You are on page 1of 32

Fili 102

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina


ANO ANG WIKA ?
Ang Wika
• Ito ay sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginamit sa komunikasyong
pantao. ( Hutch)
• Sa pag-aaral ni Constantino (2007), ang wika ay maituturing na
behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento sa
pagtatago at pagsisiwalat ng katotohan.
• Personal ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at
damdamin ng tao. Nakasalalay ang mga pangungusap na padamdam o
anumang saloobin. ( Mendoza , 2007)
• Sinabi ni Gleason , ang wika ay masistemang balangkas na
sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga
tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo na
pinagsama-sama upang makabuo ng salita na gamit sa pagbuo ng mga
kaisipan.
• Naniniwala naman si Dr. Fe Oranes (2002) na matutuhan ang wika
upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang
kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na
kanilang gingalawan.
• Inilalarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa, kaluluwa o
sumasalamin sa ating kultura at ang nag uugnay sa isa't isa.
KALIKASAN NG WIKA
• Ang lahat ng wika ay binubuo ng mga tunog.
• Ang lahat ng wika ay may katumbas na simbolo o
sagisag
• Ang lahat ng wika ay may estruktura.
• Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
• Ang lahat ng wika ay dinamiko. Patuloy na nagbabago
• Ang lahat ng wika ay arbitraryo. (random choice)
FILIPINO BILANG WIKA AT
LARANGAN
Memorandum Order (CMO)
No. 20 series of 2013
Noong Abril 2015, bunsod ng
petisyon ng Tagapagtanggol ng
Wikang Filipino ( Tanggol Wika)
ay naglabas ng temporary
restraining order (TRO) ang Korte
Suprema para ipahinto ang
pagtanggal sa Filipino at panitikan
sa Kolehiyo.
 Noong Abril 2018 naman ay inilabas ng CHED ang
CMO No. 04, Series of 2018 upang ipatupad ang
nasabing resolusyon ng Korte Suprema.

CHED - Commission on Higher Education


GEC - General Education Curriculum
TRO - Temporary Restraining Order
FILIPINO BILANG WIKANG
PAMBANSA
SALIGANG BATAS 1987, ARTIKULO
XIV ,SEKSYON 6

FILIPINO ang WIKANG ginagamit


ng mga naninirahan sa PILIPINAS , ang
pambansang wika ng mga PILIPINO.
Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral
na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
edukasyon.
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hangga't walang ibang itinadhana ang batas , Ingles. Ang
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal
sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga
panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang
Espanol at Arabic.
Primus interes pares o nangunguna sa lahat
ng magkakapantay ang wikang Filipino bilang
wikang pambansa sa kontekstong
multilinggwal at multikultural ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan , dahil sa K to 12, sa unang mga
taon sa elementarya , ang namamayaning wika o
inang wika ay ang ( mother tongue) sa bawat
rehiyon ang aktwal na ginagamit panturo ,
alinsunod sa patakaran ng Mother Tongue -
Based Multilingual Education (MTB-MBLE)
“Madalas Itanong sa Wikang Pambansa”
( Almario, 2014) na inilabas ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF) ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang
pambansa sa pamamagitan ng pagbibigay
diin sa papel ng wikang pambansa sa mabilis
na pagkakaunawaan at pagsibol ng
“damdaming pagkakaisa”.
Ibinuod ni Atienza (1994) , sa artikulong “Drafting the 1987
Constitution The Politics of Language” ang mga praktikal na
kahalagahan ng Wikang Pambansa sa isang bansang gaya ng Pilipinas
na dati'y kolonya laban sa dominasyon ng wikang banyaga gaya ng
Ingles
• Ang paggamit ng mga wikang dayuhan, lalo ang Ingles , ay
nagbubunsod ng mabagal na pag-unlad (underdevelopment) hindi
lamang ng mga wika sa Pilipinas kundi maging ang mabagal na
pag-unlad ng pambansang kultura at identidad.
• Ang Ingles ay naging hadlang na naghihiwalay sa mga edukadaong
Pilipino at masang Pilipino”
• Ang mga wika sa Pilipinas ay mula sa iisang pamilya ng wika; kaya't
posibleng makabuo ng isang wikang pambansa mula sa mga wikang
ito.
• Ang wikang pambansa ay kahingian sa pagkikintal ng
nasyonalismo , at pagtataguyod ng demokrasya at ng partisipasyon
ng sambayanan sa proseso ng pagbubuo at pagpapaunlad ng bansa.
\

