You are on page 1of 8

Ano ang Boxer Codex?

Boxer Codex

Ang Boxer Codex (bák∙ser kó∙dex) ay isang


307-pahinang manuskritong isinulat noong siglo 16 na naglalaman ng mga paglalarawan sa mga
tradisyon at paniniwala ng sinaunang Filipino at sinaunang tao sa ibang karatig bansa na gaya
ng New Guinea, Vietnam, Taiwan, Cambodia, ftailand, at iba pa. Bukod sa mga paglalarawang
pisikal, mayroon itong 75 na ilustrasyong may kulay ng mga naninirahan sa iba’t ibang rehiyon
suot ang kanilang sariling pananamit. Sa mga ito, 15 ang larawan ng mga Tagalog, Bisaya,
Kagayanon, at Negrito.
Pinaniniwalaang ang orihinal na may-ari ng manuskrito ay si Gobernador Heneral Luis Perez
Dasmariñas na pumalit sa amang si Gobernador Heneral Gomez Perez Dasmariñas na napatay
ng mga Sangley noong 1593. Pi- naniniwalaang ang Boxer Codex ay nalikha bilang tugon sa
kautusan noon ng   pamahalaang     kolonyal ng España sa mga gobernador na magtalâ ng mga
ulat tungkol sa kanilang  nasasakupan.  Ang pamamaraang ginamit sa pagpinta ng mga larawan,
gaya ng ginamit na papel at tinta, ay nagpapahiwatig na likha ito ng isang Chino.
Ang unang nagmay-ari ng codex ay si Lord Ilchester. Isa ito sa mga natira sa kaniyang
koleksiyon sa Holland House sa London matapos itong masira noong 1942 dahil sa giyera. Nang
magkaroon ng auction noong 1947, napunta ito sa pagmamay-ari ng historyador na si Propesor
Charles Ralph Boxer. Hawak ito ngayon ng Lilly Library sa Indiana University. (KLL).

Boxer Codex
Kapag nag-iisip tayo ng mga lumang kasuotan, madalas ang sumasagi sa ating isipan ay ang barong
para sa mga lalaki, at ang baro't saya para sa mga babae. Ito ren ang madalas suot sa mga pelikula
at palabas na nagpapakita sa mga Pilipino noong panahon ng Kastila. 

Ngunit ano nga ba ang kasuotan ng ating mga ninuno bago ang pananakop?

Ang Boxer Codex ay manuskrito na isinulat noong 1595 at naglalaman ng mga obserbasyon tungkol
sa buhay at kultura ng mga grupong nakatira sa Pilipinas noong panahon na iyon.
Napakaimportanteng dokumento ng Boxer Codex dahil naglalaman ito ng mga larawang-guhit ng
kasuotan ng mga grupo sa Pilipinas bago pa man naging malawak ang impluwensya at pananakop ng
mga Kastila.

Tagalog royalty. Pansinin ang tingkad ng pulang kasuotan at ang mga gintong alahas.

Visayan royalty
Mga alipin

Mandirigma na kabilang sa uring timawa at ang kanyang asawa 


Payak na kasuotan ng mga karaniwang tao

Ang mga Negritos


Mga mandirigmang Zambal

Tagapagtatag:

Pinaniniwalaan na ang Boxer Codex ay ipinagawa ni Luis Perez das Marinas, anak ng isang
Gobernador-Heneral sa Pilipinas na pinatay ng mga Sangley (mga Tsinong nakatira sa Pilipinas). Si
Luis ang pumalit sa kanyang ama at maaaring pinagawa ang Boxer Codex dahil kelangan niyang
magreport tungkol sa mga kolonya ng Espanya.

