You are on page 1of 13

MUNGKAHING GAWAING PAMPAGKATUTO SA PAGLINANG

NG KAKAYAHANG PANGWIKA NG MGA MAG–AARAL

SA IKASIYAM NA BAITANG SA ANSELMO A.

SANDOVAL MEMORIAL NATIONAL

HIGH SCHOOL

Isang Tesis na Iniharap sa mga Guro

Ng Departamento ng Edukasyon

Ng Sta. Teresa College

Isang Pagtupad sa Kailangan ng Kursong


Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya

Nina:

Banta, Jhessa Rose J.

Pabalate, Shervee M.

Pantig, Jonnel S.

Enero, 2024

KABANATA I

ANG SULIRANIN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang wika ay isang sistemang pangkomunikasyon na naglalaman ng mga

simbolo, tunog, at iba't ibang elemento upang maipahayag ang kahulugan. Ito ay
isang likas at kultural na kakayahan ng tao na nagbibigay-daan sa pagsusuri,

pag-unawa, at pagpapahayag ng ideya, damdamin, at karanasan. Sa

pamamagitan nito, ang mga tao ay nakabubuo ng mga simbolikong sistema na

nagpapahintulot sa kanila na magbahagi ng kaalaman at makipag-ugnayan sa

kanilang kapwa. Binubuo ito ng mga salita, parirala, at gramatikang patakaran na

nagbibigay ng anyo sa mga kaisipan at mensahe.

Ang wika ay nagiging daan din sa pagpapahayag ng kultura, tradisyon, at

identidad ng isang grupo o lipunan. Ito'y nagiging instrumento ng pagtuturo,

pagsasanib-puwersa, at pagsasalin ng karanasan mula sa henerasyon patungo

sa henerasyon. Mahalaga ang wika sa pag-unlad ng lipunan dahil ito ang

pangunahing kasangkapan sa edukasyon, ekonomiya, at iba't ibang aspeto ng

buhay. Bukod dito, ang wika ay may kakayahang magbukas ng pintuan ng pang-

unawa sa pagitan ng mga tao, nagbibigay daan sa masusing komunikasyon, at

nagpapahayag ng kultura ng isang komunidad.

Sa pag-usad ng panahon, nagbabago ang mga wika na ginagamit natin

kasabay ng pag-unlad nating mga Pilipino. Ito ay sa kadahilanan na ang wika ay

ang ginagamit natin sa pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan sa isa’t isa

kung kaya naman sa paglipas ng panahon ay nagbabago ito. Pinapaiksi natin

ang ibang salita o hindi naman kaya ay nagiimbento tayo ng mga terminolohiya

upang mapadali ang pakikipagusap sa kapwa natin.

Ayon kay Mabantauenaventura (2016), ang wika ay isang ingat-yaman ng

mga tradisyong nakalagak dito. Sa madaling salita, ang wika ay kaisipan ng


isang bansa kaya’t kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiin ng

sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.ngunit ang

pangunahing ginagamit ng mga Pilipino ay ang wikang Tagalog na kadalasang

matatagpuan sa Luzon ang pamantayang bersyon ng wikang Tagalog. Malawak

ang wikang Tagalog at madami rin itong uri ngunit habang patagal ng patagal at

paunlad ng paunlad ang teknolohiya marami sa mga Filipino ang nakakaligtaang

gamitin angating wika sa kadahilanan ng pag usbong ng ibat ibang termino at

salita. Marami ang nakakalimot sa tunay na tawag o kahulugan sa kadahilanang

maraming salita ang pwedeng ipalit na mas maikli o di naman kaya’y mas

madaling bigkasin.

Inilarawan ni Mangyao (2016) ang wika bilang dinamiko o patuloy na

nagbabago sa katagalan ng panahon ito ang nagiging sanhi ng pagkalimot o

hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin ang modernisasyon sa

nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o pag-

usbong ng mga makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas.

Ayon kina Kazuhiro et. al (2018) ang salitang balbal ay ang di-

pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika sa isang partikular na grupo

ng lipunan. Ito ang mga salitang nabuo sa impormal na paraan. Tumutukoy ito sa

mga salitang o ekspresyon na karaniwang ginagamit sa isang partikular na grupo

ng tao, subkultura, o komunidad, ngunit hindi ito kinikilala o itinatanggap ng

pangkalahatang lipunan. Ito ay masasabi ring mga di-pormal na salita o


terminolohiya na kadalasang nauunawaan lamang ng ilang tao sa loob ng isang

tiyak na konteksto.

Nagsisilbi rin itong pagkakakilanlan, karanasan, o pagnanasa na

nauunawaan lamang ng kanilang kapwa na kasapi sa kanilang subkultura.

