You are on page 1of 2

PANGAKO SAYO

PANUNUMPA NG PAGPAPAHALAGA
Ako si Sam Ashley M. Dela Cruz, kasalukuyang mag-aaral sa Tuguegarao
City Science High School, edad 15 at nakatira sa Sta. Teresa, Iguig, Cagayan,
isang kabataan at mamamayang Pilipino, ay nangangakong isasagawa ang mga
sumusunod:
 Hindi paggawa ng mga gawaing makakapagdulot ng negatibong epekto sa
kapwa-tao katulad ng karahasan.
 Gagawin ang lahat na posibleng paraan upang maibahagi sa lahat ang mga
impormasyon na kailangang malaman ng mga tao ukol sa diskriminasyon
at karahasan na nangyayari sa lipunan.
 Tatratuhin ko ng maganda at pantay ang aking kapwa sa lipunan.
 Tutulungan ko ang aking kapwa sa lahat ng oras.
 Rerespetuhin ko hindi lamang ang aking sarili, kundi pati na rin ang aking
kapwa sa kanilang mga desisyon sa buhay, lalong lalo na sa mga miyembro
ng LGBT.
bilang tanda ng aking lubos na pagpapahalaga at pagtalima sa mga hakbang na
isinasagawa ng pamahalaang Pilipinas upang masolusyunan ang mga karahasan at
diskriminasyon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan.
Nawa ay gabayan ako ng Poong Msykapal.
IPAGLABAN MO
1. Mayroong Karapatan si Tatay Mando para ireklamo ang kanyang asawa. Ang
ginawa ng kanyang asawa ay isang halimbawa ng karahasan o domestic
violence sapagkat hindi makaturungan ang kanyang ginawa at sinasaktan niya
physically at verbally si Tatay Mando na may edad na.
2. Si Vice Ganda ay isang manipestasyon ng unti-unting pagkilala at pagtindig ng
LGBTQ community sa iba’t ibang larangan sa lipunan. Dahil sa kanya,
maraming sumulpot at rumami ang mga naglakas-loob upang pumasok sa
larangang katulad nito. Mas nakilala ang mga taong katulad niya na mayroon
rin silang talentong kagaya ng mga normal na tao rin. Dahil rito, nabawasan
ang diskriminasyon na kanilang natatanggap.
3. Mayroong karapatan si Erika na ipaglaban ang kanyang karapatan sa asawa na
tuparin ang kanyang sinumpaang tungkulin at magtrabaho sa kanyang
propesyon sapagkat siya ay malaya upang gawin ang kanyang nais. Kahit siya’y
mayroon ng asawa, walang sinuman ang dapat magdikta sa kung anong
gagawin niya. Bilang isang nars, tungkulin niyang alagaan at matiyak ang
kaligtasan ng mga pasyenteng mayroong COVID-19.

You might also like