You are on page 1of 80

METAFUNCTION NG GAY LINGO BILANG DISKURSO SA KLASE

TUNGO SA INKLUSIBONG EDUKASYON

Isang Tesis
na Iniharap sa Kaguruan
ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Pambansang Pamantasan ng Batangas
Ang Pambansang Pamantasan ng Inhinyeriya JPLPC–Malvar
Malvar, Batangas

Bilang Bahagi ng Pagtugon sa


Pangangailangan para sa Titulong
Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya

Nina

Florentino, Lyrra Therese S.


Jimenez, Emmanuel F.
Magboo, Reniel G.

Hunyo 2023
Kabanata I
Ang Suliranin

Panimula
Ang wika ay instrumento ng komunikasyon at pakikipagkapwa ng mga tao.

Ang wika ay buhay at daynamiko. Kasabay ng pagbabagong ito ay ang pag-

usbong ng iba’t ibang likhang wika na siyang maririnig na ginagamit sa pang

araw-araw. Ang mga bagong likhang wikang ito ay mga nabuo mula sa iba pang

mga wika na may sariling katangian at kakanyahan. Dahil sa pagkakaiba-iba ng

aspetong kultural ng pangkat ng mga taong gumagamit ng isang wika, patuloy sa

paglaganap ang mga barayti at baryasyon ng wika.

Ayon sa pakahulugan ni Dayag (2017) ang barayti ng wika ay dulot ng

pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o trabaho, henerasyon ng

pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging lokasyon

o heograpiya ng isang lugar. Ito rin ay bunga ng pagkakaroon ng heterogeneous na

wika na nabubuo naman ayon sa pangangailangan ng paggamit nito ay siyang

nagdudulot ng baryasyon ng wika. Samakatuwid, walang wikang magkakatulad

ngunit may isang wika pa rin ang napagkakasunduan. Ang mga wikang ito ay

ginagamit din upang mas maipabatid ang kanilang mga emosyon, saloobin o mga

nais sabihin sa kanilang kapwa. Ang mga ito ay nagkakaiba-iba batay sa kung

saang pangkat sila nabibilang. Ito ay naging bahagi na ng kultura at kasaysayan ng

mga pangkat na kanilang kinabibilangan at siyang sumisimbolo sa mga ito bilang

2
kanilang mga pagkakakilanlan. Ganoon din ang mga wika sa lipunan na nabuo sa

sarili, sa loob ng tahanan, sa isang grupo o pangkat, sa isang partikular na lugar

maging sa isang larangan ay tinatawag na barayti ng wika. Dahil sa kagustuhan ng

tao na makibagay at makipag-ugnayan ay nagkaroon nga ng mga barayti ng wika

at isa na nga rito ay ang pag-usbong ng sosyolek na wika.

Ang sosyolek ay tawag sa wika na ginagamit ng isang partikular na pangkat

ng tao, propesyon, o grupo ng mga tao. Ito ay pansamantalang barayti lamang at

ginagamit ng isang partikular na grupo. Marami tayong uri ng sosyolek na salita.

Dahil yan sa ating hindi pagkakatulad sa mga maraming bagay tulad na lamang ng

edad, kasarian, katayuan sa buhay at klase ng lipunan na ginagalawan. Ang mga

salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng

indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita. Ang sosyolek ay nahahati sa

dalawang bahagi: ang pormal at hindi pormal. Ang mga salitang ginagamit ng mga

propesyonal ay tinatawag na pormal, habang ang mga di-pormal naman ay mga

salitang naimbento lamang ng mga pangkat ng tao upang magkaroon ng sariling

pagkakakilanlan. Sa panahon ngayon, kung saan ang mga makabagong

henerasyon tulad ng milenyal at mga nasa ikatlong kasarian ay lumilikha ng kani-

kanilang tatak na salita. Isa nga sa mga pinakamatingkad na sosyolek sa lipunan ay

ang “swardspeak” o mas kilala bilang gay lingo (Hernandez, 2021).

Ang Swardspeak o Gay Lingo ay ang mga terminolohiya o salita na

madalas ginagamit ng mga kabahagi ng LGBTQIA+. Ayon kay Legaspi (2019) ito

3
ay dating isang “lihim na wika” ng mga ito na ang primaryang intensiyon ay ang

magkaroon ng isang sikretong lengguwahe na hindi maintindihan ng mga taong

hindi kabilang sa kanila. Ito’y pananalita na mabilis magbago sapagkat patuloy

ang pag-inog bunsod ng palaging may nadadagdag na bagong salita, at mayroon

din namang mga salita na di na rin nagagamit at nawawala na lang. Ito rin ay

ginagamit upang maitago at bilang pamalit sa mga salitang hindi dapat banggitin

sa lipunan (salitang taboo). Samakatuwid ginagamit ito upang maiwasan

na maraming makaalam sa kanilang mga usapan lalo’t higit patungkol sa mga

maseselang bagay at upang maprotektahan ang kanilang paligid na hindi sanay sa

ganitong paksa.

Sa panahon ngayon hindi na gaanong ka lihim ang wikang ito at kapansin-

pansin na hindi na lamang basta sa LGBTQIA+ maririnig na nagsasalita ng

kanilang lenggwahe kundi mapababae man o lalaki, bata man o matanda. Walang

makapagsasabi kung kailan tiyak na umusbong ang mga salitang ito. Ipinapakita

lamang na ang wikang Filipino ay buhay. May nawawala at may napapalitan tanda

ng pag-unlad ng ating wikang pambansa. Kaya hindi dapat pagtakhan kung

nakakarinig ng mga bagong usbong na salita na bago sa pandinig na galing sa

isang pangkat o grupo ng mga taong nasa ikatlong kasarian. Patunay rin na

malakas ang impluwensiya ng gay lingo dahil hindi na lang sa mga beauty parlor

naririnig ang mga ito kundi sa iba’t ibang lugar at pagkakataon din. Dagdag pa

rito, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng kahulugan ang mga salitang gay lingo

4
batay sa edad ng gumagamit, kasarian, paraan ng pamumuhay at lugar na

kinabibilangan ng mga taong nagsasalita nito. Kaakibat nito ang interes at

kuryosidad ng mga nabanggit kung kaya naman pati sila ay may kaalaman na rin

sa pagsasalita nito. Isa ang gay lingo sa malaking epekto na nagpapabago sa

kulturang wika ng mga Pilipino dahil marami na ang tumatangkilik dito lalong-

lalo na ang mga kabataan. Isang patunay na ang wika ay buhay at mabilis

yumabong sapagkat maging sa mga paaralan o sa pamantasan ay maririnig na ring

ginagamit ang mga salitang ito lalo’t higit ng mga mag-aaral.

Ang paaralan bilang isa sa pangunahing lunan ng edukasyon na siyang

pangalawang tahanan din ng mga mag-aaral at pinaglalagakan nang mahabang

panahon, dito nila nararapat na mas matatamo ang karunungan na siyang malaki

ang kontribusyon sa pagpapayabong at paglinang ng wika sapagkat hindi rin

naman maitatangging patuloy ang pagyaman ng wika. May mga pagkakataon na

nakakagamit ang mga mag-aaral ng mga salitang gay lingo sa kanilang mga

perpormans sa klase at maging mga oral na talakayan kung saan hindi naman

kinakailangan ng pormal na pag-uusap ng mga guro at mga mag-aaral. Isang

indikasyon na kinakailangan na magkaroon din ng malawak na pagkakaunawa ang

mga guro sa mga ganitong uri ng wika upang magkaroon ng mas maayos na

ugnayan sa mga ito. Bagamat hindi naman ito ang opisyal na midyum ng mga ito

ay kinakailangan pa rin na alam ng mga guro ang tungkol dito.

5
May iba’t ibang paraan upang mas maituro nang maayos ng mga guro ang

mga leksyon. Kasama na rin dito ang pagsabay ng mga guro sa uso o ang

tinatawag na trend. Kasabay ng pag-usbong ng iba’t ibang paraan sa pagtuturo ay

umuusbong din ang iba’t ibang wika at isa na rito ang gay lingo. Ang gay lingo ay

isang barayti ng wika na halos dati ay iilang lamang ang nakakaalam. Marami sa

atin lalo’t higit sa mga kabataan ang gumagamit ng wikang gay lingo ngunit hindi

maiiwasan ang pagkakaroon ng ng diskriminasyon sa mga taong gumagamit at

nagsasalita ng wikang nabanggit. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na

matukoy kung ano ang antas ng pagtanggap ng isang mag-aaral sa metafunction ng

mga salitang gay lingo bilang wikang ginagamit sa di pormal na

pakikipagkomunikasyon. Ito ay inaasahang magiging daan tungo sa inklusibong

edukasyon.

Ang pagbuo ng isang inklusibong paaralan na walang panganib o

diskriminasyon laban sa mga taong nagsasalita ng gay lingo lalo’t higit sa mga

kabahagi ng LGBTQIA+ ay kinakailangan ng ibayong pagtuon tungo sa positibong

pagbabago. Ang negatibong epekto ng hindi pagsuporta at pagalit na kapaligiran

ng paaralan para sa mga mag-aaral ng LGTBQIA+ ay nagpapakita ng kritikal na

pangangailangan para sa mga paaralan na magbago. Bagamat mayroong mga

programang isinasagawa sa paaralan na nakapagpapakita ng pagmamahal at

pagtanggap sa mga nasa komunidad na ito, hindi pa rin lubusan ang nasasakop ng

pagiging inklusibong ito. Mayroon pa ring mariin ang pagtalima sa paggamit ng

6
mga salitang gay lingo o kahit na makarinig lamang ng mga ito. Sa kabila ng

mabilis na pagyabong nito ay hindi pa rin maitatangging hindi pa rin sapat ang

pagtanggap na nakukuha ng sosyolek na wikang ito. Ang paaralan ang dapat

maging ligtas na lugar ng mga mag-aaral na mayroong lubusang pagtanggap at

walang diskriminasyong magaganap. Ang lahat ng mga homophobic at

transphobic ay hindi dapat hinahayaan. Ang mga magulang at lahat ng kabahagi

ng nasa institusyon ng edukasyon ay dapat na may kaalaman ukol dito.

Sa lahat ng impormasyong inilahad, batid ng mga mananaliksik na ang gay

lingo ay isang barayti at baryasyon ng wika na siyang laganap sa kasalukuyang

panahon. Dagdag pa rito ito ay isa sa baryasyon at hindi na maitatanggi na

mayroon na itong espasyo sa loob at labas ng pang araw-araw na pamumuhay ng

mga Pilipino maging sa paaralan sa larangan ng pakikipagtalastasan. Dahil dito,

minabuti ng mga mananaliksik na isagawa ang nasabing pananaliksik upang

matukoy ang mga madalas gamitin na gay lingo at kung ano ang antas ng

pagtanggap dito ng mga mag-aaral sa mga oras na hindi kinakailangan ng pormal

na komunikasyon. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa mga mag-aaral nang

mas malinaw na impormasyon tungkol sa mga madalas na gamiting salita ng gay

lingo at upang malaman ang kahulugan nito na maaring magamit bilang diskurso

sa klase sa mga oras na hindi pormal ang komunikasyon ng mga kalahok.

Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,

makakapagmungkahi sila ng isang glosaryo na naglalaman ng mga metafunction

7
ng gay lingo na siyang magagamit o makakatulong lalo’t higit sa pagpapaunlad sa

isang barayti at barayasyon ng wika tungo sa inklusibong edukasyon.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga kaukulang

impormasyon ukol sa metafunction ng gay lingo bilang diskurso sa klase tungo sa

inklusibong edukasyon at upang mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na

layunin:

1. Matutukoy ang gay lingo na madalas gamitin bilang diskurso sa klase.

2. Masuri ang metafunction ng gay lingo batay sa sumusunod:

2.1 Interpersonal

2.2 Ideational

2.3 Textual

3. Masukat ang antas ng pagtanggap sa metafunction ng gay lingo na madalas

gamitin bilang diskurso sa klase.

4. Mailahad ang kaangkupan ng paggamit ng language metafunction ng gay lingo

bilang diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon.

5. Makabuo ng glosaryo ng metafunction ng gay lingo tungo sa inklusibong

edukasyon.

Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon

8
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa metafunction ng gay lingo

bilang diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon. Sasaklawin lamang ng

pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa

ilalim ng Pambansang Pamantasan ng Batangas – Ang Pambansang Pamantasan

ng Inhinyeriya- JPLPC Malvar.

Saklaw din ng pananaliksik na ito ang mga madalas na gamiting gay lingo

bilang diskurso sa klase at kung ano ang antas ng pagtanggap at kaangkupan ng

paggamit dito ng mga mag-aaral. Nakatuon din ang pag-aaral na ito sa glosaryo

ng metafunction ng gay lingo upang maghatid ng mas malawak na kalinawan at

inklusibong lunan tungkol sa mga salitang gay lingo sa edukasyon.

Samantalang, hindi na saklaw at nilimitahan lamang ang pag-aaral na ito

ang kakayahan sa paggamit sa pangungusap ng mga salitang gay lingo ng mga

respondente. Karagdagan dito, hindi na rin sakop ng pananaliksik na ito ang

opinyon at pagtanggap ng mga respondente sa komunidad ng LGBTQIA+ at mga

taong gumagamit ng gay lingo sa labas ng paaralan.

Implikasyong Pedagohikal

Sa pag-aaral na ito, naglalayong malaman ang metafunction ng gay lingo

bilang diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon. Ang resulta ng

pananaliksik na ito ay maaaring maging batayan ng mga mag-aaral, guro, at mga

susunod pang mananaliksik upang matukoy ang mga madalas na gamiting gay

lingo at maging ang kahulugan nito. Magkakaroon din sila ng kaalaman sa iba’t

9
ibang salitang gay lingo na siyang umiiral o madalas gamitin sa pamantasan

bilang diskurso sa klase. Dagdag na rito ay ang pag-alam sa antas ng pagtanggap

sa metafunction ng gay lingo na ginagamit na diskurso sa klase sa mga hindi

pormal na komunikasyon.

Ang pag-aaral din na ito ay magbibigay ng komprehensibong

pagkakaunawa sa mga gay lingo na naisayos batay sa metafunction nito. Ang

glosaryong mabubuo ng mga mananaliksik ay magsisilbing batayan ng kaalaman

at daan tungo sa isang inklusibong lunan na may pagtanggap hindi lamang sa mga

gay lingo ngunit maging ang kahulugan nito.

Depinisyon ng Terminolohiya

Upang higit na maunawaan ng mga nais na basahin ang saliksik na ito,

binigyang kahulugan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na mahahalagang

terminong ginamit sa saliksik na ito:

Diskurso. Ito ay ang komunikasyon at interaktibong Gawain tungo sa

mabisang paglalahad ng mga impormasyon.(Loriega 2022). Sa pag-aaral na ito

ang salitang ito ay magsisilbing pantukoy sa pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o

anumang paraan ngpagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

Guro. Isang di matatawarang propesyon na siyang tumutulong sa

paghubog ng mga susunod na henerasyon para sa pagkamit ng magandang

kinabukasan. Ito’y isang panunumpa sa sarili na hanapbuhay sa sarili na pang

habangbuhay na maalala ng mga mag-aaral. (Alejo, et al. 2015). Sa pag-aaral na

10
ito, ang mga guro ang nagsisilbing respondente na makakatulong sa pananaliksik

na ito upang malaman ang mga salitang gay lingo na madalas nilang naririnig sa

kanilang mga mag-aaral at kung ano ang pagtanggap ng mga ito rito.

Inklusibong Edukasyon. Ito ay tumutukoy sa kagustuhang malampasan

ang mga hadlang sa partisipasyon at pagkatuto ng lahat ng mga mag-aaral sa

paaralan- anuman ang kanilang wika, politikal na paninindigan o uring

kinabibilangan. (Dotimas 2014). Sa pag-aaral na ito ay gagamitin ang salitang ito

bilang isang tunguhin na nais makamit ng mga mananaliksik sa pagbuo ng

mungkahing awtput ng mga ito.

Mag-aaral. Ang terminong ito ay tumutukoy sa lahat ng mga mag-aaral na

nakaenrol sa Pambansang Pamantasan ng Batangas, Ang Pambansang Pamantasan

ng Inhinyeriya - JPLPC Malvar Kampus para sa Akademikong Taon 2022-2023 sa

ilalim ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.

