You are on page 1of 1

CYRUS CYLINDER

Ang karapatang pantao na nakapaloob sa Cyrus cylinder ay may kinalaman sa hindi pagtatangi ng lahi, kultura o maging
ng relihyon. Nakasaad dito na dapat ay pantay-pantay lang ang tingin sa kahing kaninong tao. Nakasaad din dito na may
karapatan ang bawat tao na pumili ng sarili nitong paniniwala.

Ganito ang eksaktong mababasa sa cyrus cylinder na gawa sa hinulmang luwad: "ANG LAHAT NG TAO AY MAY
KARAPATANG PUMILI NG RELIHYON AT MARAPAT ITURING NA KAPANTAY NG IBANG LAHI"

Ang batas na ito ay inukit noong 539 BCE matapos palayain ang mga bihag na Judio sa pamamahala ng mga taga
Babilonya matapos lupigin ito ni Ciro sa taon ding iyon.

Sa ngayon, maraming tao ang nabibiktima ng mga pang-aalipin at pang-aalipusta. Isa sa mga problema noon pang
panahon ay ang human trafficking.

MAGNA CARTA

Ang Magna Carta o “Great Charter” ay nilagdaan ng Hari ng Inglatera noong 1215. Nakapaloob rito ang mga
karapatang pantao at pang-estado gaya ng karapatan ng simbahan na maging malaya mula sa pakikialam ng
pamahalaan, karapatan ng mamamayan na magkaroon ng mga ari-arian at ri at magmana ng ari-arian at mabigyan ng
proteksiyon laban sa mapaniil napagbubuwis. Nabanggit din dito ang karapatang magkaroon ng makatwirang proseso sa
paglilitis at habeas corpus.

Nakapaloob rin dito ang mga karapatan ng mga balo na magmay-ari ng ari-arian at makapiling hindi na makagpag-asawa
ulit.

Nagbunga ito sa pagkakaroon ng pamumunong konstitusyonal sa kasalukuyan. Napakalaking impluwensiya ng Magna


Carta sa Konstitusyon at sa Panukalang Batas ng mga Karapatan.

UDHR

Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang- diin ng mga bansang kasapi nito na magkaroon ng
kongkretong balangkas upang matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao
sa lahat ng bansa.Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946.

Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations si Eleanor
Roosevelt – ang biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.

Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan ito bilang
“International Magna Carta for all Mankind.”

BILL OF RIGHTS

Kahalagahan ng Bill of Rights Ang mga karapatang ito ay nararapat na taglay ng bawat indibiduwal dahil taglay nito
ang dignidad ng isang tao, anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at kalagayang pang- ekonomika

You might also like