You are on page 1of 2

pambansa sa kontekstong multilinggwal at multikultural ng Pilipinas.

• Sa kasalukuyan , dahil sa K to 12, sa unang mga taon sa elementarya , ang namamayaning wika o inang wika ay ang (
mother tongue) sa bawat rehiyon ang aktwal na ginagamit panturo , alinsunod sa patakaran ng Mother Tongue - Based
Multilingual Education (MTB-MBLE)

• “Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” ( Almario, 2014) na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa papel ng wikang pambansa sa
mabilis na pagkakaunawaan at pagsibol ng “damdaming pagkakaisa”.

FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN


AT / NG PANANALIKSIK

• Ayon kay Gimenez Maceda (1997) , ang wikang pambansa ang wikang higit na makakapagbigay -tinig at
kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero at tindera , at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na
gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay
makapagpapalawak sa kaaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa intelektwal at masa.

• Sa panahon ng globalisasyon , pandaigdig sistema ng malayang kalakalan o free trade na isinagawa sa


pamamagitan ng pag-alis ng taripa , nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na homogenisasyon.

WORLD BANK
WORLD TRADE ORGANIZATION

• Ayon kay Lumbera (2003) sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng
globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino.

Para kay Lumbera na tagapagtaguyod ng makabayang edukasyon , ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng
ating kultura at kasaysayan.

FILIPINO BILANG LARANGAN AT FILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN

• Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, Philippine Studies iba-iba man ang katawagan
, ang ubod ng mga terminolohiyang ito'y tumutukoy sa FILIPINO bilang larangan, bilang isang disiplina na esensya ay
interdisiplinaryo o nagtataglay ng “mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang
makamit ang higit pang disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pag-unawa hinggil sa isang partikular na
usapin” ( Guillermo 2014)

• Sa artikulong “Intelektuwalismo sa Wika” nilinaw ni Constantino (2015) ang kahalagahan ng ganap na


intelektwalisasyon ng paggamit ng Filipino sa iba't ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang
Filipino, kundi ng kaisipang Pilipino mismo:
“ Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito'y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay,
panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo ay yumayabong ay nakatutulong sa katutubong isip”.

• Sa ganitong konteksto, mahalaga ang papel ng pagpaplanong pangwika sa pag-unlad ng Filipino bilang larangan
at ng Filipino sa iba't ibang larangan

Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba Pang Kaugnay na Larangan

Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan


Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan, batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat
gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito.

Nabanggit nina San Juan et al., (2019), (mula kay Ferguson, 2006), na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema
ng edukasyon lalo na sa mga

You might also like