You are on page 1of 6

AP 10

IKATLONG MARKAHAN

Modyul 1: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan


MELC: *Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
PAGTATALAKAY
Konsepto ng Kasarian Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal sa
Sa bahaging ito ng aralin ay mauunawaan mo ang kahulugan ng sex at anumang kasarian.
gender, gayundin ang mga katayuan at gampanin ng kababaihan at
kalalakihan mula sa iba't ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Bago
matapos ang aralin, iyong matutuklasan ang pagtingin sa mga lalaki at babae PAG-AARAL SA KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN
sa iba't ibang lipunan sa daigdig. Hinihikayat kitang basahing mabuti ang mga Gender Roles sa Pilipinas
teksto.
Panahong Pre-Kolonyal
Kahulugan ng Sex at Gender  Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa
- Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa ari ng mga lalaki.
gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.  Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa
- Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain isla ng Panay at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay
na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu. Hindi
nito ay ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan
pagiging masculine o feminine. hanggang sa magdalaga.
 Ayon sa Boxer Codex ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
Katangian ng Sex maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang
mga lalaki ay hindi. lalaki.
2. Ang mga lalaki ay may titi at testosterone habang ang babae ay may suso  Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong
at estrogen. gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon
ng kanilang pagsasama.
Katangian ng Gender  Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala
1. Ang lalaki ay itinuturing na malakas at matipuno samantalang ang mga siyang makukuhang ari-arian.
babae ay tinitingnan bilang mahinhin at mahina.
2. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga Panahon ng Espanyol
babae ay inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay.  Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang
bawat pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak. Gayunpaman,
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)? naging malaki ang bahaging kanilang ginampanan sa pagkamit ng
Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kalayaan laban sa mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito ay si Gabriela
kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, Silang, maybahay ni Diego Silang na isa ring kilalang bayani sa panahon
emosyonal, seksuwal, at malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ng himagsikan laban sa mga Kastila. Gayundin, sa panahon ng
ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa. Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na
Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng
malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, mga Espanyol.
na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay  Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of psychiatry, sa
ipanganak. kaniyang pananaliksik na pinamagatang “A Study of Psychopathology and
Sa simpleng pakahulugan, ang oryentasyon seksuwal ay tumutukoy sa Filipino Marriages in Crises;” Filipinas are brought up to fear men and
iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang some never escape the feelings of inferiority tha upbringing creates”.
pagkakakilanlang pangkasarian naman ay ang personal na pagtuturing sa  Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita sa
sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago paghahanapbuhay.
ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, Panahon ng Amerikano
kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.  Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan
at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-
Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at aral.
homosexual.  Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at
Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga  Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang
babaeng gusto naman ay lalaki. pamamaraan.
Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na  Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng
pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian. mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng
kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na
Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian,
may kinalaman sa politika.
Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala
bilang LGBTQIA+. Panahon ng Hapones
Lesbian (tomboy) - mga babaeng nakararamdam ng pisikal o romantikong  Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa
atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo bansa sa abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan.
at tomboy).  Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang
Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa Digmaang Pandaigdig.
lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae  Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng
(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla, beki, at bayot). kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa Kasalukuyang Panahon
maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi  Patriyarkal man ang paraan ng pamamahala tulad sa Pilipinas subalit
magkatugma. nagkaroon din ng puwang ang mga kababaihan at naging lider ng bansa
Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring gaya nina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Gloria M. Arroyo.
pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa  Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng
kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki mga gawaing-bahay.
o babae.  Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng
Intersex - kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may parehong pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at
ari ng lalaki at babae. iba pang kasarian o napapabilang sa LGBTQIA+.
Kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na
Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas, mababanggit nakahihigit ang gampaning pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang
ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo. Ang Babaylánay isang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala
lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon. Nagsilbing manggagamot at sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.
tagapamahala ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español sa Mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan lalo na sa mga miyembro
Pilipinas. ng komunidad ng LGBTQIA+ sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya.
Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga asog sa Mahabang panahon ang hinintay ng mga kababaihan sa rehiyong ito upang
Visayas noong ika-17 siglo. Hindi lamang sila nagbihis-babae kundi nagbalat- sila ay makalahok sa proseso ng pagboto.
kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200 milyong
mga espiritu. Ilan din sa kanila ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM)
relasyong seksuwal sa 30 bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Tinatayang tatlong milyong
Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang kababaihang may edad na 15 ang sumasailalim sa prosesong ito taon-taon.
Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad. matanda) nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit patuloy pa rin
ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang
Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa mga batang babae na may edad
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kaniyang 0―15 taong gulang. Ayon sa kanilang paniniwala, mapananatiling walang
asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang
Guinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na maaaring magdulot ng
kanilang pananatili roon ay nakatagpo nila ang tatlong pangkulturang pangkat; impeksiyon, pagdurugo, hirap sa pag-ihi at maging kamatayan.
Arapesh, Mundugumor at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga babae Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga
at lalaki sa pangkat na ito, natuklasan nila ang pagkakatulad at pagkakaiba nito lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos
sa bawat isa. silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United
Sa Arapesh (na nangangahulugang ‘tao’) ay walang pangalan ang mga Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng
tao na naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag- karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBTQIA+.
aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan sapagkat may
pamilya at pangkat. Samantala, sa pangkat ng Mundugumor (kilala rin sa ilang bansang hindi pinapayagan ang mga babaeng maglakbay nang mag-isa
tawag na Biwat), ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso
bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. (seksuwal at pisikal).
Sa Tchambuli (tinatawag din na Chambri), ang mga babae at lalaki ay may

Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


MELC: Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian , Gay , Bi – sexual , Transgender)

PAGTATALAKAY paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho partikular


Diskriminasyon sa mga Kalalakihan, Kababaihan, at LGBTQIA+ na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng
Bago natin talakayin ang ating paksa, nais kong makilala mo ang ilang mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at
mga personalidad na kilala sa iba’t ibang larangan sa ating bansa. Maaari ka limitadong kakayahang umangkop sa trabaho.
ring magsaliksik ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa kanila upang Ang limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa
mas makilala mo ang kanilang buhay bilang miyembro ng ating lipunan. gawaing pang-ekonomiya ay may direktang epekto sa paglago at pag-unlad ng
PABLO ‘Chef Boy’ LOGRO (Lalaki) - Siya ay isang Filipino Celebrity Chef na ekonomiya ng bansa. Ang Labor Force Participation Rate ng mga kababaihan
nakilala sa kaniyang mga palabas sa pagluluto tulad ng Idol sa Kusina at ay halos 48% habang ang mga kalalakihan ay humigit-kumulang na 77% na
Chef Boy Logro: Kusina Master. Maraming kalalakihan na rin sa mas mababa sa 29% kaysa sa mga kalalakihan.
kasalukuyan ang nalilinya sa larangan ng pagluluto. Diskriminasyon sa LGBTQIA+
GLORIA M. ARROYO (Babae) - Nahalal siyang Senador ng bansa noong Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme
1992- 1998. Sa loob ng dalawang taon, siya ay naging Pangalawang (UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na
Pangulo ng Administrasyong Estrada. Noong Enero 20, 2001 siya ang may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report, ang mga
humalili sa pagka- Pangulo at nahalal sa buong anim na taong termino LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong
mula 2004 hanggang 20102.0N0a4ghsialbnigsgiaynagng20k1in0a.tawan medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay
ng 2nd District ng Pampanga noong 2010 at naging Speaker of the House may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o lalaki.
of Representatives mula 2018 hanggang 2019. Siya ang ikalawang babae
na naging Pangulo ng bansa. KARAHASAN SA KALALAKIHAN, KABABAIHAN AT LGBTQIA+
GERALDINE B. ROMAN (Transgender) - Isa siyang mamamahayag at politiko Karahasan sa Kalalakihan
na nagsisilbing kinatawan ng 1st District ng Bataan mula noong 2016. Siya Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula
ang unang transgender woman na naluklok bilang kinatawan ng Kongreso. ito sa kanilang pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling edad,
Sa kabila ng kaniyang kasarian, hindi ito naging hadlang upang maging bata man o matanda. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi
maglingkod sa kaniyang mamamayan. kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal.
