You are on page 1of 7

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

Reviewer para sa Mahabang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan

UNANG LINGGO
Paksa: Pagmamahal sa Bayan

Pagmamamahal sa Bayan
● Tumutukoy ito sa pagkilala natin sa ating mga gampanin bilang bahagi ng lipunan.

Patriyotismo
● Tumutukoy sa pagmamahal sa bayang sinilangan at dedikasyong tumugon sa tungkulin
bilang mamamayan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya.
(Pagkamakabayan)

Nasyonalismo
● Ideolohiyang pagmakabayan at damdaming bumibigkis sa mga tao na may parehang
wika, kultura, kaugalian, o tradisyon. (Pagkakakilanlan)

Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan


● Ang pagmamahal sa bayan ay tumutulong sa atin upang makamit ang ating mga layunin
para sa lipunan.
● Ang pagmamahal sa bayan ay nagdudulot sa ng pagkakabuklod-buklod.
● Tayo ay nakadadama ng sense of pride sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan.

Mga Paraan upang Ipamalas ang Pagmamahal sa Bayan


1. Mag-aral nang Mabuti
2. Bigyang-halaga ang Oras
3. Maging Disiplinado
4. Awitin ang Pambansang Awit nang may Paggalang at Dignidad
5. Maging totoo at tapat
6. Bumoto ng Tama
7. Ingatan at Ipanalangin ang Bayan at Pamilya
8. Tangkilikin ang Produkto Natin

Bakit mahalaga ang Pagmamahal sa Bayan?


Katumbas ng pagmamahal sa bayan ang pagmamahal natin sa ating pagkakakilanlan
bilang Pilipino. Bilang mamamayan, ang aktibong pagmamahal natin sa bayan ay nagpapakita
ng ating dedikasyong paglingkuran ang ating kapwa.

PANGALAWANG LINGGO
Paksa: Paggalang sa Awtoridad
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

Awtoridad
● Ang mga taong namumuno at gumagabay sa iyo upang mapaunlad ang iyong buhay.
(Everett Hardin)
● Ang anumang samahan o pangkat na may tunguhin at layunin ay may itinatalagang
isang taong maglilingkod bilang pinuno na magdadala sa mga kasapi tungo layuning
nais makamit ng pangkat.

Klasipikasyon ng Awtoridad
1. Awtoridad ng mga Magulang
2. Awtoridad ng Namumuno sa Lipunan
3. Awtoridad ng Simbahan

Kapangyarihan
● Ipinagkakaloob sa tao o pangkat ng mga tao upang matiyak ang kaayusan, pag-unlad,
at kabutihang panlahat.

Limang Antas ng Kapangyarihan sa Pamumuno


● Ayon kay John Maxwell (2011), may limang antas nag nagsisilbing gabay ng mga pinuno
upang matukoy ang kahalagahan ng tamang serbisyo sa lipunan at daan sa inaasahang
respeto ng mga kasapi:
1. Unang Antas - Posisyon
2. Ikalawang Pantas - Permisyon
3. Pangatlong Antas - Produksyon
4. Pang-apat na Antas - Nakapagsanay ang pinuno na papalit sa organisasyon
5. Panlimang Antas - Pinakamataas

Paano ipapakita ang paggalang sa mga may Awtoridad?


Ang pagkilala sa mga umiiral na alituntunin at pamamahala ay mabisang paraan upang
maipakita ang ating paggalang sa awtoridad. Sa kabilang banda, ang aktibong paglahok natin
bilang kasapi o nasasakupan ay mahalagang bahagi rin ng ating pagpapakita ng paggalang sa
awtoridad.

PANGATLONG LINGGO
Paksa: Pagmamahal sa Diyos

● Ang pagmamahal ay birtud ng lubos na kaligayahan at kagustuhang kalingain ang


kapwang mahalaga sa kanya.