Pagtanggap. Ang terminong ito ay nangangahulugang pagkuha sa

anumang inialok, ipinagkaloob, ibinigay, o ipinadala. (Diksyunaryo ng KWF). Sa

pag-aaral na ito, ang patanggap ay tumutukoy sa paraan ng pagbibigay ng opinyon

ng mga respondente sa mga gay lingo.

11
Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA

Sa kabanatang ito binibigyang pansin ang mga kaugnay na literatura at pag-

aaral na isinagawa ng mga lokal at banyagang mananaliksik na may kinalaman sa

kasalukuyang saliksik. Matatagpuan sa kabanatang ito ang literaturang

konseptuwal. Kasama rin dito ang balangkas na teoretikal at konseptuwal na

siyang nakatulong sa isinagawang pag-aaral.

Literaturang Konseptuwal

Gay Lingo. Ang wika ay instrumento ng pakikipagtalastasan. Ito ay buhay

at daynamiko kaya naman nagkaroon na rin ito ng mga barayti. Sa pagdaan ng

panahon ay patuloy ang pag-usbong ng iba’t ibang barayti ng wika at isa ang

sosyolek sa maraming barayti nito na kung saan nakabatay sa katayuan o antas

panlipunan ng mga taong gumagamit ng wika. Ang gay lingo o swardspeak ay isa

sa mga halimbawa ng sosyolek na kung saan madalas gamitin ng mga nasa

LGBTQIA+. Dahil sa kagustuhang mapanatili ang wikang ito ng mga nasa

komunidad na nabanggit ay binabago nila ang tunog o kahulugan ng mga salita.

Ang wika ay nagbabago dahil sa heograpikal, panlipunan, o kahit sariling

mga istilo ng tagapagsalita, bawat tao ay may iba't ibang paraan ng pagsasalita. Sa

isang partikular na komunidad, may iba't ibang grupo na mayroong iba't ibang

paraan ng paggamit ng kanilang wika ayon sa kanilang sitwasyon. Ang mga

12
sitwasyong ito ay nagsisilbing hadlang sa pagpapanatili ng isang wika. (Hout,

2019).

Ang gay lingo ay isang “anti-language” at isang espesyal na uri ng

lenggwahe na nilikha ng isa lupon sa lipunan. Ang panlaban na wikang ito ay

gumagamit ng mga salita at ekspresyon na may mga karagdagan at pagbabago sa

kahulugan na naglalayong lumikha at mapanatili ang pagkakakilanlan nito.

(Halliday, 2013)

Sa isang pahayag sa papel na “Usage of Gay Lingo Among Millenials as a

Way of Communicating” nina Papua et. al. (2021), nakapaloob ang pahayag ni

Siguitan sa kanyang ginawang dyornal na may titulong “A Semantic Look at

Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo” ang gay lingo tulad ng

ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang wika ang

mga salita at terminolohiya nito ay mabilis na naipoproseso sa utak at hindi

makikita sa diksyunaryo ng agad-agad. Kung may sinulid na humahawak sa

wikang ito para mabuo, iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng

lipunan. Nakasaad din dito ang pahayag ni Murphy Red sa kanyang libro na

“Gayspeak in the Nineties” na nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa

wikang bakla sa Pilipinas, isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang

mga bakla ay walang pinanghahawakang alituntunin.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Bediones (2018), binigyan niya ng depinisyon

ang gay lingo bilang mga salitang nabuo dahil sa matinding diskriminasyon. Ito’y

13
isang paraan upang makatakas ang mga bading sa pang-iinsulto. Ginamit ang

wikang ito upang malaya makapag-usap ang mga nasa ikatlong lahi ng mga

anumang paksa at naging mabilis ang paglaganap ng gay lingo dahil pagiging

makabago ng panahon.

Sa komparatibong analisis na isinagawa nina Corpuz et.al (2021) mayroong

iba't ibang paraan ang mga bakla sa paggamit ng kanilang wika. Ang mga

kahulugan ng mga gay na salita ay patuloy na nagbabago, depende sa kung ano

ang trending lokal at/o internasyonal. Kaya ang mga salita sa gay na wika na

naimpluwensyahan ng ang kulturang popular ay tuluyang mawawalan ng gamit.

Kahit na posible para sa mga salitang ito panatilihin ang kanilang kaugnayan sa

kasalukuyang henerasyon, ang kanilang konteksto ay maaaring mangailangan ng

ilan pagpapaliwanag. Sa kaibahan, ang paggamit ng mga salita na nagmula sa mga

lokal na wika ay maaaring maging transgenerational o maipasa sa susunod na

salinlahi. Gayunpaman, may mga salita na napakasalimuot na nakabalangkas na

nananatiling eksklusibo ang mga ito para maunawaan ng gay community.

Metafunction ng Gay Lingo. Ayon naman sa paglalarawan ni Halliday sa

“A Language-Based Theory of Learning” nito, sinasabi niya na kung paano

magkakasabay na nakakamit ng wika ayon ang tatlong tungkulin o uri ng pagbuo

ng kahulugan o metafunction. Ang tatlong uri ng metafunction ay ang mga

sumusunod: ideational, interpersonal at textual na metafunction. Ang ideational

metafunction ay bumubuo ng mga ideya at karanasan; ang interpersonal

14
metafunction ay nagpapatupad ng mga tungkuling panlipunan at dinamika ng

kapangyarihan; at pinamamahalaan ng textual metafunction ang daloy ng

impormasyon upang maging magkakasama at magkakaugnay at mas palawigin

ang diskurso.

Ang pag-aaral naman na isinagawa ni Tudtod (2020) na gumamit ng

kwalitatibong paraan ng pananaliksik ay nagresulta na ang sistemang umiiral sa

pagbabaybay ng mga salitang bakla ay sumusunod sa alituntuning kung ano ang

bigkas siyang baybay. Subalit, hindi ito nasusunod sa lahat ng pagkakataon dahil

maraming kaso na tahasang nanghihiram ng mga salita mula sa mga banyagang

wika. Ikalawa, ang paggamit ng mga alituntuning nakapaloob din sa pagbuo ng

mga gay lingo tulad ng mga sumusunod: ang pagpapalit ng mga letra sa unahang

salita na nakapaloob sa tinatawag nilang J Law, KY/NY Law, SH Law at CH Law;

nagkaroon din ng paglalapi ng mga salitang wala namang panggramatikal na

gampanin; pag-uulit ng mga salita, pagpapalit ng tunog at paggamit ng katunog na

salita ng isang orihinal na salita. Ikatlo, ang pagpapanatili ng mga orihinal na

baybay sa mga salitang pantangi partikular na ang ngalan ng tao bagay at iba pa

subalit nagkakaroon ng pagbabago sa pagbibigay ng kahulugan batay sa kung

paano ito ginamit ng mga ito. Ikaapat, ang ganap na panghihiram ng mga salitang

mula sa wikang banyaga tulad ng Ingles gayundin ang pagpapanatili sa baybay

nito subalit binabago ang kahulugan batay sa kung paano nila ito ginagamit.

15
Pagtanggap sa Gay Lingo Bilang Diskurso sa Klase na Madalas

Gamitin Bilang Diskuso sa Klase. Ang paggamit ng sosyolek ay nahahati sa

pormal at hindi pormal. Ang gay lingo bilang bahagi ng baryasyon na ito ay

nabibilang sa mga hindi pormal na uri. Samakatuwid, kung ang wikang ito ay

gamitin sa klase maaring magkaroon ng salungat na pagtanggap ang mga nasa

loob ng klase: ang guro at ang mga mag-aaral.

Matagumpay ang pagtanggap ng mga kabataan sa dinamikong wika.

Mabilis silang nakaayon sa pagbabago ng mga wika. Ngunit mahalaga rin na

magkaroon ng mga limitasyon ang mga ito sa paggamit at paglinang ng mga

bagong wika upang hindi maglaho ang sariling wika. (Wagner, 2014).

Ayon sa pamanahong papel ni Oriondo Sandy na may pamagat na "Isang

Paglilinaw sa Salitang Bakla at Wikang Berbal ng mga Maricona na Resulta ng

kanilang Pakikipagsapalaran na Nagiging bahagi ng Pag-unlad ng Wikang

Filipino" na sinipi ni Aligarbes (2018), sinasabi ang gay lingo ay isa lamang sa

mga nagsasalamin sa pagkamalikhain ng mga Pilipino sapagkat nakabuo sila ng

mga wikang may sariling kakatangian at kakanyahan.

Sa aklat naman ni Weinrich na may titulong Language in Contact noong

2016, nakasaad ang paliwanag ni Marine na ang panglinggwistikang pagkakaiba

(diversity) ay nagsimula sa sariling lahi at maging sa katangian ng isang tao. Hindi

kailangang sabihin na ang isang tao ay nasa larangan ng pagtutunggali sa

panglinggwistikang uri o gawi.

16
Para naman sa mga gurong nagtuturo ng linggwistika sila’y kinakabahan at

nag-aalala na darating ang panahon parang permanenteng mamatay ang mga lokal

na wika. Napansin na ang mga hindi mabilang na salitang lumitaw ay maaaring

isulong ang modernisasyon ng wikang Filipino. Ito ay isang indikasyon na patuloy

na lumalago ang wikang Filipino, ngunit sa kabilang banda ay batid din ng mga

kabataan na unti-unting nawawala ang kanilang sariling wika. Albay (2020)

Kaugnay dito, sa papel ni McNeil (2015) naipahayag ang sinabi ni Cruz sa

kanyang column na may pamagat na “Don We Now Our Gay Apparel”. Ang mga

paaralan ngayon ay nababalot na ng paglaganap ng ikatlong uri o mga bakla. Isang

araw, habang naglalakad ako sa bandang university belt, napadaan sa harapan ko

ang grupo ng mga kalalakihang nagbibiruan habang sinabi ng isang lalaki sa

seryosong paraan. “Aalis na ako. Magpapasuso pa ako!” Ang ganoong pananalita

ay laganap na sa paaralan ng noong dekada ’70 habang ang mga estudyante ay

maskuladong lahat. Ngayon, karamihan sa mga estudyante ay bakla. Marahil ay

naimpluwensyahan na sila ng mga palabas katulad ng “Brokeback Mountains, ang

gawa sa Pilipinas o ating atin na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Queer

Eye For the Straight Guy” at iba pa.

Sinasabi nina Velez et.al (2017) sa kanilang pag-aaral na sadyang

napakarami na ng uri ng wika ang umusbong at ginagamit ng bawat indibidwal sa

bawat komunidad. Malaki ang impluwensya ng paggamit ng bekimon o gay lingo

sa mga taong nasa paligid dahil hindi nagagamit ng maayos ang wikang Filipino

17
sa pakikipagtalastasan na nakakasira sa pormalidad na pag-uusap. Ang mga salita

ng mga bakla ay madaling maintindihan kung isang salita lamang o parirala.

Ngunit kung gagamitin sa pakikipagkomunikasyon ay talagang hindi maintindihan

kung walang alam sa kanilang lenggwahe.

Habang ang pag-aaral naman ni Hilario (2015) na nasa anyong kwantitatibo

na nakatuon sa pananaw sa paggamit ng gay lingo, lumabas dito na ginagamit ang

gay lingo ng kahit na sino mapa-babae o lalaki at maging mga nasa ikatlong

kasarian. Mula sa mga naging respondente ng pag-aaral na ito, lumabas na isa sa

mga lugar kung saan nila madalas marinig ang mga gay lingo sa paaralan ngunit

hindi sa mga pormal na komunikasyon o usapan sa loob ng klase lalo’t higit sa

pakikipag-usap sa guro sapagkat hindi sila nauunawan ng mga ito.

Ang gay lingo ay isa sa ating likas na mayamang wika at samakatuwid ito

ay bahagi na rin ng ating kultura sa ngayon. Tunay na sinasalamin at pinatitibay

ng nito ang kultura ng kalayaan; kalayaang palawakin ang ating bokabularyo sa

Filipino, ang kalayaang ipahayag ang iyong sarili sa mas malikhain at mas

nakakatawang paraan at ang kalayaan mula sa diktasyong ibinibigay ng lipunan.

Maaaring hindi man namamalayan ngunit patuloy na itong ginagamit ng tao

habang nagsasalita na siyang nagdadagdag ng kulay at saya sa mga ordinaryong

pag-uusap at sa isang paraan ay nagpalakas ng moral ng ating kapwa Pilipino

pagdating sa pagsasalita. (Sangga, 2015).

18
Kaangkupan ng Paggamit ng Language Metafunction ng Gay Lingo

Bilang Diskurso sa Klase. Ang mga nilikhang sosyolek o jargon na gay lingo ay

ang sumasalamin sa kultura at sarili ng mga nasa ikatlong kasarian. Ang wika ay

siyang pagkakakilanlan ng isang grupo o bansa. Sa kaso ganitong sitwasyon ang

Gay Lingo ang kanilang kakanyahan. Ayon sa kotasyon ni Dr. Carmelita

Abdurahman komisyoner ng KWF na “Habang hindi sumasalungat ang kabutihan

ng tao, hayaan natin sila, dahil ito ang magpapayaman sa ating wika”

Malaking halaga ang nagagawa ng wika sa tao dahil ito ang tulay ng bawat

isa upang magkaunawaan at isa rin ito sa dahilan upang magkaroon ng matatag na

lipunan. Gamit ang wika maaring mapa-unlad ng bawat indibidwal ang kanyang

sarili, lipunan at pati na rin ang kultura ng isang bansa. Wika ang bumubuo sa tao

at lipunan kung kaya’t mahalaga ang gampanin nito sa isang bansa upang

makabuo ng iisang kultura. (Santos, 2014)

Sa librong “Language, Sex and Insults: Notes on Garcia and Remoto's The

Gay Dict” ni Baytan (2014) sinasabi na ang pag-unlad ng wikang bakla sa

Pilipinas sa pagdaan ng mga taon ay isang uri ng defense mechanism na ginagamit

upang makipagtalastasan laban sa mga homophobic society. May mga salita mang

nawawala, patuloy pa rin ang pagkakaroon ng mga bagong salita upang

matugunan ang pangunahing layunin nito.

Sa resulta ng pag-aaral ni Hilario (2015, sinasabi na ang gay lingo ay hindi

maaaring magamit sa pormal na usapan o komunikasyon lalo’t higit sa pagsagot

19
sa guro ng loob ng klase. Bagamat nakakaya nilang makipagsalamuha sa iba’t

ibang taong gumagamit nito ay hindi pa rin ito akma sa pormal na talakayan.

Tanging sa mga pagkakataon na hindi lamang kinakailangan ng pormal na usapan.

Ang gay lingo ay mabilis na nagbabago. Isa itong dalubhasang wika na

tunay na tumutukoy sa kultura ng mga bakla: Isang kulturang puno ng kulay at

buhay. Dapat samantalahin ang pagkakataong makasabay sa mabilis na pag-unlad

nito. Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng kung paano ginagamit ng mga

bakla ang gay lingo mula sa mga nagtatrabaho sa mga salon, establisyimento,

kumpanya at mataas na iginagalang na propesyon. Sa naging pag-aaral na ito ay

napagtibay ang istruktura ng gay lingo at maaari itong makatulong sa

pagpapaliwanag kung paano pumapasok ang mga grupo sa lipunan na kung saan

sila ay maaaring bumuo ng kanilang sariling wika upang makipag-usap sa bawat

isa. Makakatulong din ito sa pagpapaliwanag kung paano naaapektuhan ang wika

ng mga sitwasyon at kung paano mabuo ang mga salita mga bagong salita.

(Oficiar, 2019).

Dagdag pa rito, ang paggamit ng gay lingo ay nakatutulong upang maging

magaan lamang ang pakikipag-ugnayan sa mga taong malalapit sa kanya. Sa

pamamagitan ng lengwaheng ito, mas nagkakaroon ng pagkakataon ang isang tao

na maihayag ang mga opinyon sa magaan ngunit “matalinghagang” paraan.

Napatunayan din na ang paggamit ng nito ay nakatuon lamang sa usapan at

20
pakikipagtalastasan ng mga magkakaibigan at pakikipagusap lamang sa mga taong

malapit sa kanila (Ongsingco, 2017).

