You are on page 1of 12

Pamagat: Dahilan kung bakit hindi maaprubahan ang Same Sex Marriage sa Pilipinas.

Mananaliksik: Rodriguez, Micaela Joana, Ragasa, Justine , Reyes Vincent , Ricarte, Alessandra

Rangel, Mark Cyrus at Rosalin,Russel keith

Paaralan: STI College Caloocan

Taon: 2022

KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang same sex marriage ay matagal ng pinaguusapan sa ating bansa at hindi pa rin ito

napapatupad. Marami ang nagsasabing dapat na ring sumunod ang Pilipinas sa pagpapatupad ng

same sex marriage, ngunit hati ang opinion ng mga tao ukol dito. Isa sa mga unang hindi ayon sa

ideya na ito ay ang Simbahang Katoliko. Ayon kasi sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, “Ang

Tipan ng kasal, kung saan ang isang lalaki at isang babae ay bubuo ng isang matimtimang

pagkakaisa ng buhay at pag-ibig, ay itinatag at binigyan ng kaniyang sariling bahay ng

Maykapal”. Ibig sabihin, ang itinatag lamang ng Diyos ay ang babae at lalaki ang makapag isang

dibdib at walang sino man ang maaaing makapagbago nito.

Naniniwala ang ating pamahalaan na hindi pa handa ang Pilipinas na magkaroon ng same

sex marriage. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque maging si Congresswoman

Geraldine Roman na siayng kauna-unahang transgender na mambabatas sa Pilipinas ay

aminadong hindi pa tanggap ng publiko ang same sex marriage. Ayon sa mga kinauukulan, sa

halip na same sex marriage ay isinusulong na lamang sa Pilipinas ang sexual orientation o ang
gender equality.

Batayang Konseptwal

Layunin ng pag-aaral na ito na pag-aralan o alamin ang mga dahilan kung bakit hindi

inaaprubahan ng pamahalaan ng Pilipinas ang same sex marriage. Sa pag-aaral na ito ay

malalaman ang mga dahilan kung bakit mahalaga na malaman o matutuhan natin ang mga

dahilan ng hindi pag-apruba sa same sex marriage.

Balangkas Konseptwal

INPUT PROSESO AWTPUT

.Ang pagsasaliksik na Sa pamamagitan pag Sa pamamagitan ng pag

ito ay ginagamitan ng susuri ng deskriptibong aaral na ito

deskriptibong surbey na surbey mapag aaralan makakatulong ito sa pag

bolutaryong sasagutan sa pananaliksik ang unlad ng paaralan

ng mga respondents na kanilang ideya tungkol tungkol sa kahalagahan

isinasa alang alang ang sa same sex marriage, ng kasarian at mga

kanilang edad, kasarian, karapatan ng mga kasapi ng LGBT at

baitang, at strand. miyembro ng LGBT, at makakapagbigay

mga pang aabuso na kaalaman sa mga mag

ginagawa sa mga aaral kung ano ang

miyembro nito. kanilang magiging


reaksyon sa mga

nakikita nilang hindi

naayon sa lipunan. Ang

pagsasaliksik na ito ay

magagamit sa susunod

pang mga henerasyon ng

mga mag aaral upang

lumawak ang kanilang

pagsasaliksik.

Pangkalahatang Tanong Pananaliksik

Ano ang nararapat na gawin upang maisaayos ang isyu patungkol sa same sex marriage?

Layunin ng Pa-aaral

Sa takbo ng pag-susuri na ito, hinahangad ng mga mananaliksik na maisagawa ang mga

susunod na layunin.
Pangkalahatang Layunin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maisabatas ang same sex marriage upang

magkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng LGBT na magkaron ng matibay na samahan

sa kanilang partner at masabing sila ay tunay na mag asawa.

1. Ito ay upang magkaroon ng kamalayan hinggil sa isyung panlipunan na kinaharap ng

LGBT.

2. Ito ay upang maisakatuparan ang karapatan at kalayaan ng mga miyembro ng LGBT sa

loob at labas ng simbahan.

3. Ang mga magagandang epekto sa kahalagahan na malaman ang dahilan kung bakit hindi

pa naisusulong ang same sex marriage.

