaching for transfer: Challenging the two solitudes


assumption in bilingual education. In The encyclopedia of
language and education.Vol. 5. Bilingual Education, 65􏰀75. New
York: Springer.

Kirkpatrik, A. (2012). English in Asean: Implications for Regional


Multilingualism. Journal of Multilingual Development. (33) 331-344

Ramos, J.F. (1996). Pulitika ng pagpili/paggamit ng wika sa lipunang Pilipino.


Nasa Constantino, P at Atienza, M (eds). Mga Piling Diskurso sa
Wika at Lipunan. Quezon City: UP Press
MGA BATAYANG KONSEPTO
AT KASAYSAYAN NG MAKA-
FILIPINONG PANANALIKSIK

FIL 1: Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Unang Termino, TA 2020-2021
ANO NGA BA ANG
PANANALIKSIK?
ORYENTASYONG FILIPINO SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay isang unibersal na gawain. Hindi ito


nasasagkaan ng wika at mga heograpikal at pisikal na
hangganan ng mga kultura at mga bansa.
ORYENTASYONG FILIPINO SA PANANALIKSIK
Sa kaso ng ating bansa, dumanas tayo ng maraming
kolonisasyon at mga pagbabago sa kultura, heograpiya,
ekonomiya, at maging sa sikolohiya, kaya mahalaga pa ring igiit
ang pagkakaroon ng isang oryentasyong katutubo—isang
oryentasyong Filipino-lalo na sa larangan ng pananaliksik.
ORYENTASYONG FILIPINO SA PANANALIKSIK
Ang maka-Filipinong pananaliksik ay isang uri ng pananaliksik
na kumikiling sa konteksto ng kulturang Filipino. Bunga ito ng
pagkilala sa pag-iral ng mahabang panahon ng kolonyal na
edukasyon na naging dahilan ng paghahati sa pagitan ng mga
nakapag-aral na Filipino sa pangkaraniwang mamamayan.
ORYENTASYONG FILIPINO SA PANANALIKSIK

Nagdulot ito ng mga metodong “angat-patong” o paggamit ng


mga instrumento ng pananaliksik na kinopya mula sa mga
dayuhan at inilalapat sa mga Filipino nang hindi binibigyang-
pansin ang natatanging kultura ng mga Filipino.
Anu-ano ang mga batayan
sa maka-Filipinong
pananaliksik?
Mga Batayan sa Maka-Filipinong Pananaliksik
1. Paksa
-mahalagang paksain ang mga konsepto na magbubunga ng ambag sa mas
malalim na pag-unawa sa kalagayan at patutunguhan ng mga Filipino.

2. Pamamaraan
-maaaring magtanong-tanong, mangapa, makipagkuwentuhan at
makipamuhay bilang halimbawa ng mga katutubong paraan ng
pananaliksik.Malaking konsiderasyon dito ang pagkilala at paggalang sa
paraan ng komunikasyon ng mga Filipino upang matiyak ang palagayang-
loob sa pagitan ng mananaliksik at kalahok
Mga Batayan sa Maka-Filipinong Pananaliksik
Etikal ang pananaliksik kung ang proseso at resulta ay nagpapahalaga sa
maka-kapwang ugnayan.
-hindi basta-basta umaangkat ng mga metodo mula sa mga dayuhan. Sa
halip, sinusuri kung ang mga metodo ay angkop sa kilos at gawi ng mga
Filipino.
3. Pananaw
-Bukod sa siyentipikong batayan ng panunuri, kailangang isaalang-alang
din ang kultura ng bayan 2 at ang kanyang kasaysayan sa pagsusuri ng
mga impormasyon at sa pagbibigay ng rekomendasyon.
-Maka-Filipino ito kung ang pananaliksik ay may matalas na pag-unawa
sa kulturang Filipino.
Mga Batayan sa Maka-Filipinong Pananaliksik

