You are on page 1of 2

SOGIE BILL

The Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE, Tagalog: ['sɔdʒi]) Equality Bill,
also known as the Anti-Discrimination Bill (ADB),[1][2] is a proposed legislation of the Congress of
the Philippines. It is intended to prevent various economic and public accommodation-related acts
of discrimination against people based on their sexual orientation, gender identity or
expression.[3] The current versions of the bill are championed by Kaka Bag-ao, Geraldine Roman,
and Tom Villarin in the House of Representatives, and Risa Hontiveros in the Senate. The version in
the House of Representative passed its third reading most recently on September 20, 2017, but died
in the Senate.[4] It has been refiled for the 18th Congress.
Sa kasalukuyan, may dalawang panukala na tumatalakay sa SOGIE:
Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado
House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara
Pero bilang konsepto, ano ba talaga ang SOGIE?
Isyu ng 'sexual orientation'
Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may kaonting pagkakaiba.
Tinutukoy nito ang direksyon ng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi ng isang tao.
Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, inihati niya ito sa tatlo:
Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex
Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex
Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex
Sa HB 258 ng Bayan Muna party-list, dinagdagan nila ito ng ika-apat:
Asexual orientation - kawalan ng sexual attraction o pagkaakit kaninuman
Kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga "male," "female" o "intersex"
na nakabatay sa ari, gonads at chromosome patterns ng isang tao.
Ang mga intersex ay may mga katangian ng sex na hindi pasok sa karaniwang ideya ng katawang
male o female.
Usapin ng 'gender'
Maaaring hatiin sa dalawang susing konsepto ang gender: expression at identity.
Ayon sa SB 159, ang gender expression ay ang sumusunod:
Outward manifestations of the cultural traits that enable a person to identify as male or female
according to patterns that, at a particular moment in history, a given society defines as gender
appropriate."
Ito naman ang gender expression ayon sa HB 258:
"[T]he way a person communicates gender identity to others through behavior, clothing, hairstyles,
communication or speech pattern, or body characteristics."
Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personal na pagkakakilanlan sa
sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at pag-uugali kaugnay ng mga "masculine" at
"feminine" conventions.
Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao sa kanyang "sex," kinikilalang
transgender ang isang tao.
Sa sitwasyon ni Diez, isa siyang transwoman dahil kinikilala niya ang sarili bilang babae habang
pang-lalaki ang orihinal niyang pangangatawan.
Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang lalaki habang lalaki rin ang
gusto.
Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. Kinikilala ng lesbyana ang sarili bilang babae habang babae
rin ang gusto.
Gayunpaman, hindi nangangahulugan na pinili lang ng mga trans na maging kung sino sila.
Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng tugma ang identity sa sex)
kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae.
Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugma ang identity sa sex) kahit
tinitignan niya ang sarili bilang lalaki.
Marami pang ibang kategorya ng gender maliban sa mga nabanggit.
Parusa kung maipasa ang anti-SOGIE bill
Kung maisasabatas ang SB 159 o HB 258, depende sa sitwasyon, maaaring patawan ng multang
P100,000 hanggang P500,000 ang mga lalabag nito.
Pwede ring makulong ng mula isang taon hanggang 12 taon ang mga nabanggit.
Habang patuloy sa pag-ikot ang buhay ng mga LGBT, inaantabayanan pa rin ang isinusulong na
(Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill o ang Anti-Discrimination Bill
(ADB), na proposed legislation ng Congress of the Philippines.
Layunin ng SOGIE bill na maprotektahan ang karapatan ng bawat Filipino kabilang ang most
vulnerable groups in our society-Women and the LGBT community.

You might also like