You are on page 1of 5

Word bank

A.P 10
Marianne Celest T. Jerez

10- Jenner

Mr. Grio
1.Arapesh - Ang mga tao na nakatira sa komunidad ng Arapesh ay walang mga pangalan,
2.Asexual - tinutukoy nito ang kakulangan o kawalan ng atraksyong sekswal sa kapwa.
3.Babaylan - isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot
(karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan.
4.Bisexual - Ang pagiging bisexual ay isang estado ng pagkagusto ng isang indibidwal sa kapwa
niya lalaki o Babae.
5.Boxer Codex - Isa itong manuskritong isnulat noon nga mga 1595 na naglalaman ng mga
iginuhit na larawan ng mga pangkat etniko ng pilipinas nang unang madatnan ito nga mga
espanyol.
6.Breast Ironing - Ito ang proseso sa mga Aprikano nang pagtatago ng suso ng mga babae mula
pa sa pagdadalaga. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-iipit, paglalapat ng mga maiinit na
mga pamahid upang mapaliit.
7.Crossdresser - Ang isang taong nagbibihis sa damit ay karaniwang nauugnay lamang sa
kabaligtaran Kasarian.
8.Diskriminasyon - ay isang pagtrato sa isang tao sa hindi patas at pantay na pamamaraan dahil
sa mga taglay nitong pisikal o mental na kaanyunan na tila naiiba sa karamihan ng mga tao.
9.FGM - Ang Female Genital Mutilation (FGM) o mas kilala bilang female circumcision (pagtutuli
sa babae)/female genital cutting ay isang tradisyon sa ilang bahagi ng Africa.
10.Foot Binding - Ang gawain ng pagkukulong sa paa o “foot binding” ng mga Intsik ay isang
sinaunang
kasanayan sa Tsina na kadalasang ginagawa ng mga makapangyarihan at mayayamang pamilya.