4. Ang mananaliksik
-Ang pananaliksik ay natatanging pagkakataon upang makapag-ambag
ng kaalaman ang tao.
Sa pamamagitan nito, naibabahagi ang mga natatanging ideya at
panunuri na maaaring pagbatayan pa ng mga susunod na henerasyon.
Mga Batayan sa Maka-Filipinong Pananaliksik

5. Tagatanggap ng pananaliksik
-Upang maging tunay na makabuluhan ang pananaliksik nararapat
itong tumugon sa mga pangangailangan ng bayan. Sa pamamagitan
lamang nito, maaaring tunay mapaunlad ang bansa na siya rin naming
tunguhin ng pananaliksik na maka-Filipino.
Mga Batayan sa Maka-Filipinong Pananaliksik

6. Wika ng pananaliksik

-Ang wika ay nagdadala ng kultura at ang kultura ay ipinahahayag ng


wika. Sa paggamit ng sariling wika napapalakas ang pagtangkilik sa
kulturang Filipino at higit na maaaring maunawaan ng bayan ang
pananaliksik na nasa wika rin ng kanilang buhay.
PAGLINGON SA MGA
NAGLAGAK NG MUHON
SA IBA’T IBANG
PANAHON
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
Panahon ni Rizal
(Taong 1887)
• Pinagsisimula kay Rizal ang kamalayang Pilipinista, at kaakibat nito’y ang
artikulasyon ng pag-aaral
at pagkilala ng/sa sarili bilang integral at pundamental na bahagi ng
kabansaan.
• Taong 1887 pa lamang ay naipahayag na ni Rizal kung ano ang dapat na
maging tunguhin ng mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas: pag-aaral nating mga
Pilipino tungkol sa atin at para sa atin.
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
(Taong 1887)

• Napagtanto niyang wala nang ibang tunay na maaaring


magmalasakit sa bayan kundi ang sarili ring mga kababayan.
Aniya, ang pag-aaral sa Pilipinas ay dapat maging “isang pag-
aaral…ng kaniyang mga anak sa konteksto ng kaniyang kaisahan
at identidad”
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
(Taong 1887)

• Kahibla ng pagsasabansa hindi lamang ang paglaya sa


anumang opresyon kundi lalo’t higit ang pag-unawa sa sarili
(self-understanding) at sariling pagtatakda (self-definition).
Ang “sariling” ito ang tinutukoy na “loob” ng lipunan at
kalinangang Pilipino.
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON (Taong 1887)
• Sinimulang tunghayan ni Rizal ang “loob” na ito sa dalawa niyang pangunahing
hakbang matapos mabigo ang planong AIP.
a. kinomentaryuhan niya ang Sucesos de las Islas ni Antonio de Morga (1609)
bilang pagkilala sa mahalagang papel ng pag-aaral ng kasaysayan upang lubos
na maunawaan ang sarili.

b. sumapi siya sa La Solidaridad—samahan at pahayagan ng mga Propagandistang


nagsusulong ng repormang sosyo-politikal para sa Pilipinas.

Sa huli, kinilala niya ang halaga ng “pakikipag-usap” at pakikiisa sa mga


kababayan bilang integral na bahagi ng “Sarili.”
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
Taong 1989
• Nasaksihan ang realisasyon ng adhikain ni Rizal para sa mga pag-aaral tungkol
sa Pilipinas.

• Itinatag ang “Pilipinolohiya” sa UP Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at


Pilosopiya (DAPP o CSSP) bilang isang eskuwela ng kaisipan at programang
doktoradong nagpunyaging bumalikwas mula sa masyadong tuon sa
kanluraning modelo, paradigma, kaisipan, at metodolohiya ng noo’y
“makaAmerikanong Philippine Studies” (Covar, “Pagtatataya”).
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON (Taong 1989)
• Pinuna ang umiiral na “Philippine Studies” bilang isang “araling pang-
erya” (area studies) na tumitingin sa Pilipinas bilang isang larang
lamang ng “unibersal” (basahin: Kanluranin) na paksain sa panahon ng
Cold War.