Maaring maging payak o masalimuot ang mga salitang balbal, at madalas itong

nagbabago o dumarami depende sa mga pangyayari at pag-unlad sa lipunan.

Ang paggamit ng balbal ay isang anyo ng sosyolinggwistikang pahayag at

pagtuturing dito bilang di-pormal na bahagi ng wika ay nagbibigay diin sa kultural

na aspeto ng komunikasyon sa isang partikular na grupo.

Ayon kay Miculob (2020) ang kolokyal sa antas ng wika ay naglalarawan

ng impormal o di-pormal na paraan ng pagsasalita na kadalasang ginagamit sa

pang-araw-araw na pakikipag-usap sa loob ng isang partikular na komunidad o

lipunan. Ito ay mas malaya at hindi seryoso kumpara sa mga pormal na

pagsasalita o pagsusulat. Sa konteksto ng wika, ang kolokyal na anyo ay

maaaring magdulot ng pagbabago sa istruktura ng mga salita, pagkakaroon ng

bagong kahulugan, o paggamit ng mga salitang dayuhan na naiintindihan

lamang sa loob ng partikular na grupo. Ito ay nagbibigay kulay at pagsasalaysay

sa komunikasyon, nagpapakita ng di-pormal na ugnayan, at kadalasang makikita

sa kultura at pananaw ng isang lipunan.

Dagdag pa niya bagamat ang kolokyal na wika ay kadalasang tinatanggap

at ginagamit sa mga di-pormal na sitwasyon, mahalaga pa rin na tandaan ang


tamang konteksto ng paggamit nito upang maiwasan ang hindi tamang pang-

unawa o pagkakamali.

Ayon kay Sagun (2018), sa panahon ng pagsilang, taglay na ng bawat

indibidwal ang iba’t ibang kakayahan na maunawaan ang kapaligiran na kanyang

kinabibilangan. Habang nadaragdagan ang edad, nalilinang ang mga ito bilang

kasanayan. Ang kasanayan ng isang tao ay maaaring malinang o mapaunlad

nang husto at mas epektibo sa tulong ng tekstwal o biswal na awtput.

Inaasahang makatutulong din ito sa pagyabong ng makrong kasanayan ng

bawat mag-aaral upang higit na maunawan ang kahalagahan at epektibong dulot

nito sa pag-iral ng sariling kasanayan. Ang mga salitang lalawiganin ay itinuturing

na epektibong pagpapabatid o pagpapahayag ng sariling kaisipan, saloobon at

damdamin ng isang indibidwal. Ang mga kasanayang ito ang nagsisilbing

pangunahing kasangkapan nang sa gayon ay maisakatuparan ang isang

matagumpay na.

Ayon kay William (2016) Ang pambansa na anyo ng wika ay karaniwang

nagtatangi ng isang opisyal na wikang pambansa o pangunahing wika ng bansa,

na maaaring gamitin sa edukasyon, pamahalaan, at iba't ibang sektor ng lipunan.

Ito ay naglalaman ng mga patakaran sa gramatika, bokabularyo, at pagbigkas na

itinataguyod at inaayos ng pambansang wika o ahensiyang pangwika. Sa

paggamit ng mga salitang pambansa, ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng


isang pangkalahatang midyum ng pakikipag-usap at pag-unawa. Ito ay

nagbibigay daan sa pambansang pagkakakilanlan at nagtataguyod ng

pagkakaisa sa kabila ng iba't ibang etnolinggwistikong grupo sa loob ng isang

bansa.

Binigyang kahulugan ni William (2016) ang pambansa sa antas ng wika

ay naglalarawan ng paraan ng pagsasalita o pagsulat na itinatanggap at

ginagamit sa buong bansa. Ito ay kinikilala at ipinapatupad ng pambansang

pamahalaan upang magkaruon ng isang pangunahing midyum ng komunikasyon

para sa lahat ng mamamayan.

Dagdag pa niya kasabay ng paglaganap ng teknolohiya, umusbong din

ang iba’t ibang makabagong baryasyon ng wika na naging dahilan ng pagtamlay

ng wikang Filipino. Ang mga salitang jejemon, bekimon o mas kilala sa tawag na

gaylingo ay isa sa nagiging hadlang sa pagkamit ng sapat na kaalaman sa

wastong paggamit ng wikang Filipino. Isa sa nakaiimpluwensya sa paggamit ng

gaylingo ay ang kasarian ng isang indibidwal. Hindi maitatanggi na maging sa

paaralan litaw ang ganitong paraan ng pagsasalita. Karamihan sa mga mag-

aaral na gumagamit ng ganitong wika ay nawawala sa pokus at atensyon sa

pag-aaral.

