You are on page 1of 5

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon

INTRODUKSYON

Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap. Maraming

tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ng

sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang

pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay

isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa

bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.

Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang

ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga

mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga

masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino

na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa

ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.

Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ding

varayti ng wika. Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino

dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man

magpunta sa buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa

kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino,

makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa

nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit

pa sa malansang isda." Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi

sa gawa. Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroong

sariling wikang maipagmamalaki ang mga Pilipino.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang

mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap

sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t

ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na

tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa

pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang

mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o

bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang

pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili

ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.


Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang

pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang

kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng mga

kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong unang panahon upang maipatuloy

ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang

magsisilbing lakas upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.

Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata

upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at

bahagi ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan

upang maibuhos sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

Maipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng sariling wika ang laman ng damdamin, ang lalim

ng pagkatao, ang katangian ng ginagalawang kapaligiran, ang lawak ng kultura at sining, ang

kabihasaan sa anumang larangan at ang katotohanan ng pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang

nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na

bansa ang isang bansa.

Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sa

kanyang kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun habang

nakikinig ang mga estudyante at pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon batay sa paksa na kung

saan ang guro ay magtatanong at ang mag-aaral ay sasagot. Ito’y isang pakikipagtalastasan.

Gayundin naman sa lansangan o sa palengke, ang transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o sa

mga nagtatanong upang magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan.

Sa tanggapan o sa opisina ng mga empleyado at kung may mga kliyente silang kakausapin,

ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito ang nagpapatunay na ang pakikipagtalastasan ay

isang gawaing pang-araw-araw.

Ang mabisang pakikipagtalastasan ay maaring makapagpabago ng isang paninindigan o kilos at

maari ring makahikayat ng paninindigan gaya ng mga kandidatong nagbibitiw ng mga magagandang

pangako upang makuha ang panig ng mga tagatanggap ng mensahe. Ito rin ay nakakatulong sa

pagbuo, pag-unlad, pagbabago at paglikha ng maayos at mataas na antas ng ugnayan ng isipan,

damdamin at saloobin.

Ito ay sining ng pagpapahayag na may kaugnayan sa pagiging malikhain sa paggamit ng wika

na may kaayusan at kawastuhan at paglinang sa mga kasanayang pakikinig, pagsulat, pagbasa at

pagsasalita. Lahat ng mga ito, samakatuwid ay nagpapatunay na ang mabisang pakikipagtalastasan

ay proseso ng paghatid ng kaalaman, ideya o mensahe kung saan ang tagapakinig ay

lubos na nakauunawa sa kahulugang nais ipahatid ng lubos na nakauunawa sa kahulugan ng

nais ipahatid ng nakikipagtalastasan.


Ang pagsalita ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya at kaisipan sa kapwa sa ibat-

ibang kadahilanan, maaaring nagsasalita o nagsusulat upang maiparating ang mahalagang

impormasyon at mensaheng nais nating ibahagi upang hindi magsisi ang mga tagapagpahayag kung

sakaling hindi natin naiparating gamit ang nag-iisang wikang pambansa ang wikang Filipino na siyang

sumasalamin sa pagiging isang tunay na Pilipino.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik ang

wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang

gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at

nararamdaman.

Sa bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay ginagamitan ito ng wika kapag nagpapalitan ng mga

sikreto sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term

paper, sa mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang

epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao.

Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel

upang magamit ito nang maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at sa

literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-

aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang kanilang mga nais gawin.

May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung

wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa pagbabasa ay inaasahang umuunlad din

ang ating kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit rin ang wikang Filipino upang mas lalo pang

nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa.

Katawan/ Nilalaman

Pagkukumpara ng Wikang Filipino sa Wikang Ingles

Sa kabila nito, hindi pa rin ito sapat upang masabing intelektwalisado ang wikang Filipino kung

ikukumpara sa ibang wika tulad ng wikang ingles. Kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang proseso

ng intelektuwalisasyon bago pa man ito isagawa. Kailangan ding maintindihan ng mga tao na ang ating

wika ay hindi unibersal tulad ng wikang Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa Filipino, hindi

pa rin ito magiging dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pa’t pag-aralan ng ibang tao mula sa ibang

bansa. Hindi nito masisiguro na ito’y gagamitin sa pang-araw-araw na buhay.

Bukod pa rito, hindi rin ito magiging madaling proseso kung ito’y ituturo sa mga mamamayan. Sa

kabilang banda, dapat din ay bigyang pansin at pagkakataon ang mga nais magtaguyod ng pag-

intelektuwalisa ng wikang Filipino.


Mataas ang respeto sa kanila dahil bagama’t mahirap ang kanilang mga nais mangyari ay hindi

ito nagiging hadlang upang silay’y magpatuloy. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon ay marahil

maintindihan din kung bakit hindi kinakailangang iintelektuwalisa ang wikang Filipino sa bawat

larangan. Bukod sa hindi magiging simple ay hindi rin ito ang tanging paraan upang itaguyod ang

sariling wika. Ang intelektuwalisasyon ng Filipino ay hindi imposible, ngunit sa ating panahon ngayon,

hindi rin ito lubusang magagamit. Bukod pa rito ay hindi na rin mapapalitan ang katotohanang Ingles pa

rin ang unibersal na wika.

WAKAS O KONGKLUSYON

Wika na Mas Kailangang Hasain

Bilang isang Filipino mas piniprefer na hasain ang ating sariling wika kaysa sa wikang banyaga.

Dahil ang wikang filpino ang nagsisimbolo ng ating pagka Filipino ito ang siyang maipagmamalaki natin

sa ating bansang kinabibilangan. Mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat

malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak napagsusuri

masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturong anumang uri ng kaalaman ay

nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga

kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles a ang pangunahing linggwahi na mas

ginagamit nga karamihan kahit saan man sila magpunta sa mundo. Pero para sa amin at sa mga mas

nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil

ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating

sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang Japan. Mas

pinahahalagahan nila nag kanilang sariiling wika kaysa sa ibang wika kahit ganito napapaunlad parin

nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa pinakamaunlad na bansa sa buong

mundo. Sabi pa nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang hindi marunoong magmahal sa sariling

wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling

wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mapapansin na hindi umunlad

ang wika sa loob ng napakahabang panahon dahil hindi na kailangan pang pag aralan ng mga

banyaga ang wikang Pilipino.Tunay na isang paraan na magkaunawaan ang magkaibang wika sa

pamamagitan ng wikang Ingles, ngunit isipin naman ng mga Filipino na hindi obligasyon na magsalita

ng Ingles kung nasa sariling bayan. Sa katunayan hindi isyu kung alin ba talaga ang dapat na gamiting

opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ang tunay na isyu dito ay ang kalidad ng edukasyon. Sa

huli ay nasa estudyante pa rin kung paano siya magsusumikap upang tumaas ang kanyang kaalaman

sa paggamit ng Wikang Ingles at pagmamahal sa pamanang Wikang Filipino.

BIBLIOGRAPI

Website: http://filipinotermpaper.blogspot.com/

You might also like