• Kakabit umano ito ng adyendang kontrolin ang produksiyon ng


kaalaman, lalo na ng mga Amerikano at Europeo tungkol sa atin upang
mapanatili ang kanilang gahum.
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON (Taong 1989)
• Subalit hindi nanatiling pasibo ang mga Pilipinong iskolar sa nasabing interes. Kung
tutuusin, mas maaga pa, naipahayag na ng noo’y presidente ng UP, Carlos P. Romulo, sa
kaniyang talumpati sa pulong ng University Council noong 18 Agosto 1966, ang
pangangailangan para sa nasyonalisasyon ng kaalaman. Nakaangkla sa isinusulong na
nasyonalismo ng Unibersidad ang;

a) Filipino scholarship, Filipino discipline, Filipino passion for truth.


b) “cultural leadership” na siyang itinakdang gampanin para sa nasabing Akademikong Taon
bilang “Year of the University and the Nation”
c) Isa sa mga kongkretong hakbang tungo rito ay ang institusyonalisasyon ng ekstensibong
programa ng mga kurso sa Philippine Studies sa layong paunlarin ang kurikulum
alinsunod sa pangangailangang patingkarin ang karakter ng UP bilang isang “Filipino
institution of higher learning...”
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
Huling Hati Ng Dekada 60 Hanggang 70

• Isang “intellectual ferment” wika nga, kasabay ng aktibismo sa lansangan, ang


maghahawan ng landas sa tahasang pagkikritika sa mga disiplina, lalo na ng
agham panlipunan at humanidades.
• Nagsilbing palabinhian ang dalawang larang na ito ng mga kaisipan at pagkilos
para sa muling pagpopook (recontextualization) at muling pagdadalumat
(reconceptualization) ng Philippine Studies patungong “Araling Pilipino” at
“Pilipinolohiya” nang malaunan.
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
Huling Hati Ng Dekada 60 Hanggang 70
• Integral ang “paradigm shift” na ito sa tinataguriang “kilusang indihenisasyon”/
“pagsasakatutubo” o “Awtonomong Komunidad” o “pagsasaPilipino” ng
akademya na umarangkada noong kalagitnaan ng 1970 hanggang 1990.
Pilipinisasyon” ni Salazar
• Problematiko raw ang terminong “indigenous” o
“katutubo.” Kaya’t ito ang terminong kanyang ginamit.

• Nagkakaroon lamang, diumano, ng saysay ang


“katutubo” sa harap ng “Iba.” Reaksiyonaryo ang
tuligsa niya sa labis at tahasang pakikipagtugaygayan
sa “Iba” o sa “labas ng Sarili.”
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
Huling Hati Ng Dekada 60 Hanggang 70

• Kasarinlan
isang matatag na tindig sa kakanyahan ang namamayaning
tunguhin, umano, ng Pilipinisasyon.

• Nakatuon ito sa Pilipino bilang paksa, Filipino bilang wika ng


pananaliksik at talastasang akademiko, at higit sa lahat, may saysay o
kabuluhan para sa mga Pilipino
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
Paano magiging makabuluhan?
• Pag-uugat sa sariling realidad–kasaysayan, lipunan at kalinangan–ang
itinugon.

