You are on page 1of 6

Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10

Kontemporaryong Isyu
Pangalan: ________________________________________ Iskor: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________ Petsa: ______________

I. Panuto: Basahin ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Mayroong iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI
kabilang dito?
a. Pagpatay b. Aksidente c. Terrorismo d. Pagdukot

_____2. Ang pang-aabuso sa karapatang pantao ay maaring nasa iba’t ibang anyo. Alin sa mga sumusunod na
katawagan ang HINDI aspektong naaapektuhan ng pang-aabuso?
a. Seksuwal b. Emosyonal c. Pisikal d. Moral

_____3. Maraming iba’t ibang uri ng sexuality. Alin sa mga sumusunod na seksuwalidad ang mayroong atraksyon sa
ano mang uri ng kasarian?
a. Pansexuality b. Heterosexuality c. Bisexuality d. Asexuality

_____4. Mayroong mga ilang isyu ang may kinalaman sa gender at kasarian bunsod ng bahaging ginagampanan ng
isang tao sa lipunan. Saan unang nahuhubog ang kasarian ng isang indibidwal?
a. Paaralan b. Pamayanan c. Simbahan d. Tahanan

_____5. Iba-iba ang pagtingin ng mga bansa ukol sa pamumuno sa pamahalaan at lipunan kapag pinagbabatayan
ang kasarian. Sino ang kauna-unahang babaeng naging pangulo ng ating bansa?
a. Miriam Santiago b. Gloria Arroyo c. Lourdes Sireno d. Corazon Aquino

_____6. Isang pagsusuri ang isinagawa ukol sa isyu ng Reproductive Health Law bunsod ng iba’t ibang pananaw ng
mga Pilipino ukol dito. Anong insitusyong panlipunan ang tuwiran at tahasan ang pagtutol sa batas na ito?
a. Pamahalaan b. Simbahan c. Pamilya d. Indibidwal

_____7. Same Sex Marriage isang isyung maraming pagsusuri ang isinasagawa upang magamit ito sa kaunlaran ng
bansa. Saang bansa unang naging legal ang pag-aasawa ng dalawang taong may kaparehas na kasarian?
a. Netherlands b. Belgium c. Spain d. Portugal

_____8. Mayroong mga iba’t ibang salik na dapat ay ikonsidera sa pagsasalegal ng same sex marriage. Alin sa mga
sumusunod ang dapat bigyan ng malaking konsiderasyon?
a. Trabaho b. Relihiyon c. Pamilya d. Paniniwala

_____9. Maraming itinuturong dahilan ng pagpasok ng isang tao o indibidwal sa gawaing prostitusyon. Alin sa mga
sumusunod ang mayroong pinakamalaking dahilan ng kanilang pagpasok sa gawaing ito?
a. Kahirapan b. Luho c. Paggastos d. Peer Pressure

_____10. Kapag ang isang tao ay nakaranas ng isang pang-aabuso sa kanyang kabataan, ito ay maaari niyang
madala sa kanyang pagtanda na magbubunga ng di mabuting gawain. Aling aspeto ng kanyang pagkatao ang
naapektuhan?
a. Sosyolohikal b. Pisikal c. Pisyolohikal d. Mental

_____11. Ang pang-aabusong seksuwal ay isang hiwalay na konsepto ukol sa pang-aabuso dahil ang gawain na
ginagawa ay labag sa kalooban ng biktima. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
a. Attempted Rape b. Sexual Harassment c. Pornography d. Voyeurism

_____12. Marami rami naring mga bansa ang mayroong bukas na kaisipan ukol sa same sex marriage. Anong bansa
ang kinilala bilang pinaka palakaibigan sa mga same sex couple?
a. Canada b. Argentina c. Brazil d. France

1
II. Panuto. Basahin at suriing mabut ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang. Isulat ang;

a. Kung ang una at ikalawang pahayag ay parehas TAMA.


b. Kung ang una at ikalawang payagah ay parehas MALI.
c. Kung ang unang pahayag ay TAMA at ang ikalawang pahayag naman ay MALI.
d. Kung ang unang pahayg ay MALI at ang ikalawang pahayag naman ay TAMA.