FILIPINO BILANG WIKA NG


BAYAN
AT / NG PANANALIKSIK
Ayon kay Gimenez Maceda (1997) , ang wikang
pambansa ang wikang higit na makakapagbigay -tinig at
kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero at
tindera , at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na
gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino
bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay
makapagpapalawak sa kaaalaman at makapag-aalis sa
agwat na namamagitan sa intelektwal at masa.
Sa ganitong diwa , binigyang-diin ni Constantino (2015) na “ ang
wikang Filipino ay wikang magpagpalaya. Ito ay ang magiging wika ng
mga tunay na Pilipino”

Hangad ni Constantino na pukawin ang “malikhain, mapanuri at


mapagbuod na kaisipan” ng mga Pilipino, alinsunod sa karanasan ng
Hapon, Taiwan , South Korea at iba pang bansang “umunlad nang husto”
sa pamamagitan ng wikang sarili sa edukasyon at iba pang larangan.
Sa panahon ng globalisasyon , pandaigdig sistema ng malayang
kalakalan o free trade na isinagawa sa pamamagitan ng pag-alis ng
taripa , nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na
homogenisasyon.

WORLD BANK
WORLD TRADE ORGANIZATION
Ayon kay Lumbera (2003) sa
espasyo ng sariling wika at panitikan
maaaring harapin at labanan ang
kultura ng globalisasyon upang
kalusin ang negatibong bisa nito sa
lipunang Filipino.
Para kay Lumbera na tagapagtaguyod ng makabayang
edukasyon , ang wika at panitikan natin ay buhay na
katibayan ng ating kultura at kasaysayan.
FILIPINO BILANG
LARANGAN AT FILIPINO SA
IBA'T IBANG LARANGAN
Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino,
Filipinolohiya, Philippine Studies iba-iba man ang
katawagan , ang ubod ng mga terminolohiyang ito'y
tumutukoy sa FILIPINO bilang larangan, bilang isang
disiplina na esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng
“mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit
pang disiplina upang makamit ang higit pang disiplina upang
makamit ang higit na paglilinaw at pag-unawa hinggil sa
isang partikular na usapin” ( Guillermo 2014)
Sa artikulong “Intelektuwalismo sa Wika” nilinaw ni
Constantino (2015) ang kahalagahan ng ganap na
intelektwalisasyon ng paggamit ng Filipino sa iba't ibang
larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng
wikang Filipino, kundi ng kaisipang Pilipino mismo:
“ Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito'y
ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang
pambahay, panlansangan o pang-aliw. Ang wikang
katutubo ay yumayabong ay nakatutulong sa katutubong
isip”.
Itinala ni San Juan ang limang hakbang na dapat isakatuparan sa
ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino
• Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang
pananaliksik ng kapwa Pilipino ano babasahin ng ibang bansa
ang gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino
mismo?
• Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng
narcis.nil ng Netherlands at diva-portal.org ng Sweden.
• Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation
software na libreng magagamit para sa mass
translation projects.
• Bigyang prayoridad ng Filipinasyon ang lalong
mataas na edukasyon at ng mga programang
gradwado.
• Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo
ng Department ng Filipino o Araling Pilipinas.
• Sa ganitong konteksto, mahalaga ang papel ng
pagpaplanong pangwika sa pag-unlad ng Filipino
bilang larangan at ng Filipino sa iba't ibang larangan
Ang mga ito ay istatus na pagpaplanong pangwika, korpus na
pagpaplanong pang wika at akwisisyong pangwika.

• Ang korpus na nagpaplanong pang wika ay nakatuon sa


pagbubuo /pagbabago/pamimili ng mga porma o kowd na
ginagamit sa pagpapahayag na oral o nakasulat.
• Pinagtutuunan naman ng pansin ang pagpapalaganap ng wika at
epekto sa gumagamit ng wika sa dimensyong akwisisyong
pangwika.

You might also like