• At dahil sa wika nasasalalay ang artikulasyon ng realidad na ito,


nanawagan sila para sa paggamit ng sariling wika sa pamantasan. Kung
kaya sa esensiya, wika ni Salazar, ang indihenisasyon/Pilipinisasyon ay
kilusan sa“pagsasawikang-P/Filipino ng edukasyon, lalo na sa mga
unibersidad sa pangunguna ng UP”
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON
Dekada 70
• Sang-ayon kay Covar, pinabilis ang
“indigenization” ng araling maka-
Amerikano sa UP nang magsibalikan noong
dekada 70 ang mga ipinadalang iskolar sa
ibang bansa para sa kanilang doktorado.
• Sa bakuran ng noo’y College of Arts and Sciences (CAS), partikular
na sa mga larang ng agham panlipunan at humanidades
dumaluyong ang iba’t iba subalit magkakaugnay na artikulasyon
tungo sa paglikha ng isang makabayang diskurso.
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON (Dekada 70)
• Sa agham panlipunan, tatlong nasyonalistang iskolar ang naglagak ng pundasyon ng
“Pilipinisasyon”: sina;
a. Virgilio G. Enriquez ng UP Departamento ng Sikolohiya,
b. Prospero R. Covar ng UP Departamento ng Antropolohiya, at
c. Zeus A. Salazar ng UP Departamento ng Kasaysayan.
• Bilang bahagi ng pagkikritika sa kani-kanilang disiplina, itinatag nila ang tatlong
programatikong naratibong magsisilbing gulugod ng malauna’y tatawaging “Agham
Panlipunang Pilipino” o isang “nagsasariling talastasang Pilipino”/”talastasang
bayan” sa pamantasan.
• Itinambuli nila ang magkatuwang na diskurso ng paglaya at pagpapalaya mula sa
kolonyal na diskurso at “pagtahak ng sariling landas tungo sa kabansaan” (Navarro,
Rodriguez at Villan; Aquino; S. L. Mendoza; Navarro at LagbaoBolante).
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON (Dekada 70)
• Isa si Virgilio Enriquez sa mga nanguna sa paggamit ng sariling wika
bilang midyum ng pagtuturo sa pamantasan noong 1965.
• Matapos ang doktorado sa Social Psychology sa Northwestern
University, Illinois sa Amerika, napagtanto niya ang pangangailangang
magsagawa ng sikolohiyang nakaugat sa lipunan, kultura,
at wika ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga sarili
nating konseptong “diwa,” “kalooban,” “kamalayan,” “ulirat,” “isip,” at
“kaluluwa,” napalalalim at napalalawak, aniya, ang
pagpapakahulugan sa sikolohiya lampas pa sa karaniwang depinisyon
nito bilang “agham ng pagkilos ng mga organismo”.
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON (Dekada 70)
Virgilio Enriquez
• Bagaman nilinaw niyang hindi dapat kumiling sa
pagkapartikular o sa pagkaunibersal ang pagunlad ng SP,
kinikilala pa rin niyang may mga paksang nag-uugat sa
pagkapartikular gaya ng mga nasa larang ng sikolohiyang
panlipunan, sikolohiyang kognitibo, kultura at pagkatao.

• Matutunghayan ito sa paglilinang niya ng konseptong “kapuwa” bilang “pinaka-


ubod (core) ng mga halagahang Pilipino.” Ibang-iba aniya, ito sa “others” sa Ingles
dahil higit itong nakatuon sa idea ng pagkakaisa ng sarili at ibang tao– isang
“ibinahaging sarili” (shared self/identity) na higit na mauunawaan sa iba’t ibang
antas at moda ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t isa
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON (Dekada 70)

• Pakikipagkapwa rin ang prinsipyong ipinambalangkas sa paglilinang ng


mga katutubo/makaPilipinong pamamaraan ng pananaliksik na labis na
nagsasaalang-alang o sensitibo sa kultura at sensibilidad ng mga
sinasaliksik.
PAGLINGON SA MGA NAGLAGAK NG MUHON (Dekada 70)
• Subalit hindi lamang sa usaping metodolohiko madarama ang bisa ng paggamit
ng katutubong wika. Kinasangkapan din ito ng SP sa pagdevelop ng sariling
teoretisasyon.

