Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan Kyle Aris Dayvid D. Roño, MAFil WIKANG PAMBANSA
Opisyal na wika.
Midyum sa pagtuturo sa mga institusyong
edukasyonal.
Ito ang kasangkapang pambuklod ng mga pangkat
na may iba’t ibang sosyokultural at linggwistikong background.
Isang paraan ng komunikasyon sa pambansang
lebel para sa implementasyon at development ng administrasyong panggobyerno.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
TAGALOG PILIPINO FILIPINO
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Saligang Batas 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 “Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.”
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
• Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel Luis Quezon na ang wikang Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 184. a) Wika ng sentro ng pamahalaan b) Wika ng sentro ng edukasyon c) Wika ng sentro ng kalakalan at; d) Wika ng nakararami at pinakadakilang nasusulat na panitikan
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 • Pagpapalit ng tawag sa wikang pambansa, mula sa Tagalog ay naging Pilipino noong Agosto 13, 1959 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Konstitusyon 1987 Artikulo XIV, Seksyon 6 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
“Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang wikang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang salitang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
- Komisyon sa Wikang Filipino
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Batay sa iyong opinyon, sa paanong paraan ang wikang Filipino ay maituturing na wika ng bayan?
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
• Bawat bayan ay may wikang ginagamit upang magkaunawaan. May iba-iba o sari-sarili mang aspekto ng kultura, may isang wika pa rin ang tumutulong upang magbuklod ang mamamayang Pilipino at ito ang wikang Filipino. Sa pamamagitan ng wikang Filipino, naisasalin sa bawat henerasyon ang kultura, paniniwala, gawi, at identitad ng ating bansa.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
CHED Memorandum No. 20, s. 2013 • Dahil sa pagbabago ng sistema ng edukasyon, sa seksyon 3 ng kautusang ito, ang GEC ay bumaba sa tatlumpu’t anim (36) na yunit at inalis ang Filipino bilang asignatura. • Ang GEC ay maaaring ituro sa wikang Ingles at Filipino.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
CHED Memorandum No. 57, s. 2017 • Ito ay kautusang pagdaragdag ng asignaturang Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo bilang bahagi ng GEC.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Sa petisyon ng Tanggol Wika, layunin nito ang mga sumusunod: 1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong GEC sa kolehiyo; 2. Kumilos tungo sa pagrerebisa ang CMO 20; 3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura, at; 4. Isulong ang makabayang edukasyon.