DEXTER “Teri Onor” DOMINGUEZ (Gay) - Isang aktor at komedyante na Marami pa ring mga lalaking biktima ng karahasan ang nahihiyang lumantad at
nahalal bilang Vice- Mayor ng Abucay, Bataan mula 2007-2010 at naging magbahagi ng kanilang karanasan kaya walang malinaw na bilang kung ilan sa
Board Member ng 1st District ng Bataan. Siya ay isang halimbawa na sa kanila ang naging biktima ng pang-aabuso.
kasalukuyang panahon, may puwang na ang LGBTQIA+ sa larangan ng May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa
pulitika sa Pilipinas. kanilang pamilya o mga taong pinagkakatiwalaan nila na maaaring
JAKE ZYRUS (Lesbian) - Isang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May mga pagkakataon na sila
kundi sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “The Most rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner.
Talented Girl in the World”. Isa sa sumikat na awit niya ay ang
Karahasan sa Kababaihan
pinamagatang, Pyramid.
Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence
Ano ang diskriminasyon? against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na
Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women.
karapatan o kalayaan. Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal.
Diskriminasyon sa Kalalakihan Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang kanilang
Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang kapangyarihan sa mga kababaihan. Ang pananakit na pisikal ay isang
pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila ay halimbawa nito. Mula sa berbal na pang-aabuso ay nauuwi sa abusong pisikal.
nakararanas ng diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal na pananakit ay biktima rin ng
‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga iba pang anyo ng pang-aabuso.
gawaing pantahanan. Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban
Diskriminasyon sa Kababaihan sa iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang:
nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa 1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa, Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso, panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng
4. sexual harassment, diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong
5. sexual discrimination at exploitation, 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015.
6. limitadong access sa reproductive health, at Ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat noong
7. sex trafficking at prostitusyon. 2011 tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan
laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na Anti-
Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang
2017 National Demographic and Health Survey (NDHS) relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay
A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi
pananakit na pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga madaling makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal,
nananakit ay ang mga kasalukuyang asawang lalaki o partner. seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa
B. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na heterosexual at homosexual na relasyon.
pananakit.
C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
na pananakit. 1. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa
D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
emosyonal na pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner. 2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan,
May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at
karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa kung ano ang iyongmga isusuot;
nito ay nag-uugat sa maling paniniwala, tulad na lamang ng isinasagawang 4. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
breast ironing o breast flattening sa Africa at foot binding sa China. 5. nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang 6. pinagbabantaan ka na sasaktan;
Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng 7. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga
dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na alagang hayop;
pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga 8. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
batang babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinaliliwanag ng ina sa 9. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang
anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay ginawa sa iyo.
upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng anak, (2) paghinto sa pag-
aaral, at (3) pagkagahasa. Ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng Ito naman ay para sa mga gay, bisexual at transgender:
mga biktima — mga cyst, cancer sa suso, at mga isyu sa pagpapasuso. 1. pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan, at mga
Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
sa China. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga pangkasarian;
babae upang hindi ito lumaki nang normal. Ang kanilang mga paa ay mahigpit 2. sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual
na nakagapos gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa at transgender; at
talampakan. Ang perpektong paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo 3. sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
hanggang apat na pulgada ang haba. Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong
Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang pangyayari:
pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo 1. pinagbabantaan ka ng karahasan;
ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa 2. sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal);
ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, 3. humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol;
pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha. Noong 1911, sa 4. paulit-ulit ang ganitong pangyayari; at
pamumuno ni Sun Yat Sen tinanggal ang ganitong sistema sa China. 5. mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas
Karahasan sa LGBTQIA+ ng panahon.

