You are on page 1of 15

ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Kabanata I

Pagpapakasal ng Parehong Kasarian

Panimula

Maraming pilipino ang hindi sumasang-ayon sa “same-sex

marriage” o “pagpapakasal ng parehong kasarian” dahil taliwas ito sa

sinasabi ng bibliya. Ngunit mayroon din namang ilang taong sumasang-

ayon dito dahil naniniwala silang karapatan iyon ng mga kabilang sa

LGBTQ+ Community.

Ang same sex marriage ay madalas nagaganap kung ang

isang tao ay hindi nasisiyahan sa pakikipag relasyon sa taong may

ibang kasarian sa kanya. Maaaring mayroon siyang hinahanap sa isang

tao na makikita lamang sa kapareho niya ng sex. Ang mga bagay na ito

ay maaaring pisikal, mental o kaya’y berbal.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang

perspektibo ng mga estudyanteng nasa ika-10 baitang na nag-aaral sa

Ilaya Barangka Intregrated School ukol sa legalisasyon at pagtanggap

sa “pagpapakasal ng parehong kasarian”.

1
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Layunin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang

mapagtanto kung ano ang kanilang perspektibo kung sang-ayon ba

ang mga estudyanteng nasa ika-10 baitang na nag-aaral sa Ilaya

Barangka Integrated School sa legalisasyon ng “same-sex marriage” o

hindi.

Tiyak na Layunin:

 Malalaman ang sanhi at bunga ng legalisasyon ng “same-

sex marriage”.

 Makapagbigay ng sapat opinion hingil sa paksang “same-

sex marriage”.

 Makapagbigay suhestyon sa dapat gawin ng pamahalaan

hingil dito.

 Malinawan kung para saan ba ito at kung dapat ba talaga

itong isabatas.

2
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matugunan ang

mga sumusunod na katanungan:

1) Anong mangyayari kapag naging legal na ang “same-sex

marriage”?

2) Naibibigay ba ang karapat-dapat na karapatan sa mga kasapi

ng LGBTQ+ Community?

3) Dapat bang gawing legal ang “same-sex marriage”?

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tungkol lamang sa pagtanggap at

opinyon hingil sa legalisasyon ng pagpapakasal sa parehong

kasarian ng mga mag-aaral na nasa ika-10 baitang ng Ilaya

Barangka Integrated School. Saklaw rin nito ang patungkol sa

dapat bang isabatas ng gobyerno ang kasalang ito at ano ang

magiging epekto pag na isabatas na ito.

3
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Balangkas Teoretikal

Ayon sa teorya ng Academia Education (2019) ang same

sex marriage pagpapakasal ng tao sa kaparehas na kasarian kung

saan ang taong ito ay naghahanap ng sino man na

makakapagpasaya sa kanya kahit ito pa ay kapareho niya ng

kasarian. Maari rin naman kung ang isang indibidwal ay isa ng

homosekswal mula pagkabata at tila’y naghahanap ng kanyang

kapareho. Ngunit ang pinakamainam na dahilan ay kung ang

dalawangtaong iyon ay natagpuan ang bawat isa sa nasasabing

‘fate’ o tadhana at purong pagmamahal.Ang same sex marriage ay

lagi nang isang malaki at sensitibong usapin hindi lamang sa bansa

na talamak ang kristiyanismo, kundi maging sa buong mundo. Ang

mga tao ay may kani!kaniyang opinion ukol sa pagpapa legal ng

same sex marriage sa kani-kanilang mga bansa.

Nong 1965, si Sigmund Freud, isang prominenteng

psychologist, ang nag sabing lahat ng tao ay bisexual. Ayon sa

kanya ang pagtuklas sa sariling kasarian ay nag sisimula sa

pagbibinata at pagdadalaga kung kailan sila aktibong nakikipag

halubilo sa parehong kasarian .

4
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Ayon naman kay Roman (2017) ang pagpapakasal ay

sagrado.Nais lang naman ng mga LGBTQ+ na matamasa ang

karapat-dapat nilang karapatan kaya sana wag na sana idamay

ang pagpapakasal.

Balangkas Konseptual

Independent Variable Dependent Variable

Legalisasyon at
Opinyon ng mga mag-
Pagtanggap sa
aaral sa Ilaya Barangka
Pagpapakasal ng
Integrated School
Parehong kasarian

Pigura 1: Paradigma ng Pag-aaral

Ang pigura sa itaas ay nagpapakita ng Legalisasyon at


Pagtanggap sa Pagpapakasal ng Parehong kasarian at kung ano
ang opinyon ng mga mag-aaral sa Ilaya Barangka Integrated
School.