_____13. 1. Ang karapatan ay isang pribilehiyong ibinigay ng saligang batas upang ang tao ay mamuhay ng
mapayapa at malaya.
2. Sa bawat karapatang ating tinatamasa ay mayroon tayong responsibilidad at pananagutan na
dapat nating gawin sa ating lipunang ginagalawan.
_____14. 1. Mga hindi nalulutas na kaso, implementasyon ng batas ukol sa karapatang pantao at bagal ng
paglutas ng kaso ay ilan sa mga magagandang bunga ng karapatang pantao.
2. Marapat na gawin ng pamahalaan ang mga nararapat na hakbangin at aksyon ukol sa karapatang
pantao hindi lang para sa kabutihan ng iilan kundi para sa kabutihan ng lahat.
_____15. 1. Ilan sa mga mabubuting epekto ng paglabag sa karapatang pantao ay ang masidhing galit,
paglaganap ng takot, epektong sikolohikal at pagkadamay ng mga inosente.
2. Ang karapatang pantao ay maiiwasang malabag at maipagtatanggol kung ang mga tao ay
magiging maalam sa kanilang mga karapatang tinatamasa.
_____16. 1. Heterosexuality ang uri ng seksuwalidad na ang atraksyong seksuwal sa miyembro ng
kaparehong kasarian.
2. Homosexuality naman ang uri ng seksuwalidad na ang atraksyong seksuwal ay miyemro ng
opposite sex o kasalungkat na kasarian.
_____17. 1. Mabilis na naisulong sa bansang Pilipinas ang legalisasyon ng same sex marriage dahil sa buong
pagsuporta ng simbahang katoliko.
2. Ang LADLAD Party List ay isang samahang pampulitika na nagsusulong sa pantay na karapatan
ng mga kabilang sa ikatlong kasarin sa mga lalake at babae.
_____18. 1. Ilan sa mga pangunahing salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa kasarian ay ang buong
pagtanggap at pagsuporta ng magulang sa kanilang mga anak.
2. Ang relihiyon at kultura ay malalaking salik na nakakaapekto sa pagkakaroon ng diskriminasyon
sa ikatlong kasarian.
_____19. 1. Mayroong mga bahaging ginagampanan ang kasarian sa mga institusyong panlipunan na marapat
bigyang konsiderasyon at pang-unawa ng kapaligiran.
2. Ang buong pagsuporta ng pamilya ay nakakatulong ng malaki upang ang isang indibidwal ay
masadlak sa mga maling gawain sa lipunang kanyang ginagalawan.
_____20. 1. Ang mga kababaihan sa kasalukuyan ay hindi nakakalahok sa iba’t ibang gawaing panlipunan
bunsod ng kanilang kinalalagyang kasarian.
2. Pinapalakas ng mga batas, programang panlipunan at gawaing pambayan ang karapatan ng mga
kababaihan upang makalahok sa pagpapaunlad ng bayan.
_____21. 1. Naging madali ang pagtanggap ng mga mamamayang Pilipino bunsod ng pagsuporta ng iba’t
ibang institusyong panrelihiyon sa Reproductive Health Law.
2. Malaki ang maitutulong ng pamimigay ng condoms sa mga kalalakihang nasa institusyong pang-
edukasyon at mga mag-aaral upang maipakita ang bisa ng Reproductive Health Law.
_____22. 1. Ang sex education ay marapat na ituro sa mga kabataan lalong lalo na sa elementarya upang ang
mga kabataang Pilipino ay mamulat sa seks.
2. Marapat na araling mabuti ng pamahalaan ang maaaring maging mabuti at masamang epekto ng
Reproductive Health Law para sa panghinaharap na pagdedesisyon.
_____23. 1. Ang isang panukala o isang bill ay isang batas na dumadaan pa sa proseso ng pagsasalegal nito
sa Kongreso at Senado.
2. Ang isang batas o law ay isang batas na dumaan sa proseso ng pagsasalegal nito na
inapbrubahan ng Kongreso at Senado at ipatutupad ng Ehekutibo at babalansehin ng Hudikatura.