4.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong at magiging kapakipakinabang sa bawat

binata, dalaga, pamilya at society.

Para sa mga Mag aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na malaman ang dahilan

kung bakit hindi pa naisasakatuparan ang same sex marriage ng sa gayon ay mabura sa mga

isipan nang ibang mag-aaral na isinasawalang bahala lamang ang isyung ito.
Para sa mga Guro

Magkakaroon ng kaalaman sa mga nararapat na gawin ang mga guro ukol sa kanilang

nasasakupan upang maiparating sa mga mag-aaral ng maayos ang usapin tungkol dito. May

pagkakataon na maibahagi ng guro sa kaniyang mga estudyante ang usapinng ganito.

Para sa Mananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay labis na makatutulong sa mga mananliksik upang magkaroon

sila ng mga gabay o batayan at siguradong makapagbibigay bagong kaalaman na maaari nilang

maibahagi.

Para sa Administrator

Malaki ang pakinabang ng pagsasaliksik na ito para sa mga administrator sapagkat sila ang

may kapangyarihan sugpuin at pigilan ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT. Ito ay

isang tungkulin upang bigyan respeto at kalayaan ang bawat isa na makapamuhay ng malaya at

may karapatan sa ating lipunan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag aaral

Ang pag aaral na ito ay isasagawa sa pribadong paaralan ng STI COLLEGE OF

CALOOCAN ang makukuhang sagot mula sa mga respondents ang siyang kinakailangan sa

pagsasaliksik na ito.

Katuturan ng mga Salita


Ang Same Sex Marriage ay isang uri ng pagkakasal sa dalawang tao na napapabilang sa

parehong kasarian, maaring lalaki at lalaki o babae at babae. Sa modernong panahon ngayon mas

lumalaganp na ang pagkakaroon ng iba pang kasarian o label ng kanilang gender, kung kaya’t

nagkakaroon ng Same Sex Marriage. Ang isyu ng “same-sex marriage” ay isang usaping

naghahati ngayon sa mga simbahang Kristiyano sa buong mundo, kasama na ang Pilipinas.

STI COLLEGE CALOOCAN


109 Samson Road corner Caimito Road, Caloocan City

Kabanata II
KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Lokal na Literatura

Ayon kay Inoc, Paquibot, Verdida (2017) Batay sa Survey na ginawa noong nakaraang Mayo

2015, 7 sa 10 Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng Same-sex Marriage dahil una, labag

ito sa batas ng Diyos at maging batas moral ng tao.

Sa pagdaragdag, malaya ang isang kasapi ng LGBTQ na magpahayag ng saloobin sapagkat ito

ay isang karapatang pantao, ngunit ang pagdawit sa seremonyas ng “Kasal” ay kailanma’y hindi

tanggap ng simbahan at lipunan. Ang pagnanais ng isang organisasyon o indibidwal na maging legal

ang Same-sex Marriage ay higpit sinasang-ayonan. Bukod dito, ang mga taong kasapi sa 52

porsyento (52%) na hindi sang-ayon ay nag-iisip din na ang pag-legal nito sa batas ay walang epekto

sa lipunan, samantalang 40% ay naniniwala na ito ay makakapagbigay ng masamang dulot sa

lipunan.

Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging legal ang Same-sex Marriage sa bansa.

Maraming kahaharapin na pagsubok, sapagkat ang isip at puso ng mga Pilipino ay hindi pa bukas sa

ganitong usapin. Hindi kinokondena ng bansa ang LGBTQ ngunit hindi nangangahulugang sasang-

ayonan ng batas at simbahan ang Same-sex Marriage. Ayon kay Presidente Rodrigo Duterte,
“Katoliko tayo” at ang konsepto ng Same-sex Marriage ay angkop lamang sa mga Kanluraning

bansa.