Kahalagahan ng Pagmamahal ng Diyos


● Ang bawat tao ay may kakayahang magmahal sa sarili, kapwa, ibang nilalang, at Diyos
upang bigyang-buhay ang ating gawain sa araw-araw.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

Mga Paraan upang Ipamalas ang Pagmamahal sa Diyos


M – Mahalin ang Kapwa
A - Alalahanin at magpasalamat sa mga Biyayang Natatanggap
H – Hanapin at Naisin ang Mabuti
A – Aktibong pagdalo sa mga Pista o Debosyon
L – Linangin ang Birtud at Katangiang Taglay

Katangiang Taglay ng Nagmamahal sa Diyos


Pangunahing Birtud Teolohikal na Birtud
⮚ Kahinahunan (Prudence)
⮚ Katarungan (Justice)
⮚ Katatagan (Fortitude)
⮚ Pagtitimpi (Patience)
⮚ Pananampalataya (Faith)
⮚ Pag-asa (Hope)
⮚ Pag-ibig (Love)

Ispiritwalidad
▪ Ang Ispiritwalidad ay tumutukoy sa ating pagmamahal sa kapuwa upang maisalin natin sa
kilos ang ating pananampalataya.

Bakit mahalaga ang Pagmamahal ng Diyos at Paano natin Maipapakita ang Pagmamahal
sa Diyos?
Ang pagmamahal ng Diyos ay indikasyon ng ating katangian bilang espesyal niyang
nilalang. Samantala, maipapamalas natin ang pagmamahal sa Diyos sa iba’t-ibang paraan ayon
sa ating paniniwala at pananampalataya. Higit sa lahat, maipapakita natin ang pagmamahal sa
Diyos sa pamamagitan ng ating kabutihan at paglilingkod sa kapwa.

PANG-APAT NA LINGGO
Paksa: Paggalang sa Buhay

Katuturan ng Buhay
● “Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. Ang isang tao ay
hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay.” (Fr. Joseph
De Torre, 1992).

Kahalagahan sa Buhay
● Ang bawat tao ay may buhay dahil sa Diyos. Walang sinomang tao ang makakalikha at
makapagbibigay ng buhay kaya nararapat lamang na ituring nating sagrado ang buhay.

Paglabag sa Buhay
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

Aborsyon
● Tumutukoy ito sa pag-aalis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
● itinuturing itong lehitimong paraan upang kontrolin o pigilan ang paglaki ng pamilya o
populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 2007)

Alkoholismo
● Tumutukoy sa sobrang pagkonsumo ng alak na nagdudulot ng masamang epekto sa
tao.

Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot


● Ito ay “isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na
gamot (Agapay, 2007).

Pagpapatiwakal
● Ito ay ang intensiyonal na pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling
kagustuhan.
● Hindi na importante kung anoman ang piniling paraan, hangga’t naroroon ang motibo.

Euthanasia
● Ito ay paggamit ng mga modernong pamamaraan at kagamitan upang tapusin ang
pagdurusa ng isang maysakit.

Mga Angkop na Kilos ng Paggalang sa Buhay


1. Paggalang sa ating buhay
● Mahalagang alagaan natin ang ating mga katawan at gamitin ang ating buhay sa
pagtupad ng personal na misyon.
2. Paggalang sa buhay ng may kapansanan
● Pahalagahan natin ang mga kapwa nating may kapansanan dahil sila ay may
kakayahan ring mabuhay gamit ang kanilang katangi-tanging kakayahan.
3. Paggalang sa buhay ng mga matatanda
● Napakalaki ng kontribusyon ng mga matatanda sa lipunan dahil ang kanilang karanasan
at kaalaman ay nagsisilbing gabay rin natin.
4. Paggalang sa buhay ng mga maysakit
● Ang mga taong maysakit ay nararapat na mahalin at alagaan.
● May karapatan ang taong maysakit na mabuhay sa nalalabi niyang buhay at walang
sinoman ang makapagdidikta na tapusin ito.

Misyon na Nagbibigay ng Kahulugan sa Buhay


● “Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. Ang isang tao ay
hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay.” (Fr. Joseph
De Torre, 1992).
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

Paano mo Maipapakita ang Paggalang sa Buhay?


Ang iba’t-ibang kilos na nagpapakita ng pagpapahalaga at pagtaguyod sa buhay ay
nagpapamalas ng paggalang sa buhay. Gayunpaman, sa usapin ng mga isyu sa paggalang sa
buhay na may iba’t-ibang pananaw mula sa magkakaibang perspektibo, nakakaapekto ang
intensyon, konteksto, at bunga ng kilos sa kabutihan o kasamaan nito.