5
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil tumutulong ito


upang malaman kung ano ba ang dapat maging desisyon ng
gobyerno sa Legalisayon ng “same-sex marriage” .Pinapakita
dito ang opinyon ng mga kabataan na nagpapalinaw ng
desisyong gagawin ng pamahalaan.

Kulturang salitang ginamit

Pananaliksik - ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya


para sa suliraning nangangailangan bigyan ng kalutasan. Ang
pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan
at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo so klaripikasyon
at/o resolusyon nito.

Perspektibo - ay tumutukoy sa pananaw ng isang tao, sa


kanyang pakakaintindi sa naturang paksa.

Legalisasyon – pagbibigay ng sertipiko,pagsasabatas, at


pagpapatunay ng isang bagay.

Same-sex marriage - ay isang legal na katayuan sa


lipunan o kinikilala kasal sa pagitan ng dalawang tao ng
parehong biological sex o gender panlipunan. Same-sex kasal
ay isang karapatang sibil, pampulitika, panlipunan, moral, at
relihiyon na isyu sa maraming bansa.

6
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal


na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral.
Nagbibigay rin ng higit na malinaw nakaalaman ang mga
literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo
ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang
patungkol sa legalidad ng pagpapakasal sa parehong kasarian.
Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag
sanapapanahong mga isyu partikular na sa larang ng
Pagpapakasal.

Mga Kaugnay na Lokal na Literatura

Ang kasal ay isang espesyal na pagbubuklod ng dalawang


nagmamahalang indibidwal na nagpasyang magsama habang
buhay. Ito ay protektado ng batas at isang mahalagang
institusyon ng lipunan. Subalit nitong mga huling buwan naging
mainit na usapin sa ating bansa kung dapat bang ipasa ang
Same Sex Marriage sa ating bansa. Kabi-kabila ang mga
opinyon na ipinarating ng ating mga kababayan. Samu’t saring
mga pagbatikos at pag sangayon ang natamo ng panukalang
ito mula sa ating netizens at mula sa mga social networking

7
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

sites. Marami ang nagalit at tumutol ngunit marami rin naman


ang natuwa at sumangayon.Laganap na sa ating bansa ang mga
bading at mga lesbiyana o mas kilala bilang thirdsex sa
panahong nating ito. Hindi naman natin masasabing salot sila sa
ating lipunan dahil nakatutulong sila sa pag-unlad ng ating
bansa. Unti-unti silang nata-tanggap ng ating lipunan, pero sa
pagpapakasal nila sa kapwa nila babae o lalake, naayon pa ba
sa mata ng mga tao, sa mata ng batas, lalo na sa mata ng
Diyos ang seremonyang ito?Ang Same Sex Marriage ay isang
panukalang batas sa ating bansa ngunit ito ay ganap na
ipinapatupad sa ilang bansa gaya ng Estados Unidos. Ito ay
naglalayong mabigyan ng karapatan na maikasal ang
nagmamahalang indibidwal na may parehong kasarian o
tinatawag na “Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender “(LGBT).
Ginawa ang panukalang ito para mabigyan ng pantay na
karapatan ang mga grupo ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and
Transgender)

Si Pangulong Barack Obama ang kauna-unahang


pangulo ng Estados Unidos na naging taga suporta ng
panukalang ito anupat kanyang nilagdaan upang maging ganap
ng batas sa Estados Unidos. “I think same sex couples should
be able to get married”- ito ang binitiwang ni Pangulong Barack
Obama sa kanyang pahayag sa isang programa sa isang
telebisyon sa Estados Unidos. Ang pahayag niyang ito ay umani
ng papuri mula sa grupo ng mga LGBT, ngunit sa kabilang
banda ito ay inatake ng mga batikos at kritisismo mula sa
kanyang mga kritiko anupat binansagan si Pang. Barack Obama
ng News Week Magazine sa bago nitong labas na isyu bilang