Sa pag-aaral ni Perez (2018) na may paksang pag-alam sa mga salitang gay

lingo at ang naitutulong nito sa mga mag-aaral, natuklasan sa pag-aaral na madalas

gamitin ng mga mag-aaral ang gay lingo kapag walang klase, sa pakikipagbiruan,

pakikipag-usap, pakikipag-ugnayan gamit ang sosyal midya, pang-aliw sa sarili,

pagpapakita ng pagka-inis, paglilihim ng usapan, pakikipagkwentuhan, impormal

na usapan, at pamalit sa mga salitang hindi alam, Gayundin, nagagamit ito kapag

may klase, sa pag-uulat, pagsasagawa ng role playing, pelikula o video

presentation, at pangkatang gawain. Ang paggamit nito ay nakaaaliw, nagbibigay

kasiyahan, nakamamangha, nakahihikayat, nagpapakita ng pagtanggap sa mga

nasa ikatlong kasarian o mga kabahgai ng LGBTQIA+. Habang ginagamit naman

sa oras ng klase ang gay lingo dahil ito’y nakatutulong sa pagsasagawa ng gawain

sa klase na nakapagpapataas ng marka.

Ito’y isang indikasyon na ang gay lingo ay patuloy pag-uunlad, yayabong at

tatangkilikin ng mga tao dahil sa dami ng mga posibleng mapaggagamitan nito.

Dahil sa likas na pagkamausyoso ng tao, lumakas ang kasabikang matutuhan ang

kahulugan at pati na rin ang paggamit ng gay lingo. Kaakibat na rin nito ang

interes at kagustuhang matutuhan kung paano binubuo ang kanilang mga salita.

Dahilan kung bakit maraming tao ang nahihikayat na gamitin ang gay lingo sa iba-

ibang sitwasyon sapagkat ito ay binubuo ng mga makukulay, at madalas ay

21
nakalilibang na salita. Ito ay isang lenggwahe na patuloy ang pag-inog dahil

palaging may nadadagdag na bagong salita, at mayroon din namang mga salita na

di na rin nagagamit at nawawala na lamang (Legaspi, 2019).

Glosaryo ng Metafunction ng Gay Lingo. Ang wika ay ang nagbibigay

anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa

isang kultura, at sa pamamagitan nito, ang kultura ay maiintindihan at

mapahalagahan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.

Walang kulturang hindi dala ng isang wika sapagkat ito ay tumatayong sandigan

at kaluluwa ng kultura na siya ring nagdadala at nagbibigay-diwa sa kultura ng

isang lipunang binubuo ng mga taong may pareho-parehong pamumuhay at

interes.

Ang lexicon bilang koleksyon ng mga salita o glosaryong tinatanggap. Ito

ay tinatawag din na ‘glossa” (salitang latin na nangangahulugang salitang di

malinaw ang kahulugan at sa salitang griyego na glosaryo na ang ibig sabihin ay

dila o wika). Ito ay nangangahulugan din na imbak na mga salitang ginagamit sa

isang partikular na propesyon, paksa o istilo. (Nordquist, 2017)

Ayon sa Lavote (2015) ang glosaryo ay binuo ng mga sertipikadong

tagasalin ng wika na may angkop na kadalubhasaan sa mga may kaugnayang wika

at paksa. Ito ay upang mapabuti ang kawalang-pagbabago ang mga saling ito ay

lubusang nirepaso ng ikalawang tagasalin na may katulad na kakayahan.

22
Madalas na inaakalang ang glosaryo ay yaon lamang talaan ng mga salita at

depinisyon na nasa mga huling bahagi ng isang teksbuk. Bilang paglilinaw ito ay

hindi lamang sa mga teksbuk ito matatagpuan. Katunayan, ang glosaryo ay

sumasaklaw at nakatuon lamang sa isang partikular na larangan at kung gayo’y

hindi ito isang pangkaraniwang diksyunaryo kundi isang bukod na akda ukol sa

partikular na larangan. (San Juan, 2012)

Isa sa mga rekomendasyon ng pag-aaral ni Perez (2018) ay ang maaaring

ilapat ng mga guro sa Filipino sa pagtuturo ng sosyolek bilang varayti ng wika ang

gay lingo gamit ang nabuong talahulugan. Ang nabuong talahulugan ito ay mula

sa mga salitang madalas gamitin ng mga mag-aaral sa paaralan. Binubuo ito ng

salitang gay lingo, iba pang katawagan sa wika ng mga gay, kahulugan sa wikang

Filipino at sa wikang Ingles. Lalo’t nasa bahagi ng aralin sa “Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ang mga varayti ng wika tulad ng

sosyolek, dayalek, idyolek, register, pidgin at creole. Mas maiuugnay ng mga

mag-aaral ang aralin sa paksang ito kung sila mismo ang may danas sa mga

halimbawang ipakikita ng mga guro.

Ang glosaryo ay hindi lamang isang natatangi at kailangang-kailangan na

kasangkapan sa wika, kundi pati na rin ang pinakamahalagang kasangkapan para

sa isang pananaliksik. Kung kaya dapat na ayusin ang wika sa pamamagitan ng

pagbibigay ng "tamang" kahulugan ng mga salitang nakapaloob dito, dahil dapat

tanggapin ang lahat ng kapaki-pakinabang na bagay. Malinaw na hindi

23
makakaipon ng mga glosaryo nang hindi nauunawaan kung ano ang isang salita,

kung paano ito nabubuhay at kung paano ito "gumagana" sa ating pananalita.

(Zhdanova, 2019)

Ang lahat ng pag-aaral at konsepto na nakalap ng mga mananaliksik ang

naging gabay sa isinagawang pag-aaral. Ito’y napili batay sa konsepto na inilahad

ng mga ito. Sinuri at inalam ang bawat konsepto at pananaliksik, malaki man o

bahagya lamang ang kaugnayan ng mga nakalap na literatura ay masusi pa rin

itong pinag-aralan upang malaman ang signipikanteng kaugnayan o kaibahan nito

sa kasalukuyang pag-aaral.

Ang isinagawang pag-aaral nina Bediones, Corpuz et.al. , Hilarion, Perez at

Oficiar ay kapwa mga tumutukoy sa layunin na pagbuo ng mga salitang gay lingo

at kung paano naapektuhan ang wika ng mga sitwasyon at upang matugunan ang

mga layuning ito kanilang inihayag na patuloy ang pagbabago ng gay lingo lalo’t

higit sa mga istruktura ng salita na tumutukoy sa resulta ng pag-aaral ni Tudtod.

Ang mga pagpapakahulugan na ito ang pangunahing pundasyon ng

kasalukuyang pag-aaral na nakatuon sa pagtanggap sa gay lingo sa klase. Ito ay

may lubos na kaugnayan upang higit na mapagtibay ang isinagawang pag-aaral ng

mga mananaliksik. Ang mga naunang pananaliksik ay nakatuon lamang sa layunin

ng pagkakaroon ng kasalukuyang istruktura ng mga salitang gay lingo na

nakikitang unang hakbangin sa kasalukuyang pag-aaral na kokonekta sa antas ng

pagtanggap sa gay lingo sa klase

24
Ang pag-aaral naman na isinagawa nina Sangga at Legaspi ay nagbigay ng

ideyang ang wika ng gay lingo ay isa sa likas na mayamang wika ng bansa at

patuloy ang pag-inog nito dahil palaging may nadadagdag na bagong salita, ito

ang rason kung bakit maraming tao ang nahihikayat na gamitin ang gay lingo sa

iba't-ibang sitwasyon sapagkat ito ay binubuo ng mga makukulay, at madalas ay

nakalilibang na salita. May pagkakatulad ang mga konseptong ito sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat lubos itong makakatulong sa tunguhin at

pagtugon sa paksaing lexicon ng gay lingo sa klase tungo sa inklusibong

edukasyon.

Balangkas na Teoretikal

Ang lipunan ay maituturing na anumang pangkat ng tao na nagsama-sama

dahil sa iisang tunguhin o layunin. At ang wika ay mahalaga sa isang

lipunan.Hindi maipagkakaila na minsan, ang lipunan ay nagtataglay ng hindi

lamang iisang wika (polygot): nangangahulugan na ang karamihan ay maaaring

nakakapagsalita ng higit sa isang wika. Mahalaga ding bigyang-pansin na ang

kahulugan ng wika at ng lipunan ay may kaugnayan ito sa isa’t isa.

Ginamit na batayan ng pag-aaral na ito ay ang teorya ang Systemic-

Functional Linguistics (SFL) na teorya ni Michael Halliday. Ito ay nakasentro sa

paniniwala ng tungkulin ng wika. Ayon kay Halliday, ang layunin ng teoryang ito

ay malaman ang kahulugan ng salitang ginamit sa wika at makamit ang tunguhin

na magamit ito sa kontekstong pang sosyal. Ang teoryang ito ni Halliday ay siyang

25
pinagbabasehan ng maraming sangay ng linggwistika, na kung saan kabilang dito

ang linggwistikang pang-edukasyon, pag-aaral ng multimodality, at pagsusuri sa

kritikal na diskurso.

Nagsisimula ang SFL sa kontekstong panlipunan, tinitingnan kung paano

kumikilos ang wika. Sa partikular, pinagtitibay nito na ang wika at iba pang mga

sistemang gumagawa ng kahulugan ay hindi mauunawaan nang walang pagsusuri

sa kagyat na konteksto kung saan nagaganap at umuunlad ang multilinggwal o

multimodal na komunikasyon. Hindi ito mauunawaan nang hiwalay sa mga isyu

ng kapangyarihan, pagsasapanlipunan ng wika, at ideolohiya. May mga prinsipyo

ang teoryang ito na mas makapagpapaliwanag ng kahulugan nito: Una ay ang wika

ay nagbibigay ng social semiotic, na kung saan ito ay nangangahulugang ang

kahulugan ng wika ay naiimpluwensyahan ng sosyal at kultural na konteksto nito.

Ikalawa ay ang wika ay ginagamit upang makabuo ng kahulugan. Ikatlo, ang

teoryang SFL ay nakatuon ang pansin sa salita kaysa sa pangungusap. Mas

mahalaga rito ang kahulugan kaysa sa kung paano ang istrukturang ginamit dito.

Ikaapat, ang relasyon ng salita sa sitwasyong pangwika. Halimbawa nito ay mga

salitang magkapareho ang pagbaybay at ispeling ngunit magkaiba ng kahulugan

depende sa kung anong sitwasyon ito ginamit. Ikalima, ang sistema ng wika bilang

gamit sa pagbuo ng kahulugan, na kung saan dito ay naapektuhan ang wika ng

damdamin at emosyon ng taong gumagamit at naapektuhan din ang kahulugan ng

mga salita nito.

26
Ayon sa paglalarawan ni Halliday sa “A Language-Based Theory of

Learning” nito, sinasabi niya na kung paano magkakasabay na nakakamit ng wika

ayon ang tatlong tungkulin o uri ng pagbuo ng kahulugan o metafunction. Ang

tatlong uri ng metafunction ay ang mga sumusunod: ideational, interpersonal at

textual na metafunction. Ang ideational metafunction ay bumubuo ng mga ideya

at karanasan; ang interpersonal metafunction ay nagpapatupad ng mga tungkuling

panlipunan at dinamika ng kapangyarihan; at pinamamahalaan ng textual

metafunction ang daloy ng impormasyon upang maging magkakasama at

magkakaugnay at mas palawigin ang diskurso.

Ang ideational metafunction, ay mula sa salitang ugat nito na ideya, ito ay

ang pagbuo ng mga ideya at karanasan batay sa gamit nito sa larangan ng mga

datos. Ang mga datos na ito ay binubuo ng mga nakahanay na salita batay sa uri

nito, nakapaloob din dito ang espisipikong uri ng pandiwa na tinatawag na

proseso. Ang iba’t ibang uri ng mga pandiwa na binuo ayon sa pangangailangan

ng iba’t ibang uri ng mga pangngalan o mga grupo ng pangngalan o mga kalahok.

Samakatuwid, ang lahat ng kalahok ay may sari-sariling tungkulin batay sa

pandiwa na may kaugnayan sa sangay nito. Dagdag pa rito, may iba’t ibang uri ng

mga pang-abay at mga pang-ukol na pahayag na binubuo sa iba’t ibang

pagkakataon na may kaugnayan sa oras, paraan at lugar. Samakatuwid, ang mga

gumagamit ng wika ay hindi lamang upang magpalitan ng tanong, pahayag, pag-

utos o maging ang sistema ng modalidad. Kung hindi, naipapahayag ang mga

27
saloobin, nahihikayat ang tagapakinig o mambabasa, at isinasaayos ang "opinyon

at damdamin'' sa pamamagitan ng pagpili ng wika ayon sa kanilang mga

ginagawa.

Ang textual metafunction, ay gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito. Ito

ay ang namamahala sa daloy ng mga pinahabang teksto sa pamamagitan ng

paggamit ng mga mapagkukunan ng mode. Kasama rito ang paraan ng paghahabi

ng mga bagong impormasyon nang magkakasama at magkakaugnay; ang pagbuo

ng mga espisipikong hanay ng mga lexical sa pamamagitan ng pag-uulit,

pagbibigay ng kasingkahulugan, at panghalip. Sa pamamagitan ng paggamit ng

mga tekstuwal na mga datos nagagawang ayusin ang mga ideya, saloobin, at iba

pa sa mga tekstong magkakaugnay at nauugnay sa konteksto. Kung iisipin ang

paglalapat sa pag-unlad ng literasi ng kontekstong multilingguwal, pinagtitibay ng

pananaw na ito na habang lumalaki ang mga bata at nakikipag-ugnayan sa mundo,

mayroon silang mas maraming karanasan at ideya na ibabahagi sa mas maraming

tao sa pamamagitan ng kanilang paggamit ng mas malawak o iba't ibang mga wika

sa paraan ng pakikipag-usap. Sa pakikisalamuha sa mas maraming tao, natututo

ang mga bata na gumamit ng mga teksto upang bumuo ng iba't ibang uri ng

interpersonal na relasyon sa mga miyembro ng pamilya, kapantay, at guro na

hinuhubog ng mga kultural na kaugalian na may kaugnayan sa kasarian, lahi,

klase, at relihiyon. Higit pa rito, tungkol sa textual function, habang sila ay nasa

hustong gulang, natututo ang mga bata kung paano pamahalaan ang daloy ng

28
impormasyon sa oral, nakasulat na komunikasyon sa magkakaibang konteksto ng

kultura kung saan sila lumalahok, kabilang ang kanilang mga tahanan at

kapitbahayan, paaralan, mga lugar ng pagsamba, at, kalaunan, trabaho.

Pininindigan ni Halliday na ang pagpapalawak na ito ng mga semiotic na

mapagkukuhanan ay nagtutulak sa pagbuo ng mga indibidwal na repertoire na

nagbibigay ng kahulugan pati na rin ang ebolusyon ng mga sistemang nagbibigay

ng kahulugan mismo.

Ang interpersonal metafunction ay bumubuo ng interpersonal na daynamik.

Kasama sa mga daynamik na ito ang pagbuo ng mga antas ng pamilyar o

pormalidad pati na rin ang kapangyarihan, daynamik at saloobin sa pamamagitan

ng paggamit ng mga mapagkukunan ng tenor, na kinabibilangan ng paggamit ng

mood, modality, at mga sistema ng pagtatasa. Ang mood system ay nagbibigay ng

mga opsyon para sa paggawa ng mga pahayag gamit ang deklaratibong mood,

pagtatanong gamit ang interogative mood, o pagbibigay ng mga utos gamit ang

imperative mood sa pamamagitan ng English, Spanish, o code mixing. Gamit ang

SFL metalanguage na nauugnay sa interpersonal metafunction, maaaring suriin ng

mga text analyst, kabilang ang mga mag-aaral, ang paggamit ng mga tanong,

pahayag, at utos upang tuklasin ang mga tungkulin sa lipunan at daynamik na

kapangyarihan maging ang mga interaksyon sa silid-aralan, literatura, pelikula, at

media (hal., kung sino ang may mga karapatan sa pagsasalita; sino ang tahimik na

gumagamit ng mga pahayag upang bumuo ng mga makapangyarihang

29
"katotohanan" na nagtatanong at nakikibahagi sa pakikipag-usap sa kahulugan;

kung sino ang nagbibigay ng mga utos at kung paano tinatanggap o nilalabanan

ang mga utos; at kung sino ang naghahalo ng code at para sa anong layunin.

Kasama rin sa tenor system ang mga modality resources upang bumuo ng iba pang

antas ng posibilidad o katiyakan. Nilinaw ni Derewianka at Jones (2016) na ang

mga gumagamit ng wika ay hindi lamang nagpapalitan ng mga tanong, pahayag,

utos, at alok gamit ang modality system. Sa halip, sila rin ay "nagpapahayag ng

mga saloobin, nakakaakit sa nakikinig o nagbabasa, at nag-aayos ng lakas" ng

kanilang "damdamin. at mga opinyon” sa pamamagitan ng mga semiotic na

pagpili na kanilang ginagawa (Derewianka & Jones, 2016, p. 25).Ang mga

aspetong ito ng interpersonal metafunction ay binubuo ng sistema ng pagtatasa.