_____24. 1. Mayroong mabuti at masamang epekto ng pagsasabatas ng Reproductive Health Law sa lipunan
ng mga Pilipino.
2. Ang mga mabubuti at masasamang epekto ng Reproductive Health Law ay maaaring gamiting
basehan sa pagbuo ng mga probisyon upang maamyendahan ang naturang batas.

2
_____25. 1. Ang Same Sex Marriage ay ang pagsasama ng isang pares o dalawang tao sa loob ng iisang
tahanan o bahay.
2. Samantanag ang Same Sex Union naman ay ang pagiging legal na magkapares ng dalawang tao
na may parehas na kasarian sa harap ng batas.
_____26. 1. Karamihan ng mga bansang nabigyang karapatan sa kasal ang mga may kaparehas na kasarian
ay nagtatamasa ng liberalismo at mahina ang udyok ng simbahan sa desisyon ng pamahalaan.
2. Malaki ang epekto ng mga simbahan sa Pilipinas sa mga isyung pulitikal at desisyong pambayan.
_____27. 1. Malaki ang maitutulong ng mga Same Sex Couples sa mga institusyong ampunan dahil sa walang
kakayahan ang mga ito na magkaroon ng anak.
2. Responsableng pagiging magulang ang marapat nilang gawin upang maging mabuti ang epekto
sa pagpapalaki ng anak.
_____28. 1. Responsibilidad ng pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang mabigyan ng maayos na
karapatan ang mga taong napapabilang sa ikatlong kasarian.
2. Tungkulin naman ng mga mamamayang nasa ikatlong kasarian na pangalagaan ang kanilang
mga karapatan kalakip ng mga tungkulin at pananagutan.
_____29. 1. Ang pagiging isang gay o lesbian ay hindi kasalanan sa harap ng batas at relihiyong kanyang
kinabibilangan.
2. Ang paggawa ng mga gawaing mali ng isang gay o lesbian ang kasalanan sa harap ng batas at
relihiyong kanyang kinabibilangan.
_____30. 1. Bahagi ng minoryang pangkat ang mga lesbian, gay, bisexual at transgender sa lipunang kanilang
kinabibilangan.
2. Sa kabila ng pagiging isang minoryang pangkat ay nakakatamasa parin sila ng proteksyon sa
batas at karapatang pantao.
_____31. 1. Ang Pilipinas ay isang palakaibigang bansa sa Asya sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender.
2. Sa kabila ng pagiging palakaibigan ng Pilipinas sa minoryang pangkat na ito ay dumadaan parin
sa masalimuot na proseso ng kanilang karapatan sa kasal.
_____32. 1. Kahirapan ang isa sa mga pinakatinuturong dahilan ng mga tao upang sila ay pumasok sa
gawaing prostitusyon.
2. Dapat ipagwalang bahala ng pamahalaan ang isyu ukol sa prostitusyon dahil makakatulong
naman ito sa ekonomiya ng bansa.
_____33. 1. Ang prostitusyon ay isang magandang gawain na hindi nakakaapekto sa kalusugan ng taong
gumagawa nito.
2. Maaaring magkaroon ng sexuality transmitted disease ang isang taong loyal at hindi nakikipagtalik
sa ibang kaparehas.
_____34. 1. Ang isang taong naabusong seksual sa panahon ng kanyang kabataan ay maaaring magsagawa
ng gawaing naranasan niya sa panahon ng kanyang pagtanda.
2. Marapat na magsagawa ang pamahalaan ng mga programang makakatulong upang matulungan
ang mga taong biktima ng pang-aabuso.
_____35. 1. Ang isang taong naging biktima ng pang-aabuso ay mayroong mabuting epekto sa kanyang
sikolohikal na aspeto.
2. Ang mga kabataang nasasadlak sa prostitusyon ay marapat na huwag bigyang pansin ng
pamahalaan.
_____36. 1. Tamang pagtuturo, paggabay ng magulang at maayos na relasyon ng miyembro ng pamilya ay
makatutulong upang di masadlak sa gawaing prostitusyon ang isang kabataan.
2. Mayroon ding maitutulong ang pamahalaan, samahang panrelihiyon at pribadong samahan sa
pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng tao upang di masadlak sa prostitusyon.

III. Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

_____37. Ang mga gawaing pagpatay, pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ay kinukundena ng simbahan dahil sa
maling gawain. Paano ito nakakaapekto sa relasyon ng simbahan at pamahalaan?
a. Magiging maayos ang relasyon ng simbahan at pamahalaan.
b. Maaaring magkaroon ng salunghatan at away sa mga desisyon ang simbahan at pamahalaan.
c. Magkakaroon ng salunghatan sa mga paniniwala prinsipyo at ideyolohiya ukol sa isyung kinakaharap.
d. Magkakaroon ng kaayusan, kapayapaan at katarungang panlipunan sa di pagkakasundo ng dalawang institusyon

3
_____38. Mayroong mga kaganapan sa kasaysayan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin nabibigyan ng kalutasan at
nananatiling hindi nabibigyan ng katarungan. Bakit nagaganap ang ganitong sitwasyon?
a. Bunsod ng mga matitibay na ebidensya kaya naman hindi nalulutas ang mga kaso.
b. Mayroong mga butas at kahinaan ang ebidensya kaya naman madaling nalulutas ang kaso.
c. Maraming mga dokumentong sumusuporta sa isang kaso kaya naman nabibigyang solusyon ang kaso.
d. Walang matibay na ebidensya ang nagpapatunay sa ginawang kaso at paglabag sa karapatan ng isang tao.

_____39. Ang karapatan at kapayapaan ay marapat na umiral sa iba’t ibang institusyong panlipunan. Bakit binibigyang
proteksyon ng pamahalaan ang mga mamamayan?
a. Kung di sila magtatrabaho ay wala silang kitang makukuha.
b. Tungkulin ng pamahalaan na bigyang proteksyon ang mga mamamayan ayon sa itinakda ng batas.
c. Karapatan ng mga mamamayan na bigyang proteksyon ang mga maliliit at ordinaryong tao lamang.
d. Marapat na bigyang proteksyon ang mga mamamayan dahil ito ay binabayaran nila ayon sa takda ng buwis.

_____40. Gawaing nakakasakit, nakakamatay at nakakasira ng buhay, ang pagsasagawa ng terrorismo. Paano malalabanan
ng mga tao ang gawaing ito?
a. Magsumbong sa mga may kinauukulan gaya ng kapulisan kapag may taong nagtatangkang gumawa nito.
b. Ipagwalang bahala ang mga nakikitang obserbasyon sa kapaligiran upang matigil ang terrorismo.
c. Suportahan ang mga taong nagsasagawa ng ganitong masasamang gawain.
d. Pabayaan sa mga awtoridad ang paghuli sa mga terrorista.

_____41. Mayroong mga bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas na inaalis ng pamahalaan o sinususpinde ang karapatang pantao.
Bakit nagagawa ng pamahalaan na bawiin ang mga karapatang ito?
a. Dahil kung minsan ay sumusobra ang mga tao sa kanyang mga karapatan.
b. Dahil kailangang iligtas ang bayan at unahin ang pambansang interes kaysa karapatang indibidwal.
c. Dahil ang mga tao ay nagiging mapang abuso sa kanyang mga tinatamasang karapatan at kalayaan.
d. Dahil ang mga mamamayan ay walang kontrol sa pagbuo ng pamahalaang magbibigay proteksyon sa lahat.

_____42. Mayroong mga mungkahing pamamaraan sa pangangalaga ng karapatang pantao. Alin sa mga sumusunod na
mungkahi ang HINDI marapat na mapabilang dito?
a. Bigyan ng malaking pondo ang mga programang pangkarapatang pantao at huwag pondohan ang ibang serbisyo.
b. Pagdaragdag ng batas upang umunlad ang paggalang mga mga karapatang pantao at pangkapayapaan.
c. Paglahok sa mga pandaigdigang organisasyong naglalayong protektahan ang mga karapatan.
d. Pagpapalakas sa mga ahensya ng pamahalaan na nagbibigay proteksyon sa karapatan.