Ipinakilala ni Enriquez ang dalawang tunguhin ng pagdadalumat:


(1) “indihenisasyon mula sa loob,” i.e., paggamit ng sariling kultura bilang bukal
ng kaalaman at mga konseptong katutubo na matapat na naglalarawan ng
pananaw sa daigdig ng mga Pilipino; at
(2) “indihenisasyon mula sa labas,” i.e., pag-aangkin ng mga konseptong mula sa
banyaga sa pamamagitan ng pagsasalin, pag-aandukha at kultural na mga ito
sa karanasan ng mga Pilipino.
PANTAYONG PANANAW
Pantayong Pananaw
• “Nasa panloob na pakakaugnay-ugnay at pag-uugnay-ugnay ng mga
katangian, halagahan, karunungan… ng isang kabuuang pangkalinangan…
sa loob ng isang nagsasariling talastasan”– ganito maibubuod ang
Pantayong Pananaw (PtP), ang pangunahing ambag ni Zeus Salazar sa
larang ng Pilipinong pagdadalumat.
• Sentral dito ang sariling wika bilang pangunahing tagapagpahayag ng
nasabing kabuuang pangkalinangan (Navarro, Rodriguez at Villan 1997, 1).
Pantayong Pananaw
• Bagaman bukas siya sa pagsasalin at pag-aangkin ng mga kategoryang banyaga,
pagtatangka rin ito ng PtP na itampok ang mga partikular na kahulugan (nuances)
ng sariling katutubong dalumat bilang batayan ng nililinang na “talastasang bayan”
sa akademya.
• Higit na matimbang para kay Salazar ang pagbuo ng mga teoryang nag-uugat sa
wika at karanasang Pilipino kaysa pag-aangkop ng teoryang Kanluranin, lalo na
yaong mga hindi pa napapatunayan ang silbi at bisa sa sarili nating lipunan-at-
kalinangan.
• Nangahulugan ang “pagpasok” ng paglalatag ng mga bagong kaalaman, pananaw,
at kaparaanan kung paano uunawain ang sariling kasaysayan noong una, at sa huli’y
ang nalikha nitong lipunan at kalinangan.
PILIPINOLOHIYA
Pilipinolohiya

• Ginawa nilang proyekto ang pagpapalaganap at pagpapalalim ng


Pilipinolohiya bilang “pinakahaliging adhikain” hindi lamang ng
kaniyang panunungkulan kundi ng pagbubuo ng Kabihasnang Pilipino.”

• Aniya, “Pantayo ang batayang pananaw ng Pilipinolohiya” bilang


“panloob o mula sa loob na pag-aaral ng kasaysayan, kabihasnan at
kakanyahang pambansa ng Kapilipinuhan” kaiba at kasalungat ng
“Philippine Studies.”
Pilipinolohiya
• Gayundin naman, Pilipinolohiya ang tinitingnang “disiplinang bubuo ng
isang ‘pantayong pananaw’ o pambansang diskursong pangkabihasnan
para sa mga Pilipino” (Salazar, “Paunang Salita” 7; Covar, “Pilipinolohiya”
44).

• Mula sa pambansang diskursong ito huhugot, umano, ng lakas ang


Pilipinong iskolar sa kaniyang pakikipagugnayan, pag-aaral, at pagsusuri
ng mga bagay sa labas o araling pang-erya (area studies) gaya ng “Timog
Silangang Asya,” “Asya-Pasipiko,” at iba pa.
Pilipinolohiya
• Paniniwala ni Salazar, wika ang pangunahing instrumento ng
pagsasalin ng kaalaman mula sa “Iba”/ “labas” patungo sa
“Sarili”/”loob” at vice versa.