Sa Bostock v. Clayton County, Georgia, Blg. 17-1618 (S. Ct. Hunyo 15, 2020),[1] sinabi

ng Kataas-taasang Hukuman na ang pagpapaalis sa trabaho ng mga indibidwal dahil sa kanilang

sekswal na oryentasyon o katayuan bilang transgender ay labag sa pagbabawal ng Titulo VII sa

diskriminasyon dahil sa kasarian. Isinagawa ng Hukuman ang pagpapasya nito sa pamamagitan

ng pagtuon sa simpleng teksto ng Titulo VII. Gaya ng ipinaliwanag ng Hukuman, “ang

diskriminasyon batay sa pagiging homosexual o katayuan bilang transgender status ay

kinakailangang may diskriminasyon batay sa kasarian; hindi maaaring mangyari ang una nang

wala ang pangalawa.” Halimbawa, kung paalisin sa trabaho ng isang employer ang isang

empleyado dahil siya ay babaeng may asawang babae, ngunit hindi nito gagawin ang pareho sa

isang lalaking may asawang babae, nagsasagawa ng pagkilos ang employer dahil sa kasarian ng

empleyado dahil hindi mangyayari ang pagkilos kung hindi babae ang empleyado. Gayundin,

kung papaalisin sa trabaho ng isang employer ang isang empleyado dahil nakilala ang taong iyon

bilang lalaki sa kapanganakan ngunit gumagamit siya ng mga pambabaeng panghalip at

kinikilala niya ang sarili bilang babae, nagsasagawa ng pagkilos ang empleyado laban sa

indibidwal dahil sa kasarian, hindi mangyayari ang pagkilos kung hindi dahil sa impormasyong

orihinal na nakilala ang empleyado bilang lalaki.

Nabanggit din ng Hukuman na ang pagpapasya nito ay hindi tumugon sa iba't ibang isyu ng

kalayaan sa relihiyon, gaya ng Unang Pagbabago, Batas sa Pagpapanumbalik ng Kalayaan sa

Relihiyon, at mga pagbubukod na ibinibigay ng Titulo VII para sa mga employer ng relihiyon.
Banyagang Literatura

Ayon sa librong Sex, Politics, and Society: The Regulation of Society since 1820 ni Jeffey

Weeks, halos lahat ng mga naisulat tungkol sa kasaysayan ng pagtukoy ng kasarian ay nakatuon

lamang sa mga paglalarawan ng pagkalalaki o pagkababae ng mga indibidwal, at hindi isinasama

rito ang homosekswalidad. Ngunit ang pagsasawalang bahala sa bagay na ito ay isang malaking

pang-aalipusta sa isang mahalagang aspeto ng kasaysayan ng lipunan. Gayunpaman, sa

pagtalakay tungkol sa homosekswalidad, hindi maisasantabi ang ukol sa moral ng tao, maging

ito man ay nasa kontrol ng Simbahan lalo na noong Medieval Period o nasa pamamahala at

pamumuhay ng lipunan, lalo na sa pamilya sa panahon ngayon.

Sa lahat ng uri ng pangkasariang asal, ang homosekswalidad ay talagang nakatatanggap ng social

pressure ngunit nagtataglay pa rin ito ng isa sa pinakamaraming mga likhang tungkol sa ating

kasaysayan. Homosekswalidad din ang naging target ng matinding pagmamalupit ng lipunan.

Kung kaya naman ang pag-aaral ng homosekswalidad ay mahalaga, una dahil sa interes na

nakapaloob dito, at ikalawa dahil sa nagbibigay liwanag ito sa pagtukoy sa regulasyon ng mga

kasarian, sa pagpapahusay ng pagkategorya nito, at sa posibleng pagpapalawak ng mga bagay

tungkol sa kasarinlan ng mga tao. Sa nakaraang mga taon, naging malinaw sa lipunan ang

kahalagahan ng mga usaping tungkol sa homosekswalidad. Alinsunod dito, naging malinaw rin

noong ikalabingsiyam na siglo na ang mga asal ng isang homosekswal ay may pagkakaiba sa

iba’t ibang kultura. Samakatuwid, ang pagtanggap sa homosekswalidad ay nagiiba-iba ayon sa

kultura, at kung maintindihan pa ng mas malalim, ang mga usaping ukol dito ay naaayon sa
pagtugon ng lipunan at ang pagkakakilala sa bawat tao sa lipunang iyon. Sa pag-aaral ng

homosekswalidad, makikita na ang isyung ito ay nakadepende sa tatlong salik at ang mga ito ay

ang pagkakahati-hati ng lipunan ayon sa yaman o social class, heograpikal na lokasyon at sa

tinatawag na gender differentiation.