_____43. Maraming nagsusulong sa kasalukuyang panahon ng karapatan ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender. Bakit
sila kailangang bigyan ng mga espisipikong karapatan kung sila ay nagtatamasa na ng mga natural na karapatan?
a. Upang mabigyang proteksyon ang kanilang mga sarili laban sa mapang-abusong lipunan.
b. Kailangan nila ang mga karapatang ito dahil sa diskriminasyon na nagaganap sa lipunan.
c. Mapang-api ang lipunang kanilang mga ginagalawan at wala silang kalayaan.
d. Wala silang karapatan sa lipunang kanilang ginagalawan.

_____44. Karapatan ng isang tao ang pagpili niya ng kanyang pagkakakilanlan sa kasarian at seksuwalidad. Paano ito marapat
na isabuhay ng isang indibidwal?
a. Marapat na isiping mabuti ang buhay na kakaharapin at huwag magpadalos dalos sa pagpili ng kasarian.
b. Ang bawat karapatan ay mayroong kaakibat na pananagutan, kaya marapat na maging mapanuri sa desisyon.
c. Pabayaan ang husga ng lipunan dahil ito ay isa lamang pangungutya at pag-aalmura sa karapatan ng isang tao.
d. Ang lipunan sa kasalukuyan ay bukas na sa posbilidad na madaling matanggap ang isang indibidwal sa lipunan.

_____45. Ang dalawang taong may magkaparehas na kasarian ay nagnanais na maisabuhay at matamasa ang karapatan sa
kasal. Bakit hindi parin tanggap sa lipunang Pilipino ang ganitong uri ng karapatan?
a. Konserbatibo parin ang kulturang ginagalawan ng mga Pilipino sa kabila ng modernisasyon.
b. Mapanghusga ang mga Pilipino sa ganitong mga gawain lalo na sa mga kasalanang pangmakasarili.
c. Nananatili paring lito ang mga Pilipino sa kanilang pagkatao kaya naman di nila tanggap ang ganitong anyo.
d. Mataas parin ang pagtingin ng mga Pilipino sa pagiging sagrado ng kasal bilang isang karapatan ng indibidwal.

_____46. Kung ang lahat ng mga magulang ay magiging mapanagutan sa kanilang pagpapalaki sa mga anak. Paano ito
makakatulong sa mga magulang na mayroong gay at lesbian na anak?
a. Maitatama nila ang makamundong gawa ng kanilang mga anak.
b. Magiging kapaki-pakinabang ang mga ito sa kabila ng pagiging gay o lesbian.
c. Magagabayan ng mga magulang na maging isang responsableng mamamayan ang anak.
d. Maiaayos nila ang buhay na dapat itasama ng anak at dapat itong igiit at ipilit sa kanilang buhay.

_____47. Kung mayroon kang kaibigang napapabilang sa ikatlong kasarian. Paano ang marapat na maging pagtrato mo sa
kanila?
4
a. Buskahin, asarin at ipamukha sa kanila na masama ang kanilang napiling kasarian.
b. Balewalain ang kanilang piniling kasarian dahil masayahin naman sila at palabirong kasama.
c. Bigyan ng wastong pagtrato at paggalang sa kanilang piniling kasarian dahil sila ay mayroon ding karapatan.
d. Banggitan ng mga masasakit na salita dahil hindi naman nila mararamdaman ang sakit nang mga salita ng lipunan.

_____48. Malaki ang kabig at tulak ng relihiyon sa pagbuo ng pagkatao ng isang indibidwal. Paano nito nababago ang pananaw
ng isang tao ukol sa pagpili ng kasarian?
a. Ang relihiyon ay maaaring makatulong sa pagsasagawa ng mga tamang desisyon at gabay ispiritwal.
b. Huhusgahan na makasalanan ang mga taong hindi sumusunod sa relihiyong kinabibilangan.
c. Inaasahan ng isang tao na huhugasan ng relihiyon ang kanyang mga kasalanan.
d. Malilinis ng relihiyon ang pagkatao ng isang indibidwal.