• Sa pamamagitan ng pagsasalin, mapagyayaman ang anumang disiplina o


agham sa diwang Pilipino kasabay ng pagpapalalim ng pag-unawa ng
Pilipinong iskolar sa sariling pagkatao at kakanyahan
(Salazar, “Pilipinolohiya” 336).
Pilipinolohiya
• Pundamental, samakatwid, ang Pilipinolohiya sa pagpapalawig ng
kapantasang Pilipino. Bilang disiplina ng pag-aaral, naghuhugpungan
dito ang mga usapin ng wika, pananaw, at pambansang kabihasnan.
• Samakatwid, higit pa sa isang disiplina, ang Pilipinolohiya ay isang
“pagpupunyaging pangkalinangan at pang-edukasyon”.
• Gaya ng Pilipinolohiya, kinakailangan ani Salazar, na umugnay,
“makipagkaibigan” ng kasaysayan sa iba pang disiplina upang gagapin
ang kabuuang kultura bilang batispangkasaysayan at pook na hindi
lamang isang lugar na kinatatayuan kundi isang punto de bista at
paninindigan.
Ang Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar at ang Pilipinolohiya ni Prospero Covar
• Sa pagkahirang sa kaniya bilang Tagapag-ugnay ng Programang Doktorado sa
Pilipinolohiya ng DAPP noong 1989, siya ang nagpanukalang palitan ang pangalang
“Araling Pilipino” patungong “Pilipinolohiya.”

• Hinango ito sa dalawang pinagdugtong na salita: “Pilipino” at “lohiya” na sa kabuuan


ay nangangahulugang “sistematikong pag-aaral” sa tatlong larangan ng Kapilipinuhan:
(1) kaisipan;
(2) kultura (kasama na ang wika, iba’t ibang larang ng sining, pilosopiya at relihiyon); at
(3) lipunang Pilipino. Layon nito, aniyang bumuo ng isang agham na magpapalitaw ng
pagka-Pilipino ng bawatlarangan.

• “pagkataong Pilipino” kaugnay ng “pakikipagkapuwa”


Ang Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar at ang Pilipinolohiya ni Prospero Covar
• Tinukoy niya ang iba’t ibang dimensiyon nito: ang “labas,” “loob” at “lalim”
alinsunod sa metapora ng banga tampok ang kaluluwa at budhi bilang mga
elementong nasa kaibuturan ng pagkatao (Covar, “KaalamangBayang Dalumat”).
• Nagsanga ang pagdadalumat sa iba pa, e.g., “sambahayan” bilang pundamental
na pundasyon ng ating lipunan, “kapatiran” at “paniniwala” (mula sa konseptong
“messianic social movement”)
• ...ang pananaw [na “Pantayo”] na nakasanib sa Pilipinolohiya ang siyang
magbibigay ng kaganapan sa kabihasnang Pilipino. Ito ang magpapalaya sa ating
mga Pilipino.
Mga Hakbang Túngo sa
Intelektuwalisasyon ng
Wikang Pambansa

Modyul 2
Filipino 1: Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Pagpaplanong Pangwika
Isang organisadong pagdedesisyon tungkol sa
wika. Maaaring solusyon ito sa problema o
kaya’y pagbabago sa estruktura at elemento nito,
upang magabayan ang development nito sa
konteksto ng pagbabagong panlipunan,
pangkultura at panteknolohiya.

Karaniwang ginagawa ito ng mga akademisyan at


komiteng pangwika (Fishman, 1971; Alisjahbana,
1972; Rubin & Jernud, 1971; Haugen, 1968)
Seleksiyon
Mga
Dimensiyon
ng Estandardisasyon
Pagpaplanong
Pangwika
(Haugen, Propagasyon
1968)

Elaborasyon/Kultibasyon
Seleksiyon
Proseso ng pamimili ng norm o wika o
anyo/barayti nito para sa partikular na
paggamitang lugar o konteksto.
Estandardisayon
Proseso upang matamo ang unipormidad,
konsistensi at pagtanggap sa kumbensiyon
ng mga anyong pasalita na inililipat sa mga
anyong pasulat sa pamamagitan ng mga
gramitika, manwal sa retorika, tuntunin sa
pagbabaybay at literatura.
Propagasyon

Ang pagpapalaganap ng wika sa iba’t ibang


uri o anyo ng paggagamitan gaya ng midya
(pahayagan, radyo, TV) at akademya
(jornal, tesis, disertasyon, libro, atbp).
Elaborasyon/Kultibasyon

Ang pagpapalawak ng gamit ng norm sa


lipunan.

