• Ang mabuting mag-aaral ay marunong sumunod sa mga patakaran ng kanyang paaralan.
Ginagampanan niya ang tungkulin bilang isang mag-aaral na may dignidad at dangal. • Kasabay ng pagpapatupad ng K-12, ay ang pagnanais ng Kagawaran ng Edukasyon at CHED na pataasin ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Sa kabila ng magandang layuning ito ay ang pangambang hindi na magiging parte ng kolehiyo ang pag-aaral ng Filipino. Pinapatay nito ang intelektwalisasyon, pagsulong at paggalaganap ng Filipno bilang wikang akademiko sa mga pamantasan. • Magiging epektibong wikang panturo ang Filipino kung ito ay ituturo bilang isang asignatura o disiplina. • Ang CMO 20, s 2013 ay nilagdaan ng dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy” C. Aquino III at dating Punong Komisyoner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Higher Education) Dr. Patricia Licuanan. • Ang iba’t-ibang wikang katutubo sa Pilipinas na sinasalita sa buong kapuluan ay tinatawag na mga pangunahing wika ng Filipino. • CHED Memo. Order/CMO no. 20, s 2013. Ang 63 units na basic education sa college ay magiging 36 units na lang dahil ibababa sa K12 ang ilan sa basic education subjects. Saklaw nito ang Pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, Pagbura ng Panitikan/Literatura at Pagbura ng asinaturang Philippine Governtment and Constitution. • Itinaguyod ni Pangulong Corazon C. Aquino ang probisyon ng 1987 Konstitusyon sa pamamamgitan ng EO No. 335 na nag-antas sa Pamahalaan, kagawaan, kawanihan ng gamitin ang Filipino sa Opisyal ng Transaksyon, komunikasyon at Korespondensiya. • Kultibasyon-kinapapalooban ng pagbuo ng mga rejister para sa iba’t ibang intelektwal na disiplina o lawak ng ispesyalisasyon para magamit ang wika sa pagkatuto at maging tagapagdaloy ng karunungan. • Naitaguyod ng 1987 Konstitusyon ang pagpapahalaga sa wika. Nakasaan ito sa Artikulo XIV, Seksyon 6. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino, samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa mga umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. • Magreresulta ang CMO No. 20 sa malawakang tanggalan sa trabaho ng humigit-kumulang sa 78 000 guro at manggagawa sa sector ng edukasyon ayon mismo sa datos ng CHED. • Pinapatay ng CHED Memo No. 20 ang intelektuwalisasyon ng Filipino bilang isang akademikong gawin sa mga Pamantasan. • Sa mithiing mapaunlad at maging modernisado ang Filipino, idinagdag ang walong titik sa alpabetong Filipino. • Makilala ang sarili bilang bahagi ng komunidad at ng mundo; at maipagmalaki ang sariling identidad sa kabila ng pwersa ng globalisasyon ay ang konteksto at hangarin ng pangkalahatang edukasyon. • Ang Filipino ay disiplina, asignatura bukod na larangan ng pag-aaral at hindi simpleng panturo lamang. • Awstronesyo ang tawag sa malaking pamilya ng mga wika na kinabibilangan ng wikang mula sa Formosa, New Zealand hanggang gitnang Pasipiko. • Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan…ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan. • Ang pagtatag Surian ng Wikang Pambansa ay itinakda ng Commonwealth Act of 184 upang mag- aral, manaliksik, at magpalaganap ng wikang Pambansa. • Nakapaloob sa College Readiness Standards ang mga kasanayan sa wika at literature kung kaya’t kailangan paunlarin ang pambansang wika. • Ang Filipino bilang wikang panturo sa Kolehiyo ay bago kung ihambing sa wikang Ingles na matagal ng nagging wikang panturo mula pa noong 1906. Ang wikang Filipino na itinuturo sa mahigit na 80 institusyon, Pamantasan sa buong mundo ay maapektuhan ang istatus bilang wikang global kapag hindi pinahalagahan.