Modyul 3: Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan sa mga Isyu ng Karahasan at


Diskriminasyon
MELC: *Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon
PAGTATALAKAY 2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may
Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaalis sa ating lipunan ang patuloy na pakikibaka ng mga iba’t ibang maaaring bawiin.
kasarian upang makaiwas sa mga karahasan at diskriminasyon. Sa bansang 3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa
patuloy na nangingibabaw ang batas, may pagkakataon pa kayang maipakita kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+ ang angking husay nang 4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
walang mararanasang diskriminasyon at karahasan? karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo.
Ang CEDAW
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of
karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang
Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International
mga stereotype, kostumbre at mga gawain nagdidiskrimina sa babae.
Bill for Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United
Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang
ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may
aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State Parties na
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Disyembre 18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women.
Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito Ang State Parties ay inaasahang:
noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng Convention of the Rights of the Child, ang 1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang 2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at
nagratipika. Umabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring
noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
1981 o 39 taon na ang nakararaan noong 2006, subalit kaunti pa lang ang 3. 3.itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang
nakaaalam nito. hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon; at
4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan? isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
1. 1.Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa
kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act No. 9262)
resulta sa buhay ng kababaihan.
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw
na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga magamit ng isang lalaki sa unang apat na araw mula ng manganak ang legal
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan na asawa. Ang lalaking empleyado na nag-a-apply para sa Paternity Leave ay
ng proteksiyon ng batas na ito? dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at lehitimong asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito
kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.
sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga
nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang panuntunan at regulasyon na ipinakilala rito ay parurusahan ng multa na hindi
karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng lalampas sa dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na
inabuso, mga anak na wala pang labing- walong (18) taong gulang, lehitimo hindi kukulangin sa tatlumpung (30) arw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
man o hindi at mga anak na may edad na labing- walong (18) taon at pataas Ang isang lalaki ay maaaring mag-file ng Paternity Leave bago, habang at
na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang pagkatapos na ang kanyang legal na asawa ay makapanganak. Nararapat
mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang lamang niyang kumpletohin ang mga impormasyong hinihingi sa Paternity
pangangalaga. Notification Form buhat sa kanyang employer kasama ang kopya ng marriage
contract.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit Bagaman hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa
at maaaring kasuhan ng batas na ito? kalalakihan, patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang
Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa karahasan at diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong
ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga ang mga panukalang batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga
kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking LGBTQIA+.
nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating
relationship” sa babae.
Maliban sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for
Women ay isa ring batas sa Pilipinas na nagbibigay ng proteksiyon sa mga
kababaihan.
Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang
alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay,
alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo
na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan
ay karapatang pantao.
Ano-ano ang responsibilidad ng pamahalaan upang maproteksiyunan ang
mga kababaihan at mga anak nito sa ilalim ng batas na ito?
Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga
karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng
mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin
ng batas. Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga
batas, patakaran at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan
ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga
hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas,
patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa
kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga
stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre,
tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang
mga babae at lalaki.
Sino ang saklaw ng Magna Carta?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o
hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng
Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng bukod na pansin ang kalagayan ng
mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang
larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult
Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o
nasa hindi panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong
kakayahang matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod,
magsasaka at manggagawang- bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang
Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay
ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga
biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng
nakakulong.
Matapos mong mabasa ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga
kababaihan, ngayon naman ay iyong unawain ang ukol sa batas na
magbibigay ng benepisyo sa mga kalalakihan sa kanilang mga trabaho.
Ang Paternity Leave
Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na
ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay
Modyul 4: Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay
MELC: Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay- pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan

PAGTATALAKAY parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual


Sa bahaging ito ng aralin ay iyong matutunghayan ang nilalaman ng activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal
Prinsipyo ng Yogyakarta. Ito ay isinalin sa wikang Filipino ni G. Bonifacio P. o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ilagan (GALANG Philippines, Mayo 2011). Suriin mong mabuti ang bawat
5. Ang karapatan sa seguridad ng pagkatao
prinsipyong ilalahad sa bahaging ito upang higit mong maunawaan kung paano
Ang lahat ay may karapatan sa seguridad ng pagkatao at sa proteksyon
maisusulong ang isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kasarian
ng estado laban sa karahasan o pisikal na pananakit, gawa man ng mga
tungo sa pagkakapantay-pantay.
opisyal-gobyerno o sinumang tao o grupo.