Inilarawan nina Martin atWhite (2005) ang sistemang ito bilang pagbibigay ng

mga mapagkukunan para sa pagpapahayag ng mga saloobin, pakikipag-ugnayan,

at ang lakas ng mga panukala ng isang tao.

Kung ilalapat ang teoryang ito sa pag-aaral na may paksang metafunction

ng gay lingo tungo sa inklusibong edukasyon ay tunay na kinakailangan ng pag-

aaral na maiuri ang mga salitang makakalap sa mga respondente nang maayos at

nakaayon sa kung saan ito napapabilang. Marami ang mga salitang gay lingo at

maaring kung ang lahat ng ito ay isasama sa mabubuong awtput ng mga

mananaliksik ay magiging magulo lamang din ito at maaring makaapekto sa

tunguhin ng pag-aaral, ang magkaroon ng inklusibong edukasyon.

30
Ang Systemic Functional Linguistics ay isang teorya ng wika na

nagbibigay-diin sa relasyon sa pagitan ng wika, teksto at konteksto. Ito rin ay

tinatawag na metafunctions. Malawak ang saklaw nito dahil naglalayong

ipaliwanag kung paano ang mga tao gumawa ng kahulugan sa pamamagitan ng

wika at iba pang semiotic resources, at upang maunawaan ang relasyon sa pagitan

ng wika at lipunan. Malaki ang koneksyon ng teoryang ito as inaasahang awtput

ng mga mananaliksik na isang glosaryo ng metafunction ng gay lingo. Sa teoryang

ito inangkla ang naging hakbangin ng mga mananaliksik sa pag-uuri ng mga

salitang nakalap mula sa mga partisipante. Lalo’t ang SFL na teorya ay nakatuon

sa kahulugan ng teksto. Sa madaling sabi ito ay ginagamit sa malalim na paggamit

ng mga akademiko, pang-siyentipong teksto kasama na ang pagkatuto ng mga

taong nagsasalita ng pangalawang wika.

Pigyur 1. Systemic Functional Linguistic Theory


31
Balangkas na Konseptuwal

Ang saliksik na ito ay nakatuon sa metafunction ng gay lingo bilang

diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon. Dito ay inalam kung ano ang

mga madalas na gamiting metafunction ng gay lingo at kung paano ang

kaangkupang paggamit dito ng mga respondente na kung saan ito ay magbibigay

din ng impormasyon sa kung ano ang naitutulong ng mga ito sa mga gumagamit

nito. Ang resulta ng pag-aaral ay siyang ginawang batayan sa glosaryo ng mga gay

lingo upang magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral at kaalaman sa mga

salitang gay lingo na umiiral sa pamantasan.

Pigyur 2
Paradaym ng Pag-aaral
32
Makikita sa pigyur 2 sa itaas ang paradaym ng isinagawang pag-aaral. Ang

pag-aaral ay ginagamitan ng input-proseso-awtput gaya ng nakasaad sa paggawa

sa sinundang pahina. Ang paraang input, proseso at awtput ang makikita sa kahon

para sa malinaw na direksyon ng pag-aaral.

Ang input sa unang kahon ay mga impormasyon tungkol mga salitang

madalas gamitin na gay lingo ng mga respondente kung saan gagamit ng panayam

upang makakuha ng datos. Ito ay naglalaman din ng mga datos tungkol sa mga

metafunction ng gay lingo. Dagdag pa rito ay makikita rin dito ang antas ng

pagtanggap at kaangkupan ng mga metafunction ng gay lingo na ito kung ito ay

gagamitin sa mga oras na hindi kinakailangan ng pormal na komunikasyon.

Ang palaso na nakaturo sa ikalawang kahon ay tungkol sa proseso.

Nakatuon ito sa pag-alam sa mga madalas na gamiting gay lingo, pagsuri sa

metafunction, antas ng pagtanggap at maging ang kaangkupan ng mga ito bilang

diskurso sa klase at kung ito’y gagamitin sa oras sa klase na hindi kinakailangan

ng pormal na komunikasyon . Samantalang, ang ginamit na instrumento sa

pananaliksik ay talatanungan at pakikipanayam.

Ang ikatlong kahon ay tungkol sa awtput na batay sa kakalabasan ng pag

aaral. Ito ay naglalayong makabuo ng isang glosaryong naglalaman ng

metafunction ng gay lingo na makatutulong upang mabigyang tugon ang

pagtanggap nito bilang bahagi ng diskurso sa klase sa mga hindi pormal na

33
pagkakataon na tungo sa inklusibong edukasyon. Ang hakbanging ito ay

maisasagawa pagkatapos malaman ang resulta ng pag-aaral.

Kabanata III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang disenyong ginamit sa pag-aaral, mga

respondenteng kalahok. Dagdag pa rito, makikita rin sa kabanatang ito ang

instrumentong ginamit, ang paraan ng pagkalap ng datos at istadistikang ginamit

ng mga mananaliksik sa pagsusuri ng datos sa kasalukuyang pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito ay ginamit ang deskriptibong pamamaraan ng

pananaliksik upang masagot ang mga problema at ang mga layunin ng pag-aaral.

Pinili ng mga mananaliksik ang deskriptibong disenyo na kung saan gagamit ng

talatanungan sa isang bahagi ng suliranin upang makalikom ng mga datos.

Nauunawaan ng mga mananaliksik na ang deskriptibong disenyo ay

nababagay sa pag-aaral na isinasagawa kahit pa limitado lamang ang kanilang

respondente. Ito ay sa kadahilanang hindi lamang sila nakadepende sa mga sagot

sa kanilang talatanungan kung hindi ay maaari rin silang magsagawa ng panayam

upang idagdag sa mga nakalap nilang datos at impormasyon. Naniniwala ang mga

34
mananaliksik na magiging mabisa ang paggamit ng disenyong paglalarawan o

deskriptibo sa pagkalap ng datos at impormasyon para sa isinasagawang

pananaliksik. Sa pagpapahayag ni Silva (2013) ang palarawan (descriptive

method) ay idinisenyo para sa mga mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa

kasalukuyan.

Ito’y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga

gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagaganap, mga epektong

nararamdaman o mga kalakarang nilinang. Ang disenyong deskriptibo ay

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makalap ang mga impormasyon na

magiging epektibo at makakatulong para sa pananaliksik. Dagdag pa rito ay

aalamin din ang antas ng pagtanggap sa metafunction ng gay lingo na madalas

gamitin bilang diskurso sa klase at angkop ang pamamaraan sa pag-aaral na ito.

Kaugnay pa nito, ginamit din ang paraang eksploratori para sa pag-aaral, na

kung saan ito ay ang pinaghalong kwalitatibo at kwantitatibong uri ng

pananaliksik na kinabibilangan ng mga datos. Ayon kay George (2002) ang isang

eksploratori na disenyo ay isinasagawa kung tungkol ang isang suliranin o

pananaliksik sa pag-aaral na kakaunti o walang mga naunang pag-aaral na

sasangguni o maaasahan upang malaman ang isang resulta. Madalas na ginagamit

ang mga disenyo ng eksploratori upang magtatag ng pag-unawa sa kung paano

pinakamahusay na magpatuloy sa pag-aaral ng isang isyu o kung anong

pamamaraan ang epektibong ilalapat sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa

35
isyu. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magpakita ng talahanayan

naglalaman ng mga salitang gay lingo maging ang kahulugan at kung saan itong

metafunction napapabilang na siyang gagamitin sa inaasahang awtput ng pag-aaral

na ito.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa ilalim ng

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa Pambansang Pamantasan ng Batangas, Ang

Pambansang Pamantasan ng Inhinyeriya Kampus ng JPLPC - Malvar. Ang mga

mag-aaral sa ilalim ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya medyor sa

Agham, Ingles, Filipino at ang mga lantad na mag-aaral na kabahagi ng

LGBQIA+. Gamit ng mga mananaliksik ang purposive sampling na kung saan

masusing pinili ang mga respondente ay mula sa mga tumugon sa pre-sarbey na

isinagawa ng mga mananaliksik. Bilang karagdagan, gumamit din ang mga

mananalilksik ng random sampling sa pagtukoy ng bilang ng mga magsasagot sa

talatanungan. Anumang antas at kasarian ay maaaring maging respondente sa pag-

aaral na ito.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pre-sarbey upang mapili kung

sino-sino ang kanilang magiging mga partisipante ng pag-aaral na siyang tutugon

sa unang layunin. Dahil ang pag-aaral na ito ay nasa anyong eksploratori, may
36
kalayaan silang pumili ng bilang ng mga partisipante na siyang kakatawan sa

pangkalahatan. Sila ang mga respondente na may higit na kaalaman sa gay lingo.

Ang mga partisipanteng ito ay mula sa mga nagsagot ng pre-sarbey at masusing

sinuri batay sa mga sumusunod na kriterya: pagiging ladlad na kabahagi ng

komunidad ng LGBTQIA+, dami ng naitalang salitang gay lingo na kanilang alam,

at kung sila ay aktibo sa resitasyon sa klase. Mula sa mga nakalap na tugon ng

mga partisipante malalaman ang antas ng pagtanggap ng mga respondente. Sa

bahaging ito papasok ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.

Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente

Mga Mag-aaral sa Medyor ng Filipino Kabuuang Bilang Ginamit na


Respondente
Unang Taon 33 24
Ikalawang Taon 32 24
Ikatlong Taon 28 23
Ikaapat na Taon 30 23
Kabuuan 124 94

Makikita sa Talahanayan 1 ang mga naging kalahok sa pag-aaral. Ipinakita

ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat medyor na may kabuoang 124 na mag-aaral

at ipinakita rin kung ilan sa mga ito ang ginamit na respondente na sumagot sa

isinagawang kwestyuner. Ginamit ng mga mananaliksik ang Raosoft Sample Size

Calculator upang matukoy ang bilang ng respondenteng ginamit. Mula sa

kabuoang bilang ay nakuha ng mga mananaliksik ang bilang na 94 na mag-aaral

37
na siyang ginamit respondente na siyang gagamitin upang makuha ang resulta ng

layunin bilang dalawa. Kinuha ng mga mananaliksik sa bawat kinatawan ng bawat

taon ang listahan ng mga tagapagtala upang masagot ang mga katanungang may

kaugnayan sa bilang ng mga mag-aaral at makuha ang pantay na distribusyon ng

mga kalahok gamit ang Stratified Random Sampling na isinagawa ng mga

mananaliksik.

Instrumentong Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay nasa anyong eksploratori o ang

kombinasyon ng kwalitatibo at kwantitatibong uri ng pananaliksik, at bilang

pangunahing instrumento nito ay nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang

panayam na bahagyang nakaistruktura (semi-structured) sa pagkalap ng mga datos

na ginamit sa nasabing pag-aaral. Ang mga katanungan ay binuo at ibinatay sa

layunin ng nasabing pag-aaral. Ang mga katanungan ay mayroon lamang isang

bahagi. Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga katanungang tungkol sa

metafunction ng mga salitang gay lingo: kung sila ba ay pamilyar sa gay lingo at

kung ano-ano ang mga salitang alam nila rito, ano ang mga metafunction na

madalas nilang magamit sa klase, reaksyon ng mga taong nasa paligid nila at kung

ano ang napapansin nila sa ayos o estruktura ng gay lingo.

Gumamit din ng talatanungan ang mga mananaliksik upang masukat ang

antas ng paggamit ng gay lingo bilang diskurso sa klase. Ang talatanungan na ito
38
ay binuo lamang ng mga pahayag na may kaugnayan sa pagsukat ng antas ng

pagtanggap. Ito ay nagkaroon lamang ng isang dibisyon upang mas matukoy ang

antas ng pagtanggap ng mga kalahok. Ginawa ang bahaging ito sapagkat ang

talatanungan ay sasaklaw o tutugon lamang sa ikalawang suliranin ng pag-aaral.

Ang nabuong mga gabay na tanong at talatanungan ay ipinasuri sa

tagapayo, sa panel at eksperto sa paksang tinalakay ng pag-aaral. Iwinasto,

binigyan ng puna at mungkahi ang nasabing mga katanungan. Lubos na

pinahalagahan ng mga mananaliksik ang ibinigay na puna at mungkahi para sa

mga hanay ng katanungan para sa panayam. Pagkatapos maisagawa ang mga

pagbabago, isinagawa na ang pinal na kopya. Ang pinal na kopya ay inihanda para

magsilbing gabay sa mga mananaliksik na siyang makakapanayam sa mga

mapipiling respondente.

Ang mga kasagutan ng mga respondente ay lilikumin ng mga mananaliksik

at itatala, inayos ang mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng mga

kasagutan ng mga kalahok. Nagsagawa din ng focused group discussion upang

matiyak ang kawastuhan ng nakalap na impormasyon na makatutulong sa pagbuo

ng glosaryo ng mga gay lingo.

Iskeyl Lawak Interpretasyon


4 3.51-4.00 Lubos ang Pagtanggap
3 2.51-3.50 May Pagtanggap
2 1.51-2.50 Bahagya ang Pagtanggap
1 1.00 -1.50 Hindi Tinatanggap

39
Paraan ng Pangangalap ng Datos
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sulat na humihingi ng pahintulot sa

dekana ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa ilalim ng Pambansang

Pamantasan ng Batangas, Ang Pambansang Pamantasan ng Inhinyeriya Kampus

ng JPLPC – Malvar ito ay upang makuha ang pahintulot nito at upang

makapagsagawa ng isang panayam para sa mga napiling partisipante na siyang

kakatawan sa pangkalahatan ang mga ito ay kapwa mga nasa ilalim ng kolehiyo

ng nasabing Pamantasan. Ang sulat-pahintulot sa dekana ng kolehiyo ay may

lagda ng mga mananaliksik, at binigyang pansin ng tagapayo na nasa ilalim ng

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro. Ang mga mananaliksik ay mayroon ding

inihandang sulat-pahintulot sa mga magiging respondente. Ang sulat na ito ay

nagsilbing kasunduan sa dalawang panig na ang mga ilalahad na impormasyon ay

kumpedensyal at tanging gagamitin lamang para sa pag-aaral. Nang mabigyan ng

pahintulot, isinagawa na ang pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng

pakikipanayam sa bawat respondente ng napili. Matapos ito ay itinipon lahat ng

mga mananaliksik ang kanilang nakuhang impormasyon at isasaayos upang

mailagay sa ikaapat na kabanata.

Ang kabuoang pag-aaral ay nagsimula noong buwan ng Agosto, 2022 at

natapos sa buwan ng Hunyo, 2023. Ang pagkolekta ng mga datos ay isinagawa sa

araw kung saan may maalwan na oras ang parehong mga mananaliksik at mga

respondenteng napili sa panayam.

40
Istadistikang Ginamit

Upang maging maaayos at makabuluhanan ang pagbibigay-

kahulugan at interpretasyon sa mga tinipong datos, ginamit ng mga mananaliksik

ang mga sumusunod na istadistika nang naayon sa hinihingi sa mga tiyak na

tanong.

Mean. Ito ay ginamit upang malaman ang antas ng pagtanggap ng mga

kalahok sa metafunction ng gay lingo tungo sa inklusibong edukasyon.

Standard Deviation. Ito ay isang sukatan ng mga datos na nakalap batay sa

antas ng pagtanggap ng mga kalahok sa metafunction ng gay lingo tungo sa

inklusibong edukasyon at kaunay rin nito ang mean sa nakuhang datos mula sa

talatanungan.

Upang makuha ang mas malinaw at wastong kompyutasyon ng mga datos,

gagamitin ng mga mananaliksik ang Statistical Package for the Social Sciences o

SPSS na software para matiyak ang pagiging tama ng resulta ng isinagawang pag-

aaral.

41
Kabanata IV

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga presentasyon, analisis at

interpretasyon ng mga nakalap na datos ng mga mananaliksik na may kaugnayan

sa isinasagawang pananaliksik at sa layunin nito patungkol sa metafunction ng gay

lingo sa klase na madalas gamitin bilang diskurso. Ang mga nakalap na datos ay

ilalagay sa talahanayan upang mas mapadali ang paglalahad, pagsusuri at

pagbibigay kahulugan sa mga ito.