_____49. Ang responsableng pagiging magulang ang isa sa marapat na matutunan ng mga taong magpapakasal. Saan ba
dapat nagsisismulang matutunan ang pagiging isang responsableng magulang?
a. Matututunan ito sa mga paaralan na siyang gumagabay sa edukasyon ng mga mamamayan.
b. Nagmumula ito sa pangkat relihiyon dahil binabasbasan nito ang pagsasama ng dalawang tao.
c. Idinidikta ito ng lipunang kanilang ginagalawan dahil nakikita nila ang mga taong gumagawa ng mabuti.
d. Nagsisimula ito sa pamilya na unang pundasyon ng pagatao ng isang indibidwal at paggabay ng magulang.

_____50. Paglaki ng populasyon ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pamahalaan kaya nabuo ang Reproductive Health
Law. Sang-ayon kaba sa dahilan ng pamahalaan ukol dito?
a. Hindi, dahil kung magiging responsableng magulang ang mga mamamayan ay hindi naman lalaki ang populasyon.
b. Oo, dahil masyado ng nagiging masikip ang mga kalunsuran kaya marapat na magbawas ng tao.
c. Hindi, dahil dapat inuuna ng pamahalaan ang kahirapan kaysa sa populasyon.
d. Oo, dahil maraming tao ang gawa ng gawa ng bata na di responsible.

_____51. Ang sex education ay marapat na ituro sa mga kabataan upang maging bukas sila sex. Sang-ayon kaba na ito ay
maging bahagi ng pag-aaral ng mga kabataan?
a. Oo, upang maging bukas sila sa makamundong pagnanasa ng tao sa sex.
b. Oo, dahil mas magiging mahusay na mga kabataan sila na maraming alam sa sex.
c. Hindi, dahil hindi pa handa ang lipunang Pilipino sa pagbabagong maaaring idulot ng sex education.
d. Hindi, dahil kailangan munang suriing mabuti ang lalamanin ng sex education na hindi ito magkakaroon ng masamang
interpretasyon sa edukasyon ng mga kabataan.

_____52. Maaaring magkaroon ng mabuti at masamang epekto ang pagsasabatas ng same sex marriage sa Pilipinas. Paano
kaya ito makakasama sa lipunang Pilipino?
a. Magkakaroon ng kalituhan sa bahagi ng mga kabataan ukol sa seksuwal na oryentasyon ng isang indibidwal.
b. Wala na itong masamang epekto dahil tanggap na tanggap naman ang same sex marriage sa Pilipinas.
c. Lalong lolobo ang populasyon ng bansa kung papayagan ang same sex marriage.
d. Mag-aaway ang simbahan, lipunan at pamahalaan dahil sa isyu.

_____53. Sa bansang Portugal hindi sinang-ayunan ang pagpayag sa pag-aampon ng mga same sex couple. Bakit kaya hindi
sumang-ayon ang mga mambabatas ukol dito?
a. Maraming kabataan ang mapapariwara ang buhay dahil aabusuhin sila ng mga mag-aampon.
b. Mas lalong dadami lamang ang mga kabataang nasa bahay ampunan dahil sa maling pagiging magulang.
c. Maaaring makaapekto ang sitwasyon upang magkaroon ang bata ng kalituhan at makaranas ng diskriminasyon.
d. Marami na silang tinatamasang mga kalayaan at karapatan kaya hindi na sumang-ayon ang pamahalaan sa isyu.

_____54. Malaki ang maitutulong ng mga same sex couple sa mga bahay ampunan dahil sa pag-aampon ng mga ito. Paano
nakakatulong ang sitwasyong pag-aampon sa pamahalaan?
a. Nakakatulong ang mga same sex couples sa pagbabawas ng gastos ng pamahalaan na inilalaan sa institusyong ampunan.
b. Nakapagbibigay sila ng malaking buwis sa pamahalaan dahil sa mga kaso na kinakaharap ng mga same sex couples.
c. Nakakapag-ambag sila ng malaki sa sining ng pagtatanghal at entertainment sa bansa.
d. Nakadadagdag sila ng tulong donasyon sa mga bahay ampunan.