Lokal na Pag-aaral

Ayon kay briones (2022). Ang LGBT community sa Pilipinas ay kinukunsinti ngunit hindi

tinatanggap, bilang iba't ibang anyo ng

umiiral pa rin ang diskriminasyon sa sektor na ito. Ang pagkakatatag ng ilang organisasyong

LGBT Ang 1990s ay minarkahan ang paglitaw ng isang organisadong kilusang LGBT sa bansa.

Ang parehong dekad nasaksihan din ng Partido Komunista ang pagkilala sa mga relasyon sa

parehong kasarian at kasal Communist of the Philippines (CPP), na isang mahalagang pag-unlad

para sa pagsulong ng LGBT karapatan sa loob ng rebolusyonaryong kilusan. Sa papel na ito,

pinagtatalunan ko na ang makabuluhang bilang ng mga miyembro ng LGBT sa loob ng kilusan

ay kinailangan ang paglikha ng mga rebolusyonaryong patakaran na tumatanggi sa

diskriminasyon sa kasarian at nagsusulong ng mga karapatan ng LGBT. Pangunahing umasa ako

sa Paglaya,ang opisyal na publikasyon ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP),

para sa mga salaysay ng walong bakla at lesbian na gerilya mula sa New People’s Army (NPA)

sa Mindanao dahil nagbibigay ito ng mga unang-taong salaysay ng kanilang pang-araw-araw na

buhay bilang 1) miyembro ng LGBT komunidad at bilang 2) mga gerilya sa buong panahon ng

limampu't tatlong taong armadong rebolusyon nasa probinsya. Sinuri ko ang mga kaugnay na

gawa sa alternatibong pagsulat at rebolusyonaryo mga patakaran ng CPP patungkol sa


komunidad ng LGBT at ginamit ang mga teoretikal na ideya ng Nancy Fraser sa katarungang

panlipunan at pagkilala. Sa pamamagitan ng mga salaysay, ang mga resulta ay nagpapakita na

ang mga bakla at lesbian na gerilya, sa ilalim ng patnubay ng partido, ay pinagsama ang kanilang

pakikibaka para sa pagkilala sa pakikibaka para sa muling pamamahagi, sa gayon ay iniiwasan

ang pagbabagong pangkultura sa loob ng rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao.

Banyagang Pag-aaral

Sa Bostock v. Clayton County, Georgia, Blg. 17-1618 (S. Ct. Hunyo 15, 2020),[1] sinabi

ng Kataas-taasang Hukuman na ang pagpapaalis sa trabaho ng mga indibidwal dahil sa kanilang

sekswal na oryentasyon o katayuan bilang transgender ay labag sa pagbabawal ng Titulo VII sa

diskriminasyon dahil sa kasarian. Isinagawa ng Hukuman ang pagpapasya nito sa pamamagitan

ng pagtuon sa simpleng teksto ng Titulo VII. Gaya ng ipinaliwanag ng Hukuman, “ang

diskriminasyon batay sa pagiging homosexual o katayuan bilang transgender status ay

kinakailangang may diskriminasyon batay sa kasarian; hindi maaaring mangyari ang una nang

wala ang pangalawa.” Halimbawa, kung paalisin sa trabaho ng isang employer ang isang

empleyado dahil siya ay babaeng may asawang babae, ngunit hindi nito gagawin ang pareho sa

isang lalaking may asawang babae, nagsasagawa ng pagkilos ang employer dahil sa kasarian ng

empleyado dahil hindi mangyayari ang pagkilos kung hindi babae ang empleyado. Gayundin,

kung papaalisin sa trabaho ng isang employer ang isang empleyado dahil nakilala ang taong iyon

bilang lalaki sa kapanganakan ngunit gumagamit siya ng mga pambabaeng panghalip at

kinikilala niya ang sarili bilang babae, nagsasagawa ng pagkilos ang empleyado laban sa

indibidwal dahil sa kasarian, hindi mangyayari ang pagkilos kung hindi dahil sa impormasyong

orihinal na nakilala ang empleyado bilang lalaki.

You might also like