1. Mga Gay Lingo sa Madalas Gamitin ng mga Kalahok

Ang wika ay nagbabago dahil sa heograpikal, panlipunan, o kahit sariling

mga istilo ng tagapagsalita, bawat tao ay may iba't ibang paraan ng pagsasalita. Sa

isang partikular na komunidad, may iba't ibang grupo na mayroong iba't ibang

paraan ng paggamit ng kanilang wika ayon sa kanilang sitwasyon. (Hout, 2019).

42
Makikita sa talahanayan 2 sa ibaba ang mga gay lingo na siyang tugon ng

mga respondente. Inilahad dito ang mga nalalamang gay lingo ng mga

respondente na madalas nilang gamitin bilang diskurso sa klase. Sa walong

respondente na lantad na kabahagi ng LGBTQIA+ na komunidad nakapagbigay

sila ng kabuoang dalawan daan at labing isa (211) na salita. Sa mga salita na

kanilang ibinahagi ay kalakip nito ang kahulugan ng bawat isa. Ang pagkakahanay

nito sa talahanayan ay nakaistruktura mula sa letrang a hanggang z at nakabatay

din sa kung paano ibinahagi ito ng mga respondente.

Talahanayan 2
Mga Gay Lingo sa Madalas Gamitin ng mga Kalahok
ades, anchu pera chapiz pangit fudang pagkain
afam foreigner char joke fujidenzo tatay
akes, akez, akis ako chararat pangit gandara maganda

ana bet ayaw ko chariz, joke getchos ka kumuha ka


charot
anda, ades pera Charot joke ghurl babae
anek-anek ano-ano, iba-ba chiboli tomboy gibsungin bigyan

anes, anez ano chika tsismis gora tayo na


ate chona, mayabang chipipay mura gorabells , pupunta
attichona gora
ateng ate, kaibigan chos biro hagardo haggard,
versosa pagod
ati ate, kaibigan chukchak laban hairlalu buhok

awra gala chupi alis haler kamusta


babush paalam cryola iyak havae, havey mayroon
bagelya bag daks malaki hopia umasa
balur bahay daku malaki ibers mes sabihin mo
bayot bakla ditetch dito imbyerna inis, galit
bayubay bisexual ditey dito iteshiwap, itez ito
beshie, beshy best friend dyoga dibdib ng itetch ito
babae
bet gusto echos what ever itey ito
bobita mahina ang isip echos, joke, biro iyern iyon
echoz,
etchos

43
bonakilyas bobo echosera mapapel iyorning iyon
borlog tulog eclavu my love jinit init, mainit
bowa boyfriend, ekis hindi gusto jinsanity pinsan
girlfriend
boylet lalaki eklabush kahit ano, jirap hirap
samut sari
brekis hindi elbow natanggal, jisa isa
tanggalin
broklase kaklase eme wala lang jitim itim
brompal sampal erna dumi ng tao jojosok papasok
brotoko kapatid na lalaki feslak mukha jomasay pamasahe

bubilya dibdib ng babae fez face, mukha jombag suntok

byonda maganda frennimis kaaway jontis buntis


chaka pangit frenny kaibigan jopat apat
chanel una na ako froglet pangit jowa kasintahan

julalay alalay mahalia mahal plastikada plastic


jackson
julam ulam majinit mainit pudra tatay
julanis ulan majitim maitim puji, pudrabels, tatay
morrisette pudrakesl

jumuwe umuwi mashonget pangit purita mahirap


junakis anak mema may masabi rampa gala
lang

jutay maliit merat kaklase shala sosyal


juts maliit merlat babae sharon, ala mega malamig
star
kabog talo merli magandang shiyahin kems tiya
babae
kalerki/kalurki kaloka, merly babae shiyuhin kems tiyo
nakakabaliw
karat sex momshie ina, nanay shokla bakla
keki beki morayta, mura shokpok babaeng bayaran
murayta
keme wala lang, biro mudra mama shompalasan tampalasan/mapanira
lang
keme, gigi sinungaling, at mudra, ina, nanay Shonga tanga, mahina ang
iba pa mudrabels, isip
mudrakels
kemerut wala lang muji ina, nanay shonget pangit
keri kaya na columbia umasa shotlo tatlo

keribels kaya nakakalerki nakakaloka shunga istupido, tanga


keribum kayang-kaya nangyayars nangyayari shungabels luka
kilatra babae nasightsung nakita shupang sapatos
kimmy joke nomas inom shupatembang kapatid

44
kipay maselang bahagi nomo inuman shupatid kapatid
ng katawan ng
babae
kiriray harot nota maselang shupet baler kapitbahay
bahagi ng
lalaki
kyawti mabaho okray maliitin shupi alis
kyetay cellphone, omz, otoko lalaki shuya kuya
selpon
kyoho mabaho pagoda pagod sinetch sino
kyota bata pajiram pahiram sirena bakla
lafang kain, kumain pakak tama sisteret kapatid

laps kumain papables gwapo spluk sabi


lars pacheco patingin pasalya patingin Sunshine Dizon Umaga
lavern laban pes maganda tayez tara
ligwak talo Pi yes tegi patay
lotlot de leon talo pipichugin mumurahin thunderbolt matanda
lukring luka-luka mahalia mahal tom jones gutom
jackson
luz valdez natalo majinit mainit tommy gutom
toyota may sumpong Trut totoo waley wala
trook totoo Tulaler tulala warla magkaaway
trulagen totoo ulamestra ulam warlalush may away
trulagenic totoo Umbaw lalaki wewet puwit
trulalash totoo, tunay Vaklah bakla wez, wit, witit ayaw, hindi
trulalu totoo Waing hindi windang luko
woka lakad yumoyolanda umuulan zerochi, zirochi wala

Ang gay lingo ay isang “anti-language” at isang espesyal na uri ng lenggwahe

na nilikha ng isa lupon sa lipunan. Ang panlaban na wikang ito ay gumagamit ng mga

salita at ekspresyon na may mga karagdagan at pagbabago sa kahulugan na

naglalayong lumikha at mapanatili ang pagkakakilanlan nito. (Halliday, 2013)

2. Metafunction ng Gay Lingo

Ang Systemic-Functional Linguistics (SFL) na teorya ni Michael Halliday

ay nakasentro sa paniniwala ng tungkulin ng wika. Dito ay nalalaman ang

kahulugan ng salitang ginamit sa wika at nakakamit ang tunguhin na magamit ito

sa kontekstong pang sosyal. Sa teoryang ito nakaangkla ang metafunction na kung

45
saan ito ay nangangahulugang pagbuo ng kahulugan. Ito ay may tatlong uri: ang

ideational, interpersonal at textual na metafunction.

2.1 Ideational Metafunction

Ang ideational metafunction, ay mula sa salitang ugat nito na ideya. Ito ay

ang pagbuo ng mga ideya at karanasan batay sa gamit nito sa larangan ng mga

datos. Ang mga datos na ito ay binubuo ng mga nakahanay na salita batay sa uri

nito, nakapaloob din dito ang espisipikong uri ng pandiwa na tinatawag na

proseso. Sa prosesong ito ay natutukoy dito kung sa anong paraan nagagamit ng

tao ang wika: pormal ba o hindi pormal. Sa uri rin ng metafunction na ito,

ginagamit ang wika hindi lamang upang magpalitan ng tanong, pahayag, pag-utos

o maging ang sistema ng modalidad kung hindi upang naipapahayag ang mga

saloobin, nahihikayat ang tagapakinig o mambabasa, at isinasaayos ang "opinyon

at damdamin'' sa pamamagitan ng pagpili ng wika ayon sa kanilang mga

ginagawa.

Sa pag-aaral na ito ay may pagkakataon na nakakagamit ang mga

respondente ng gay lingo sa diskurso sa klase lalo’t higit sa mga hindi pormal na

pagkakataon. Ayon sa mga respondente:

“Opo. Ano po, nagagamit ko po yun minsan kapag ka- sa loob ng


classroom. Halimbawa po ay kapag sumasagot po ako sa recit. Kumbaga po
parang mas mabuhayan po mga kaklase namin ang ginagawa po namin nila Rico
hahalu-haluin po namin yung mga sinasabi namin, kumbaga meron po yung
mismong tagalog mayroon din gay lingo para po incase ‘pag inaantok po kaklase
namin mag-iisip po sila sa mga sinasabi namin ‘pag sumasagot kami sa
recitation. Kapag ano… Kapag nagchichismisan ganyon. Kapag po kunwari,
kagaya po nina Carla nakakaintindi ng gay lingo, kapag po may gusto kaming
46
pagchismisan ginagamit po namin ang gay lingo. Ginagamit po namin ang gay
lingo sa pakikipag-usap para kumbaga kami lang yung magkaintindihan, di
malaman nung mga kaklase naming.”(RD)

“Oo lalo na kapag yung teacher ano sya yung ano naman yung mabait,
yung pag panatag ka. Pag alam mong maalam sumakay ang teacher sa mga joke,
depende lang sa guro. Pag hindi lang pormal yung talakayan sa recitation kasi
minsan lang sa performance task di rin masyado pero kapag wala yung mga
teacher sa mga kaklase yahh madalas kapag mga kaklase yung kausap.” (RE)

“Oo naman, di naman maiiwasan, kahit sino naman siguro na maalam


magsalita ng gay lingo di maiwasan na sabihin yon sa loob ng klase pero ako
pagka klase di ako nagsasalita ng gay lingo kasi gusto ko parang pormal yung
ganun,so, sa ano ko lang ginagamit ito sa kaklase ko, sa mga kabarkada. Sa hindi
pormal, kasi hindi ako gumamit ako pag may teacher. Kasi ako pormal to pormal
kapag pormal edi pormal din ginagamit ko.” (RF)

“Oo, minsan ay nakakagamit ako ng gay lingo sa klase. Ito ay nangyayari


sa mga biglaang pagkakataon.” (RB)

“Nakakagamit ng gay lingo sa klase ngunit hindi sa pormal na paraan:


That means yes but, in a formal ano… In a formal set-up, recitation, uhm kapag…
kapag teacher na yung kausap ko, I don’t usually use gay lingo. ‘Cause I am
pretty sure they would never understand my gay lingo ganyan. What I mean, ma-
ge-gets nila pero at first, siguro parang hindi. Pero kapag kumakausap ako ng iba
kong friends, lalo na yung gay friends ko inside the classroom, nagamit ako ng
iba’t ibang gay lingo. Lalo na ‘pag may gusto kaming pag-usapan kapag kami
lang, mga ganon. Kapag hindi pormal na talakayan at mga kaklas eko lang ang
kausap ko.” (RC)

Dalawa naman mula sa mga respondente ang tumugon na hindi sila

nakakagamit ng gay lingo sa klase ito man ay pormal o hindi pormal na

pagkakataon. Ayon sa mga respondente:

“Hindi Gaano. Sa di-pormal na pakikipagtalastasan, particular na sa mga


kaibigan.” (RA)

47
“Ay hindi-hindi. Hmmm minsan yung ano pag biruan lang kumbaga
impormal lang kapag ano biruan lang. Pero yung mga ano lang charot-charot
lang.”(RG)

Nakasaad sa mga pahayag sa itaas kung sa paraang impormal o di-pormal

na pagkakataon nila nagagamit ang gay lingo. Lumalabas sa resulta ng

pakikipanayam sa mga respondente na ang kanilang mga tugon sa bahaging ito ay

pumapasok sa Ideational Metafunction sapagkat may pagkakataon na nakakagamit

ng gay lingo sa klase. May ilang respondente sumagot na sila ay nakakagamit ng

gay lingo sa klase at may ilan namang sumagot na hindi sila gaanong nakakagamit

ng gay lingo sa klase at madalas nagagamit nila sa impormal na pakikipag-usap.

Ang gay lingo ay isa sa ating likas na mayamang wika at samakatuwid ito

ay bahagi na rin ng ating kultura sa ngayon. Tunay na sinasalamin at pinatitibay

ng nito ang kultura ng kalayaan; kalayaang palawakin ang ating bokabularyo sa

Filipino, ang kalayaang ipahayag ang iyong sarili sa mas malikhain at mas

nakakatawang paraan at ang kalayaan mula sa diktasyong ibinibigay ng lipunan.

Maaaring hindi man namamalayan ngunit patuloy na itong ginagamit ng tao

habang nagsasalita na siyang nagdadagdag ng kulay at saya sa mga ordinaryong

pag-uusap at sa isang paraan ay nagpalakas ng moral ng ating kapwa Pilipino

pagdating sa pagsasalita. (Sangga, 2015).

Sinangayuan naman ito ng pag-aaral ni Perez (2018) na may paksang pag-

alam sa mga salitang gay lingo at ang naitutulong nito sa mga mag-aaral,

natuklasan sa pag-aaral na madalas gamitin ng mga mag-aaral ang gay lingo kapag
48
walang klase, sa pakikipagbiruan, pakikipag-usap, pakikipag-ugnayan gamit ang

sosyal midya, pang-aliw sa sarili, pagpapakita ng pagka-inis, paglilihim ng

usapan, pakikipagkwentuhan, impormal na usapan, at pamalit sa mga salitang

hindi alam, Gayundin, nagagamit ito kapag may klase, sa pag-uulat, pagsasagawa

ng role playing, pelikula o video presentation, at pangkatang gawain. Ang

paggamit nito ay nakaaaliw, nagbibigay kasiyahan, nakamamangha,

nakahihikayat, nagpapakita ng pagtanggap sa mga nasa ikatlong kasarian o mga

kabahgai ng LGBTQIA+. Habang ginagamit naman sa oras ng klase ang gay lingo

dahil ito’y nakatutulong sa pagsasagawa ng gawain sa klase na nakapagpapataas

ng marka.

2.2 Interpersonal Metafunction

Ang interpersonal metafunction ay bumubuo ng interpersonal na daynamik.

Kasama sa mga daynamik na ito ang pagbuo ng mga antas ng pamilyaridad o

pormalidad pati na rin ang kapangyarihan, daynamik at saloobin sa pamamagitan

ng paggamit ng mga mapagkukunan ng tenor, na kinabibilangan ng paggamit ng

mood, modality, at mga sistema ng pagtatasa. Ito rin ay ang "nagpapahayag ng

mga saloobin, nakakaakit sa nakikinig o nagbabasa, at nag-aayos ng lakas" ng

kanilang "damdamin. at mga opinyon” sa pamamagitan ng mga semiotic na

pagpili na kanilang ginagawa (Derewianka & Jones, 2016, p. 25).