Ilang aspekto nito ang modernisasyon at


intelektuwalisasyon.
Modernisasyon

Isang kakayahan ng wika na maisalin o


maging behikulo sa pagsasalin mula sa
isang wika tungo sa ibang wika sa daigdig.
(intertranslatability).
Intelektuwalisasyon
Ang pagpaparami ng mas depinido, tiyak at
angkop na mga terminolohiya, kasama ang
mga abstrakto at henerikong termino.

Ipinapakita dito ang lawak ng diskurso mula


sa pang-araw-araw na gawain tungo sa
diskursong akademiko, kung kaya’t
nakapaloob ito sa akademya.
Intelektuwalisasyon

Naipapakita ang lawak nito sa


pamamagitan ng mayamang korpus ng
literatura, publikasyon sa nasabing wika.
Popularly
Modernized
Language (PML)
Dalawang (2)
uri ng
Modernisadong
mga Wika
Intellectually
Modernized
Language (IML)
Popularly Modernized
Language
• Ang wika ay maaaring maging
modernisado o modernisado sa ilang
larangan subalit hindi intelektuwalisado.

• Halimbawa: Ang Filipinong ginagamit sa


libangan, araw-araw na pamumuhay,
tabloid at iba pang lathalaing para sa
masa.
Intellectually
Modernized Language
• ang mga teksto na para sa mataas na
karunungan ay isinulat sa Filipino (agham at
teknolohiya, negosyo, industriya)
• ang mga teksto sa mataas na propesyon tulad
ng medisina, inhenyeriya, akawntansi
• ang Filipinong ginagamit sa salin ni Peralejo
sa Kodigo Sibil
• Ang Filipinong ginagamit sa mga tekstong ito
ay maituturing na intellectually modernized
language
Intelektuwalisadong
Filipino
Intelektuwalisadong
Filipino
• Barayti ng Filipino na magagamit sa
pagtuturo sa mga Pilipino sa lahat halos
ng larangan ng karunungan mula sa
antas primarya hanggang sa
pinakamataas na antas ng pag-aaral
kasama na ang paaralang gradwado.
• Ito ay pangunahing wika ng gawain sa
mga pinaiiral na larangan ng wika.
Ang Gampanin ng
Iba’t Ibang Wika sa
Intelektuwalisasyon
ng Filipino
Gampanin ng mga Katutubong Wika sa
Pilipinas sa Intelektuwalisasyon ng
Filipino
• Ang lahat ng mga Pilipino at mga wika sa Pilipinas ay
kailangang mag-ambag sa ikauunlad ng Filipino sa ano
mang paraan

• Adapsiyon ng mga salita mula sa ibang wika ng


Pilipinas

• Isang pinakamahalagang “ambag” ng mga wika sa


Pilipinas sa Filipino sa hinaharap ay sa ponolohiya-
pagtanggap sa pagbigkas, intonasyon, ritmo at iba pang
katangiang ponolohiko ng iba’t ibang katutubong wika
sa pasalitang Filipino
Gampanin ng iba pang mga wika: Ingles at
iba pang intelektuwal at modernisadong wika
sa intelektuwalisasyon ng Filipino
Sa Pilipinas, ang pangunahing wikang aasahan para sa
intelektuwalisasyon ng Filipino ay Ingles. Sa katunayan:

1. Halos lahat ng nakasulat na bersiyon ng makabagong Filipino


kabilang na yung sa mga paaralan ay puno ng mga hiram mula
sa Ingles, may mga binaybay na tulad ng sa orihinal at
karamihan naman ay sa Filipino ang baybay;
2. Ipinapakita sa mga pag-aaral na kayang talakayin ng mga mag-
aaral ang kanilang mga takdang-aralin sa matematika,
biyolohiya, atbp., sa pamamagitan ng maramihang panghihiram
sa Ingles;
3. Halos lahat ng alinmang tekstong pang-intelektuwal na
nakasulat sa Filipino sa ngayon ay punung-puno ng mga
panghihiram sa Ingles o Kastila o iba pang wika
Gampanin ng iba pang mga wika: Ingles
at iba pang intelektuwal at
modernisadong wika sa
intelektuwalisasyon ng Filipino
Ang mga Pilipinong magsasagawa ng
intelektuwalisasyon sa wikang Filipino ay
kailangang may higit na kaalamang bilingguwal
sa Ingles at iba pang mga intelektuwalisadong
wika at sa Filipino.