Ang codex ay ipina-ngalan kay Propesor Charles R. Boxer na syang nakabili nito mula sa isang
auction at nakadiskubre sa kahalagahan nito.

boxer codex” ginawa po ito ng mga espanyol para maging guide para sa kanilang mga tagapangasiawa ng
pilipinas gaya ng gobernador. sa manuscript na ito maraming gintong kasuotan at nakakaangat sa lipunan
at sa ibang bansa ang mga ninuno natin. ngunit binago nila ang pananaw natin hanga-ngayon mga indio
mga mangmang para at walang dahilan para mangarap ang ating bansa na umunlad yan parin ang mindset
nasa pinoy ngayon para ano pa magtulongan at magsikap bawat pilipino eh mga walang alam at nka bahag
lng mga ninuno natin. dyan ka magkakamali magsikap ka lalonglalo na sa mga kabataang pinoy!

Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex,


ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang
asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng
ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki
ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
Family Code

Panimula
Ang Family Code o Executive Order No. 227 ay naging batas noong August 3,
1988.  Nakapaloob dito ang resulta nang halos 8 taon na pagsusuri at pagsasagawa
ng 2 komite sa dating Batasang Pambansa.  Naabutan ng Edsa Revolution ang
paggawa ng batas na ito, at nilagdaan ito bilang batas ng dating Pangulong Corazon
C. Aquino.  Maraming pagbabagong dinala ang Family Code sa batas natin sa
pamilya at pati na rin sa mga karapatan ng babae bilang bahagi ng pamilya.

Subukan nating palinawin ang ilang mahahalagang probisyon ng Family Code.


 
Ano ang mga KAILANGAN ng kasal?
Ang mga rekisito ng kasal ay nahahati sa dalawa: ESENSYAL at PORMAL.

Ang ESENSYAL na kailangan ay:

1. Pagsang-ayon (consent) na malayang ibinigay sa harap ng opisyal na nagkakasal.


2. Kakayahang ligal (legal capacity) ng ikakasal na dapat isang lalaki at isang babae.

Ang mga PORMAL na kailangan ay:

1. Awtoridad ng magkakasal.
2. Valid na marriage license. 
3. Isang seremonya kung saan haharap ang mga ikakasal sa opisyal na magkakasal at ang
personal na pagtanggap ng isa’t-isa bilang asawa sa harap ng saksi na hindi kukulangin sa
dalawang tao na nasa hustong gulang.

Paano kung wala o may depekto sa mga rekisitong nabanggit?


Depende.

 Kung wala ang isa o alinmang ESENSYAL o PORMAL na rekisito --- walang bisa ang kasal.
 Kung may depekto sa alinmang ESENSYAL na rekisito --- may bisa ang kasal ngunit
maaaring
ipawalang bisa ito
 Kung may iregularidad sa alinmang PORMAL na rekisito --- may bisa pa rin, (walang epekto
ito sa bisa ng kasal) subalit maaaring mag
sampa ng kasong kriminal o administratibo laban sa taong gumawa ng irregularidad.

Pepe at Pilar - Kulang sa Edad!


Si Pepe, 19 taong gulang, at si Pilar, 16 taong gulang, ay kapwa pinayagan ng kanilang mga parents
na magpakasal. Samantala, secret namang in-love si Lisa kay Pepe. Nang mabalitaan ni Lisa ang
plano nina Pepe at Pilar, tinakot niya ang mga ito sa pagsabing hindi maari silang ikasal dahil
masyadong bata pa so Pilar. Sabi ni Lisa, kahit matuloy ang kasal, ito ay walang bisa. Tama ba si
Lisa?

OO.
Kahit na pinayagan si Pilar ng kanyang mga magulang na magpakasal, kulang pa rin siya sa edad
dahil siya ay wala pang 18 taong gulang. Dahil sa kawalan ng esensyal na rekisitong ito, makasal
man sina Pepe at Pilar, walang bisa ito.
Allan at Bernadette - Bawal na Pag Ibig
Si Bernadette ay 18 years old at si Allan naman ay 20.  Sila ay nagpasyang magpakasal kahit tutol
ang kanilang mga magulang. Para sa kanila, walang kinalaman ang away ng kanilang mga magulang
sa pagmamahalan nila lalo na at nasa wastong gulang na sila.  Naniniwala sila na hindi na maaaring
makialam ang mga magulang nila sa kanilang desisyong magpakasal. May bisa ba ang kanilang
kasal?