49
Sa pag-aaral na ito ay may pagtanggap sa paggamit ng gay lingo sa loob ng

klase. Gayundin, ipinakita nito kung paanong pagtanggap ang ginagawa ng guro at

kamag-aral sa tuwing nakakarinig at nakakapagsalita ng gay lingo ang mga

respondente. Ang pagtanggap sa isang bagay lalo’t higit sa mga salitang ating

naririnig ay nagbibigay-daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan o

magkaintindihan. Ayon sa mga respondente:

“Hindi ako malimit gumamit ng mga ganitong paraan ng pananalita kapag


may kaharap na guro. Normal lang pag sa mag-aaral. Hindi ako malimit
gumamit ng mga ganitong paraan ng pananalita kapag may kaharap na guro.
Normal lang pag sa mag-aaral.”(RA)

“Nagugulat din sila minsan kapag nagamit ako ng gay lingo. Guro at mga
kaklase minsan ay nagtatanong kung ano ang ibigsabihin ng aking mga sinasabi
dahil hindi nga ito normal sa kanilang pandinig.”(RB)

“So the usual reaction that I usually get when I use gay lingo, uhm, most
specially sa teacher ko, naka-smile lang. Siguro happy kasi nga sa loob niya
parang, I can give too much energy sa salitang gay lingo. Halimbawa, “Yunestra
na daw! Anong nangyayari asoooo? usually get. And at the same time na-a-amaze
kasi na-a-amaze sila in a way na parang, alam mo ‘yon, sa’n ko daw kinukuha
yung mga salita? Paano ko daw yun napag-aralan? Hindi ba daw ako nalilito?
Hindi ba daw nalilito yung kausap ko? Nagkakaunawaan ba daw kami ng
bongga? Alam mo yon, marami silang questions, reactions and it boils down doon
sa masaya lang sila. Oo. Kasi tumatawa ang mga kaklase.”(RC)

“Sa mga kaklase ko, masaya din sila tas nagtitinginan sila. That’s the
initial reaction that I get. Kapag po kasi kami nagsasalita ng gan’yon kahit na
normal lang tapos naririnig po nung teacher po namin parang ang nagiging
reaksyon lang po nila ay parang... yung … parang nakoconfuse po kung ano yung
sinasabi na parang napapataas… parang napapatingin sa itaas tapos iniisip kung
ano yung sinasabi namin na salita, parang ganyon po kalimitan naming nakikita
kay maam Agon. Ang reaksyon ni maam Latido ay ano… parang… ano
napapaa… tawag dun ano ngang nagiging reaksyon ni maam Latido. Parang
napapatawa po sya na napapanganga na hindi nya po kasi magets kung ano yung
sinasabi namin na tinatanong nya pa po kami kung ano yung sinasabi naming at
hindi daw po nya maunawaan. Sa kamag-aral ano… ano po kapag kami po
50
nagsasalita ng ganyun ang reaksyon po nila, napapatawa na lang po sila. Tas
pagnapatawa po sila, pagtapos naming magsalita mapapatawa po sila tsaka po
sila magtatanong kung ano po yung sinabi namin. Kumbaga po parang ayun na
lang yung nagiging reaksyon nila para makisabay na lang po dun sa sinasabi
namin. ano, opo nakakatanggap po ako nang… sa pagtugon po na parang
katanggap-tanggap na pagtugon po kasi gaya po nung… kagaya na lang nina
Byron po si Byron po di ko po akalain na maiintindihan nya ang mga sinasabi ko,
kumbaga parang nagbe- base na lang din dun sa sinasabi ko na sinasabi nya po
lagi na common sense tas yun parang iniintindi nya lang po na umaabot po sa
point na talagang yung tugon nya po’y talaga nga pong akmang-akma sa sinasabi
ko po. Bilang lang po kasi samin ang talagang sa amin ang nakakaintindi ng
ganyon, kumbaga parang dahil nga po sa ganyon, kumbaga nagsasalita po kami
ng gay lingo dun lang po kami magsasalita sa mga makakatugon samin nang mga
sasabihin naming.(RD)”

“Ayun, Sinasabi ko dinidirect ko yung mga tanong sa tagalog para mas


maunawaan nila kapag tinatanong nila kung ano raw dinadirect kong itranslate
sa tagalog hindi ko na ineexplain kung ano. Kapag mga kaklase naman, ano yung
mga ano yung, wala natatawa sila minsan minsan parang nagtataka
nagugulahan. Pero yung iba naman nasasanay naman or yun parang
nagkakaroon na sila ng alam. ano, opo nakakatanggap po ako ng sa pagtugon po
na parang katanggap-tanggap na pagtugon po kasi gaya po nung kagaya na lang
nina Byron po si Byron po di ko po akalain na maiintindihan nya ang mga
sinasabi ko, kumbaga parang nagbe- base na lang din dun sa sinasabi ko na
sinasabi nya po lagi na common sense tas yun parang iniintindi nya lang po na
umaabot po sa point na talagang yung tugon nya po’y talaga nga pong akmang-
akma sa sinasabi ko po. Bilang lang po kasi samin ang talagang sa amin ang
nakakaintindi ng ganyon, kumbaga parang dahil nga po sa ganyon, kumbaga
nagsasalita po kami ng gay lingo dun lang po kami magsasalita sa mga
makakatugon samin ng mga sasabihin naming” (RE)”

“Sa totoo lang pag nandyan yung guro ko di ako nagsasalita ng gay lingo
pero yung iba kong kaklase nagsasalita sila ng gay lingo na nandyan yung guro
ko pero yung base sa observation ko nakikita ko na parang nagugulat sa word ko.
Sa mag-aaral sa totoo lang wala silang reaksyon kasi parang karamihan talaga
nagsasalita ng gay lingo ehhhh parang natural na sa amin pagnakakarinig ng gay
lingo. Oo, okay lang kasi sa generation natin kung talagang kung gugustuhin mag
iba’t ibang salita and wala silang choice kung di makiisa parang ganon
makiuso.”(RF)

“Natatawa sila, wala namang negative reaction. Tapos sa mag-aaral


naman natatawa sila tapos nakikisabay lang din. yes, to answer that question.
51
kasi parang sa ngayon kasi ano parrang kinikilala na. Ayun nga na.... wala
naman akong negative comments kapag gumagamit ako ng ganon tsaka parang
normal na rin sa atin o sa kanila kasi kinikilala narin yung pagsaslaita ng gay
lingo. Minsan nakikisabay din sila”(RG)

“Nagugulat po sila, sapagkat sa ganitong paraan wala po silang kaalaman


na lubos ukol dito. Ngunit, may mga guro din po na magaling gumamit ng
ganitong wika kaya minsan nagkakaroon pa ng aktibong klase at magandang
interaksyon ang guro at mga mag-aaral. Mas nagiging masaya din ang klase.
Kamag-aral. Natutuwa sila sapagkat gaya nga ng sinabi ko kanina normal na ito
sa aking mga kaklase. Ngunit pagdating sa ibang seksyon ng mag-aaral, lubos
silang nagugulat at nagtataka kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga sinasabi
ko. Mas makikita at mababakas sa kanilang mga mukha na gusto nilang malaman
ang nais kung ipabatid. Opo, nakakakuha ng maayos at katanggap-tanggap na
tugon padin ang mgabtaong gumagamit nito. Nasa tao na ito kung paano niya
gagamitin ang wika na ito sa isang maayos at maiintindihang paraan. Kapag may
mga bagay silang di lubos na naintindihan sa aking mga sinabi at nagtatanong
sila at bilang ako ay may alam sa ganoong wika ay sinasabi ko kung ano ang ibig
sabihin nito.” (RH)

Makikita sa resultang ito na ang mga respondente ay nakagagamit din ng

Interpersonal Metafunction kung saan dito nakaangkla ang pag-alam sa

pagtanggap sa gay lingo. Ang naging tugon ng mga respondente ay iisa lamang.

Para sa mga respondente mayroong pagtanggap sa gay lingo ang mga nakapaligid

sa kanila. Sapagkat, may pagkakataon na kapag sila ay nagsasalita ng mga gay

lingo madalas ay nagugulat at mapapangiti ang mga nakakarinig o nakakausap

nila. Maging ang mga guro dito sila nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng

mga salitang gay lingo at minsan ay ginagamit at ginagaya na nila ang mga

salitang ito at dito na sila nagkakaroon ng pagtanggap.

Ito’y isang indikasyon na ang gay lingo ay patuloy pag-uunlad, yayabong at

tatangkilikin ng mga tao dahil sa dami ng mga posibleng mapaggagamitan nito.

52
Dahil sa likas na pagkamausyoso ng tao, lumakas ang kasabikang matutuhan ang

kahulugan at pati na rin ang paggamit ng gay lingo. Kaakibat na rin nito ang

interes at kagustuhang matutuhan kung paano binubuo ang kanilang mga salita.

Dahilan kung bakit maraming tao ang nahihikayat na gamitin ang gay lingo sa iba-

ibang sitwasyon sapagkat ito ay binubuo ng mga makukulay, at madalas ay

nakalilibang na salita. Ito ay isang lengwahe na patuloy ang pag-inog dahil

palaging may nadadagdag na bagong salita, at mayroon din namang mga salita na

di na rin nagagamit at nawawala na lamang (Legaspi, 2019).

2.3 Textual Metafunction

Ang textual metafunction, ay gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito. Ito

ay ang namamahala sa daloy ng mga pinahabang teksto sa pamamagitan ng

paggamit ng mga mapagkukunan ng mode. Kasama rito ang paraan ng paghahabi

ng mga bagong impormasyon nang magkakasama at magkakaugnay; ang pagbuo

ng mga espisipikong hanay ng mga lexical sa pamamagitan ng pag-uulit,

pagbibigay ng kasingkahulugan, at panghalip. Sa pamamagitan ng paggamit ng

mga tekstuwal na mga datos nagagawang ayusin ang mga ideya, saloobin, at iba

pa sa mga tekstong magkakaugnay at nauugnay sa konteksto.

Sa pag-aaral na ito ay pinakita nito ang ayos ng mga salita ay nagkakaroon


ng pagdadagdag, pagbabawas, pagpapalit at paggamit ng mga pangalan ng mga
kilalang tao. Ayon sa mga respondente:
“Ang lahat ng nabanggit ay pawang mga nilalaman ng Gay Lingo
sapagkat ang mga ito ay ginagamit upang maipahayag ang nais iparating ng

53
nagsasalita, ngunit sa paraan ng paggamit ng ibang mga bagay o salita bilang
simbolo ng isa pang ideya.” RA)

“Ang mga nabanggit na paktor ay makikita sa Gay lingo. Ito ay isang


paraan upang maging mas mabulaklak ang mga salitang ginagamit”(RB)

“Sa lahat ng sinabi ko, oo, pagdating sa pag-aayos ng salita, pagdating sa


pagcoconstruct ng salita, may mga salita kaming dinadagdag. May mga salita
kaming binabaliko. May mga salita kaming tinatanggal and at the same time, may
mga artista kaming binabanggit. Katulad nung ulan, “Julanis Morisette” yung
mga ganon. So, ang masasabi ko, oo nangyayari pa rin yung mga… Oo, yun ang
ginagawa namin, nagpapalit, nagdadagdag kami ng salita, nagbabawas kami ng
salita. Gumagamit kami ng mga pangalan ng artista.” (RC)

“Yung nabasa ko po yung tanong parang… yung napansin ko po sa gay


lingo dun po ay parang nagdaragdag. sa nagdadagdag po ay parang… minsan po
kasi yung tatlong ito magkakasama na po sa isang salita lang kagaya po sa
pagdadagdag yung sa, gaya po ng halimbawa akis, ang “akis” po kumbaga diba
po pag sinasbi nating “akis” ay ang ibig sabihin ay “ako”. Kumabaga po
nababawasan ng ilang salita na pinapalitan naman ng ibang salita. Kaya halos
po ng lahat ng nabanggit dito padadagdag, pagbabawas at pagpapalit ay parang
konektado po sila sa mga naging bahagi po ng gay lingo kasi nga po, kagaya po
nung sa ano sa mother kumbaga po pagpapalit nagiging “mudjina”. Sa
pagbabawas po, ay sa pagdaragdag naman po, yung “yukaw” yung “ikaw” ay
naging “yukaw” na nagdadag sya na nagpapalit ng ibang letter.” (RD)

“Ayun more on pagdadagdag halimbawa shupit ba ler, bakit ba kumbaga


nagdadag sila halimba ano hmpppp ano nga ba yung dinagdag na mga salita yun
yung mga dinadagdagan nila minsan naiiba ang structures parang binabago na
nila yung katawagan parang binabago na nila yung mga letter tsaka yun para
maiba. yung sa mga pangalan oo ginagamit din sya nung una siguro nung unang
una pa siguro ngayon medyo na lang ang madalas na gamit ngayon ay
pagdadagdag ,pagbabawas ng mga ano salita halos lahat nagagamit. Pero yung
pagdaragdag mas nagagamit sya halimbawa gerlalu babae halimbawa gandara
maganda. Sa basis Tingin ko wala hahaha joke tingin ko lang wala naman ang
nangyayari lang kasi siguro nagkakaintindihan nalang gawa nung sa dinami
dami halimbawa kagaya ng mga gay ng mga lgbt nga nagkakaintindihan na lang
sila sa pagkakaunawa halimbawa hmpp wlaa syang basis kung ano nalang
mabanggit at malagay nila sa word inaapply then nakukuha nung iba hanggang
sa yun nagagamit sya nang nagagamit. Siguro nga nagkakaiba talaga sa grupo
ng kinabibilangan sa lugar na kinabibilangan pero pag nagsalita o nagsama-

54
sama maiintindihan mo kasi may pagkakaparehas ng structure ng mga saliita na
binabanggiit niila jaya madaling maintiindihan at malaman.”(RE)

“So, napapansin ko sa salitang gay lingo is yun nga pagdadagdag


halimbawa ay yung sa julanis morisette ang ibig sabihin ay ulan so parang
pinahaba sya sunod is meron din pagbabawas gaya ng oks na ang ibig sabihin ay
okay and meron ding pagpapalit tulad ng chaka na ang ibig sabihin ay panget
meron din namang gumagamit ng pangalan sa mga kilalang tao for example dito
ay yung sunshine dizon na ang ibig sabihin ay umaga na.” (RF)

“Nakakatawa, gawa ng possible pala syang magamit…may ano, syempre


may ano napapansin may dagdag minsan tulad nga ng haggard verzosa pwede
namang sabihin pagod lang yung mahaba pa ang sasabihin. Sa basis naman
siguro meron kasi minsan kasi binabagay sa salita na medyo katunog dun sa,
binibagay yung salita katunog sa orihinal na tawag.” (RG)

“Opo, sapagkat may mga salitang idinadagdag upang mas maging


epektibo at maayos na maipahayag ang sasabihin. Sa pagbabawas naman….Opo,
dahil dito makikita na may mga salitang pinaikli at binawasan upang mas lubos
na mapadali ang nais sabihin. Pag pagpapalit naman ay opo, dahil may mga
salita talaga sa gay lingo na pinapalitan upang mas maging interaktibo at kaakit
akit ito sa pandinig ng mga tao. Nagiging isang paraan din ito ng palaisipan. Sa
paggamit ng mga pangalan ng mga kilalang tao ay opo, dahil may mga kilalang
mga tao o pangalan nila na ginagamit sa pagsasalita ng gay lingo. Doon mas
nabibigyan nila ng buhay ang kanilang mga sasabihin. Hal: magulani Morisette
na naman na ang ibig sabihin ay uulan at ginamit si Morisette bilang kilalang
tao.” (RH)

Lumabas na ang mga respondente ay nakagagamit ng textual metafunction

na kung saan dito inaalam kung paano ang ayos ng mga salitang gay lingo. Batay

sa mga respondente ang mga salitang gay lingo ay nagkakaroon ng pagdadagdag,

pagbabawas, pagpapalit at paggamit ng pangalan ng mga kilalang personalidad.

Ang mga respondente ay gumagamit ng mga salitang gay lingo na kung saan alam

nilang ang istruktura ng mga salitang kanilang ginagamit ay may mga pagbabago.

55
Sa pag-aaral na isinagawa ni Tudtod (2020) na gumamit ng kwalitatibong

paraan ng pananaliksik ay nagresulta na ang sistemang umiiral sa pagbabaybay ng

mga salitang bakla ay sumusunod sa alituntuning kung ano ang bigkas siyang

baybay. Subalit, hindi ito nasusunod sa lahat ng pagkakataon dahil maraming kaso

na tahasang nanghihiram ng mga salita mula sa mga banyagang wika. Ikalawa,

ang paggamit ng mga alituntuning nakapaloob din sa pagbuo ng mga gay lingo

tulad ng mga sumusunod: ang pagpapalit ng mga letra sa unahang salita na

nakapaloob sa tinatawag nilang J Law, KY/NY Law, SH Law at CH Law;

nagkaroon din ng paglalapi ng mga salitang wala namang panggramatikal na

gampanin; pag-uulit ng mga salita, pagpapalit ng tunog at paggamit ng katunog na

salita ng isang orihinal na salita. Ikatlo, ang pagpapanatili ng mga orihinal na

baybay sa mga salitang pantangi partikular na ang ngalan ng tao bagay at iba pa

subalit nagkakaroon ng pagbabago sa pagbibigay ng kahulugan batay sa kung

paano ito ginamit ng mga ito. Ikaapat, ang ganap na panghihiram ng mga salitang

mula sa wikang banyaga tulad ng Ingles gayundin ang pagpapanatili sa baybay

nito subalit binabago ang kahulugan batay sa kung paano nila ito ginagamit.

Batay sa naging kasagutan ng mga respondente, nasuri ang metafunction ng

gay lingo batay sa tatlong uri nito. Sa resulta ng naging kasagutan ng mga

respondente, ang ideational na metafunction ay kanilang ginagamit sa tuwing

sila’y magsasalita ng gay lingo sa hindi pormal na talakayan sa klase. Sila’y

madalas na nakabubuo ng mga ideya at ginagamit ang mga ito sa malayang

56
paglalahad ng kanilang mga impormayong nalalaman, opinyon at saloobin o

maging ang kanilang mg sarili. Madalas nilang magamit ang metafunction na ito

bunsod ng interaksyon na mayroon sila ng mga taong nasa paligid ng mga ito: ang

mga kamag-aral nila. Pinaniniwalaan na mabisang paraan ito upang magkaroon ng

magandang interaksyon sa klase ang mga kasangkot. Kalakip ng paggamit nilang

ito ay ang kanilang kamalayan tungkol sa pagbabago ng istruktura ng salita na

kung saan mayroong pagdadagdag, pagbabawas, pagpapalit at paggamit ng

pangalan ng mga kilalang personalidad. Ito ay ang textual na metafunction. At sa

paggamit na ito ay nagkakaroon ng persepsiyon o reaksyon ang mga taong

nakapaligid sa mga ito. Ang pagtanggap na ito ay nakapaloob sa interpersonal na

metafunction. Ipinakita sa mga tugon kung paanong pagtanggap ang ginagawa ng

guro at kamag-aral sa tuwing nakakarinig at nakakapagsalita ng gay lingo ang mga

respondente na kung saan madalas ay nagugulat at mapapangiti ang mga

nakakarinig o nakakausap nila. Maging ang mga guro dito sila nagtatanong kung

ano ang ibig sabihin ng mga salitang gay lingo at minsan ay ginagamit at ginagaya

na nila ang mga salitang ito at dito na sila nagkakaroon ng pagtanggap.