Unawain ding mabuti ang teksto ng Gender and Development sa Pilipinas
upang iyong mapagtatanto kung paano makatutulong ang isang aktibo at 6. Ang karapatan sa pribadong buhay
responsableng mamamayan sa pagtataguyod ng isang lipunang may Ang lahat ay may karapatan sa pribadong pamumuhay nang walang
pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay. arbitraryo o labag sa batas na pakikialam ng iba. Kabilang sa karapatang ito
ang nauukol sa pagpapamilya, tahanan, o pakikipagkomunikasyon sa iba, at sa
Introduksiyon sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
proteksyon sa paninira ng dangal at reputasyon. Karaniwang nakapaloob sa
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga
karapatan sa pribadong pamumuhay ang kalayaang maglihim o magbigay ng
karapatan. Lahat ng karapatang pantao ay unibersal, magkakasanib, hindi
impormasyon tungkol sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
napaghihiwa-hiwalay, at magkakaugnay. Ang oryentasyong seksuwal at
pangkasarian, ang tungkol sa mga pagpapasya at pagdedesisyong may
pagkakakilanlang pangkasarian ay nakasanib sa dignidad at pagkatao ng
kinalaman sa sariling katawan at sa konsenswal na pakikipagrelasyong
bawat isa, at hindi dapat maging dahilan ng diskriminasyon at abuso.
seksuwal at iba pa.
Isang namumukod na pangkat ng mga eksperto sa mga karapatang
pantao ang nagbalangkas, nagpaunlad, nagtalakayan, at nagpino ng mga 7. Ang karapatan na hindi arbitraryong mapiit
prinsipyo. Matapos magpulong sa Gadjah Mada University sa Yogyakarta, Walang sinuman ang aarestuhin o ikukulong nang arbitraryo o basta-basta
Indonesia noong Nobyembre 6-9, 2006, may 29 na natatanging eksperto mula na lamang. Ang pag-aresto at pagkukulong dahil sa oryentasyong seksuwal o
sa 25 bansa, na may iba’t ibang pinagmulan at kasanayan sa mga isyu ng pagkakakilanlang pangkasarian, kahit na iniutos ng korte, ay arbitraryo. Dahil
batas sa mga karapatang pantao, ang nagbuklod sa Mga Prinsipyo ng sa pagkakapantay-pantay, lahat ng tao na inaaresto, anuman ang
Yogyakarta ukol sa Aplikasyon ng Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, ay may karapatan
Pantao kaugnay ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. na pagpaliwanagan kung bakit sila inaaresto, at kung ano ang habla laban sa
Nagkakaisa ang mga eksperto na ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay kanila; at kagyat na iharap sa isang opisyal ng hukuman at bistahan upang
sumasalamin sa namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga malaman ang katumpakan ng detensyon, naihabla man sila o hindi.
karapatang pantao kaugnay ng mga isyu ng oryentasyong seksuwal at 8. Ang karapatan sa patas na paglilitis
pagkakakilanlang pangkasarian. Kinikilala din nila na ang mga Estado ay Ang lahat ay may karapatan sa isang patas at pampublikong paglilitis ng
maaaring magkaroon ng mga karagdagang obligasyon sa paghuhubog ng isang mapapagkatiwalaan, independyente, at walang kinikilingang hukumang
batas sa mga karapatang pantao. Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay itinatag ayon sa batas; at kung nahahabla at naakusahan ng krimen, sa
nagpapatibay sa umiiral nang mga legal na pamantayang pandaigdig na paglilinaw ng kanilang mga karapatan at obligasyon nang walang maling pag-
nararapat sundin ng mga estado. Nagbibigay ang mga ito ng pag-asa para sa iisip o diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
isang bagong hinaharap, na kung saan mangyayaring ang mga taong pagkakakilanlang pangkasarian.
isinisilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan, ay
nabubuhay ayon sa ganoong namumukod na karapatan. 9. Ang karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit
Pinatutungkulan ng Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ang masaklaw na mga Ang lahat ng pinagkaitan ng kalayaan ay tatratuhin nang makatao at may
pamantayan ng mga karapatang pantao, at ang kanilang aplikasyon sa mga paggalang sa angking dignidad ng isang tao. Ang oryentasyong seksuwal at
isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Pinagtitibay pagkakakilanlang pangkasarian ay hindi maihihiwalay sa dignidad ng bawat
ng Mga Prinsipyo ang pangunahing obligasyon ng mga Estado sa tao.
pagpapatupad ng mga karapatang pantao. 10. Ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o mapanghiyang
pagtrato o pagpaparusa
Mga Prinsipyo ng Yogyakarta Ang lahat ay may karapatang hindi ma-torture at hindi ipailalim sa malupit,
1. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa sa anumang dahilan.
Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga 11. Ang karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng
karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagsasamantala, pagbebenta, at trafficking ng tao
pagkakakilanlang pangkasarian, ay nararapat na ganap na magtamasa ng Ang lahat ay may karapatang maging ligtas sa trafficking, pagbebenta, at
lahat ng karapatang pantao. iba pang anyo ng pagsasamantala, gaya, halimbawa, ng pagsasamantalang
2. Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa seksuwal nang dahil sa aktwal o inaakalang oryentasyong seksuwal o
diskriminasyon. pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga hakbang kontra sa trafficking ay
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao dapat na nagsasaalang-alang sa mga salik na naglalagay sa mga tao sa
nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o panganib, kabilang ang iba’t ibang anyo ng di-pagkakapantay-pantay at
pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay diskriminasyon; o ang pagpapakita ng mga ito o ng iba pang pagkakakilanlan.
sa batas at sa proteksyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit Ang mga nasabing hakbang ay hindi magiging taliwas sa mga karapatang
may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang pantao ng mga nanganganib na maging biktima ng trafficking.
ganoong diskriminasyon at titiyakin, para sa lahat, ang pantay at mabisang 12. Ang karapatan sa trabaho
proteksyon sa anumang diskriminasyon. Ang diskriminasyong nag- uugat sa Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian ay maaari, o makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon
karaniwang pinalalala, ng diskriminasyong may kaugnayan sa iba pang usapin, laban sa disempleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal
gaya ng kasarian, lahi, edad, relihiyon, kapansanan, sakit, at kalagayang pang- o pagkakakilanlang pangkasarian.
ekonomya.
13. Ang karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan
3. Ang karapatan sa pagkilala sa batas
Ang lahat ay may karapatan sa social security at iba pang proteksyong
Sa batas, ang lahat ay may karapatang kilalanin bilang tao saan man. Ang
panlipunan nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o
mga taong may iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pagkakakilanlang pangkasarian.
pangkasarian ay dapat na nagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng
aspekto ng buhay. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang 14. Ang karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay
pangkasarian na pinili ng bawat isa ay di-maihihiwalay na bahagi ng kanyang Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng
katauhan at kabilang sa pinakabatayang aspekto ng pagpapasya sa sarili, pamumuhay, kabilang ang sapat na pagkain, ligtas na inuming tubig, angkop
dignidad, at kalayaan. na sanitasyon at pananamit, at sa patuloy na pagpapaunlad ng kalagayan sa
buhay.