PANLIMANG LINGGO
Paksa: Paggalang sa Kapaligiran

Mga Isyung Pangkalikasan


Isyu Pagsusuri Epekto

Polusyon Isa sa pinakamalawak na suliranin ng bansa at Global Warming


mundo ngayon dahil sa hindi wastong
pamamahala sa mga basura at kemikal na Climate Change
nagdudulot ng kontaminasyon sa hangin, tubig,
lupa, at iba pa. (Paggamit ng Fossil Fuel,
Plastik, at Industrial Waste)

Reclamation Makakasama sa kalikasan dahil kinukuha nito


ang mga lugar na nakalaan para sa kalikasan
upang gawing komersyalisadong lugar. (Land
Grabbing at Deforestation)

Mataas na Tila naiipit sa atmospera ng mundo ang mataas


Greenhouse na antas ng Greenhouse Gasses kung kaya’t
Gasses Emission maaari itong magdulot ng pagtaas ng
pandaigdigang temperatura.

Globalisadong Mamamayang Pilipino


● Tayong lahat ay mamamayan ng isang mundo. Kung ang kilos nating nakakasama sa
kapaligiran ay may epekto sa lahat ng tao, tiyak na may malaking epekto rin ang
pagsasakatuparan natin ng epektibong solusyon.

Paggamit sa Kapangyarihan Upang Ipagtanggol ang Kalikasan

Paraan ng Pamamahala sa Basura Depinisyon

Reduce Pagbabawas ng kalat o basura.

Reuse Paggamit ulit ng isang bagay upang


PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

makatipid at hindi ito maging basura

Refuse Pag-iwas sa paggamit ng mga bagay na hindi


na maaaring muling magamit o non-reusable.

Recycle Paggamit ulit ng basura bilang “raw


materials” upang makagawa ng bagong
bagay.

Upcycling Paggamit o pagbabagong-anyo sa isang


bagay na patapon na upang mas mapamahal
ang kahalagahan nito.

Hindi masama ang pag-unlad dahil kayang makamit ang pag-unlad nang hindi nasisira
ang kalikasan. Samantala, ang layunin ng paggamit ng kapangyarihan ay laging tungo dapat sa
kabutihang panlahat.

Bakit mahalaga ang Kalikasan sa Tao at Bansa?


Ang kalikasan ang dahilan kung bakit maaaring mabuhay sa mundo. Dahil dito, ang
pagkasira ng kalikasan ay literal na katumbas ng pagsira sa tahanan at buhay ng tao at ng
bawat bansa.

PANG-ANIM NA LINGGO
Paksa: Pagpapakita ng Pagmamahal sa Bayan

Patriyotismo
● Pagmamahal ng isang tao sa bayang sinilangan. (Aralin 1)
● Tumutukoy rin ito sa dedikasyon ng isang tao sa pagtugon sa kanyang mga gawain
bilang mamamayan at aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya. (Pagkamakabayan)
● Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagiging matapat na
mamamayan.

Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan


● Ito ay tumutulong upang pagtibayin ang pagkakaisa ng mga tao.
● Ito rin ay tumutulong upang higit na patatagin ang bansa.
● Ito ay dakilang pag-uugaling dapat taglayin.

Angkop na Kilos na Nagpapakita ng Pagmamahal sa Bayan


1. Paggalang sa bansa at pambansang sagisag.
2. Pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino at pagsasabuhay ng kanilang halimbawa.
3. Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa makabuluhang paraan.
4. Pagtuturo sa mga nakababatang kapatid, kamag-anak o kaibigan ng kasaysayan ng
lahing Pilipino at ang kahalagahan ng kalayaan.
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

5. Pagsunod ng alituntunin ng paaralan at mga batas ng bansa.

Magiging madali ang pagsasagawa ng mga angkop na kilos na ito kung ating isaisip na
ito ay para sa ating kapwa mamamayang Pilipino at sa ating minamahal na bansa.

Bakit mahalagang malaman ang mga pagsubok na kinakaharap ng bansa sa pagpapakita


ng pagmamahal sa bayan?
Sa pagiging mulat natin sa mga pagsubok na hinaharap ng ating bansa, nagiging susi
ito upang mahikayat tayong maging aktibong mamamayan ng ating bayan sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok sa lipunan bilang kabataan at mag-aaral.

You might also like