Ito’y sinuportahan ng teorya ni Halliday na Systematic Linguistic Function

o ang Metafunction. Ang layunin ng teoryang ito ay malaman ang kahulugan ng

salitang ginamit sa wika at makamit ang tunguhin na magamit ito sa kontekstong

pang sosyal. Nagsisimula ang SFL sa kontekstong panlipunan, tinitingnan kung

paano kumikilos ang wika. Sa partikular, pinagtitibay nito na ang wika at iba pang

57
mga sistemang gumagawa ng kahulugan ay hindi mauunawaan nang walang

pagsusuri sa kagyat na konteksto kung saan nagaganap at umuunlad ang

multilinggwal o multimodal na komunikasyon. Hindi ito mauunawaan nang

hiwalay sa mga isyu ng kapangyarihan, pagsasapanlipunan ng wika, at ideolohiya.

3. Antas ng Pagtanggap sa Metafunction ng Gay Lingo na Madalas Gamitin

Bilang Diskurso Sa Klase

Sa bahaging ito ng pananaliksik, hangad na malaman ng mga mananaliksik

ang antas ng pagtanggap sa metafunction ng gay lingo na madalas na gamitin

bilang diskurso sa klase. Ang mga aytem ay sinuri at binigyan ng karampatang

mean, standard deviation at katumbas na interpretasyon.

Inilahad sa Talahanayan 3 ang antas ng pagtanggap sa metafunction ng gay

lingo na madalas gamitin bilang diskurso sa klase. Inilahad din dito ang mean,

standard deviation at interpretasyong nakuha ng bawat aytem.

Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang iba’t ibang pahayag na may

kaugnayan sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa medyor ng Filipino sa

metafunction ng gay lingo bilang diskuso sa klase. Makikita sa lahat ng aytem ng

talahanayan na ang bilang siyam ang nakakuha ng pinakatamaas na mean na may

3.20 at mayroong standard deviation na 0.93. Ang pahayag na ito ay nabibilang sa

ideational na metafunction sapagkat ang uri na ito ay nakatuon din sa

pagbubulalas ng opinyon sa interaksyon sa loob ng klase. Dagdag pa rito ang

metafunction na ito ay kinapapalooban ng opinyon at ganoon din ang saloobin

58
maging ang mismong ideya. Sumasalamin ito na ang mga mag-aaral sa medyor sa

Filipino ay may pagtanggap sa pagbibigay halimbawa ng mga aralin sa klase

gamit ang gay lingo.

Ito ay sinang-ayunan ng inilahad ni Perez (2018) sa kanyang pag-aaral kung

saan natuklasan nito na nagagamit ang gay lingo kapag may klase, sa pag-uulat,

pagsasagawa ng role playing, pelikula o video presentation, at pangkatang gawain.

Dagdag pa rito, ito’y nakatutulong sa pagsasagawa ng gawain sa klase na

nakapagpapataas ng marka na siyang may kaugnayan sa pagbibigya ng halimbawa

sa mga aralin. Natuklasan din na ang paggamit nito ay nakaaaliw, nagbibigay

kasiyahan, nakamamangha, nakahihikayat, nagpapakita ng pagtanggap sa mga

nasa ikatlong kasarian o mga kabahagi ng LGBTQIA+.

Makikita rin sa talahanayan 3 na ang ikaapat na bilang ang nakakuha ng

pinakamababang mean na 2.86 at mayroong standard deviation na 1.05, kahit na

ito ang pinakamababa ay nagpapakita pa rin ito na ang mga mag-aaral sa medyor

ng Filipino ay may pagtanggap sa paggamit ng gay lingo sa pagsasaayos ng

gramatikang nauunawaan sa loob ng klase. Ang pahayag na ito ay nabibilang sa

textual na metafunction.

Ang kinalabasan ng resultang ito ay may negatibong pananaw na kung saan

ang mga mag-aaral ay may pagtanggap sa paggamit ng gay lingo sa pagsasaayos

ng gramatikang nauunawaan sa loob ng klase. Ang kinabibilangan nitong uri ng

59
metafunction metafunction ay may kaugnayan sa paraan ng pagbuo ng mga salita,

ang textual.

Ito ay pinatotohanan ng isinagawang pag-aaral nina Corpuz et. al (2021).

Sinasabi ng pag-aaral ng mga ito na mayroong iba't ibang paraan ang mga bakla sa

paggamit ng kanilang wika. Ang mga kahulugan ng mga gay na salita ay patuloy

na nagbabago, depende sa kung ano ang trending lokal at/o internasyonal. Kaya

ang mga salita sa gay na wika na naimpluwensyahan ng ang kulturang popular ay

tuluyang mawawalan ng gamit. Kahit na posible para sa mga salitang ito

panatilihin ang kanilang kaugnayan sa kasalukuyang henerasyon, ang kanilang

konteksto ay maaaring mangailangan ng ilan pagpapaliwanag. Sa kaibahan, ang

paggamit ng mga salita na nagmula sa mga lokal na wika ay maaaring maging

transgenerational o maipasa sa susunod na salinlahi. Gayunpaman, may mga

salita na napakasalimuot na nakabalangkas na nananatiling eksklusibo ang mga ito

para maunawaan ng gay community. At kung gagamitin ang gay lingo sa

pagsasaayos ng gramatikang nauunawaan sa klase ay maaring magkaroon ng

pagkakaiba-iba sa pakahulugan o gamit ng mga salita na magreresulta ng hindi pa

rin pagkakaunawaan ng bawat isa.

Talahanayan 3
Pagtanggap sa Metafunction ng Gay Lingo

60
Standard
Aytem Mean Interpretasyon
Deviation
Bilang isang mag-aaral nagagamit
ko ang gay lingo sa…
1. pagpapahayag ng ideolohiya 2.95 1.02 May Pagtanggap
at kaisipan sa klase;
2. pagbibigay ng opinion sa 3.06 1.00 May Pagtanggap
talakayan sa klase;
3. pagbuo ng isang malinaw na 2.94 1.03 May Pagtanggap
diskurso sa klase;
4. pagsasaayos ng gramatika ng 2.86 1.05 May Pagtanggap
nauunawaan sa loob ng klase;
5. sa pagbibigay ng panibagong
katawagan upang panghalili 3.12 0.94 May Pagtanggap
sa mga pangngalan;
6. sa pagpapahayag ng 3.05 1.01 May Pagtanggap
damdamin at emosyon
tungkol sa isang usapin sa
klase;
7. pagbabahagi ng mga imbak 3.03 1.01 May Pagtanggap
na kaalaman sa mga
kapalitang-dila;
8. pagbubuo ng mga gawain na 3.06 0.93 May Pagtanggap
may koneksyon sa mga
rehistro ng wika;
9. pagbubulalas ng opinyon sa 3.20 0.93 May Pagtanggap
interaksyon sa loob ng klase;
10. sa pagbibigay halimbawa sa 3.14 0.96 May Pagtanggap
mga aralin sa klase;

Pangkalahatan 3.04 0.99 May Pagtanggap

Sa pangkalahatan, ang antas ng pagtanggap sa metafunction ng lexicon ng

gay lingo ay nakakuha ng kabuoan na 3.04 at may standard deviation na 0.99 na

sumasalamin na ang mga mag-aaral sa medyor sa Filipino ay may pagtanggap sa

metafunction ng gay lingo bilang diskurso sa klase tungo sa inklusibong

61
edukasyon. May pagtanggap ang antas na nakuha ng mga mananaliksik bilang

resulta sa metafunction ng gay lingo na madalas gamitin bilang diskurso sa klase.

Ito’y kinakailangang pagtuunan ng pansin maging ang paggamit nito lalo’t higit

ang pormalidad. Ito ay isang positibong indikasyon sapagkat ang mga respondente

ay naniniwala na ang mga gay lingo ay angkop din na gamitin sa mga sitwasyong

hindi kinakailangan ng pormal na komunikasyon.

Nakasuporta dito ang resulta ng pag-aaral ni Sangga (2015) na kung saan

kanyang ipinahayag na ang gay lingo ay isa sa ating likas na mayamang wika,

samakatuwid ito ay bahagi na rin ng ating kultura sa ngayon. Tunay na

sinasalamin at pinatitibay ng nito ang kultura ng kalayaan; kalayaang palawakin

ang ating bokabularyo sa Filipino, ang kalayaang ipahayag ang iyong sarili sa mas

malikhain at mas nakakatawang paraan at ang kalayaan mula sa diktasyong

ibinibigay ng lipunan. Maaaring hindi man namamalayan ngunit patuloy na itong

ginagamit ng tao habang nagsasalita na siyang nagdadagdag ng kulay at saya sa

mga ordinaryong pag-uusap at sa isang paraan ay nagpalakas ng moral ng ating

kapwa Pilipino pagdating sa pagsasalita.

4. Kaangkupan ng Paggamit ng Language Metafunction ng Gay Lingo

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa metafunction ng gay lingo bilang

diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon. Inalam at sinuri sa bahaging ito

kung ano ang mga madalas na gamiting gay lingo, ano ang mga metafunction ng

gay lingo, ang antas ng pagtanggap dito at kung paano ang kaangkupang paggamit

62
dito ng mga respondente na kung saan ito ay magbibigay din ng impormasyon sa

kung ano ang naitutulong ng mga ito sa mga gumagamit nito. Ang resulta ng pag-

aaral ay siyang ginamit na batayan sa glosaryo ng mga gay lingo gawain upang

magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral at kaalaman sa mga salitang gay

lingo na umiiral sa pamantasan

Makikita sa pigyur 3 sa ibaba ang paradaym ng isinagawang pag-aaral. Ang

pag-aaral ay ipinakita sa pamamagitan ng isang ilustrasyong pa bilog. Ang

ilustrasyong pabilog ay siyang makikita na tumutukoy sa naging resulta ng pag-

aaral at kaangkupan nito.

Ang pinakamalaking bahagdan ng bilog ay tumutukoy sa inaasahang

awtput ng pag-aaral, ang glosaryo. Ito ay naglalaman ng mga salitang gay lingo,

kahulugan nito at kung saang uri ng metafunction ito napapabilang

Ang ikalawang bilog na nahahati sa tatlong bahagi ay tumutukoy sa

dimensyon ng rehistro ng wika na field, tenor at mode. Ang espasyo sa gitna ay

tumutukoy sa field, ito ay nakatuon sa layunin ng at paksa ng larangang kasangkot

sa komunikasyon. Ang pangalawang espasyo sa gawing kaliwa ay ang mode, ito

ay tungkol sa kung paano isinasagawa ang komunikasyon sa pasulat man o

pasalita. Ang huli na espasyo sa gawing kanan ay ang tenor kung saan ito ay

tumutukoy sa relasyon ng kalahok sa komunikasyon.

63
Pigyur 3.
Kaangkupan ng Paggamit ng Language Metafunction ng Gay Lingo
Ang huling bilog na siyang nahahati rin sa tatlong bahagi ay ang mga

language metafunction. Ito ay nakailalim sa mga uri ng dimensyon ng rehistro ng

wika sapagkat ang kahulugan ng mga ito ay may kaugnayan sa isa’t isa. Sa resulta

ng pag-aaral na isinagawa ay nagagamit ang mga metafunction na ito ng mga

respondente. Ang ideational na metafunction ay ginagamit bilang diskuso sa klase

sa di pormal na pamamaraan kung kaya naman ito ay nasa gitnang bahagi.

Sinundan ito ng textual na metafunction at ito ay nasa gawing kaliwa. At ang huli

ay ang may ay ang nasa gawing kanan, ang interpersonal na metafunction.

Sa kabilang banda may pagtanggap naman ang mga respondente sa

metafunction ng gay lingo na madalas gamitin bilang diskurso sa klase. Nakakuha

ng kabuuan na 3.04 at may standard deviation na 0.99 na sumasalamin na ang mga

mag-aaral sa medyor sa Filipino ay may pagtanggap sa metafunction ng lexicon

64
ng gay lingo bilang diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon bagamat

may ilang kinakailangang pagtuunan ng pansin sa paggamit nito.

Sa kabuoan, ang resulta ng pag-aaral sa dalawang bahagi ng pagtugon ng

layunin ay indikasyon na may kaangkupan ang paggamit ng language

metafunction ng gay lingo. Malalaman kung may kaangkupan ang ginamit na

language metafunction kung ang mga lingo ay ginamit sa pangungusap.

Kinakailangang masuri ng nagsasalita kung ang salita ba ay tumutukoy sa: pagbuo

ng salita (textual), paraan ng pagsasalita (interpersonal) o nakabubuo ng ideya

(ideational). Sa ganitong paraan ay matutukoy kung tama ba ang gagamiting

metafunction ng isang indibidwal sa mga gay lingo na kanyang gagamitin.

Ngunit laging kaakibat nito ang ideyang ang gay lingo ay mabilis na

nagbabago. Isa itong dalubhasang wika na tunay na tumutukoy sa kultura ng mga

bakla: Isang kulturang puno ng kulay at buhay. Dapat samantalahin ang

pagkakataong makasabay sa mabilis na pag-unlad nito. Mahalagang malaman ang

pagkakaiba ng kung paano ginagamit ng mga bakla ang gay lingo. Sa naging pag-

aaral na ito ay napagtibay ang istruktura ng gay lingo at maaari itong makatulong

sa pagpapaliwanag kung paano pumapasok ang mga grupo sa lipunan na kung

saan sila ay maaaring bumuo ng kanilang sariling wika upang makipag-usap sa

bawat isa. Makakatulong din ito sa pagpapaliwanag kung paano naaapektuhan ang

wika ng mga sitwasyon at kung paano mabuo ang mga salita mga bagong salita.

(Oficiar, 2019).

65
5. Glosaryo ng Metafunction ng Lexicon ng Gay Lingo Tungo sa

Inklusibong Edukasyon

Ang susunod na bahagi ng pag-aaral ay ang glosaryo ng metafunction ng

gay lingo na siyang iminumungkahi upang makamit ang inklusibong edukasyon

ng mga guro at mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro. Ang glosaryong

ito ay makikita sa huling bahagi ng pag-aaral. Nakapaloob dito Makikita rin dito

ang mga salitang gay lingo maging ang mga kahulugan nito at kung saang

metafunction ito nabibilang.

Madalas na inaakalang ang glosaryo ay yaon lamang talaan ng mga salita at

depinisyon na nasa mga huling bahagi ng isang teksbuk. Bilang paglilinaw ito ay

hindi lamang sa mga teksbuk ito matatagpuan. Katunayan, ang glosaryo ay

sumasaklaw at nakatuon lamang sa isang partikular na larangan at kung gayo’y

hindi ito isang pangkaraniwang diksyunaryo kundi isang bukod na akda ukol sa

partikular na larangan. (San Juan, 2012)

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang wika ay ang nagbibigay anyo sa

diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang

kultura, at sa pamamagitan nito, ang kultura ay maiintindihan at mapahalagahan

maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura. Ang pagkakaroon ng

glosaryong gabay para sa mga guro, mga mag-aaral, komunidad ng Kolehiyo ng

Edukasyong Pangguro at maging ang mga susunod na mananaliksik ay malaki ang

66
magiging tulong upang maunawaan ang mga gay lingo na kanilang maririnig sa

loob ng pamantasan.

Ang wika ay buhay at daynamiko. Bunsod nito, batid ng mga mananaliksik

na ang gay lingo ay isang barayti at baryasyon ng wika na siyang laganap sa

kasalukuyang panahon. Ito ay isa sa baryasyon at hindi na maitatanggi na mayroon

na itong espasyo sa loob at labas ng pang araw-araw na pamumuhay ng mga

Pilipino maging sa paaralan sa larangan ng pakikipagtalastasan.

