You are on page 1of 3

Gawain 4: Pagsusuri sa Tauhan

Panuto: Ano-ano ang mga kinaharap na suliranin nina Gilgamesh at Enkido?


Bigyan ito ng interpretasyon. Isulat sa kahon ang mga sagot .

GILGAMESH ENKIDO
Ang mga kinaharap na suliranin ni Ang mga kinaharap na suliranin ni
Gilgamesh ay ang paglaban sa Enkido ay ang paglaban sa
demonyong nagbabantay sa demonyong nagbabantay sa
kagubatan ng Cedar na si Humbaba kagubatan ng Cedar na si Humbaba
at ang pagkawala ng kanyang kasama ang kanyang matalik na
matalik na kaibigan na si Enkido. kaibigan na si Gilgamesh, ang
kanyang karamdaman, ang di
maipaliwanag na panaginip at ang
mga labi niyang araw bago siya’y
mamatay.
Ang Dakilang Bayani sa Aking Buhay

Ang unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang salitang
“bayani” ay mga yaong mga dakilang bayani ng ating bansang Pilipinas gaya
nila Jose Rizal, Andres Bonifacio at Apolinario Mabini. Kung kaya, masasabi
natin na ang mga bayani ay ang mga taong gumawa ng isang dakilang gawain.
Layunin nila na makatulong sa iba upang maging maayos ang buhay ng
kanilang mga kababayan. Sila ang mga taong naaalala dahil sa laki ng
kontribusyon nila upang mabago ang kalagayan ng isang bansa. Bukod pa
rito, nagsisilbi silang inspirasyon sa mga tao ng kasalukuyan upang gayahin
ang mga katangiang ipinakita nila. Dahil rito, ako ay napa-isip. Sino nga ba
ang aking bayani sa aking buhay? Karapat-dapat nga bang maging isang
bayani ang aking naiisip?

Ang pagmamahal ng isang magulang ay walang hangganan at walang


kapalit. Dito ipinapakita na ang tunay na pagmamahal ay lubusan nating
mahahanap sa ating minamahal sa buhay kung saan ang ating pamilya. Kung
gayon, nararapat lamang na bigyang halaga ang ating magulang upang tayo
ay matutong magmahal din sa ating kapwa.

Pagkalipas man ng labing limang taon, sila’y aking nasa tabi pa rin.
Kahit ako’y nasa sinapupunan pa lamang ay nandito na silang gumagabay at
kumakalinga sa akin. Dahil dito, ako ay lumaking may takot at pananalig sa
Diyos, matapat at may respeto sa kapwa. Tulad ng mga iniidolo nating mga
bayani ng ating bayan, sila ay aking ilalarawan bilang isang huwaran at dakila.
Kaya naman, ang kanilang mga dugo at pawis na kanilang isinakripisyo para
sa akin ay maituturing kong isang magandang kayamanan. Ang kanilang mga
payong ibinahagi sa akin na akin namang tinanggap ay aking isasabuhay
upang mapabuti ang aking buhay at sa dakong huli dadalhin ko sa aking
pagtanda ang mga pinabaunang mga payo at mga kasabihan hanggang sa ako
ay magkaroon din ng pamilya.
Sa kabuuan, masasabi kong silang isang tunay na bayani. Hinding hindi
ka nila iiwan, sa hirap man o ginhawa, sa bandang huli.

You might also like