You are on page 1of 4

FILIPINO 10

PAGBIBIGAY INTERPRETASYON SA SULIRANIN NG MGA TAUHAN SA


PANITIKAN

Kasanayang Pampagkatuto: Naibibigay ang sariling interpretasyon sa


mga kinakaharap na suliranin ng tauhan. (F10PB-le-f-65)

Panuto: Tukuyin ang mga suliranin ng tauhan sa epiko at bigyan ng


sariling interpretasyon ang mga ito. (isang puntos para sa suliranin, isang
puntos para sa interpretasyon at kabuuan 10 puntos)

Suliranin ng Tauhan Interpretasyon


Hal. Pang-aabuso ng Minamaliit ang kakayahan
kapangyarihan ng mga nasasakupan.
Naparusahan ng mga Diyos Nagpamalas ito ng hindi
si Enkido kagandahang pag uugali, sa
siyang impluwensiya ng
kaibigang si Gilgamesh
Isang nilalang ang nilikha ng Isang malupit at walang
mga Diyos upang maging wang.pinuno si Gilgamesh
katapat ni Gilgamesh. Siya si kung kaya’t sinagot ng mga
Enkido. diyos ang panalangin ng
kanyang mga nasasakupan,
ukol nga sa kanyang mga
kamalian sa pamumuno.
Naghimutok si Enkido kay Dahil sa kasamaang kanilang
Gilgamesh ukol sa sinapit ginawa, pinarusahan ng mga
niyang pagkakaratay sa diyos ang magkaibigan at
karamdaman itinakda ang isa sa kanila
upang mamatay. Sa kanilang
pag uusap, mababakas ang
tila pagsisisi ni Enkido sa
namuong pagkakaibigan nila
ni Gilgamesh, sukat bagang
sabihin niya rito na
“Mamamatay siyang
nahihiya”
Ipinagluksa ni Gilgamesh ang Namatay ang kaibigan ni
kamatayan ng kaibigan na si Gilgamesh na si Enkido dahil
Enkido nang pitong araw at sa tadhanang iginuhit ng
pitong gabi. Inalala niya rin mga diyos bilang parusa sa
ito sa pamamagitan ng kanilang pagkakamali, na
pagtatayo ng rebulto para siya namang ipinagluksa ng
dito una.

Ipinadala ng diyosang si Kahit na may pagnanasa ang


Ishtar and toro ng Kalangitan diyosang si Ishtar kay
upang wasakin ang buong Gilgamesh, ipinagtabuyan
kalupaan na kanilang niya ito at kasma ni Eknido,
pinatag tinangka nilang siraan ang
diyosa, kung kaya nangalit
ito sa magkaibigan.

(Muling pakinggan ang Epiko ni Gilgamesh, pindutin lamang ang link na


ito: https://www.youtube.com/watch?v=BWvpKQnfw5k )

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. (F10WG-le-f-60)

Panuto: Basahin muna ang tungkol sa GRAMATIKA sa loob ng kahon at


sagutin ang mga sumusunod na gawain.
A. Panuto: Gamitin ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari na sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa loob ng
kahon ayon sa bilang.

Ang bawat bansa ay may 1.________ epiko. Mababasa sa


kasaysayan na ang 2. ______ epiko na naisulat ay ang Epiko ni
Gilgamesh.
Sa Europa, 3.______ ang kasaysayan ng epiko kay Homer ng
Greece, 4. _____ 800. B.C.
5. ________ ang The Iliad at Odyssey, ang mga kilalang
manunulat ng epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius, Ovid,
Lucan at Statius.

1. pangkalahatang

2. unang

3. nagsimula

4. noong

5. pagkatapos

B. Panuto: Ibahagi ang iyong saloobin sa isang sitwasyon. Gumamit ng


angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
sa iyong talata na may pitong pangungusap. Salungguhitan o
itiman ang sinasabing hudyat. (10 puntos)

Ikaw ang paboritong apo ng iyong lolo na matanda na. Alam mong
siya ay nagtataglay ng isang agimat kung kaya’t mahaba ang
kanyang buhay. Sinasabi niya na gusto niyang ikaw ang magmana
ng agimat upang patuloy ang bisa nito. Subalit, labag ito sa iyong
kagustuhan. Ano ang gagawin mo? Paano mo ito ipapaliwanag sa
iyong lolo?

Isulat ang iyong talata sa loob ng kahon.


Una sa lahat, ako’y magpapasalamat sa aking lolo
sapagkat alam kong isang napakalaking karangalan ang
iniatang sa akin na mabiyayaan ng ganitong bagay, na
alam kong lubhang mahalaga. Siguro ay nakita sa akin
ng lolo ko na ako’y isang responsableng tao na gagamitin
ang biyayang ito sa kabutihan, o ano pa man, ngunit
sasabihin ko na hindi ko ito tatanggapin. Unang una,
ipapaliwanag ko sa kanya na bagaman nakakamangha
ang mga ganitong bagay at kakayahan, hindi naman ako
naniniwala rito. Sa aking pagkakaalam kasi, ang Diyos
lamang ang may kakayahang magdesisyon sa kung
gaano ang itatagal ng aking buhay. Maaaring may ibang
paliwanag ang pagkakaroon ng mahabang buhay ng lolo
ko, na kayang kaya namang ipaliwanag ng siyensiya.
Ikalawa, wala pa naman pong napatutunayan na bisa
ang mga ganitong kababalaghan, kung kaya’t
napakahirap umasa at maniwala. Ngunit, sabi nga ng
ilan, wala namang mawawala kung ika’y maniniwala
Pagkatapos noon, kung ipipilit niya, tatanggapin ko ang
agimat na ito, para nang sa gayon ay mapanatag na rin
ang kanyang loob. Pero kung hindi niya ito ipipilit,
bagaman ako’y natutuwa sa nakikita niyang abilidad ko
sa pag iingat ng mga ganitong bagay, tatanggihan ko po
ito nang tunay, at tatanungin ko na rin kung bakit ako
ang kanyang napili, samantalang nariyan naman ang iba
kong mga pinsan at kamag anak namin na mas
nangangailangan nito. Bagaman nakamamangha, may
mga bagay na sa una palang ay hindi na kapani
paniwala, ngunit nasa sa atin na ito kung sa
pangkalahatang buhay natin ay dito natin ibabatay ang
pang araw araw na ating gawain. Kaya nga tayo binigyan
ng Diyos ng kakayahang mag isip para ating masuri kung
ano ba ang totoo, at ano ba ang kathang isip.

You might also like