You are on page 1of 4

Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Inilalahad sa kabanatang ito ang literaturang konseptwal at literaturang pananaliksik

upang makatulong sa pag-unawa sa balangkas ng isinasagawang pag-aaral at mga kaugnay na

pang solusyon sa pag-aaral na ito.

Ayon sa aklat nina Mangahis et al. (2006), binabanggit na may mahalagang

ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na

paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan. Isinaad ni Bienvenido

Lumbrera na ang wika ay parang hininga. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat

pangangailangan natin.

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang

pinagmulan. Ito rin ang nagsisilbing daan para magkaunawaan at magkaintindihan ang mga

mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng

tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-

talastasan ng bawat mamamayan (Quijote, et.al, 2016)

Ang lahat ng uri o antas ng tao sa mundong ginagalawan ay ginagamitan ng wika sa iba’t

ibang larangan; pang-edukasyon, panrelihiyon, pampolitika, pang-ekonomiya,

pangkomunikasyon at panlipunan. Sa wikang ginagamit ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan at

pagkakaisa sa ano mang nais iparating sa kapwa (Candor, et. al, 2015). Sa araw-araw na

pamumuhay ng tao ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng sukatan sa pamamagitan ng

kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino. Dahil na rin sa pabago-bagong takbo ng panahon ay


nagkakaroon ng iba’t ibang ibig sabihin ang bawat salita na nakadepende sa kung anong nais

ipahiwatig ng taga-pagsalita o kung ano ang pagkaka-unawa ng taga-pakinig.

Ang unang dalawang antas ng kasanayan sa paggamit ng wika ay may kinalaman sa

pundasyon ng wika (Tuloguni, 2019). Sa antas na ito ay matututo ang mga mag-aaral o bawat

indibidwal na gumamit ng bokabularyo at balarila upang makabuo ng salita na naaayon sa gamit

nito sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng pangunahing

kaalaman sa wika ang bawal indibidwal at naisasaayos ang relasyon ng bawat salita na

magbibigay daan upang maintindihan o maunawaan ng taga-pakinig ang nagsasalita o

gumagamit ng salita.

Mayroong tinatawag na propesyonal na domain kung saan dito nakapaloob ang pagiging

mahusay sa paggamit ng wika ng isang mag-aaral. Hindi lamang sa pakikipag-komunikasyon

kundi maging sa pag-unawa na rin ng mga kaisipan. Ang pagiging mahusay sa paggamit ng wika

ay nangangahulugang nakakayanan ng isang tao na ipahayag ang sarili nitong damdamin at

nakauunawa sa bawat sitwasyon sa nakaraan hanggang sa modernong panahon. Sa antas na ito

nakatalaga ang kakayahan ng tagapag-salita na magpahayag sa normal na bilis at wastong gamit

ng wika upang mas maintindihan siya ng taga-pakinig o ng kinakausap.

Ang huling antas ay kumakatawan sa pagtatapos ng pag-aaral ng isang wika at ang

kabuuang karunungan ng isang mag-aaral dito. Ang mga mag-aaral na nag-master ng wika ay

dapat na makapagsalita ng wikang matatas at walang pag-aatubili (Tuloguni, 2019). Sa antas na

ito ay dapat na maunawaan ng isang mag-aaral ang mga komplikadong ideya at maipaliwanag ito

sa kaparehong kaisipan na nakapaloob dito.


Epekto ng mahusay na paggamit ng wika

Sa tulong ng wika ay nakapamumuhay ang tao ng ayos at naigagapang ang sarili sa

kapaligiran. Mahalaga ang wikang Filipino sapagkat dahil dito lumalawak at nabubuo ang

pagkatao ng bawat individual na Filipino. Ang wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng

mga Pilipino kung sino, ano at meron sila. Ang paggamit ng wikang Filipino ay

nangangahulugang nagkakaisa at nagkakaintidihan ang mga Pilipino sa iisang hangarin (Candor,

et.al, 2015).

Ayon sa isinagawang pananaliksik nina Candor at Villanueva, para sa bawat indibidwal

na mag-aaral ng LPU-Laguna sa kurong IT (Information Technology) mahalaga na mahusay ang

isang mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon sa isa’t isa sapagkat

ito ang pangunahing wika ginagamit ng mga ito. Mas magkakaunawaan ang pag-uusap ng

dalawang mag-aaral kung ang mga ito ay nagsasalita ng isang wikang Filipino na kung saan ay

maipapahayag ng maliwanag ang nararamdaman, kaisipan o opinion ng bawat isa. Ang mahusay

na paggamit nito ay isang matuturing na sandata at ito ang magdadala sa isang tao sa rurok ng

kanyang tagumpay sapagkat kaya niyang makipa-usap sa iba’t ibang klase ng tao pabigkas man o

pasulat.

Kahalagahan ng paggamit ng wika

Ang wika ang pangunahing instrumento sa pakikipagkomunikasyon. Mahalaga ang wika

sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. Kung

walang wika walang magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin at

sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Kapag may

sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya.
Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.

Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang

iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. Walang saysay ang

sangkatauhan kung wala ang wika. Ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad

at masiglang sangkatauhang bukas sa pakikipagkasunduan sa isa’t isa.

Ayon kay Mallabo (2014), may mga kadahilanan din kung bakit ginagamit natin ang

sariling wika, isa na dito ay mas madaling maintindihan at maisaisip ang mga leksyong itinuturo

ng mga guro, napapadali nito ang proseso ng pag-aaral, mas nakakarelaks, mas buhay, masigla at

impormal ang diskasyon, mas komportableng gamitin ang wikang Filipino, mas nagpapartisipeyt

at hindi naiilang ang mga estudyante kaya nawawala ang hadlang o mga balakid ng

komunikasyon, walang limitasyon sa mga ideya, naiaaplay ang mga natututunan sa pang-araw-

araw na buhay at naiistimulate ang pag-iisip ng estudyante.

You might also like