8
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

“first gay president”. Dahil sa pagiging ganap na batas ng Same


Sex Marriage sa Estados Unidos umaasa ang mga grupo ng
LGBT sa ating bansa na maisasabatas din ang panukalang ito
anupat magbibigay daan ito sa kanila upang mabigyan sila ng
sapat na karapatan at pantay ng pagtrato. Ngunit marami ang
bumabatikos sa panukalang ito kung dapat ba talaga itong
isabatas sa ating bansa. Matatandaan na ang Simbahang
Katoliko ang panugunahing bumabatikos sa panukalang ito
anupat naniniwala sila na ang pagsasabatas ng panukalang ito
ay paglapastangan sa batas at simulain ng Bibliya. Itinuturing
ng Simbahang Katoliko ang kasal bilang isang banal ng
institusyon kung kaya’t dapat itong galangin at respetuhin.
Ayon sa kanila ang kasal ay para lamang sa dalawang
nagmamahalang indibidwal na may magkaibang kasarian na
nagpalaplanong magsama panghabang buhay. Ang pagiisang
dibdib ng isang babae at lalaki ay isang sagradong batas at
dapat lamang mangyari sa pagitan ng babae at lalaki.Dahil
sa pangunguna ni Rev. Ceejay Agbayani sa seremonya ng pag-
iisang dibdib ng mga bading at lesbiyana. sa Baguio City ay
naging maugong ang pangalan nito at agad naman itong
tinutolan ng Senado, mga mamamayang Pilpino at Simbahang
Katoliko. Ayon sa Simbahan, ang kasal para kay Jesus ay
nagpapahayag ng isang bagay na banal sapagkat hindi lamang
ito kasunduan na ginampanan ng lalaki at babae kundi ito ay
binasbasan din ng Panginoon upang maging isang sakramento
na nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa mga pumasok sa
ganitong pagsasama. Ang sakramento ng kasal ay
nagpapahayag ng kagustuhanng Diyos na pumasok sa isang
kasunduan sa atin upang magkaroon tayo ng malalim

9
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

naugnayan sa kanya, isang ugnayan na hindi mabubuwag nang


anuman o sino man sapagkat pinagiingatan ito ng Diyos. Ang
kasal ay para sa lalake at babae lamang dahil ang isa sa
mga pangunahing layunin ng sakramento ay para
mabendisyonan ang pagpapatuloy ng pagdaloy ng buhay ng
tao. Isang kalapastanganan sa Diyos ang mga gawaing taliwas
sa kanyanglayunin lalo na kung ang pagpapatuloy ng kanyang
sinimulan ang ating binabago. Samakatuwid, hindi angkop ang
pagpapakasal ng pareho ang kasarian. Hindi rin kinilala
nang batas ang pag-iisang dibdib na isinagawa, dahil wala pang
batas na kumikilala saseremonyang ito. Ayon sa Family Code ng
ating bansa, ang isang pamilya ay binubuo dapat ng isang ama,
at isang ina na dumaan sa seremonya para magsama, dahil dito
nakakabahalaang pagdami nang mga nagpapakasal nang
pareho ang kasarian.Dagdag pa nila, ang Same Sex Marriage ay
magbibigay daan lamang para malapastangan ang mga simulain
ng pagkakasal sa pagitan ng babae at lalaki yamang dalawang
kasarian lamang ang nilikha ng Maylalang. “Marriage is the
building blocks of the society”—ito ang binitiwang pahayag ng
Simbahang Katoliko sa kanilang pagtutuol sa pagsasabatas sa
panukalang Same Sex Marriage. Dagdag pa nila “Daang
matuwid without God is a dead end street. Only with God can
we see real progress of people”(CBCP News). May mga ilan ding
kilalang personalidad na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa
panukalang Same Sex Marriage gaya na lamang ni 1999 Miss
Universe, First Runner-Up, Miriam Quiambao at Pambansang
Kamao, Manny Pacquiao. Sa pahayag ni , Miriam Quiambao sa
kanyang Twitter account sinabi niya “Homosexuality is not a sin
but it is a lie from the devil. Do not be deceived. God loves gays

10
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

and wants them to know the truth” ngunit ang pahayag niyang
ito ay umani ng kabi-kabilang batikos mula sa mga Pro-Same
Sex Marriage netizens.

Reference:
Unknown. (2013, February 23). Fact Sheet. Retrieved November
2019, from Kerolindaso.blogspot.com:
https://kerolindaso.blogspot.com/2013/02/same-sex-
marriage-dapat-bang-isabatas-
o.html?fbclid=IwAR3IwAvRI7_ii7877HsCDBXygIPLNMkYBdUuV
7OXsbBvV3imjcGRnk52VOs

11
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Mga Kaugnay na Banyaga na Literatura

Sa nakalipas na dekada, ang iba't ibang mga uri ng legal na


pagkilala sa magkatulad na pakikipagtulungan ng kasarian ay
binuo sa ilang bahagi ng Estados Unidos (tingnan