4. Ang karapatan sa buhay
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta
na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may 15. Ang karapatan sa sapat na pabahay
kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang
Ang lahat ay may karapatan sa sapat na pabahay, kabilang ang 26. Ang karapatang lumahok sa buhay-pangkultura
proteksyon sa pagpapalayas nang walang diskriminasyong nag-uugat sa Ang lahat, anuman ang kasarian ay may karapatang lumahok nang
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. malaya sa buhay-pangkultura at upang ipahayag, sa pamamagitan ng pagsali
sa mga usaping pangkultura, ang pagkakaiba-iba ng oryentasyong seksuwal at
16. Ang karapatan sa edukasyon
pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, nang walang diskriminasyong
nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang 27. Ang karapatang magtaguyod ng mga karapatang pantao
pangkasarian. Ang mga Estado ay dapat tumiyak na ang edukasyon ay Ang lahat ay may karapatan, bilang indibiduwal, o sa pakikipagtulungan sa
nakatuon sa pag-unlad ng personalidad, talino ng bawat estudyante, at ng iba, na magtanggol at magpatupad ng mga karapatang pantao sa pambansa at
kanilang abilidad na mental at pisikal sa kasukdulan ng kanilang potensyal; at pandaigdigang saklaw nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong
tumutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante, anuman ang kanilang seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang dito ang mga aktibidad
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian; na nakatuon sa pagtataguyod at proteksyon ng karapatan ng mga taong may
iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian; gayundin
17. Ang karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
ang karapatan upang paunlarin, talakayin, at matanggap ng iba ang mga
Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng
bagong kalakaran sa mga karapatang pantao.
kalusugang pisikal at mental nang walang diskriminasyong bunga ng
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Batayang aspekto 28. Ang karapatan sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian
ng karapatang ito ang kalusugang seksuwal at reproduktibo. Bawat biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, ay may karapatan
sa mabisa, sapat, at karampatang mga remedyo. Ang mga hakbang na
18. Proteksyon laban sa mga abusong medikal
naglalayong magbigay ng reparasyon, o nauukol sa ikabubuti ng mga
Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim sa anumang medikal o
biktimang may iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
sikolohikal na panggagamot, proseso, at pagsusuri, o kaya’y bimbinin sa isang
pangkasarian, ay hindi maihihiwalay sa karapatan para sa mabibisang lunas at
pasilidad na medikal nang dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pagtutuwid ng kamalian. Tumiyak na bukas sa lahat ng tao ang lahat ng
pangkasarian. Sa kabila ng anumang taliwas na klasipikasyon, ang
kinakailangang impormasyon tungkol sa mga proseso ng remedyo at
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao ay
pagtutuwid ng kamalian.
hindi maituturing na sakit sa paano man tingnan; at kung gayon ay hindi
nararapat na gamutin, pagalingin, o pigilin. 29. Pananagutan
Karapatan ng lahat na biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao,
19. Ang karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag
kabilang ang mga nakapaloob sa Mga Prinsipyong ito, na papanagutin ang
Ang lahat ay may karapatan sa malayang opinyon at pamamahayag,
mga maysala, sila man ay tuwiran o di-tuwirang responsable, opisyal man ng
anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
gobyerno o hindi. Ang pananagutan nila ay magiging simbigat ng kanilang
pangkasarian. Kabilang dito ang paghahayag ng anyo o pagkatao sa
paglabag. Walang palusot o kaligtasan para sa mga lumalabag sa mga
pamamagitan ng pananalita, pagdadala ng sarili, pananamit, katangian ng
karapatang pantaong kaugnay ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
katawan, pagpili ng pangalan, o iba pa; gayundin ang kalayaang maghanap,
pangkasarian.
tumanggap at mamahagi ng impormasyon at iba’t ibang ideya, kabilang ang
nauukol sa mga karapatang pantao, oryentasyong seksuwal, at Gender and Development
pagkakakilanlang pangkasarian, sa anumang paraan, at saan man. Ayon sa Komisyon ng Kababaihan sa Pilipinas ang Gender and
Development (GAD) ay isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong
20. Ang karapatan sa malayang asembleya at pagsapi sa mga samahan
pakikilahok at nagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, napapanatili, malaya
Ang lahat ay may karapatan sa malayang pagtitipon at pagsapi sa mga
sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao, sumusuporta sa
samahan, kabilang ang nauukol sa mapayapang demonstrasyon.
pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng mga kakayahan ng tao. Ang
21. Ang karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at relihiyon Gender and Development ay binuo noong 1980 bilang alternatibo sa Women in
Ang lahat ay may karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at Development (WID). Hindi tulad ng WID, ang GAD ay hindi partikular na para
relihiyon. Hindi maaaring gamitin ng Estado ang mga karapatang ito upang sa lamang sa mga kababaihan. Ito ay nakatuon din sa paraan kung paano ang
pangibabawin ang mga batas, patakaran, o gawi na pumapawi sa pantay na isang lipunan ay nagtalaga ng mga tungkulin at responsibilidad na inaasahan
proteksyon ng batas, o kaya’y nagdudulot ng diskriminasyong sanhi ng sa kalalakihan at kababaihan. Isinasagawa ng GAD ang pagsusuri sa kasarian
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. upang malaman kung saan nagkakaroon ng pagtutulungan ang mga
kalalakihan at kababaihan, na naglalahad ng mga resulta sa kabuhayan at
22. Ang karapatan sa malayang pagkilos kakayanan ng bawat isa ng may pagkakapantay-pantay.
Ang lahat ng naninirahan nang legal sa loob ng isang Estado ay may Ang pangunahing pokus ng GAD ay ang dalawang mahalagang balangkas
karapatang pumunta kung saan nila gusto, at manirahan saan man sa nito, ang Gender Roles at Social Relations Analysis. Ang Gender Roles ay
nasasakupan ng nasabing Estado. Hindi maaaring ang oryentasyong seksuwal nakatuon sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa lipunan at ang pagiging patas
at pagkakakilanlang pangkasarian ay gamitin upang limitahan o pigilin ang ng lalaki at babae sa pagkukunan ng pangkabuhayan. Ang Social Relations
paglalakbay nila saan man, kabilang ang sa sarili nilang Estado. Analysis naman ay nakatuon sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng
23. Ang karapatang humanap ng asilo kalalakihan at kababaihan sa lipunan.
Ang lahat ay may karapatang humanap at magtamasa ng asilo o Ninanais ng GAD na ang mga kababaihan ay may kaparehong
santwaryo sa ibang bansa upang makaligtas sa pang-uusig. Hindi maaaring pagkakataon tulad ng kalalakihan, kabilang na rito ang kakayahang lumahok
alisin, palayasin, o ipatapon ng isang Estado ang isang tao sa kung saan siya sa pampublikong sektor. Ang mga patakaran ng GAD ay naglalayong
ay maaaring pahirapan, usigin, o dumanas ng pagmamalupit, makahayop o repormahan ang tradisyunal na pananaw na ginagampanan ng bawat kasarian.
mapanghiyang trato, o pagpaparusa bunga ng oryentasyong seksuwal o Gender and Development sa Pilipinas
pagkakakilanlang pangkasarian niya. Ang Plano ng Pilipinas para sa Gender and Development, para sa mga
24. Ang karapatang magbuo ng pamilya taong 1995-2025, ay isang pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng
Ang lahat ay may karapatang magbuo ng pamilya, anuman ang kanilang pagkakapantay-pantay at kaunlaran para sa kalalakihan at kababaihan.
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga pamilya ay Inaprubahan at pinagtibay ito ng dating Pangulong Fidel V. Ramos bilang
may iba-ibang anyo. Walang pamilya ang dapat na dumanas ng Executive Order No. 273, noong Setyembre 8, 1995. Ito ang kahalili ng
diskriminasyon dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang Philippine Development Plan para Kababaihan, 1989-1992, na pinagtibay ng
pangkasarian ng sinuman sa mga myembro nito. Executive Order No. 348 ng Pebrero 17, 1989.
Ang gobyerno ay naglalaan ng 5 porsiyento ng badyet para sa iba’t ibang
25. Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko ahensiya nito. Ito ay upang higit na mapagbuti ang mga polisiya at patakaran
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, ukol sa pagpapaunlad ng kasarian. Gayundin, ang bawat ahensiya ng
kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang gobyerno ay naglalayon na makapagsagawa ng mga pagsasanay para sa
may kinalaman sa kaniyang kapakanan at upang mabigyan ng pantay na pagpapaunlad ng kasarian at matugunan ang isyu ukol rito.
serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensya, kabilang ang Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Ngayon ay makatutulong sa iyo ang
pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang diskriminasyong sanhi ng mga sumusunod na gawain upang masukat mo ang iyong pag-unawa sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. natapos na babasahin.

You might also like