Inilahad ni Buenaventura (2019) na ang kasanayan sa wika at

pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral madalas ay impormal o balbal sapagkat

maraming mga termino ang umuusbong na nakapag uudyok upang gumamit ng


mga salitang madaling bigkasin. Bukod sa balbal na mga salita, gay lingo o beki

words at jejemon, ang wikang ingles ay isa rin sa nagiging midyum upang

magpahayag ng salitang mahirap bigyan ng kahulugan sa wikang Filipino. Ang

paglaganap nito ay dulot ng pagbabagong nagaganap sa lipunan, midya, at

paglalakbay. Maihahalintulad ito sa virus sa kompyuter na kungsaan kumakalat

at lumilikha ng polusyon sa isipan ng mga kabataan. Nasisira nito ang

oportunidad na matuto ang mga kabataan ng tungkol sa wastong pagpapahayag

gamit ang wikang Filipino.

Patuloy na umuunlad at nagbabago ang wikang Filipino sa makabagong

panahon. Gumagamit tayo ng iba’t ibang paraan upang mas mapadali ang

pagbigkas o paggamit ng ating wika. Kinagisnan ng lahat ang purong wikang

Filipino ngunit ngayon panahong ito, nahuhulaan na ito ng sinasabi nilang wikang

kolokyal.

Isang uri ng impormal na salitang kolokyal kung saan ang ginagamit natin

itong pang araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at

pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang

nagsasabi. Napakahalaga ng kolokyal sa atin dahil nagpapadali ito sa ating

paraan ng pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa ibang tao, dahil pinapaikli

nito ang pagbigkas at pagsulat ng mga salitang kalimitan nating ginagamit.

(Santiago 2017)
Kasabay ng paglaganap ng teknolohiya, umusbong din ang iba’t ibang

makabagong baryasyon ng wika na naging dahilan ng pagtamlay ng wikang

Filipino ayon sa naging paglalahad ni Gaceta (2019) aniya ang mga salitang

jejemon, bekimon o mas kilala sa tawag na gaylingo ay isa sa nagiging hadlang

sa pagkamit ng sapat na kaalaman sa wastong paggamit ng wikang Filipino. Isa

sa mga nakaiimpluwensya sa paggamit ng gaylingo ay ang kasarian ng isang

indibidwal. Hindi maitatanggi na maging sa paaralan litaw ang ganitong paraan

ng pagsasalita. Karamihan sa mga mag-aaral na gumagamit ng ganitong wika ay

nawawala sa pokus at atensyon sa pag-aaral. Dahil dito, naaapektuhan ang

paghubog sa kakayahan ng mga mag-aaral partikular na sa kaalamang


7
vii
pangwika.

Dagdag pa niya, ang kasanayan sa wika at pakikipagtalastasan ng mga

mag-aaral madalas ay impormal o balbal sapagkat maraming mga termino ang

umuusbong na nakapag uudyok upang gumamit ng mga salitang madaling

bigkasin. Bukod sa balbal na mga salita, gaylingo o beki words at jejemon, ang

wikang ingles ay isa rin sa nagiging midyum upang magpahayag ng salitang

mahirap bigyan ng kahulugan sa wikang Filipino. Ang paglaganap nito ay dulot

ng pagbabagong nagaganap sa lipunan, midya, at paglalakbay. Maihahalintulad

ng mabilisang paglaganap nito sa isang computer virus na mabilis ang pagkalat

at paglikha ng polusyon sa isipan ng mga kabataan. Nasisira nito ang

oportunidad na matuto ang mga kabataan ng tungkol sa wastong pagpapahayag

gamit ang wikang Filipino.


Hinangad ng kasalukuyang pananaliksik na makatulong sa pagpapalago

ng kaalaman ng bawat mag-aaral sa tulong na din ng mabubuong mga

epektibong gawain sa paglinang at paghasa sa antas ng wika . Makapagbibigay

ito ng kasagutan upang lubos pang mapagyaman at malinang ang kasanayan sa

Filipino. Ang mga mungkahing gawain na nakapokus sa pag-aaral ay maaaring

gamitin ng mga mag-aaral upang maging bihasa sa kaalamang pangwika.

Batay sa suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa sekundarya,

mapapansin na tila nahihirapan ang karamihan sa araling wika na mahalaga sa

pagpapalago ng kaalamang pangwika ang ilang mag-aaral sa Anselmo A.

Sandoval Memorial National High School. Maging ang naging karanasan ng mga

mananaliksik sa taglay na kakayahang pangwika sa Filipino noong nasa

sekundarya pa lamang ay nagsilbi ring batayan upang isagawa ang

kasalukuyang pag-aaral. Kaugnay nito, nakita rin na malaki ang naidulot ng

social media sa pagtamlay ng wikang Filipino. Ito na ang nagiging lunsaran ng

bawat mag-aaral upang makipagkomunikasyon. Bunga ng makabagong lunsaran

nalimitahan ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng wikang

Filipino kung kaya mas naging bihasa sila sa paggamit ng ibang wika.