_____55. Relihyon, edad, henerasyon at ideyolohiyang pulitikal ang mga salik na dapat bigyang konsiderasyon sa pagsasaligal
ng same sex marriage sa Pilipinas. Paanong binibigyang konsiderasyon ang relihiyon sa usaping same sex marriage?
a. Ang bansa ay nakasalig sa pundasyon ng simbahang katoliko na naniniwala sa pagiging sagrado ng kasal.
b. Liberal na kaisipan ang marapat na ipakita ng relihiyon upang buong matanggap ang same sex marriage.
c. Bukas na usapin sa pagitan ng pamahalaan, LGBT community at pribadong mga samahan.
d. Ipinatutpad ang agarang pagsasalegal ng same sex marriage laban sa simbahan.

_____56. Maraming masamang epekto ang prostitusyon sa pamayanan at sa bansa. Paano nakikita ang masamang dulot ng
prostitusyon sa mga kanayunan at liblib na lugar?

5
a. Ang mga kabataan ay patuloy na nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral hanggang sa kolehiyo.
b. Naiaahon ng mga pamilya sa kanayunan ang kanilang kabuhayan dahil sa pagpasok sa protitusyon.
c. Nasasadlak ang mga kabataan sa gawaing prostitusyon bunsod ng patuloy na kahirapan ng buhay sa lugar.
d. Naibibigay ng isang kabataan sa kanyang sarili ang mga luho at kagustuhan kapalit ng pagpasok sa prostitusyon.

_____57. Ang pamahalaan ay marapat na magkaroon ng mga programa upang mabigyang solusyon at malutas ang suliranin
sa prostitusyon. Ano ang pinaka mainam na paraan na pwedeng gawing hakbang upang masugpo ito?
a. Pagbibigay ng malaking suporta sa edukasyon upang maiahon ng mga kabataan ang kanilang sarili sa kahirapan.
b. Paghigpitan ang mga kabataan at ikulong sila sa kanilang mga tahanan hanggang maaari.
c. Pagpapaigting ng parusang bitay para sa mga gumagawa ng maling gawaing prostitusyon.
d. Pagpapaunlad ng mga lungsod upang may lugar silang mapagkukunan ng kabuhayan.

_____58. Maaaring maging masama ang bunga ng pang-aabusong ginagawa sa mga kabataan. Paano binibigyang pansin ng
pamahalaan ang pangangalaga sa karapatan ng mga bata?
a. Magpalabas ng mg palatuntunan sa telebisyon na nagpapakita sa paggalang sa karapatan ng bata.
b. Pagsugpo sa mga masasamang taong nagtutulak sa mga kabataan na gumawa ng mali.
c. Pagbibigay proyekto sa mga kabataan na makakatulong sa kanilang pag-unlad.
d. Pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng kabataan.

_____59. Ang maigting na kampanya ng pamahalaan kontra sa droga ay isinulong upang mabigyang proteksyon ang mga
kababaihan sa pang-aabuso. Bakit ginagawa ng pamahalaan ang hakbanging ito?
a. Binibigyang proteksyon ng pamahalaan ang mga kababaihan dahil ito ay kanilang tungkulin at gawain.
b. Binibigyang proteksyon ng pamahalaan ang mga kababaihan dahil sila ang susi sa kaunlaran ng bayan.
c. Binibigyang proteksyon ng pamahalaan ang mga kababaihan dahil sila ang pag-asa ng bayan tungo sa pag-unlad.
d. Binibigyang proteksyon ng pamahalaan ang mga kababaihan dahil sa laki ng kontribusyon nila sa pagpapayabong ng
ekonomiya.

_____60. Bilang isang mamamayan ay marapat nating bigyan ng proteksyon ang mga kabataan at kababaihan laban sa pang-
aabuso at prostitusyon. Paano nasasadlak ang ilang mga lalake sa prostitusyon?
a. Pagnanais at pagkamit ng mga lalake na magkaroon ng mga mamahaling gamit, alahas at sasakyan.
b. Pagnanais na maging sikat sa kinabibilangang lipunan at pagtingin ng mga tao sa paligid.
c. Pagnanais na maging tanyag sa kanyang mga kinabibilangang samahan o barkada.
d. Pagnanais na makatapos ng kanilang pag-aaral sa mataas na kurso.

*****Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon*****

You might also like