Yung marunong lamang sa Filipino ay hindi


magagawang intelektuwalisado ang Filipino.
Mga Larangang
Pangwika at ang
Intelektuwalisasyon
ng Filipino
Ang mga Larangang Wika na
Nagkokontrol
(Controlling Domains Of
Language)
Katangian:

1. “nagdidikta” ng wika at ng rehistrong gagamitin


sa larangan;
2. Nangangailangan ng pagbabasa at
pagsusulat;
3. Nangangailangan nang paggamit ng wikang
natutuhan sa paaralan lalo sa mas mataas na
institusyon ng pag-aaral.
Ang mga Larangang Wika na
Nagkokontrol
(Controlling Domains Of
Language)
Kabilang dito ang:

1. Pangasiwaang pampamahalaan
2. Agham, teknolohiya, industriya
3. Edukasyon (elementarya, post-secondary
na bokasyonal at teknikal, tersiyarya,
gradwado)
4. Mga propesyon
Ang mga Larangang Wika na
Nagkokontrol
(Controlling Domains Of Language)
• Ang mga wika sa mga larangang nagkokontrol
ay ang wikang kadalasang higit na gusto ng
mga tao dahil ito ang pangunahing wika sa mga
gawain
• Ito ang wika para sa hangarin ng pagsulong na
sosyo-ekonomiko at pangkarunungan
• Sa Pilipinas, ang wikang iyon ay Ingles
• Layunin na palitan ng Filipino ang Ingles sa
mga nagkokontrol na larangang pangwika
Ang Nagkokontrol nang Bahagya sa mga
Larangang Pangwika
(Semi-Controlling Domains of Language)
Katangian:

1. Nangangailangan ng paggamit ng isang


partikular na wika subalit hindi sa paraang
kasinghigpit ng mga nagkokontrol ng larangang
pangwika
2. Ipinapahintulot nito ang pakikibahagi ng isang
tao sa mga gawain ng larangan nang hindi
kailangang nagpapakadalubhasa sa pagsusulat
Ang Nagkokontrol nang Bahagya sa
mga Larangang Pangwika
(Semi-Controlling Domains of
Language)

Mga halimbawa ng larangang pangwikang ito:

1. Relihiyon
2. Komunikasyong pangmasa
Ang Di-Nagkokontrol
na mga Larangang Pangwika
(Non-controlling Domains Of
Language)
Katangian:

1. Maaaring gamitin ang anumang wika o barayti


ng wika;
2. Hindi kailangan ang mga kasanayan sa
pagbabasa at pagsusulat o minimal lamang
Ang Di-Nagkokontrol
na mga Larangang Pangwika
(Non-controlling Domains Of
Language)

Halimbawa:

1. Tahanan
2. Lingua franca
Pagpapaunlad ng Wika

Leksikal - nagaganap sa pamamagitan ng paglikha


ng mga bagong termino (gigabyte, internet).

Semantikal - nagkakaroon ng bagong kahulugan


ang mga dati nang salita (e.g. computer: dati
tumutukoy ito sa tao; ngayon sa makina na).
Pagpapaunlad ng Wikang
Filipino
Batay sa mga pananaliksik at pag-aaral
ang mga sumusunod ang kinikilingang
paraan ng pagpapaunlad ng Filipino:

• Paggamit ng katutubong konsepto


• Panghihiram ng salita

You might also like