Mapapansin na karamihan sa mga mag-aaral sa sekundarya ay hindi

bihasa sa wastong balarila sa Filipino na nakahahadlang sa pagkakaroon ng

sapat na kaalaman sa pagpapalawig ng kakayahang pangwika. Bumababa ang

kakayahan nila sa iba’t ibang aspetong may kaugnayan sa Filipino. Napansin din

ng mga mananaliksik na karamihan sa mga aktibidad pampaaralan at mga


alituntunin sa loob ng paaralan ay nanghihikayat ang karamihan na gamitin ang

wikang Ingles bilang midyum ng pagsasalita. Bukod dito, ang karamihan sa mga

mag-aaral sa sekondarya ay nabibilang sa generation Z na nahuhumaling sa

Kpop, Cdrama, Thai series, at tv series. Ito ay isa ring dahilan kung bakit ang

karamihan sa kanila ay marunong sa lenggawahe na kanilang pinapanood.

Bilang mga guro sa hinaharap, ang mga balakid na ito ang nag-udyok sa

mga mananaliksik na bigyang pansin ang suliranin ng mga mag-aaral sa

pagkatuto sa asignaturang ito. Isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang mga

balakid ng mga mga-aaral sa pagkatuto sa asignaturang Filipino partikular na sa

araling pangwika upang pag-aralan at matulungan ang mga mag-aaral sa

sekundarya. Nilayon ng pag-aaral na malaman ang antas ng kakayahang

pangwika sa pagkatuto sa Filipino ng mga mag-aaral. Layunin din nito na

malaman ang ugnayan ng antas ng wika at antas sa pagganap sa pagkatuto sa

asignaturang Filipino. Sa pag-aaral na ito, inalam din ng mananaliksik ang iba

pang suliranin ng mga mag-aaral sa pagkamit ng kakayahang pangwika.

Hinangad din ng kasalukuyang pag-aaral na makatulong sa pagtatamo ng

ganap na pagkatuto ng bawat mag-aaral sa tulong ng mga mungkahing gawain

na makalilinang sa kakayahang pangwika. Dahil sa paggamit ng mga ito,

magiging mas bihasa sa kaalamang pangwika ang mga mag-aaral.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit


Binigyang katuturan ang mga sumusunod na terminolohiya upang higit na

maunawaan ng mga mambabasa.

Antas. Ito ay tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon ng tao o bagay

(Ramirez, 2015). Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy pagkakaiba-iba ng paggamit ng

wika ayon sa personalidad, panahon, katayuan, at pangkat na kinabibilangan ng

tagapagsalita.

Balbal. Tumutukoy ito sa mga salita o ekspresyon na karaniwang

ginagamit sa isang partikular na grupo ng tao, subkultura, o komunidad, ngunit

hindi ito kinikilala o itinatanggap ng pangkalahatang lipunan. Sa pag-aaral, ito

ang ay tumutukoy sa pang-araw-araw na pananalita.karaniwa’y nalilikha ito sa

pagbabaligtad ng mga titik, o pagiibang-anyo sa salitng ugat. Ang iba pang

tawag sa balbal ay salitang kalye o sa ingles ay street slang. (Gette, 2016)

Kolokyal. Ang wikang kolokyal at ang pagkakaiba nito sa ibang antas ng

Wika ang layunin ng pag-aaral. Hindi makakaila na laging ginagamit ang wikang

kolokyal sa pagsusulat man o pag-uusap gaya ng mga mamamahayag, guro,

mag-aaral at iba pa. Nais rin makatulong ng mga mananaliksik upang mapataas

ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng St. Francis sa

wikang kolokyal. Halos lahat ng mga tao ngayon ay gumagamit ng wikang

kolokyal ng hindi nila nalalaman ang ibig sabihin nito kaya ito rin ang napili ng

mga mananaliksik sa pag-aralan.( Santiago 2016)


Lalawiganin. aaral ni Barquilla (2015), tinukoy niya na ang pag – aaral ni

Constantino na mayroong higit sa apatnaraan (400) ang dayalek na ginagamit sa

kapuluan ng bansa. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng

Isabela ta Cagayan, Ilocano ng Ilocos, Pampango ng Pampanga, Pangasenense

ng Pangasinan at Bicolano ng Kabikulan. Ang mga dayalek ay makikilala hindi

lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabolaryo kundi maging

sa punto o tono at sa instraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin na

ang pananagalog ng mga naniirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang

wika.

You might also like