Mayroon. Sila ay may sapat na gulang na upang magpakasal.  Ngunit ang kasal nila ay maaaring
maipawalang-bisa dahil sa depekto (hindi kawalan) sa isang esensyal na rekisito: ang legal capacity.
Ang ikakasal na may edad 18 taon hanggang 21 taon ay nangangailangan ng pahintulot ng kanyang
magulang upang magkaroon ng ligal na kapasidad na magpakasal.
Nilo at Maria - Super Secret Marriage
Si Nilo at Maria ay nagpakasal sa huwes. Dahil sa ibig nilang ilihim ito, sila ay nagpakasal ng walang
testigo. May bisa ba ang kanilang kasal?

Mayroon. Ang testigo sa kasal ay isa lamang pormal na rekisito. Ang iregularidad sa pormal na
rekisito ay walang epekto sa bisa ng kasal.
Legal Capacity - Ano ito?
Upang magkaroon ng legal capacity ay ang mga partido ay:
    1. Hindi dapat babata sa 18 taong gulang at hindi sinuman sa mga ipinagbabawalng batas na
ikasal.
    2. Kailangan ng pahintulot ng magulang (parental consent) kung sila ay 18 taong gulang pataas
ngunit hindi hihigit sa 21 taong gulang.

Mga ipinagbabawal ng batas na magpakasal:

1. Parehong kasarian: babae sa kapwa babae o lalaki sa kapwa lalaki.


2. Mga magulang at ninuno sa kanilang mga anak at mga apo, maging lehitimo man o hindi.
3. Mga magkakapatid,maging buo o kapatid sa ama o sa ina lamang, lehitimo man o hindi.
4. Sa pagitan ng magkamag-anak na kolateral, maging lehitimo man o hindi, hanggang sa ika-
apat na antas sibil.
5. Sa pagitan ng pangalawang asawa at ng anak sa unang asawa.
6. Sa pagitan ng biyenan at ng manugang.
7. Sa pagitan ng magulang na nag-ampon at ng ampon.
8. Sa pagitan ng nabubuhay na asawa ng nagampon at ng ampon.
9. Sa pagitan ng nabubuhay na asawa ng ampon at ng nag-ampon.
10. Sa pagitan ng ampon na anak at ng lehitimong anak ng nag-ampon.
11. Sa pagitan ng mga ampon ng iisang magulang na nagampon.
12. Sa pagitan ng mga panig kung saan ang isa sa kanila dahil sa hangaring mapakasalan ang
kabilang panig, ay pinatay ang asawa nito o ang kanyang sariling asawa.

Sino ang may awtoridad magkasal?

Check for authority to solemnize marriages.

1. Sinumang kasalukuyang miyembro ng hukuman sa loob ng distritong


kanyang pinaglilingkuran. 
2. Sinumang pari, rabi, imam, o ministro ng alinmang simbahan o sektang
relihiyoso na pinagkalooban ng kapangyarihang magkasal ng kanyang
simbahan o sekto at nakarehistro sa Civil Registrar, basta’t isa sa ikakasal ay
kabilang sa simbahan o sekto ng magkakasal. 
3. Sinumang consul-general, consul o vice-consul ng Pilipinas habang nasa
ibang bansa, kung ang mga ikakasal ay mamamayang Pilipino.
4. Sa mga di-pangkaraniwang pangyayari, ang kapitan ng barko, piloto ng
eroplano, o kumander ng military. 
5. Ang mga mayor ayon sa 1991 Local Government Code. 

TANDAAN: Ang ‘acting mayor’ ay walang awtoridad na magkasal.

Annulment

+2

You might also like