67
Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilalahad sa kabanatang ito ang lagom ng saliksik, kinalabasan at

nabuong konklusyon. Inilalahad din sa kabanatang ito ang mga rekomendasyong

iminumungkahi ng mga mananaliksik.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang metafunction ng lexicon ng

gay lingo bilang diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon. Ang mga mag-

aaral na nabanggit ay opisyal na nakaenrol sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

sa ilalim ng Medyor ng Filipinp para sa Taong Akademiko 2022-2023.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga kaukulang

impormasyon ukol sa pagtanggap sa lexicon ng gay lingo sa klase at upang

mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na layunin:

1. Matukoy ang metafunction ng gay lingo sa klase na madalas gamitin bilang

diskurso sa klase ng mga kalahok ng pag-aaral.

2. Masuri ang metafunction ng gay lingo batay sa tatlong uri nito na:

Ideational, Interpersonal at Textual.

3. Masukat ang antas ng pagtanggap sa metafunction ng gay lingo na madalas

gamitin bilang diskurso sa klase.

4. Mailahad ang kaangkupan ng paggamit ng language metafunction ng gay

lingo bilang diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon.

68
5. Makabuo ng glosaryo ng metafunction ng lexicon ng gay lingo tungo sa

inklusibong edukasyon.

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang walong (8) mag-aaral na

ladlad na kabahagi ng komunidad ng LGBTQI+ at ang 94 na mag-aaral mula sa

iba’t ibang antas sa kolehiyo sa ilalim ng medyor sa Filipino. Ang pag-aaral ay

nasa anyong eksploratori, at bilang pangunahing instrumento nito ay nagsagawa

ang mga mananaliksik ng isang panayam na bahagyang nakaistruktura (semi-

structured) at talatanungan sa pagkalap ng mga datos. Gumamit ng talahanayan

upang ilahad ang mga datos na nasuri upang tugunin ang unang layunin ng pag-

aaral. Mean at standard deviation naman ang istadistikang ginamit sa pagsusuri ng

mga datos upang masagot ang ikalawang layunin na nakalahad.

Kinalabasan ng Pag-aaral

Ang mga datos na nakalap ay sumailalim sa masusing pag-aaral at

pagbibigay ng karampatang interpretasyon. Ang mga sumusunod ay ang mga

natuklasan sa pag-aaral ng mga mananaliksik:

1. Batay sa naging resulta ay mayroong dalawang daan at labing isang salita

ang madalas gamitin ng mga kalahok ng pag-aaral bilang diskurso sa klase

ito man ngunit sa hindi pormal na pagkakataon.

2. Ang metafunction ng gay lingo ay nagagamit ng mga respondente. Sa

naging resulta sinasabing sila’y nakabubuo ng mga ideya at malayang

nakapaglalahad ng kanilang mga opinion at saloobin bagamat sa hindi

69
pormal na talakayan sa kabila ng pagkakaroon ng pagbabago sa istruktura

ng mga salita nasasambit.

3. May pagtanggap sa metafunction ng gay lingo bilang diskurso sa klase

tungo sa inklusibong edukasyon bagamat may ilang kinakailangang

pagtuunan ng pansin sa paggamit nito.

4. Ang resulta ng pag-aaral sa dalawang bahagi ng pagtugon ng layunin ay

indikasyon na may kaangkupan ang paggamit ng language metafunction ng

gay lingo. Kinakailangan na gamitin sa pangungusap ang mga gay lingo

upang matukoy kung tama nga ba o ankop ang gamit na metafunction na

kaakibat nito dahil ang ang gay lingo ay mabilis na nagbabago.

5. May binuong glosaryo ng metafunction ng gay lingo ang mga

mananaliksik, ito ay upang makamit ang tunguhin nito na inklusibong

edukasyon sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasang nabanggit sa itaas, ang mga sumusunod ang

nabuong konklusyon:

1. Ang dalawang daan at labing isang salitang gay lingo ay madalas lamang

gamitin ng mga kalahok ng pag-aaral bilang diskurso sa klase sa hindi

pormal na pagkakataon.

2. Ang mga respondente ay nakakagamit ng metafunction ng gay lingo bilang

diskurso sa klase.

70
3. May pagtanggap ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa ilalim ng medyor sa

Filipino sa metafunction ng gay lingo bilang diskurso sa klase tungo sa

inklusibong edukasyon bagamat may ilang kinakailangang pagtuunan ng

pansin sa paggamit nito.

4. May kaangkupan ang paggamit ng language metafunction ng gay lingo. At

kinakailangan na gamitin sa pangungusap ang mga gay lingo upang

matukoy kung tama nga ba o angkop ang metafunction na ginamit a

pantukoy dito dahil ang gay lingo ay mabilis na nagbabago.

5. May binuong glosaryo ng metafunction ng lexicon ng gay lingo upang

makamit ang inklusibong edukasyon sa kolehiyo.

Mga Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ang iminumungkahi ng mga mananaliksik batay sa

nabuong konklusyon:

1. Iminumungkahi sa buong Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro na basahin at

unawain ang glosaryo na inilahad ng mga mananaliksik sa Kabanata IV.

Ang glosaryong nabuo ay makatutulong hindi lamang sa pagpapayabong ng

kaalaman sa mga salitang gay lingo na umiiral sa kolehiyo na siyang

madalas marinig sa mga mag-aaral kundi pati na rin ng mga guro para sa

pag-unawa ng mga ito sa mga mag-aaral na gumagamit nito at upang

matamo ang inklusibong edukasyon ng kolehiyong ito.

71
2. Ang mga guro at mag-aaral ay dapat may kamalayan tungkol sa

kinalabasan ng pag-aaral na ito sapagkat sila ang direktang kasangot at

upang mas makamit ang inklusibong edukasyon na umiiral sa kolehiyo.

3. Iminumungkahi na isama sa mga talakayan at diskurso sa klase ng mga

mag-aaral at kaguruan ang pagtalakay sa kahalagahan ng inklusibong

edukasyon sa kolehiyo.

4. Iminumungkahi na magkaroon pa ng mga kasunod na pag-aaral na may

kinalaman sa parehong mga respondente upang malaman kung ang

nakaraang pag-aaral tungkol metafunction ng lexicon ng gay lingo sa mga

kolehiyo ay napanatili.

5. Magkaroon pa ng mga susunod na saliksik na makatutulong upang matukoy

pa ang mga bagong lexicon ng gay lingo na siyang nauri batay sa

metafunction nito. Iminumungkahi sa mga susunod pa na mga

mananaliksik ang pag-aaral na patungkol sa metafunction ng lexicon ng gay

lingo bilang diskurso sa klase tungo sa inklusibong edukasyon.

72
Talaan ng Sanggunian

Accurso, & Gebhard. (2020). Systemic Functional Linguistics.

ResearchGate. Nakuha noong December 8, 2022, sa

https://www.researchgate.net/publication/335662102_Systemic_Fun

ctional_Linguistics

Andersen, Thomas Hæstbæk. 2016. “Metafunctions.” Nakuha noong

Hunyo 1, 2023. In Key Terms in Multimodality: Definitions, Issues,

Discussions, edited by Nina Nørgaard.

www.sdu.dk/multimodalkeyterms.

Bediones. (2018). Bekilipino: “Ang Paglaladlad Ng gay lingo Sa Kultura

at Wikang Filipino”. Academia.edu. Nakuha noong October 11, 2022,

sa

https://www.academia.edu/40891956/Bekilipino_Ang_Paglaladlad_ng

_Gay_Lingo_sa_Kultura_at_Wikang_Filipino_?

fbclid=IwAR3bULiNAupGpFaaQMg6wYpL5D94YqxRLBunl1tUh_

G6u3F62IQ8NxsWiwQ

Bongcato, M. (2020). Mga Teoryang Pangwika. SlideShare. Nakuha noong

November 8, 2022, sa

https://www.slideshare.net/MARYJEANBONGCTO/mga-teoryang-

pangwika

73
Busetto, L., Wick, W., & Gumbinger, C. (2020). How to use and assess

qualitative research methods. BioMed Central.

https://neurolrespract.biomedcentral.com/articles/10.1186/s42466-

020-00059-z#citeas

Cantina, J. (2020). GAY ARGOT: BEYOND THE CODED WORDS AND

MEANINGS OF LAVENDER LEXICON. Research Gate. Nakuha

noong November 12, 2022, sa

https://www.researchgate.net/publication/

345939118_GAY_ARGOT_BEYOND_THE_CODED_WORDS_A

ND_MEANINGS_OF_LAVENDER_LEXICON

Catacutan, S. A. (2015). Authoring a Lexicon of Swardspeak through

Community of Practice. ResearchGate. Nakuha noong November 8,

2022, sa

https://www.researchgate.net/publication/

338677663_Authoring_a_Lexicon_of_Swardspeak_through_Comm

unity_of_Practice

Charonis, G. K. (2014). Guidelines for Inclusive Education Sexual

Orientation, Gender Identity and Gender Expression. IGLYO.

https://www.iglyo.com/wp-content/uploads/2015/09/2014-Inclusive-

Education-Guidelines.pdf

74
Corpuz et.al. (2021). Jokla and Jugels: A comparative analysis of the

construction of popular and Hiligaynon gay words.

https://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/view

/8538/7476

Cumawas. (2018). Barayti Ng wika. SlideShare. Nakuha noong October

2022, sa https://www.slideshare.net/REGie3/barayti-ng-wika-

116585802

Dang. (2013). A Preliminary Study of Gay Spoken Language in Ho Chi

Minh City. Language in India. Nakuha noong November 5, 2022, sa

https://www.languageinindia.com/sep2013/tridanggaylanguagefinal.

pdf

De Juan. (2013). Ano ang Wika. Nakuha noong October 12, 2022, sa

https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/wika-ano-ba-ang-

wika/

Dotimas. (n.d.). Ang Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino tungo sa

Pagtamo ng Inklusibong Edukasyon. UST Hasaan. Nakuha

noongDecember 9, 2022, sa

https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-

Journal-Tomo-I-2014-43-57.pdf

Ellis, P. (2016). The language of research (part 8): phenomenological

research. Wounds UK.

75
https://www.wounds-uk.com/journals/issue/46/article-details/the-

language-of-research-part-8-phenomenological-research

Espejo. (2017). Pagbubuo ng Panimulang Glosaryo ng Mga Salitang

Pantabangan. Kawíng 1.2. Nakuha noong December 10, 2022, sa

https://psllf.files.wordpress.com/2018/07/r-v-espejo-kawing-1-2.pdf

Fajardo, R. (2017). Morpholexico semantics: Lavender linguistics.

Philippine EJournals. Nakuha noong November 16, 2022, sa

https://ejournals.ph/article.php?id=13465

GALAMAY et.al. (2021). SOSYOLINGGUWISTIKANG FILIPINO.

pdfcoffee.com. https://pdfcoffee.com/sosyo-final-outputdocx-pdf-

free.html

George, T. (2022, October 10). Exploratory research | Definition, guide, &

examples. Scribbr. Nakuha noong December 8, 2022, sa

https://www.scribbr.com/methodology/exploratory-research/

Hilario, G. (2015). Gay lingo. Academia.edu. Nakuha noong November 4,

2022, sa https://www.academia.edu/9569024/GAY_LINGO

Ki. (2020). Sosyolek: Ano Ang Sosyolek at Mga Halimbawa Nito.

Philippine News. https://philnews.ph/2020/02/26/sosyolek-ano-ang-

sosyolek-at-mga-halimbawa-nito/

Lavote. (2014). Glosaryo ng mga Pangunahing Katawagan sa Halalan.

Programa ng mga Serbisyo sa Iba't Ibang Wika. Nakuha noong

76
December 6, 2022, sa https://www.lavote.gov/documents/tagalog-

filipino-translation-glossary.pdf

Legaspi, M. (2019). Gay lingo: Pananaliksik Na troolaloo, Walang Halong

Eklavoo. https://markisblogging.wordpress.com/2019/05/24/105/

Loriega, R. (2022). Diskurso. Studocu. Nakuha noong December 9, 2022,

sa https://www.studocu.com/ph/document/university-of-rizal-

system/bachelor-of-science-in-accountancy/aralin-6-diskurso-

reynalyn-p loriega/18063296?

fbclid=IwAR1zl068c38QWwep3ZZYnI7kIYkS0XiVY8MnLKEQA

jIxU1-euz30i8nsKtE

Moscoso, N. (2014). Barayti Ng wika. Prezi. Nakusa noongNovember 8,

2022, sa https://prezi.com/wosapmkk5tzk/barayti-ng-wika/

Nordquist, R. (2017). Examples of lexicon. ThoughtCo. Nakuha noong

November 15, 2022, sa https://www.thoughtco.com/what-is-a-

lexicon-1691231

Oficiar, J. E. (2019). LANGUAGE OF HOMOSEXUALITY: A MORPHO-

SEMANTIC ANALYSIS. Welcome to European/American Journals -

EA Journals. Nakusa noong November 1, 2022, sa

https://www.eajournals.org/wp-content/uploads/Language-of-

Homosexuality.pdf

77
Ongsinco, I. (2017). Epekto Ng gay lingo Sa Pormalidad Ng Wikang

Filipino. Prezi. Nakuha noong November 4, 2022, sa

https://prezi.com/e_9s7xaok1ym/epekto-ng-gay-lingo-sa-

pormalidad-ng-wikang-filipino/

Papua, A., Estingoy, M. S., & Vargas, D. (2021, April). USAGE OF GAY

LINGO AMONG MILLENIALS AS A WAY OF COMMUNICATING.

Research Gate. Nakuha noong November 6, 2022, sa

https://www.researchgate.net/publication/351219058_USAGE_OF_

GAY_LINGO_AMONG_MILLENIALS_AS_A_WAY_OF_COM

MUNICATING

Perez, K. L. (2018). Anetch Itetch: Pag-Alam Sa Gamit Ng Gay Lingo At

Naitutulong Nito Sa Mga Mag-Aaral [Master's thesis]. Berf Action

Research Proposal

Purnaningtyas. (2014). Systemic functional linguistics. SlideShare. Nakuha

noong December 10, 2022, sa

https://www.slideshare.net/wahyupurnaningtyasnew/systemic-

functional-linguistics

Sangga, C. C. (2015). The impact of Swardspeak language to Filipino

sociolinguistic. Academia.edu. Nakuha noong November 1, 2022,

sahttps://www.academia.edu/18018380/The_Impact_of_Swardspeak

_Language_to_Filipino_Sociolinguistic

78
Santos, A. D. (2014). Gay lingo. Apokalips. Nakuha noong November 8,

2022, sa https://adsantosapokalips.blogspot.com/2014/08/gay-

lingo.html

Sosyolingguwistika, the glossary. (n.d.). Unyonpedia, ang semantiko

network. https://tl.unionpedia.org/Sosyolingguwistika

Tudtod, A. (2020). Pagsusuring panleksikograpiya sa mga Salitang Bakla

ng mga Piling Freelance Cross Dresser Gay Prostitute. Philippine

EJournals| Home. Nakuha noong November 3, 2022, sa

https://ejournals.ph/article.php?id=15490

Usera et.al. (2021). Communication accommodation theory. Social Sci

LibreTexts.

https://socialsci.libretexts.org/Bookshelves/Communication/Introduc

tion_to_Communication/Communicating_to_Connect_-

_Interpersonal_Communication_for_Today_(Usera)/

04%3A_Culture/

4.03%3A_Communication_Accommodation_Theory

Valdez, J. V. (2018). Introduksyon sa Sosyolingguwistika. Academia.edu.

Nakuha noong November 8, 2022, mula sa

https://www.academia.edu/41923949/INTRODUKSYON_SA_SOS

YOLINGGUWISTIKA

79
Velez et.al. (2017). Bekimon register Ng mga bakla. Academia. Nakuha

noong November 2, 2022, sa

https://www.academia.edu/35934561/BEKIMON_REGISTER_NG_

MGA_BAKLA

Vijayamohan, P. (2022). Purposive sampling 101: Definition, Types, and

Examples. SurveySparrow.

https://surveysparrow.com/blog/purposive-sampling/

Zhdanova, L. A. (2017). Mga Uri Ng lexicography. Lexicography at mga

Uri Ng mga diksyunaryo. Morphemic Na komposisyon Ng salita.

IEF-USFEU. Nakuha noong November 15, 2022, sa https://ief-

usfeu.ru/tl/leksikografiya-vidy-leksikografiya-i-vidy-slovarei-

morfemnyi/

80

You might also like