• Taliwas sa college readiness standards na nakapaloob sa resolusyon no. 298 ng CHED na
naglalayong pag-ibayuhin ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo. • Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino – at may potensiyal itong maging isang nangungunang wikang global kung kaya lalong dapat pag-aralan sa Pilipinas. • Hindi dapat katakutan ng mga Aktibista na nag Filipino ang lulusaw sa kanilang identidad. Kung may malay at control ka dito, hindi ito nabubura, ito ay ayon kay Prof. Contreras. Kapag nawalan ng lugar ang wikang Filipino sa kamalayang bansa, mawawalan din ng lugar ang mga wikang rehiyonal na nakaambag sa kabuuan ng kamalayang ito. Sa mga aktibistang rehiyonalista, ang Filipino ay nakabase sa istruktura lamang sa wikang Tagalog. • Bilang ambag sa proyekto ng integrasyong sosyo kultural, kailangang mapagtibay at mapaunlad ang sariling wika, literature at kultura. • Sa konteksto ng natanggal na realidad ng daigdig sa panahon ng globalisasyon, hindi maaaring magpakalunod sa monolinggwalismong English ang mga Pilipino Matagal nang multilinggwal ang Europa, batay na nn sa realidad na may sapat na suporta ang European Union sa mga malawakang programa sa pag-aaral ng mga wikang Europeo, alinsunod sa matibay nilang pagpapahalaga sa ekonomikong pakinabang ng multilinggwalismo: "Multilingualism, in the EU's view, is an important element in Europe's competitiveness. One of the objectives of the EU's language policy is therefore that every European citizen should master two other languages in addition to their mother tongue” (Franke at Minneola, 2017). • Hinggil naman sa Panitikang Filipino, hindi tayo mauubusan ng tula, sanaysay, kwento at nobelang maaaring talakayin at bigyang-pokus, lalo pa't ang Panitikang Pambansa ay sa Grade 8 at senior high school lamang itinuturo sa ilalim ng K to 12. Sa mga bansang nagpapatupad ng k-12 kurikulum, mandatory core course ang pag-aaral ng wika at literature sa kolehiyo. • Ang wikang Pambansa, wika ng masa ay ginagamit sa pakikipagusap sa kapwa, kaluluwa ng identidad bansa at kolektibong identidad. • Noong 1901 pa lamang, tiniyak na ng Philippine Commision ang tagumpay ng kolonisasyong Amerikano nang itinakda ng Act No. 74 ang pagtatayo ng sistemang pampublikong paaralan na magbibigay ng libreng primaryang edukasyon. • Ang asignaturang Filipino ay may multi-interdisciplinary na isinumiti sa Komisyon sa lalong mataas ng edukasyon ng iba’t ibang organisasyon at institusyon. • Taong 1935 na nang bitawan ng mga Amerikano ang Departamento ng Edukasyon at ipagkatiwala ito sa mga opisyal na Filipino, na nauna nang hinubog nila ayon sa kanilang imperyalistang oryentasyon. Ipinagugunita nito sa atin ang maigting na pagkapit ng mga orayle at kura sa oryentasyong pansimbahan sa harap ng repormang ipinapasok ng Dekreto Real ng 1963. Uulitin natin ang obserbasyon sa sambayang kanilang sinakop, at iyon ay ang pasipikasyon, pagpapatahimik sa anumang pagtutol sa pangungubkob ng dayuhan. • Ang Probisyong pang-kultura, pang-maggagawa at pang-edukasyon at ang Education Act of 1982 ay ang mga probisyong pangkonstitusyon na nilabag ng CMO. No 20, s 2013. • Wika ang tawag sa lipon ng mga salita at pamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito upang magkaintidihan ang isang grupo ng mga tao. Bawat lipunan ay may kanya-kanyang wika. Halimbawa nito ay ang Filipino, Ingles, Pranses at iba pa na maya sari-sariling ponolohiya, morpolohiya, at sintaks. Ang Filipinas ay isang nagsasariling bansa na kung saan ay mayroong Pambansang Wika na hinango sa isa sa mga katutubong wika at pinauunlad ng iba pang rehiyonal na wika na kung saan umaangkop sa sirkulasyon ng mga taong gumagamit nito. Mababatid isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko nito, ito rin ang isa sa mga batayan ng pagiging buhay ng isang wika. • Ang “Speak in English Zone” ay isang awiting isinulat at inawit ni Joel Costa Malaban na kung saan binigyang pansin dito ang nakasaad sa Executive Order No. 210, s. 2003 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ang 70% na midyum sa pagtuturo ay nasa wikang Ingles. • CHED MEMORANDUM ORDER NO. 20, S. 2013 o mas kilala sa tawag na General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies, nakasaad rito ang mga paaralang pangtersiyarya ay binibigyan ng pribelehiyo na hindi ituro ang asignaturang Filipino at Panitikan. • Mahalaga ang wikang pambansa sa isang bansang malaya. Simbolo ito ng pambansang aydentidad at dangal, pambigkis at susi sa pag-iisa ng mga grupon may linggwitik at sosyo-kultural na katangian atinstrumento sa pakikipag-ugnayang inter-kultural. Filipino ang ating wikanng pambansa at pito ang konsepto nito ayon kay Constantino: natural na wika, buhay na wika, demokratiko, egalitarian, dinamiko, wika ng pambansang pagkakaisa at dapat na gumanap ng tungkulin ng isang wikang pambansa. Upang maging intelektwalisado, globalisado, at modernisadong wika ang Filipino, kailangang makabuo matatag na pundasyon at suportahan ang mga institusyong gumagamit ng Filipino.
Note: Mula Modyul 2 hanggang 7 ang sakop ng pagsusulit, balikan ang mga nakapost na mga materyal sa classroom para lubos na mapag-aralan ang mga aralin.