Purcell, 1998 at Kampanya ng Karapatang Pantao, n.d., para sa


mga pangkalahatang-ideya) at sa

mga piling bansa (tingnan ang Gay-Civil-Unions, n.d. at


Goransson, 1998 para sa

pangkalahatang-ideya). Ang mga pakikipagsamang sibil na ito


ay resulta ng mga dekada na mahabang labanan

para sa pantay na karapatang sibil na nilaban ng mga segment


ng lesbian, gay, bisexual, at

transgendered (LGBT) pamayanan. Sa kabila ng pagkakaroon


ng mga unyon ng marriagelike sa mga napiling lokasyon, ang
mga benepisyo na magagamit sa mga magkakaparehong
kasarian sa Estados Unidos ay hindi pantay sa mga ipinagkaloob
sa kabaligtaran-kasarian mag-asawa. Ngunit, noong Mayo
2004, ang Massachusetts ay naging unang estado na kinikilala
ang mga kasal na magkakapareho at nagbibigay ng parehong
kasarian na

benepisyo bilang mga heterosexual na mag-asawa sa loob ng


estado. Habang ang pamayanan ng LGBT ay patuloy na

12
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

nagtatrabaho upang makakuha ng pagtanggap at ligal na


pagkilala ng pagpapakasal ng parehong kasarian sa buong
Estados Unidos at mundo, libu-libo ng ang parehong mga
kasarian ay nagsasamantala sa kanilang bagong ligal na pag-
pasok sa mga benepisyo sa pag-aasawa sa Massachusetts.
Tulad nito, ang legal na pagkilala sa pagpapakasal ng parehong
kasarian sa Massachusetts ay isang benchmark sa kasal.

Bagaman ang legal na kinikilala na kasal ay malinaw na


bumubuo ng pagbabago

para sa same-sex relationship sa mata ng batas, hindi gaanong


malinaw kung at paano ang kasal sa parehong kasarian ay
maaaring magbago ng kahulugan ng romantikong relasyon sa
mga mata ng mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Ang pag-
aaral na ito ay nakatuon sa mga implikasyon ng legal na
kinikilala na pagpapakasal ng parehong kasarian sa antas ng
relasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa epekto ng legal na
kinikilala na pagpapakasal ng parehong kasarian sa pag-unawa
ng mga tao ng LGBT ng mga romantikong relasyon.

Reference:
Lannutti, P. J. (2007, February). Journal of Homosexuality.
Retrieved November 2019, from Research Gate:
https://www.researchgate.net/publication/5815775

13
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

Kabanata III

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman kung paano isinasagawa at


ang prosesong ginamit upang makalap ng mga mananaliksik ang
datos na makakatulong sa kanilang pag-aaral patungkol sa
pagsasabatas ng pagpapakasal sa kaparehong kasarian.

Pamamaraang Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng diskriptib-analytikal na


pagsusuri ang proseso ng pagsasarbey,pananaliksik at interbyu
upang masuri ng mabuti ang mga damdamin,iniisip at pananaw ng
mga mag-aaral sa ideya ng pagsasabatas ng pagpapakasal ng
parehong kasarian.

Pamaraan ng Pagpili ng Respondente

Ang serbey na aming ginawa ay ipinamahagi sa mga mag-


aaral na nasa ika-10 baitang sa Ilaya Barangka Integrated School
Mandaluyong City.Ang dami ng respondente ay nasa labin-limang
katao.Napili ng mga mananaliksik ang ika-10 baitang dahil sa
palagay nila mas malaki ang bilang ng mga estudyanteng may sapat
na kaaalaman patungkol sa pagsasabatas ng pagpapakasal sa
parehong kasarian kaysa sa iba pa.Pagkat sila ang mas nakakatanda

14
ILAYA BARANGKA INTEGRATED SCHOOL

sa buong Junior High School at mas mulat ang kanilang kaisipan sa


isyung ito.

Instrumentong Gagamitin

Sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik patungkol sa


epekto ng pagpapakasal sa parehong kasarian ,gumamit ng mga
aklat o mga artikulo at ilang pag-aaral na nagmula sa internet.Sa
pamamagitan nito ang mga mananaliksik ay malilinawan kung ano
ba ang maganda at masamang epekto pag naging legal na sa ating
bansa ang pagpapakasal sa kaparehang kasarian.

Nagsagawa ng isang surbey ang mga mananaliksik sa mga


magaaral sa ika-10 baitang upang malaman ng mga mananaliksik
ang pananaw ng mga kabataan patungkol sa isyung ito dahil hindi
pa pinal ang desisyon ng mga kinauukulan.

Narito ang surbey na aming ipinasagot sa mga mag-aaral sa ika-10


baitang.

Ang mananaliksik ay gumamit ng talaan na nagalarawan ng mga


sumusunod:

1. Talaan sa propayl ng mga tagasagot na mag-aaral.


2. Talaan ng mga magiging sagot ng mga respondent.(Survey
Sheet)/Talaan ng mga tanong.(Questionaire).
3. Lapis o Panulat.

15

You might also like