11.GABRIELA - Ang lipunang sibil ng gabriela ay itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan
12.Gay - Ang gay o bakla ay kumikilos na babae kahit na sila ay isang lalake
13.Gender - ito ay tumutukoy sa katangian ng tao batay sa panlipunang gampanin, lipunang
ginagawan at pagkilos. Ito ay batay sa iba't ibang kadahilanan sa lipunan.
14.Heterosexual - katayuan ng pagkaakit na romantiko o seksuwal, o kaya ugaling
pangpagtatalik sa pagitan ng dalawang mga kasapi ng magkaibang kasarian o organong
pangkasarian.
15.Homosexual - ay ang pagkakaroon ng emosyonal at pisikal na atraksiyon sa kaparehong
kasarian.
16. Intersexual- kilala mas karaniwang bilang hermaphroditism, ito ay estado ng pagiging
pinanganak na may sexual anatomy na hindi akma ang standard ng lalaki / babae kahulugan.
17. Ladlad- ay isa partidong pampolitika ng Pilipinas para sa mga taong ang kasarian ay
lesbiyana, bakla, bisekwal, at transgender o isang taong nagpalit ng kanyang kasarian (LGBT)
18. Lesbian - Ang isang Lesbian ay isang babae na naaakit din sa kapwa niya babae.
19. Lebian Collective - ay maaaring tumutukoy sa isang babae sa pagnanais o sa gawain sa
pagitan ng mga babae
20. Lotus Feet - Ang lotus feet ay kung saan ang mga babaeng Tsino noon ay nagsuot ng
sapatos na tinatawag na Lotus shoes simula pa noong bata pa sila. Kilangan nila suotin ang
sapatos hanggang sa kanilang paglaki.
21. Malala fund - ay isang pang-internasyonal, non-profit na organisasyon na lumalaban para sa
edukasyon ng mga batang babae.
22. Mundugumur - ang babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat
23. Nobyembre 25- ang ika-329ng aldaw kan taon (ika-330 sa mga ogdong taon) sa
Gregoryanong kalendaryo. Igwang natatadang 36 na aldaw sagkod kan katapusan nin taon.
24. Oryentasyong Seksuwal - ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng
malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon
sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya.
25. Pagkakakilanlang pangkasarian - Paraan ng pagkilala sa isang indibidwal depende kung
saang kategorya siya ayon sa kasarian.
26. Pansexual - ay isang kilalang termino na tumutukoy sa pakiramdam na ang isa ay mayroon
nang potensiyal para sa sekswal na atraksiyon, sekswal na pagnanais, o romantikong pag-ibig,
patungo sa mga tao ng lahat ng mga pagkakakilanlan ng kasarian at biyolohikal na kasarian.
27. Queer - ay ang mga taong hindi pa tiyak o hindi pa siguradoang kanilang sekswal na
pagkakakilanlan/Gender.
28. Sex - Ang sex o sekswalidad ay tumutukoy sa biyolohikal (biological) na katangian ng tao.
29. Taliban - ay isa itong Sunni islamong nasyonalista at Pashtun na krusado na
makapangyarihan nang karamihan ng Afghanistan galing 1996 hanggang 2001
30. Tchambuli - ay dating taguri sa Chambri na isang pangkat etniko sa Papua New Guinea. Ang
kultura ng Chambri ay kakaiba kumpara sa normal na kultura ng ibang bansa o tribo.
31. Transexual - ay kontrobersyal na paksa, dahil sa pagiging bago ng konseptong ito sa
marami, at sa katangian nitong makapagpalit ng kahit anong kasarian ang maisipan ng may
katawan.
32. Transgender - ay ang sino man na ang kilos at pag-uugal ay taliwas sa kanyang natural na
kasarian.
33. 7 Deadly sins against women – 1 Rape and Incest ,2 Sexual harassment,3 Domestic violence
,4 Sex trafficking, white slavery,5 Sexual discrimination in the workplace, 6 Inaccessibility or
limited access to maternal health and childcare at 7 Violence as a result of state repression.
34. Prinsipyo ng Yogyakarta - ay mula sa Yogyakart, Indonesia noong Nobyembre 2006. Ito ay
isang dokyumento na naglalaman ng mga karapatang pantao na patungkol rin sa kanilang
kasarian at sexual orientation (SOGIE).
35. CEDAW - Ang CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
against Women ay itinatatag ng United Nations General Assembly para labanan ang
diskriminasyon sa kababaihan ay naglalaman ng 30 artikulo tungkol sa kahulugan at iba't ibang
uri ng diskriminasyon.
36. Anti violence against women/children act - ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan
laban sa mga kababaihan at sa kanilang mga anak,nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag nito.
37. Magna Carta for Women - ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri
ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itinaguyod ang pagkakapantay-pantay ng
mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
38. Marginalized women - Mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga
wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo
39. Women in especially difficult circumstances - Ang mga kababaihan ay biktima ng pang-
aabuso, karahasan at armadong sigalot dahil sa ating lipunan na naging dominate ang mga
lalaki mula pa sa ating kasaysayan na palagi na lang ang mga lalaki ang mga namumuno at taga
sunod na lamang ang mga babae.
40. Luis perez Dasmarinas - ay naglingkod bilang Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.
41. Prof Charles Ralph Boxer - isang dalubhasa sa Malayong Silangan, na siyang pinagsinundan
ng pangalan ng dokumento. Pagmamay-ari na ito ngayon ng Lilly Library sa Indiana University.
42. Ellen degeneres - ay isang Amerikanong komedyante, telebisyon host, artista, manunulat,
at producer. Naka-star siya sa popular sitcom Ellen mula 1994 hanggang 1998 at na-host ang
kanyang syndicated talk show sa TV, Ang Ellen DeGeneres Show, mula noong 2003.
43. Tim Cook - ang kasalukuyang pangunahing ehekutibong opiser(CEO) ng Apple Inc. Siya ay
pumasok sa kompanyong ito noong Marso 1998 at pinangalanang CEO ng Apple pagkatapos
ihayag ni Steve Jobs ang pagbibitiw bilang CEO noong Agosto 24, 2011.
44. Charo Santos-Concio - na kilala rin bilang Charo Santos-Concio o Charo Santos (ipinanganak
noong Oktubre 27, 1955), ay isang Pilipina na media executive at aktres.
45. Danton Remoto - ay isang Pilipinong manunulat , mamamahayag, editor, tagapamahala, at
propesor. Si Remoto ay tumanggap ng unang gantimpala sa ASEAN Letter-Writing Contest for
Young People.
46. Marillyn A. Hewson - siya ngayon ang Chairman, President at Chief Executive Officer ng
Lockheed Martin Corporation.
47. Charice Pempengco - Si Jake Zyrus (ipinanganak Mayo 10, 1992 bilang Charmaine Clarice
Relucio Pempengco) o dating kilalang Charice Pempengco ay isang tibong Pilipinong mang-
aawit na sumikat dahil sa pamamagitan ng Youtube.
48. Anderson Cooper - ay isang mamamahayag ng Amerikano, personalidad sa telebisyon, at
may-akda. Siya ang pangunahing anchor ng CNN news show na Anderson Cooper 360 °
49. Parker Gundersen - ay ang Founder/ CEO ng kilalang fashion company na ZALORA. Malaki
ang impluwensiya nito sa industriya ng fashion.
50. Geraldine Roman - Siya ang kauna-unahang transgender woman na naluklok bilang
kinatawan ng kongreso.
51. Malala Yousafzai - ay isang aktibistang Pakistani na nagsulong sa edukasyon ng mga
kababaihan sa kanyang tinubuang lugar, ang Swat Valley, Khyber Pakhtunkhwa sa hilagang
kanluran Pakistan, kung saan ang mga kababaihan ay hindi pinahihintulutan na mag aral sa
eskuwelahan.

You might also like